12 Bad Boys 2: Unremembered

By JoeCat28

42K 2K 1.1K

[COMPLETED] ❝Alaalang nawala.. maibabalik pa kaya?❞ ✔BOOK 1: 12 Bad Boys (COMPLETED) ✔BOOK 2: Unremembered (... More

Trailer & Cast
1 - New Beginning
2 - Missing You
3 - Friend
4 - Paris, France
5 - Rumored Transferees
6 - Lorence & Ellie
7 - They're Back
8 - Xander meets Ellie
9 - 2 Years Ago
10 - I'm-Sandy
11 - Ellie's First Day
12 - Kris's Feelings
13 - Relationship Status
14 - It's Yours
16 - Lies
17 - Xander, Ellie & Kris
[Special Chapter]
18 - Picture
19 - Hoping
20 - Waiting For You
21 - Unstoppable
22 - A Familiar Place
23 - With You Again
24 - The only one in my Heart
25 - Suspicions
26 - I give up
27 - Stephanie Garcia
28 - Admitting Defeat
29 - Begin Again
30 - When he's Jealous
31 - Sasha & Tiffany
32 - Making Memories of Us
[Special Chapter 2]
33 - Next to you
34 - Shocking News
35 - Sun Ferrand
36 - The Unexpected
37 - Crying Silently
38 - She likes me..
39 - What should I do?
40 - Chennoying
41 - Bridal Shower
42 - Wedding Day
43 - Rachelle
44 - An Honest Confession
45 - Take me with you
46 - Mrs. Kim
47 - Mrs. Kim meets Xander
48 - Scars left behind
49 - Invitation
50 - 18th Birthday
51 - 18th Bday Pt. 2
52 - Xander & Lorence
53 - 18th Bday pt. 3
54 - She's back!
55 - Moment of Truth
56 - Lose Control
57 - Charlie's Pov
58 - Mutual Feelings
59 - Another School Year
60 - First Baby
61 - Unchanging Dream
62 - Losing Focus
63 - Stephanie & Ellie
64 - A Shattered Mind
65 - The Lost star
66 - The Forgotten Memories
67 - Confused Heart
68 - Tough Choices
69 - I'm letting you go
70 - Remembering Us
71 - Say My Name
72 - The Best Present
73 - On a Calm Day
The Start of Forever
Epilogue
BOOK THREE

15 - Stephanie's Plan

738 43 39
By JoeCat28

#12BadboysTwo15

Dedicated To: Meishah22 


Chapter 15 - Stephanie's Plan







  ✾ 12 Bad Boys 2 ✾










Third Person's Pov



Muling nagkita ulit sa labas ng burbury house sina Xander at Ellie pagkakinabukasan.


Kagabi ay nakatanggap ng text si Ellie mula sa kaibigang si Xander, na magsasabay silang dal'wa ngayon pupunta sa school. Nag-sorry ang binata kung nitong nagdaang mga araw ay hindi siya nito nakakasabay pumunta sa school kasi may mga bagay lang syang ikinabusy, sinabi naman ni Ellie na wala naman daw iyon sa kanya at naiintindihan niya ang binata.


Sinalubong siya ni Ellie na may ngiti sa labi.


" Bonjour (Good Moring/Hello) Ellie. "


Bati ni Xander na gumamit pa ng ibang lenggwahe at ikinatuwa naman iyon ng dalaga.


" Bonjour Xander, nakakatuwa lang pakinggan na magsalita ka ng French. First time kong marinig na magsalita ka ng lenggwaheng 'yon. " Bakas sa hitsura ni Ellie ang pagkakatuwa sa kaibigan niya, napansin iyon ni Xander kaya ningitian na lang niya it bilang tugon sa sinabi o naging komento ng kaibigan nyang babae.


Ang totoo nyan ay gabi gabi nagaaral ng French na lenggwahe si Xander bago matulog o kapag hindi naman siya gaanong busy o kapag walang ginagawa.


Bumili pa nga siya ng maliit na French-Tagalog dictionary.


Pagkatapos minsan naman ay kapag may mga tanong siya sa isipan, nagse-search siya sa google o nagtatanong kay Lorence.


" Hahaha. Dahil sa sinabi mong 'natutuwa ka' baka mapapadalas yang pagsasalita ko ng ibang language. And maybe lalo kong pagaaralan yang lenggwahe na yan. "


Natawa silang pareho at hindi pa umaalis sa kanilang kinatatayuan.


