Wanted Babymaker (Editing)

Por wishyheart

1M 22K 876

Highest Rating #2 in Teen Fiction Anong gagawin mo kung ipakasal ka sa isang taong ni minsan hindi mo naman p... Más

Prologue
Character
Chapter 1: Welcome Home grandmonster
Chapter 2: Hot Night
Chapter 3 The mission
Chapter 4 Dinner Date
Chapter 5 Pierce meet Leaf
Chapter 6 The Deal
Chapter 7 With boxermonster
Chapter 8 Nurse Leaf
Chapter 9; First Date
Chapter 10 1-2-3- Click
Chapter 11 Mr. Mc Donald
Chapter 12 Meet Hayley
Chapter 13 I won
Chapter 14 Pierce Sacrifice
Chapter 15 Operation: Plan A
Chapter 16 Stuck on you
Chapter 17 Don't cross the line
Chapter 18 Superman
Chapter 19 Stolen Kiss
Chapter 20 Philemaphobia
Chapter 21 Darky
Chapter 22 Leaf's bestfriend
Chapter 23 Peace Offering
Chapter 24 Continuation...
Chapter 25 Version 2.0
Chapter 26 Main of attraction
Chapter 27 Danger
Chapter 28 Rescue
Chapter 29 Workmate
Chapter 30 Cat and Dog
Chapter 31 Closer
Chapter 32 Rain
Chapter 33 Great pretenders
Chapter 34 Untitled, Lol!
Chapter 35 Moments
Chapter 36 Cold night
Chapter 37 First blood
Chapter 38 The contract
Chapter 39 Ayumi
Chapter 40 Positive
Chapter 41 Surprises? Hmm.
Chapter 42 Painful
Chapter 43 Third Prince Syndrome
Chapter 44 Family bear song
Chapter 45 Priority
Chapter 46 Big Cake
Chapter 47 Cinderella
Chapter 48 Runaway groom
Chapter 49 Newly Wed's First Vacation
Chapter 50 Wishlist, no. 45
Chapter 51 Mr. Stanger
Chapter 52 Unstoppable Charles
Chapter 53 Double Date
Chapter 54 Jealous Pierce
Chapter 56 Teaser
Chapter 56 Confession
Chapter 57 Insecure or nah?
Chapter 58 Husband Duty
Chapter 59 Raf
Chapter 60 Missing feelings
Chapter 61 Pieces
Chapter 62 Partner in crime
Chapter 63 Sarah's Secret
Chapter 64 You and I against the world
Chapter 65 Life without you
Chapter 66 Second Prince Syndrome
Chapter 67 Going to Part 2
Epilogue❤
Author's Note💘

Chapter 55 Two lines

12.4K 273 20
Por wishyheart

Leaf's POV -

"I love you, Ayumi." Hanggang ngayon ay paulit ulit ko pa rin naririnig ang mga salitang 'yun mula kay Charles. Ayoko mag assume dahil siguro bigla lang sumagi sa isip niya yung asawa niya, na namiss lang niya kaya nakapag salita siya ng ganun in an unexpected situation pero ang nagpapagulo sa akin ay kung bakit niya nasabi 'yun habang nakatingin sa akin?

"Babe, okay ka lang?" Pagtatanong ni Hayley kay Pierce dahil pansin ko rin na tahimik siya simula pa kanina, "gusto mo ba bumalik na tayo sa hotel?"

"Okay lang." Tanging naisagot niya.

Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon pero ayoko ng ganyan siya, nakakapanibago.

"Tikman mo 'to, masarap 'yan." Naglagay ako ng food sa plate niya pero sinigurado ko muna na naka layo layo na si Hayley mula sa amin pero tiningnan niya lang ito, "hindi ko 'yan nilagyan ng lason." Kinuha ko ito para kagatan sunod na binalik sa pinggan niya.

"Why did you do that?!" Hayley na napataas naman ang boses dahil sa ginawa ko kaya inalis niya yung kinagatan ko plate ni Pierce, "I'm sorry, but I think Pierce and I have to go. Enjoy your dinner."

