Wanted Babymaker (Editing)

By wishyheart

1M 22K 876

Highest Rating #2 in Teen Fiction Anong gagawin mo kung ipakasal ka sa isang taong ni minsan hindi mo naman p... More

Prologue
Character
Chapter 1: Welcome Home grandmonster
Chapter 2: Hot Night
Chapter 3 The mission
Chapter 4 Dinner Date
Chapter 5 Pierce meet Leaf
Chapter 6 The Deal
Chapter 7 With boxermonster
Chapter 8 Nurse Leaf
Chapter 9; First Date
Chapter 10 1-2-3- Click
Chapter 11 Mr. Mc Donald
Chapter 12 Meet Hayley
Chapter 13 I won
Chapter 14 Pierce Sacrifice
Chapter 15 Operation: Plan A
Chapter 16 Stuck on you
Chapter 17 Don't cross the line
Chapter 18 Superman
Chapter 19 Stolen Kiss
Chapter 20 Philemaphobia
Chapter 21 Darky
Chapter 22 Leaf's bestfriend
Chapter 23 Peace Offering
Chapter 24 Continuation...
Chapter 25 Version 2.0
Chapter 26 Main of attraction
Chapter 27 Danger
Chapter 28 Rescue
Chapter 29 Workmate
Chapter 30 Cat and Dog
Chapter 31 Closer
Chapter 32 Rain
Chapter 33 Great pretenders
Chapter 34 Untitled, Lol!
Chapter 35 Moments
Chapter 36 Cold night
Chapter 37 First blood
Chapter 38 The contract
Chapter 39 Ayumi
Chapter 40 Positive
Chapter 41 Surprises? Hmm.
Chapter 42 Painful
Chapter 43 Third Prince Syndrome
Chapter 44 Family bear song
Chapter 45 Priority
Chapter 46 Big Cake
Chapter 47 Cinderella
Chapter 48 Runaway groom
Chapter 49 Newly Wed's First Vacation
Chapter 50 Wishlist, no. 45
Chapter 52 Unstoppable Charles
Chapter 53 Double Date
Chapter 54 Jealous Pierce
Chapter 55 Two lines
Chapter 56 Teaser
Chapter 56 Confession
Chapter 57 Insecure or nah?
Chapter 58 Husband Duty
Chapter 59 Raf
Chapter 60 Missing feelings
Chapter 61 Pieces
Chapter 62 Partner in crime
Chapter 63 Sarah's Secret
Chapter 64 You and I against the world
Chapter 65 Life without you
Chapter 66 Second Prince Syndrome
Chapter 67 Going to Part 2
Epilogue❤
Author's Note💘

Chapter 51 Mr. Stanger

9.5K 229 5
By wishyheart

Pierce POV -

Around 3am dito ng magising ako. Hindi na ako makatulog pa, sakto namang nakita ko yung phone ni Leaf at walang password.

"Pati ba naman dito burara siya? Wala 'man lang password." Tulog pa naman siya kaya ginamit ko na lang muna, nakalimutan ko kasi yung phone ko sa hotel pero pinakisuyo ko na kay Mama.

Nag log in lang ako ng mga accounts ko at sunod sunod naman ang mga messages.

Message from Cliff;

"Saan kayo nag honeymoon? Balita ko sa US. Galingan mo, para magka anak na agad kayo. Wipwip!"

Bastos!

Message from Charles;

"Magkita tayo pag-uwi ko."

Oo nga pala nandito pa rin siya. Kaya nireply-an ko na magkita kami at sumagot na lang siya kung saang hotel siya nandun.

Pasado alas siyete ng umaga ng magkita kami sa isang restaurant. Tulog na tulog pa si Leaf kaya nag iwan na lang ako ng note at iniwan na lang muna siya dun, hindi naman siguro siya aalis.

"What are you doing here? Bussiness?" Pagtatanong niya.

"Hindi Kuya, nagbabakasyon lang. Nakakain ka na ba?" Habang nag kukwentuhan ay dito na rin kami kumain ng agahan, "I thought you didn't like any kinds of cheese pero sa pasta mo parang-- gustong gusto mo na siya."

"Ahh-- favorite kasi 'to ni Ayumi na adopt ko na lang. Try mo, masarap din naman siya."

"I'm good."

He does really changed a lot because of Ate Ayumi. No wonder why he's still loves her even after so many years since she passed. Siguro kung katulad lang ni Ate Ayumi ang napangasawa ko, matutuwa pa ako.

"Pierce?"

"Bakit?"

"Kakasal mo lang napanood ko sa tv."

"Ahh oo, hindi ko rin alam kung bakit pa nila kailangang ibroadcast sa tv. As if ganun naman 'yun ka big deal."