" Natutuwa din ako na muli tayong magsasabay sa pagpunta sa school. " Ayon kay Xander at tumingin sa kanya si Ellie, pagkatapos non ay ngumiti ang dal'wa sa isa't isa. Oo nga naman at nakakamiss— " Namiss mo ba ako? Kasi namiss kong makasabay ka sa pagpunta sa school. Hahaha. "


Tila parang lumulundag sa kaba ang puso ni Ellie bigla noong tanungin siya nito at sa huli pa nitong sinabi sa kanya.


Napansin iyon ni Xander—mukhang naging tahimik ang kaibigan niya. " Medyo naging busy kasi ako nitong nagdaang mga araw. " Dagdag niya at napakamot sa ulo, nararamdaman kasi nyang parang nagiging awkward na.


Tumingin ulit si Ellie sa kanya at sinabing, " Yes, namiss kong makasabay ka Xander. "


Mabilis namang napalingon si Xander sa dalaga at mukhang hindi pa siya makapaniwala sa naging sagot nito sa naging tanong niya kanina, at isa pa doon ay hindi niya ine-expect ang magiging sagot nito. Ngunit kahit papaano ay nakaramdam siya ng sigla at saya. " Pero naiintindihan ko naman na busy ka, nasanay din kasi akong laging ikaw ang kasama sa pagpunta sa school.. ang totoo nyan nasasanay na din akong pumunta kahit mag-isa lang, ganito pala ang life ng mga students noh? Dati kasi nung nasa France pa ako, minsan sa bahay na ako nagaaral o minsan lang ako mag attend ng class, pero may mga special class naman ako. "


" Parati kasi akong busy sa trabaho, ang pagiging modelo. Kaya masaya ako na nararanasan ko ngayon ang pagiging isang tunay na studyante. "


Labis labis ang ngiti sa labi ni Ellie.


" And I'm happy that—you're back. " Bulong ni Xander at napansin nyang muling napatingin si Ellie sa kanya, marahil ay narinig siguro nito ang bulong niya. " I'm happy for you, Ellie. Basta kapag kailangan mo ng kaibigan, I am always here for you, isang tawag mo lang sa pangalan ko, darating agad ako.. I promised you. "


Ramdam ni Ellie na totoo ang sinabi ng binatang ito sa kanya, napapansin niya kapag sa tuwing nakakausap at may mga sasabihin si Xander, pakiramdam niya ay totoo lahat ng mga sinasabi nito.


Kaya hindi niya namalayang dahan dahan namang gumalaw ang isa nyang kamay papunta sa kanyang suot na kwintas—habang ito'y nakatago sa ilalim ng kanyang suot na damit. Hindi pa niya masyadong kilala ang binata, pero bakit ganito ang kanyang nararamdaman? Parang buong buo ang kanyang tiwala sa taong ito, pakiramdam niya ay hindi siya magagawang lokohin, magsinungaling ito sa kanya at ang saktan siya. Malaki ang tiwala niya kay Xander Ashford, kaya minsan pumapasok sa kanyang isipian..


Dati na ba niya itong nakilala?


Bakit ganito na lang ang pakiramdam niya? Siguro'y napansin nyang mabait na tao lang talaga ito at masayang kasama.. ngunit iyon lang nga ba ang dahilan? O mayron pang iba?


" Allons-y~! (Let's go) oh, tama na ba ang pagkakasabi ko? " Hindi siguradong tanong ni Xander kay Ellie, kaya napansin nyang bahagya ito syang pinagtawanan. " Hmm, um.. tama na yung sinabi mo but may konting mali sa lang sa pronunciation mo.. pero kung okay lang sa'yong turuan kita pa-paano sabihin yon, wala tayong magiging problema. " Napangiti ulit ang dalaga sa naging komento niya.


Tumayo nang matuwid ang binata sa kanyang harapan at nag-salute pa ito na parang isang sundalo. " Kinagagalak kong turuan ninyo ako—ma'am! "


Kaya muling natawa si Ellie sa ipinakita nito sa kanya.


" Tara na nga at baka ma-late na tayo nyan. I promise you, Xander—after ng class o kapag hindi tayo busy, tuturuan kita. "


Nagsimula na silang maglakad palabas ng burbury house. Tuwang tuwa naman si Xander sa sinabi nito sa kanya.


" So magiging akin ka pala the whole day? " Tanong ni Xander.


" Hmm, siguro? " Sinakyan naman ni Ellie ang sinabi ni Xander sa kanya, pero tila parang napapansin niya ang pagkakaseryoso sa hitsura nito o baka nagiisip lang siya ng kung ano ano.


Narinig nyang tumawa ang binata.