Hindi na nakapag salita pa si Pierce, inalalayan na lang siya ni Hayley palabas.

Pumunta na ako sa pwesto namin habang si Charles ay kumakain, "sa tingin mo, anong nangyari sa kapatid mo?" Nabarang ba 'yun at bigla na lang tumahimik? Mukha naman na wala siyang sakit dahil bago pa kami pumunta dito ay inaasar pa niya ako sa suot ko.

"Maybe he's just tired? Sunod sunod na araw din silang lumalabas ni Hayley."

"Nakakapagod ba makipag date?" Sunod na subo ko sa pagkain.

"Hindi ka ba napagod sa mga date natin?" Date ba talaga ang tingin niya doon?

"Oo nga pala nakalimutan kong nahimatay nga pala ako noong isang beses, pasensya."

Pagkatapos namin kumain ni Charles sa restaurant na malapit sa beach ay inihatid nya na ako sa hotel na tinutuluyan namin. Inihahatid nya ako sa mismong pintuan ng tinutuluyan namin ni Pierce simula nung magkasama kami, kahit late ay inihahatid nya pa rin ako. Nakakatuwang may mga gentleman pa rin pa lang nabubuhay sa mundo!

"Wuy Charles, salamat hah? Ilang araw na kitang inaabala." Alam kong napaka busy nyang tao pero nagagawa pa rin nyang samahan ako at nakakaramdam ako ng hiya dahil dun.

"It's okay, nag eenjoy naman ako." Kung si Pierce siguro ang nakakasama ko at hindi sya, siguradong unang araw pa lang ay bagot na bagot na sya sa akin.

Tinapik tapik ko naman sya sa braso at inayos ayos ang suot nya, "Pag uwi mo magpahinga ka na agad. Huwag ka na masyadong mag pagod, kaylangan mong magpahinga at iwasan mong magkasakit dahil may anak 'kang naghihintay sa pagbabalik mo."

"Opo, pumasok ka na ng makapag pahinga ka na rin. Good night!" Nag ngitian muna kami at sunod na akong pumasok pero pag dating ko ay nakahiga sya sa sofa habang nanonood ng tv at pansin ko ang kalat ng lamesa. May mga pinag gupitang papel!

"Nandito na ako baka kasi hindi mo 'ko nakikita." Dumaretso ako sa may kusina para kumuha ng tubig sa ref, "Kamusta na nga pala pakira---mdam mo?" Nabigla ako kasi pagharap ko ay nandito na sya sa harapan ko kaya napa sandal ako sa ref. "Bakit? Anong problema mo?" Pinitik naman nya ako bigla sa noo. "Aray! Para saan naman 'yun!?"

"Ginigising ko lang yung utak mo, baka kasi natutulog pa." Nag lakad na sya pabalik sa may sofa, ako naman ay napapakamot na lang sa parteng pinitik nya. "Nga pala, saan pa kayo nagpunta ni Kuya?"

"Wala na, pagkatapos namin kumain ay inihatid na rin nya agad ako." Na upo na lang sa sofa sa tapat ng pwesto nya.

"Okay, then pwede ba tayong maglaro?"

"Hah!? Maglaro? Ano ka? Bata?" Hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa tanong nya. Parang sira ulo hahaha---- yayain akong maglaro na parang kalaro ko lang nung kinder pa lang ako, "Hay nako Pierce! Magpahinga ka na lang, itulog mo na lang 'yan, baka kulang lang 'yan sa pagkakayapos mo sa paborito mong unan!"

Hanggang dito kasi ay bitbit pa rin nya yung paborito nyang unan. 'Yun ang yapos yapos nya tuwing gabi o kapag matutulog sya, himbing na himbing sya sa pag tulog kapag nasa tabi nya yung unan nya. Ayaw ngang ipapa hawak sa akin, baka daw madumihan ko. So OA!