Alam ko naman na once in a lifetime lang ang pagpapakasal pero hindi naman kailangan ganun pa ang mangyari. ತ⁠_⁠ತ

"Do you have any wedding picture? Hindi ko kasi naabutan yung buong kasal niyo."

"Wait tingnan ko." Ichineck ko yung cellphone ni Leaf baka kasi dito may na isave siya. "Ano ba namang gallery 'to." Puro pagkain, damit, and random things.

"Hindi ba sa'yo 'yang phone?"

"Ahh oo kay Leaf 'to, naiwan ko kasi yung phone ko sa hotel. Ito." Inabot ko sa kanya yung cellphone. "Dadalawa lang yung naisave niya, pagpasensyahan mo na yung ibang mga picture d'yan."

Ilang minuto pa niya 'yun pinagmasdan at izinoom pa sa mukha ni Leaf.

"Ahh maganda rin naman siya."

"Kumusta naman siya bilang-- asawa?"

"Sa totoo lang hindi ko pa masasabi kasi bago pa lang kami nagkakasama sa iisang bahay," ang dami ko gustong sabihin pero ayoko rin naman siraan siya sa kapatid ko. "Pero medyo okay naman siya kailangan lang siguro ng ilang batok ganun. Napag sasabihan naman siya pero kailangan pa dumaan sa matinding awayan kumbaga. Ano pa ba? Ahmm, ayun ah mahilig din siya kumain favorite nga rin niya yung ganyang pasta na maraming cheese. Mababaw din yung luha niya, nako! Napaka iyakin sobra. Parang kagat lang ng langgam pero sa kanya akala mo sinaksak na."

Ang ending, nasiraan ko rin siya. Sorry Leaf wala talaga akong masabi na maganda tungkol sa'yo na maipapalusot ko.<⁠(⁠ ̄⁠︶⁠ ̄⁠)⁠>

Charles POV -

"... marami siyang nonsense things na ginagawa pero minsan nakakatawa rin siya, kailangan mo lang din ng mahaba habang pasensya at mahilig din siya sa mga bata. Gustong gusto nga niya na inaalagaan si Yumi---"

Habang nagkukwento siya tungkol kay Leaf ay hindi ko maiwasang pagmasdan yung mukha niya. Iniiwasan ko talaga na ipagtulad sila pero base sa mga sinasabi ni Pierce ay marami silang pagkakatulad ni Ayumi.

"Actually, wala na naman masyadong interisadong bagay tungkol sa kanya pero hindi talaga, siya yung tipo ng babae na hindi mo papangaraping maging asawa."

"Sino?" Biglang may babaeng nagsalita, "who are you talking about?"

"Ha--hayley?"

Hindi 'yata niya alam na nandito rin si Hayley.

"May inirereto ka ba na babae kay Charles?" Tumabi naman ito kay Pierce, "hello Pierce. Nice to see you again."

"Hi." Sagot ko.

"Babe, hindi mo 'man lang sinabi sa akin na susundan mo 'ko dito, nasurprised na lang ako when I saw you." Niyakap nito si Pierce. Akala ko ba wala na sila? Eh ano 'to?

"Are you still with each other?" Pagtatanong ko.

"Ofcourse. Hindi naman kami naghiwala, hindi ba babe?" Tiningnan ko si Pierce na mukhang problemado. Hindi rin niya siguro 'to inaasahan.

He still have a girlfriend yet he still agreed to get married to another woman.

"Pierce, I will leave you two. Excuse me." Lumapit ako sa waiter para magbayad ng kinain namin, "this vacation will be challenging for the four of us, Pierce."

Leaf's POV -

Pagkagising ko ay wala na si Pierce pero nag iwan siya ng sulat.

Aalis lang ako saglit.

Tiningnan ko pa yung likod.

"Hindi pa sinabi kung saan siya pupunta. Agang aga naggagala agad siya. Hindi 'man lang ako sinama." Gutom na ako at gusto ko ng pasta, nasarapan kasi ako doon sa pasta na kinain ko kahapon. "Agang aga nagcecrave ako ng pasta."

Nag ayos lang at lumabas na, mabuti na nga lang at natatandaan ko pa yung lugar na kinainan namin kahapon. Hindi naman siguro ako maliligaw at pwede ko naman ipagtanong tanong yung hotel at hindi naman ako lalayo, takot ko ng iwan ako dito ni Pierce. ಥ⁠_⁠ಥ

Pagkarating ko sa restaurant ay ang dami kaagad tao kahit alas otso pa lang naman ng umaga. Gutom na ako kaya lumipat ako sa kabilang restaurant pero hindi pa ako nakakapasok ng biglang may humigit sa akin patakbo.