" Hahaha. I'm glad, wait—tara dalian na natin, malapit na palang magsimula ang class. "


Kaagad na hinila ni Xander ang isang kamay ni Ellie at saka sila tumakbo palayo sa lugar na iyon.



Mapapansing nagtatawanan pa ang dal'wa habang tumatakbo.















Stephanie's Pov



Kanina pa kami nandito sa loob ng Journalism Class, and medyo pagod na ako kakasulat and nabibingi na rin ako kakakinig sa lecturer namin.


Pagkatapos ng isang oras natapos na ang class, mamaya pa ulit ang susunod na class kaya naisipan ko munang mag-stay na muna siguro sa library, hindi naman kasi ako nagugutom kasi nag heavy brunch na ako kanina sa bahay. Dinala ko na rin ang bag ko at nagtungo sa university library, actually magiging busy lang ako sa phone kapag dumating na ako don, what? Ako magaaral? No way. Masyado na akong matalino para magaral.


Dumating ako sa library and naghanap kaagad nang mauupuan ko—nung marinig ko naman ang pamilyar na boses na iyon, boses ni Xander.


" Si Xander ba yon? "


Hinanap ko kung saan galing ang boses na 'yon, masyado kasing tahimik dito sa loob kaya kahit mahina lang ang boses ni Xander, maririnig pa rin siya.



" Ano ulit yon? Teka, nagiging ngongo ako sa pronunciation.. seriously. "



Tatlong table pa bago kong makita si Xander, parang may pinagaaralan yata siya at nung maglalakad na ako para lapitan siya, napansin ko ang babaeng nakaupo sa kanyang harapan, kahit likod pa lang niya—kilalang kilala ko na ang babaeng 'to. Kaya hindi ko tinuloy ang pagpunta sa kinaroroonan nilang dal'wa and I feel my blood boiling from anger, yes nagseselos lang talaga ako. Why not? Matagal kong hinintay si Xander, I waited for him and maging akin siya, pero bigla namang dumating 'tong nagngangalang Ellie Kim—and syempre ang 'totoong' Sandy Ferrer, pero hindi niya alam.


Ang buong akala niya, I'm Sandy.




" Hahaha.. you are so funny, Xander. Sige nga, ulitin mo. "


" Wait.. ah, Bonjour.. mon nom est Xander. "


" konti pa.. "


" Ugh. Magiging ngongo na yata ako mamaya nito, hahaha. "




Nakikita ko sa mga mata ni Xander na sobrang masaya siya and looks like nage-enjoy pa siya sa kanilang ginagawa o ano pa yang hindi ko maintindihan na sinasabi niya.


I hate this.


Ano ba ang nakita ni Xander sa babaeng ito? Ang pagkakaalala ko, puro bad image ang mayron kay Sandy Ferrer noon nung high school pa kami, binubully pa nga siya ng ibang mga studyante dahil dun sa issue nila ni Charlie Park, pero parang mga linta naman ang miyembro ng 12 Bad Boys dikit ng dikit sa kanya, para lang protektahan siya.


Napaka-weak niya, kaya hindi ko maintindihan, ano ba ang nakita nilang maganda sa babaeng 'to?


Akala ko maganda ang magagawa ko nung nawala si Sandy, kahit nahihirapan ako kay Xander noon.. pero mas lalong naging mahirap para sa akin ngayon, simula nung bumalik siya, bilang Ellie Kim! Pero sino ba ako para sumuko agad? Hindi naman ako katulad ni Charlie, pusong madaling sumuko. Gagawin ko ang lahat upang maging akin si Xander, sana nga ay hindi na bumalik pa ang alaala ni Sandy, hindi bale nang masaktan ulit si Xander basta ang importante hindi na siya matatandaan pa nito, and hindi pwedeng magkaroon ng feelings si Ellie para sa kanya, pipigilan ko yun.


Mananatili akong si Sandy Ferrer para kay Ellie Kim!

















Kakabalik ko lang ulit galing sa town, and agad naman akong pumasok sa loob ng burbury house at dumiretsyo na sa kwarto.


Paliko na ako nung makita ng mga mata ko sina Kris and Ellie..?


Wait a minute, bakit parang seryoso ang pinaguusapan nilang dal'wa? Ano'ng nangyayari?


" Ellie, iniiwasan mo ba ako? Dahil ba gusto kita? " Narinig kong tanong ni Kris sa kanya.


Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, gulat na gulat ako. Si Kris Mendez, gusto si Ellie? Paano at kailan pa siya nagustuhan nito? Nagtago ako sa katabi kong wall at pasimple akong nakikinig sa pinaguusapan nila, nakakatawa! Bakit sa lahat ng lugar dito pa sila mag-uusap? Naiintindihan ko naman na hindi dikit dikit ang mga kwarto dito and hindi masyadong marinig sa loob kung may maguusap man sa labas, dito sa hallway. Ang lakas yata ng loob ni Kris, nakalimutan yata nyang maging aware na hindi lang ako ang pwedeng makarinig.


He likes Ellie? Alam kaya ito ni Xander?


" Hindi naman sa ganon Kris.. kaya lang kasi, napaka awkward sa tuwing nagkakausap tayong dal'wa. "


" Pero hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan? Ellie I like you, hindi ba kita pwedeng magustuhan? Ano pa ang pwede kong gawin para magustuhan mo lang ako? I'll do everything. "


Sumilip ako para tingnan silang dal'wa, Ellie stayed quiet.


" Ellie—I just want you to know, hindi ako magpapaapekto sa pagiiwas mo sa akin, hindi mo ako mapipigilang magustuhan ka. Ikaw lang ang gusto ko, wala ng iba pa. "


" Kris.. "


I can't believe this, hindi lang pala si Charlie at Xander? Ano ba talaga ang mayron sa babaeng 'to kaya kahit ilang lalake ay madali syang magustuhan?



Naglakad na ako papunta sa kanila, narinig nila ang footsteps ko kaya sabay silang napatingin sa akin. Nakikita ko sa mga mata ni Kris, mukhang hindi man lang syang nagulat, pero alam ko kasi nararamdaman kong.. nagulat siya nung marinig nilang maglakad ako.


Nakatingin ako kay Kris nung huminto ako sa paglalakad and nasa harapan na nila ako.


" Ellie— " Sabi ko and tumingin siya sa akin, " —nakaharang ka, papasok ako. "


Mabilis syang umalis sa harapan ko and tumingin sa floor. Alam ko namang hihingi na naman 'to ng sorry.


" I'm sorry.. saan ka pala galing—Sandy? " She asks.


Nakita ko sa peripheral vision ko ang minsan lang na expression ni Kris, aware na akong sasabihin ni Ellie ang pangalang iyon kahit nandito pa si Kris kasama namin.


" May binili lang ako. " I said.


" Ganon ba? Ah, Kris.. papasok na ako sa loob. " Sabi ni Ellie at nauna nang pumasok sa loob pagkatapos sabihin kay Kris 'yon.


Hinintay kong mag-react si Kris, pero since pagod ako kakalakad kanina pa hindi ko na siya hinintay at papasok na din sana ako sa loob, but he grabbed my hand. Naramdaman kong marahas ang pagkakahila niya sa kamay ko, masakit yon.


" What the hell is your prob— "


" What the fck? Sandy? Tama ba ang pagkakarinig ko.. tinawag ka nyang Sandy? " Nakita ko sa mga niya na hindi siya makapaniwala—syempre expected ko na yan. Pero nasasaktan ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hinila ko ito at bahagyang lumayo sa kanya. " Bakit tinawag ka nyang Sandy? Tell me! " Woah.


Nagagalit ba siya?


" Narinig mo naman diba? I'm Sandy Ferrer—iyon ang pagkakaalam niya. "


Tiningnan niya na lang ako—what the heck? Naiinis ako sa hitsura ni Kris, sa lahat ng miyembro ng 12 bad boys—siya ang ayaw ko.


" And why? "


" Kris—hindi ko ako ang unang nagpakilalang ako si Sandy, bigla na lang nyang itinanong sa akin kung ako ba si Sandy Ferrer.. and naisipan ko na, since wala naman syang natatandaan.. bakit hindi muna ako magpapanggap? Diba? Hindi ko naman kasi alam kung bakit naisipan nyang ako si Sandy. "


Napangisi siya sa sinabi ko, hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak nitong lalake na 'to.


Pero nakakasigurado akong—magagamit ko siya.


" Are you crazy? Dahil ang akala nyang ikaw si Sandy—nagpanggap ka naman? Ano ang makukuha mo sa pagpapapanggap mo? Oh right, you liked him, Xander.. yon ba ang reason kaya nagpanggap ka? "


" Yes, dahil gusto ko si Xander! "


He grabbed my hand again, but marahas ko ulit iyon binawi. What's wrong with him? Ugh.


" Ano'ng makukuha mo sa pagpapapanggap mo? Oh akala mo ba magugustuhan ka na ni Xander? Tell me, alam ba ni Xander ang tungkol dito? I think hindi? You know what? Ang kitid naman ng utak mo, nag-aral ka ba? "


Bigla akong nainis sa naging tugon niya.


Nagsisisi na akong pumasok sa isipan ko na magagamit ko siya, pero huli na para pagsisihan ko. Gagawin ko ang lahat para maintindihan niya ako.


" Kapag sinabi kong, 'Oo'? Kris, alam mo dapat nagiisip ka din. Ano ba sa tingin mo bakit nagpapanggap akong I'm Sandy kay Ellie? Kahit siguro hindi niya maalala ang lahat, I'm sure narinig niya ang tungkol kay Sandy Ferrer, hindi ba? Kasi kung hindi, hindi papasok sa utak niya na ako.. siya, naisipan ko na kapag iyon ang pagkakakilala niya sa akin, baka siya pa ang maging daan para maging akin si Xander. Hindi niya na maalala pa ang lahat.. but right now mukhang nahihirapan pa akong gawin ang plano ko. "


" Narinig ko kanina—na gusto mo siya..? Totoo ba? Now let me ask you, alam ba ni Xander ang tungkol dito? "


Lumapit ako sa kanya, napansin kong iniwasan nyang tumingin sa akin.


" Ouch! "


Hinila na niya ngayon ang kamay ko at pumunta kami sa rooftop.




" O ngayon natatakot ka nang mabuking ulit? "


Now he looked at me annoyed. So ngayon naiinis na siya sa akin? First time kong makita ang ganitong klaseng expression, ha. " Kris.. naisipan ko lang, gusto ko si Xander, gusto mo naman si Ellie—pero alam mo naman sigurong kapag hinayaan lang natin silang magkasama parati, baka may maalala pa si Ellie o baka naman magkaroon siya ulit ng feelings para kay Xander, sa tingin mo? Hindi ba't isang malaking threat iyon para sa ating dal'wa? "


Tumingin ulit siya sa akin.


" Ano ang gusto mong sabihin ngayon? "


Ngumiti ako and tumabi sa kanya. Hinayaan ko na syang tingnan akong ng ganyang kasama, kasi nakakasigurado naman akong magkakasundo kaming dal'wa.


" Let's make a deal. "


" What did you say? " He said.


" Simple lang naman Kris, at tsaka kapag nagkasundo tayo, hindi ka na mahihirapan pa kay Ellie. Eh diba nga gusto mo siya? At gusto ko naman si Xander. Tutulungan mo ako para maging akin si Xander, and ang kapalit naman non ay tutulungan kitang maging sa'yo si Ellie. May mga naisipan na akong pwedeng gawin, alam mo kasi kahit umupo ka lang at iasa ang lahat sa akin, okay lang din.. pero hindi mapapadali kung wala ang tulong mo diba? "


Narinig kong nag hissed siya. " Paano ka naman makakasiguradong magiging sa'yo ang kaibigan ko and magiging akin siya? "


Hindi ko alam kung nagiisip ba ang lalaking ito.


Well, hindi bale na, kailangan kong mapapayag si Kris.


" Kaya nga magtutulungan tayong dal'wa diba Kris? Tsaka may mga plano na akong naisip, I'm sure magiging successful 'yon. "


" Nababaliw ka na. " Sabi niya sa akin, pinipigilan ko ang sarili kong sumabog ang inis ko sa taong 'to, but not now. " Mababaliw ka rin katulad ko. Kris isipin mo na lang, kapag napasa-akin na si Xander, hindi mo ba naiisip na mababawasan na ang ibang mga pumipigil sayo and para mapansin ka na rin ni Ellie? Alam natin na nariyan si Charlie, pero sigurado na akong hindi na sila magkakabalikan o magustuhan siya ulit ng babaeng gusto niya, kasi nga diba—sumuko na siya, matagal na. Kapag nariyan si Xander parati para kay Ellie, mas lalo tayong mahihirapan. Kaya gagawa tayo ng paraan para iwasang mangyari iyon, well except na lang kapag sa school hindi natin sila magpahihiwalay.. kasi mag classmates sila, hindi mo ba napapansin, napapadalas na ang magkasama silang dal'wa kahit hindi sa school? Kaya kailangan nating ipaglayo ang dalawang iyon as soon as possible. "


Naging tahimik naman ngayon ang lalaking 'to, hay.


Hinintay kong magsalita siya ulit—pero sa tingin ko, this time medyo naiintindihan na niya ang mga sinsabi ko, kaya kailangan pumayag na syang makipagtulungan sa akin. Tahimik na siya, and I'm so sure nagiisip na siya.


" Ano Kris? Deal? "


Tahimik pa rin siya, naiinis na ako like seriously. He's not my style after all.


Napansin kong paalis siya kaya pinigilan ko siya kaagad. " Wait! Saan ka pupunta? " I asked him, tumingin siya sa akin and binawi ang braso niya. " Could you give me some time to think about it? " Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.


" Pagiisipan mo pa? Come on Kris— "


" Pinagiisipan ko pa kung magandang idea yan, actually kaya ko namang mag-isa— "


Natawa ako. " Oh really? I don't think so. " Sabi ko sa kanya.


" Kalokohan kasi yang iniisip mo. " Natawa ako ulit, bakit kailangan nyang itanggi sa akin na mukhang pumapayag naman na siya sa plano ko? " Kris.. kaya nga susubukan natin diba, kailangan nating pigilan na magkalapit lalo ang dal'wa, dahil kung hindi mas lalo na tayong mahihirapan.. kung matatalo ako—talo ka rin! Tsaka.. kapag sigurado akong magiging successful ang plano ko, sumasangayon ang lahat. "


Lumapit ako sa likuran niya at tumingkayad para bumulong sa isang tenga niya—God, masyado syang matangkad..


" Kaya bakit ka pa magiisip at bibigyan pa kita ng time—even though alam na nating pareho ang magiging sagot mo sa huli? Papayag ka, makikipagtulungan ka sa akin. Admit it, huwag na tayong magsayang ng oras pa, Kris.. by the way, nakita ko sila one time sa library, ang saya saya nga nila 'e, alam mo yung feeling na? Close na sila? I really hate it! "


Lumayo na ako sa kanya and pumunta sa harapan niya.


Naging normal na ang mga tingin nito sa akin. " So.. deal? " inabot ko ang kamay ko sa kanya para makipag shake hands.








" Deal. "

















Nanonood ako ng tv that time nung marinig kong tumunog ang door bell, may tao yata pero si Ellie na ang bumukas and narinig kong sinabi niya ang pangalan ni Xander.. narinig ko ring lumabas siya pero hindi masyadong naka close siguro ang door kaya hininaan ko ang volume sa tv and lumapit dun since nasa likuran ng wall na ito ang pintuan namin.



" Sinabi ni Lorence sa akin na wala kang kasamang bumili ng bagong digital camera. Hindi ba three days from now, kailangan mo na yun? "


Narinig kong sabi ni Xander.


" Bukas bibili na ako.. "


" Ellie, gusto mo bang samahan kita? "


" Eh? Baka busy ka kasi Xander.. kaya hindi na ako nagistorbong sabihin 'yon sa'yo. "


" Huh? Ibig sabihin naisipan mo na ding magpasama sa akin? Hm.. pasensya ka na kung naging busy ako.. pero mas matutuwa ako kapag sinabi mo sa akin, kasi papayag naman ako na samahan kang bumili. Hindi na ako busy ngayon, so bukas sasamahan kitang bumili. Okay? "


" Mm.. thank you Xander.. iyon lang ba ang pinunta mo? G-gusto mo bang pumasok? Tatawagin ko si— "



Hindi ko nanapigilan kaya pinatay ko na ang tv and pumasok na sa kwarto ko.










Third person's Pov



Maggagabi na non nung magkasabay namang lumabas ng kwarto sina Ellie at Stephanie para sana kumain ng kanilang dinner kahit medyo maaga pa lamang, nakasanayan na din kasi nila ito at minsan nama'y nagkakasabay talaga silang kumain.


Pinainitan muna ni Ellie ang pagkain nyang nakareserved at nakalagay pa sa loob ng ref at Tupperware.


" Sandy.. hindi mo man lang ba iinitin yan? Gusto mo bang ako na ang gagawa? " Taos-puso namang tanong ni Ellie sa ka-roommate niya. " Hindi na Ellie, thanks. " Nilabas nito ang maliit na Tupperware at kumuha ng plato, kutsara at tenedor tsaka naupo sa kanilang maliit na dining table.


Mabilis ding natapos si Ellie at naghain na ng makakain at sinabayan si Stephanie sa dining table nila.


Tahimik ang dalawa habang kumakain, hindi rin mapigilan ni Ellie ang mapasulyap sa kasama.. gustong gusto niya kasing makausap ito kahit man lang sa pagkain, kasi hindi talaga sila gaanong nagpapansinan.


" Huwag mo nga akong tingnan habang kumakain. " Sabi ni Stephanie. " Pasensya ka na.. natutuwa lang ako na magkasabay tayong kumakain ng dinner ulit. " Nakangiting sabi ni Ellie at nakita naman iyon ng isang dalaga.


Makalipas ang ilang minuto, si Stephanie naman ngayon ang tumingin sa dalaga.


" Bakit nga pala dati nung una tayong magkita.. nakilala mo kaagad ako? Na I'm Sandy Ferrer. Kilala mo pala ako? "


Hindi naman makapaniwala si Ellie na kinakausap siya nito, pero hindi siya makapaniwalang sa lahat ng pwede nilang pagusapan ay tungkol pa ito doon ngunit okay lang naman sa kanya.


" Kilala? Ah.. narinig ko lang mula kay Mike nung makilala ko na din ang iba, na isa ka sa mga matatalik nilang kaibigan.. kayo ni Lorence, kaya nung nawala daw kayo.. malungkot na malungkot ang lahat, at hindi sila nawalan ng pag-asang hintayin ang pagbabalik ninyong dal'wa. Akala ko nung una kamukha ko si Sandy.. kasi halos lahat sila nung makita ako, tinawag nila akong si Sandy Ferrer.. so akala ko kamukha ko siya.. baka siguro namiss ka lang nila ng sobra at akala siguro nila magkasama kayong dalawa ni Lorence sa loob ng ilang taong na iyon. Pero hindi ko alam na nakabalik ka na pala.. kaya pala nung tinanong ko si Xander kung nasaan ka na, ang sabi malapit ka lang daw sa kanya.. napansing kong importanteng importante ka para sa kanya.. "


Hindi maintindihan ni Ellie ang nararamdaman habang sinasabi niya iyon.


" Kailan ka pala nakabalik? "


Napahinto si Stephanie sa pagsubo noong tanungin siya ni Ellie sa bagay na iyon.


" Akala ko kasi nung makabalik ulit dito si Lorence, ay wala ka pa. Pero masaya ako na nakabalik ka na din.. "


Hindi pinakita ni Stephanie na halos kabahan siya kanina sa naging tanong ng dalaga nito sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagkain at ilang segundo pa bago niya sagutin ang kasama.


" Medyo matagal tagal na.. pero bago lang kasi ako lumipat dito.. tsaka transferee ako nung second year college ako.. hindi pa kami agad nagkitang lahat, ayaw ko pa kasing magpakita agad sa kanila, kaya umiiwas ako noon. "


Iniisip ni Stephanie na baka mahina lang ang utak ni Ellie bukod sa may amnesia pa ito. Hindi siguro pumapasok sa isipan ni Ellie ang ibang mahahalagang tanong, kahit sino naman kasi ay mapapansing nagsisinungaling lang siya na siya si Sandy, pero mas mabuti na rin iyon na kilala siya ng dalaga bilang si Sandy.


Iniisip din ni Stephanie marahil ay walang bumabanggit tungkol sa kanya kay Ellie kaya hanggang ngayon ay hindi napapansin nito na nagsisinungaling lang siya sa pagkatao niya. Kaya nga ngayon ay kailangan na nilang gumalaw ni Kris, lalo na't pumayag na itong makipagtulungan sa kanya.


" Ganon ba? Ang importante ay nandito ka na ulit, Sandy.. nakikita kong masayang masaya na silang lahat. "


Nakangiting sabi ng dalaga.


" Oo masaya nga sila.. lalo na si Xander.. parati kaming magkasama, laging nagtatawanan, hindi nga kami mapaghiwalay 'e.. sobrang saya ko nung nakabalik ako, kasi hinintay talaga nila ako, lalo na si Xander.. hindi ako makapaniwalang hihintayin niya ang pagbabalik ko. "


Saglit namang napahinto sa pagsasalita si Stephanie at tumingin kay Ellie. " Pero.. nagbago ang lahat sa amin ni Xander noong.. dumating ka. "


Nanatiling nakatingin si Stephanie sa mga mata ni Ellie.


Biglang nakaramdam ng pagkakirot sa puso niya si Ellie—bakit kumikirot ang puso niya? Dahil ba sa tingin niya ay mukhang kasalanan pa nyang tila hindi naging maganda ang pagbabago sa dal'wa simula nung dumating siya sa mga buhay nito?


Sinubukan ni Stephanie pahinain ang kanyang boses, na parang nasasaktan at nalulungkot.


" Hindi ko naman sinasabing sinisisi kita.. pero alam kong maiintindihan mo naman siguro kapag naipaliwanag ko na sayo. " Sabi niya at nagsalita ulit. " Noong wala ka pa kasi, kahit sandali lang, lagi kami ang magkasama.. alam mo ba kahit hindi kami classmates at magkaiba ng kurso, kapag may time kami pa rin ang magkasabay pumunta sa school, kapag uuwi, minsan may mga oras, kami ang lumalabas.. napapadalas nga iyon 'e. Kaya lang.. biglang tila naglaho ang mga bagay na iyon, dumating si Lorence, masayang masaya ako na bumalik na din siya, hindi ko rin alam na nawala siya.. kaya nung una pinilit kong intindihin si Xander kung bakit wala na syang oras para sa akin, syempre si Lorence ang una nilang naging kaibigan.. hinintay kong bumalik ang dati.. but when you started to stay here—parang nakalimutan na niya ako, inisip ko ulit na syempre parte ka na ng barkada.. and at the same pareho kayo ng kurso, kaya ikaw ang parati nyang kasamang pumunta sa school. Tsaka, kaya siguro din ikaw ang parati nyang pinupuntahan dito.. kahit dati naman ako ang pinupuntahan niya dito.. "


" Nakakalungkot lang.. naiintidihan mo na siguro ngayon? Sorry kung naging cold ako sayo Ellie, kasi nagseselos talaga ako.. syempre matalik kaming magkaibigan since nung high school, kahit siguro kapag ikaw ang nasa situation ko, pareho pa rin tayo ng mararamdaman. Sa tingin mo, diba tama ako? "


Hindi na nagsalita pa ulit si Stephanie.


Nasasaktan na si Ellie sa mga narinig niya mula dito. Pinipilit nyang maintindihan si Stephanie, syempre nararamdaman nyang nakakalungkot din ang pagbabago sa dal'wa lalo na't simula nung dumating siya. Sa tingin ni Ellie ay siya ang naging dahilan kung bakit wala ng time si Xander para sa kaibigan nito, napapansin nyang siya nga parati ang pinupunta ni Xander dito, kahit kanina babanggitin sana niya si Sandy ay sinabi kaagad nitong siya lang naman ang pinunta nito at kailangan na nitong bumalik ulit sa kwarto.


Kasalanan niya kung bakit nalulungkot si Sandy.. tuwang tuwa at masama siya habang nasasaktan ang ibang tao.. kaya kumikirot ngayon ang puso niya na parang umiiyak.


" I'm sorry.. I'm sorry Sandy, hindi ko sinasadya.. "


Nakayukong sabi niya sa kasama at hindi na niya magawang tumingin sa mga mata nito.


" Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari.. pero sana naman ay, bigyan mo rin kami ng time ni Xander? Hindi ko naman sinasabing layuan mo siya.. ang akin lang naman, sana bumalik na ang dati. "


Nanatiling nakayuko si Ellie.


" Naiintindihan ko.. I'm sorry ulit.. "


Naiintindihan nga ba ni Ellie? Pero mas lamang ang sakit na tila may kumikirot sa kanyang puso, ito ang unang beses na makasakit siya ng damdamin ng ibang tao, hindi niya ito sinasadya kaya nasasaktan siya ngayon.


Umalis na si Stephanie pagkatapos nitong maghugas ng pinagkainan, pumasok na ito sa kwarto ngunit bago ang lahat pinagmasdan niya saglit si Ellie na nananatiling tahimik at nakayuko habang nakaupo. Hindi niya aakalaing ang dali namang maniwala ni Ellie sa mga sinasabi niya, mukhang hindi yata siya nahirapan.. sa katunayan nga nyan, ito na ang simula ng plano nyang ipaglayo sina Ellie at Xander.


Noong makapasok na sa loob ng kwarto niya si Ellie tahimik pa rin siya, at noong maisara niya ang kanyang pintuan.


Sunod sunod na ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.



Tanging ang kwintas lamang ang kanyang naging karamay sa mga oras na ito..




  ✾ 12 Bad Boys 2 ✾ 



QOTD: Gusto niyo ba si Stephanie o hindi? 


*Geh, simula ngayon all about 12 Bad Boys na lang ang QOTD ko para maraming maka-relate. Lols. 

Continue Reading

You'll Also Like

255K 7K 103
So Hard... So hard to get her.. How to get her? I don't know.. Who is she?... Why so mysterious?... Why so many sacrifices?.. I'm hard to get too! Bu...
169K 10.5K 108
Serenader 1: WILLIAM CRAWFORD
674K 17.3K 67
Second Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters...
6.5K 398 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...