Papunta na ako sa kwarto pero bigla nya akong hinawakan sa may brasi, "Dali na kase! Gusto ko lang maglaro." Para talaga syang bata sa inaasal nya ngayon. Nakakapanibago. Ganito ba sya pag may sakit?

"Matulog ka na nga lang..." Pero makulit talaga sya.

"Sige, masasayang lang yung mga isinulat at ginawa ko." Tinuro nya yung mga papel at ang dami nga nun.

"Ano bang pumasok naman sa utak mo ngayon at naisipan mong maglaro?"

Nag-isip pa sya, "Ahh masama ba? Nilalaro kasi namin 'to dati nila... Nila Soney!"

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa braso ko, "Alam mo Pierce magpahinga ka na lang okay? Pagod lang yan."

"Ayaw mo talaga? Ako minsan lang magyaya sayo."

"Ahmm, sige na nga! Nagpapaawa ka pa. Pero sa isang kondisyon!"

"A--ano yun?"
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"FRIESSSSSSS!!!! THANK YOU SA TREAT PIERCE!" Wala eh tuwang tuwa lang talaga ako kasi nakapiling ko na naman ang mga potato. ^_____^

"Mahal ang french fries dito kaya dapat pumayag ka sa laro natin."

"Oo na, oo na!" 15 minutes to 20 bago ako natapos sa pagkain ng napaka raming fries na inorder ni Pierce, "Woah!! Busog na busog na ako."

"Paanong hindi ka mabubusog eh nakatatlong bff fries ka." Masarap kasi hihihi.

Pag dating namin sa hotel ayoko pa sanang bumalik kasi gusto ko pang mag gala gala at magpahangin, pero sadyang excited sya para sa lalaruin namin.

"Ano bang lalaruin natin hah?" Naka indian seat kami dito sa sala. "Bakit naman napakaraming papel nyan? Anong gagawin mo dyan?" Inayos nya by order yata yung mga papel na may nga nakasulat at hindi nya talaga yun pinakita sa akin.

"Let's play fast talk."

"Hah!? Past talk?"

"Hinde! Male, Fast talk at hindi Past talk. Letter F hindi letter P. Effff!" At talagang yung pagkaka pronouce nya, iba.

"Ahhh Fast talk?!"

"Oo yun nga! Alam mo na?"

"Hindi pa rin." Alam ko naka sabungot na naman ang mukha nya pero promised, hindi ko talaga alam yung larong yun. "Ano ba yun hah?"

"Magtatanong lang ako sayo at mabilis yung pagtatanong ko kaya dapat mabilis din ang pag sagot mo, simple as that. Gets?"

"Gets." Kahit ang totoo medyo lang. Paano naman naging laro 'to? Tsk!

"Bawal magbago ng sagot, sagot kung sagot dapat galing mismo sa puso at buong katotohanan lang."

"Okay okay!" Huminga muna ako ng malalim. "Teka, teka wait!" Nanakbo ako papuntang kusina. "Ge--game!"

"Ano yang nasa bibig mo?"

"Asukal! Para maging hypher ako, para naman mabilis ang pag gana ng utak ko." Ayan na naman sya sa pag tingin nya ng ganun. Eh sa slow ako mag-isip eh, matagal maka pick up pero maganda ako! Ano naman noh? Hahaha!

"Okay let's start. Dark color or colorful?"

"Dark!" Because i love dark.

"What do you want to see, black or white lady."

"White lady!" Pero ang totoo ayoko silang parehas makita. Peace!

"US or Italy."

"Shempre Ita--US!" Dito kasi kinasal sila Mommy eh no choice.

"What is your ideal man, masiyahin o masungit?"

"Masiyahin shempre! Ayoko nga ng masungit." Simula nun mas lalo nyang binilisan yung pagtatanong.

"Heels or flat shoes?"

"I chosed flat shoes." Kahit naman medyo maliit ayoko pa ring tumaas ng dahil lang sa heels.

"Fries or Pierce?"

"Fries!"