"Oh! Oh! Saan mo 'ko dadalhin?! Tulong! Tulong!"

Kanina pa ako nagpupumiglas pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Nagsisisigaw lang ako pero walang lumalapit sa amin hanggang sa hindi ko na alam kung saang lugar 'to.

"Bitiwan mo sabi ako!" Binitiwan na naman niya ako.

"I'm sorry. I'm sorry.." tatakbo na sana ulit ako ng muli niyang hawakan yung kamay ko. "Stay here."

"Sino-- este who are you?! And why are telling me to stay here--" pag angat ko ng ulo at ng makita yung mukha niya ay napatulala pa ako.

Ang perfect naman ng pagkakahulma ni Lord sa mukha nito, napaka gwapo pero--- hindi! Hindi. Bawal ako magpadala sa mga kano, sadyang gwapo lang talaga sila at isa pa kinidnap ako nito oh! Tiningnan ko yung paligid at hindi ko na alam 'to.

"Saan ba kasi ako dinala nito at bakit niya ako pinag sstay dito. Diyos ko naman!" Aamba na sana ulit ako ng takbo ng makuha niya yung bag ko. "Hey! Give it to me!" Bahala na kung papaanong english pa 'to.

"Then, get it. If you can." Nang asar pa ang loko. Tinaas niya yung kamay niya habang hawak hawak yung bag ko. May kaliitan pa 'man din ako at naka flast shoes lang kaya hindi ko 'yun ganun kadaling makukuha.

"It's so-- hays! That was so high, you know! I can't even reach it."

Sa totoo lang takot na takot na ako pero sa ganitong sitwasyon ayokong ipakita sa kanya yung takot ko, kailangan ko magmukhang palaban.

"Then, let's make a deal. Once you get your bag, I will help you go back to the restaurant you were supposed to go to, but if you didn't, let's go on a date."

Sa puntong 'to ay naiiyak na ako. Napa upo na lamang ako habang humahagulgol sa pag iyak.

"Are you crying?" Agad siyang lumapit sa akin.

"Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Hindi ba ako pwedeng magbakasyon ng walang aberya? Bakit ba palagi na lang akong sinusundan ng kamalasan? Isa lang naman yung gusto kong gawin dito eh."

"Sorry, I'm so sorry."

"Bakit ba kasi ako iniwan ng mag-isa dito?! Gusto ko lang naman kumain ng pasta!" Humahagulgol na talaga ako, like sobrang hagulgol way ko na rin 'to para makahingi ng tulong.

"Gusto mo kumain ng pasta?" Tumango na lang ako ng-- pag mulat ko ay natatawa siya.

"Marunong ka magtagalog?"

"Oo," tinulungan naman niya akong tumayo sunod na inabot sa akin yung bag ko. "Sorry hindi ako nag iisip basta basta na lang kita hinigit dito." Sabay abot ng panyo. "Punasan mo muna yung luha mo, pinagtitinginan na kasi tayo ng mga tao."

Alam kaya niya na Filipino rin ako bago niya ako hinigit dito? At sa anong dahilan, bakit niya ako hinigit?

"Ang gusto mong gawin dito ay kumain ng pasta?"

"Gag* ka ba?" Napatawa na lang siya, "sira ulo ka! Bakit mo 'ko hinigit higit dito ha? Anong kasalanan ko sa'yo? Bakit? Bakit? Bakit?!" Pinagpapalo ko siya ng biglang tumunog yung tiyan ko kaya napatigil ako.

"Kumain na muna tayo bago mo ulit ako awayin." Naglakad na siya pauna, nagdadalawang isip pa sana ako kung susunod ako pero bahala na, kailangan ko na lang maging mapag matyag kung saan kami pupunta.

Habang naglalakad ay marami naman ang tao sa paligid kaya medyo kampante na ako. Ang gaganda rin ng mga nadadaanan naming lugar, gusto ko sana kuhanan ng picture kaso na kay Pierce nga pala yung phone ko. Sa oras na 'to ay unti unti ng nawawala yung takot kasi habang naglalakad kami ay kinukwento niya ako tungkol sa mga lugar na nadadaanan namin, kung saan sila sikat, kung gaano na katanda yung lugar, mga ganung bagay ba.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa isang restaurant. Hindi ko pa rin alam 'to, pero mukhang masarap naman ang mga pagkain dahil kahit may kaliitan siya ay marami pa rin naman ang kumakain.

"Maaga pa para mag served sila ng pasta dishes pero pwede naman tayo mag request."

"What's your order Sir Ra--" hindi na niya pinatapos yung waiter sa pagsasalita, medyo bastos.

"Anong gusto mo? Treat ko na para sa pagpapa iyak ko sa'yo."