"Caramel cake or Pierce?"

"Caramel cake!"

"Chocolates or Pierce?"

"Chocolate."

"Pasta or Pierce?"

"Pasta!!" Tuwang tuwa pa ako nun habang pumapalakpak pa. Wala lang, natutuwa ako sa laro.

Bigla nyang ibinaba yung mga papel at uminom ng tubig, "Hindi mo man lang pipiliin yung Pierce?"

"Hinde! Bakit masusubog ba ako sayo? Hindi naman ah. At isa pa, pagkain din yun. Ano ka ba!"

"Aish, patay gutom ka talaga!" Tumayo na sya.

"Hoy! Hindi pa tayo tapos marami ka pang tanong oh!" Pero dire diretso pa rin sya sa paglalakad papuntang kwarto.

"Bahala ka sa buhay mo, magsama sama kayo ng mga pagkain mo." Itinalpak nya yung pintuan.

"Edi okay! Ako na lang ang maglalaro! Ano ba yung mga tanong nya? Hindi 'to eh tapos na ko dito... Hays, wala na ba? Madami pa yun eh... Ayun! I foun it!" Babasahin ko na sana kaso bigla nyang hinigit at pinagpipilas. "Ano ba!? Bakit mo naman pinilas!?"

Nakaka inis naman eh! Sabe nya maglaro daw ako mag-isa tapos ngayon sisingit sya at pagpipilas pilasin yung mga papel.

"Ayoko na nyan, iba na lang laruin natin." Umupo ulit sya sa pwesto nya kanina. "Maglaro na lang tayo ng cards."

Cards? "Ano namang lalaruin natin sa cards?" Nag-iisip pa sya, "Pwede unggoy unggoyan?" Yun lang kasi ang alam kong laro sa cards.

"Oh sige yun na lang! Wala rin naman akong alam dito eh." Yehey! ^____^ Ang bait nya ngayon, sana araw araw na 'to. Minsan lang nya ako kung pagbigyan kaya may naisip ako. "Oh, saan ka pupunta?" Tumakbo ako papunta sa kwarto, hinanap yung ibang gamit ko and..

"Woalah!"

"A--ano yan? Make up?" Tumango ako. "Balak mo ba akong gawing urgh... sa ginagawa mo?"

"Kung hindi ka naman matatalo bakit kita lalagyan ng mga make up sa mukha diba?" No comment sya. "Huwag kang mapatalo para di ako ang manalo. Ano? Game?"

Nagsimula na kaming maglaro kahit labag sa kalooban nya. Akala ko tama ako ng ineexpect na mangyayare, but I was wrong.

Expect the unexpected.

"HAHAHAHAHAHAHA!! SEE YOURSELF IN THE MIRROR! HAHAHAHAHA, YOU LOOKED LIKE HAHAHA... HAHAHA!" Ganyan sya makatawa ngayon. Akala mo wala ng bukas, di na matapos ang pagsasalita.

Buti na lang at hindi nya napapansin na vinivideo-han ko na sya. ^___^

"Hays tama na nga! Kanina ka pa, dinadaya mo 'ko eh."

"Hala! Hindi noh! I'm honest."

Sa buong gabi na lumipas ganun lang ang ginawa namin, naglaro, nagtawanan, nag make-up-an, pinag tripan ang isa't isa yung tipong nakaw lang yung mga sandaling ganito.

Pierce POV -

*Kringgggg!!! Kringgggg!*

What the hell is that? Ano ba yun? Ang ingay ingay. Nasa karapan pa ako ng pagtulog.

"Leaf?"

"Uhmmm.." (Punas ng laway)

"Yung phone mo, may natawag.."

(Inapa apa nya pa sa tabi nya kung nasan yung cellphone.) "Hello? Sino 'to? Waaahhh! Ang aga mo naman mambulabog eh.."

"Ow! Sorry apo sa istorbo!"

"Okay lang po Lo---Lola!!? Hala! Good morning po Lola, pasensya na po hindi.." Paliwanag lang sya ng paliwanag kay tanda. Kaya nagising na rin ako dahil sa kaingayan nya.

"Hahahaha it's okay apo. Can I talk Pierce?"

"Hoy gising!" Niyuyugyog nya ako. "Kakausapin ka daw ni Lola." Ano na naman bang sasabihin nya sa akin? Urgh!

Pumunta muna ako ng banyo for the privacy at naiihi na rin ako. "Why?" Woo! Ang sarap talaga sa pakiramdam.

"Nandyan ba si Hayley huh!? Answer me!" Nagulat ako sa sinabe nya kaya di ko sinasadyang.... "Bago pa may mangyare hindi maganda dyan, umuwi na kayo right now! Or else tatanggalan kita ng mana!" Pinatay na nya yung phone but still nakatingin pa rin ako sa salamin.

"Hoy ang tagal mo naman naii.... Woaaaaaahhhhh!! Bakit nasa bowl yung phone ko!?" Natauhan lang ako dahil sa sigaw nya. "Huhuhuhuhuhu yung phone ko."

"Condelence." Lumabas na ako ng banyo ayokong makipag talo pa sa kanya dahil lang sa nailaglag ko yung phone nya sa bowl na may ihi ko. Hindi nga sya nandiring hawakan yun eh.

PAG HINDI KAMI UMUWI AS SOON AS POSSIBLE TODAY, TATANGGALAN NYA AKO NG MANA. WALA KAHIT SINGKONG BUTAS!

Hayley is my treasure pero ayoko namang sirain ang mga pangarap nya. Walang paapaalam, umalis kami ni Leaf para umuwi na sa Pilipinas.

Pag dating namin sa opisina ni Tanda, pinilit pa ni Leaf na maging maayos kasi nasusuka na daw sya.

"Ba--bakit po Lola nyo kami pinauwi?" Si Leaf ang unang nagsalita. "Tu--tungkol po ba 'to kay--- kay Hayley?"

"Hahahaha no! Joke lang yun para umuwi kayo. Galing ko diba?" Hays! Pasaway na matanda. "Pinauwi ko kayong dalawa dahil may gusto akong linawin sa inyong dalawa." Mukhang seryoso yung tanong nya ngayon. "First, first blood. Second sumuka si Leaf pero we didn't know kung buntis ba talaga sya o ano?" Then?

May kinuha sya sa secretary nya, "Pre--pregnancy test?"

"Yes ija! Take a pregnancy test, para malaman natin kung magigig lola na nga ba ako." Tumingin sa akin si Leaf at tiningnan ko sya, na ibig sabihin GO!

Pumasok na sya sa banyo at yung secretary naman ay nasa may pintuan ng banyo.

Umupo na muna ako, nagpaka relax at huminga ng malalim para sa magiging resulta. Kung magiging Daddy man ako, okay lang paninindigan ko kung hindi man, okay lang din atleast wala akong ipapaliwanag kay Hayley.

Ilang minutong paghihintay namin ni Tanda lumabas si Leaf at ibinigay yung supot dun sa secretary at inabot nya naman yun kay tanda.

Pagkatingin ni Tanda hindi mo alam kung dismayado o ano?

"Marunong ka bang mag pregnancy test?"

"Medyo." Hindi daw sya sure kasi pagka drop daw nya ibinigay nya na dun sa secretary.

"You'--you're... Pierce?" Si Tanda na napatayo pa. "She's pregnant! It's possitive!" Nagulat ako dun lalo na ng itaas nya yung PT.

Lumapit talaga ako tiningnan yung mabuti. "Bu--bun---" hindi pa ako tapos magsalita pero nahimatay na si Leaf.

Hays! Totoohanan na ba 'to? Di ba 'to panaginip? Jusko po!

Seguir leyendo

También te gustarán

150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
172K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
1.8K 124 14
No matter how Maria Sama Rosal plans herself from escaping, she just couldn't escaped the trap. How could love be someone's downfall? Could you pr...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...