"Ako na--" ayoko pa sana magpabayad ng mapansin kong wala yung wallet sa bag ko, naiwan ko 'yata.(⁠٥⁠↼⁠_⁠↼⁠)

Siya na ang nagsabi ng order namin. Mukhang alam na niya yung gusto ko.

Habang naghihintay ng order ay tahimik lamang kami, naka yuko na nga lang ako.

"Sorry if I made you uncomfortable and for my action a while ago, hindi ko 'man lang inisip yung mararamdaman mo. I am sincerely sorry." Yumuko pa siya ng bahagya.

Kita ko namang sincere nga siya.

Ilang minuto pa ay dumating na rin yung order namin, ang bilis nga lang. Nagulat pa ako ng may kasamang grated cheese yung inorder niya.

"Hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya inorder ko na lang yung sa tingin ko'y pinaka masarap dito."

"Mahilig ka rin sa pasta na maraming cheese?"

"Oo, umorder na rin ako ng garlic bread at chicken wings baka kasi ma umay ka," paano niya nalaman yung kincrave ko today? "Kain na tayo? Huwag ka mag-alala wala silang inilagay na kahit na ano d'yan, ikasisira 'yun ng restaurant nila."

Hindi naman ako nag iisip ng ganun.

"Salamat sa pagkain." Sagot ko na lang at nagsimula na akong kumain, "wow! Ang sarap naman ng mga pagkain nila dito." Wala na, game over na yung takot ko. Napalitan na ng sobrang saya. (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)

"Kumain ka lang. Sulitin mo dahil wala ng ganito sa Pilipinas."

"Madalas ka siguro dito. Kilala ka na kasi nung waiter at alam mo na rin ang mga oorder-in mo."

"Oo lalo na kapag wala akong time na magluto pa. Dito kasi nakabase ang trabaho ko ngayon, palaging busy, wala ng oras para magluto."

"Kaya pala." Kakagat na sana ako ng mapansin kong nakatingin naman siya sa akin. Ang ganda ng mga mata niya, napaka amo rin ng mukha niya, para 'bang kumikinang kinang yung paligid niya. Parang pinagplanuhang mabuti ni Lord nung magiging hulma ng mukha niya, napaka gwapo at the same time ay cute na chickboy ang dating. Wow! Wala na akong masabi.

Napaka tawa naman siya ng bahagya kaya natauhan na ako.

"Sorry, sorry ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang mukha mo." Nagpatuloy na ako sa pagkain at umiwas sa tingin niya.

"Okay lang napagmasdan din naman kita."

⊙⁠.⁠☉

Pagkatapos namin kumain ay nagpahatid na lang ako doon sa restaurant kung saan niya ako hinigit para simula doon ay makakapag lakad na ako papunta sa hotel na pinag tutuluyan namin. Ayoko rin kasi magpahatid pa mismo doon dahil hindi ko pa rin naman siya kilala.

"Dito na lang ako. Maraming salamat ulit sa treat mo," nginitian naman niya ako. "Papaano, dito na lang ako. Maraming salamat din pala sa paghatid mo. Sorry kung--- napag isipan kita ng masama."

"Okay lang. Ako nga dapat ang humingi ng tawad dahil sa ginawa ko. Patawarin mo sana ako at sana kung magkakita 'man ulit tayo, huwag ka na matakot sa akin. Promised mabait po ako."

Ramdam ko nga.(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠) luh! Bakit ako kinikilig?

"Opo. Sige na, baka may gagawin ka pa rin. Maraming salamat ulit."

"Nice to meet you." Nag offer siya ng shake hands kaya tinanggap ko na lang.

"Nice to meet you too." Umalis na siya at saktong tumunog naman yung phone niya kaya may kausap siya habang naglalakad palayo.

Bakit ang sexy? Tapos-- nahawakan ko pa kamay niya! (灬⁠º⁠‿⁠º⁠灬⁠)⁠♡

Pagkabalik ko ng hotel ay pinagbuksan naman ako ni Pierce ng pinto, "saan ka naman galing?" Pero dire diretso lang ako papasok.

"Mr. Stanger."

"Ha?" Bahala ka na muna d'yan Pierce hindi na muna kita iimikan, wala din akong balak na sirain yung mood ko. "Baliw."

Continue Reading

You'll Also Like

387K 7.7K 58
Every sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo High...
358K 7.3K 46
"Dont fall for me Eliana. Coz i cant love you back."- THEO ALEXIS FEREZ
1M 13.6K 26
Story ito ng isang asawa na pinagmamalupitan ng kanyang naging asawa , naging ina at pati na ang kapatid . Lumipas ang mahabang panahon ganun parin a...
287K 5.3K 49
The very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse...