Wanted Babymaker (Editing)

By wishyheart

1M 22K 876

Highest Rating #2 in Teen Fiction Anong gagawin mo kung ipakasal ka sa isang taong ni minsan hindi mo naman p... More

Prologue
Character
Chapter 1: Welcome Home grandmonster
Chapter 2: Hot Night
Chapter 3 The mission
Chapter 4 Dinner Date
Chapter 5 Pierce meet Leaf
Chapter 6 The Deal
Chapter 7 With boxermonster
Chapter 8 Nurse Leaf
Chapter 9; First Date
Chapter 10 1-2-3- Click
Chapter 11 Mr. Mc Donald
Chapter 12 Meet Hayley
Chapter 13 I won
Chapter 14 Pierce Sacrifice
Chapter 15 Operation: Plan A
Chapter 16 Stuck on you
Chapter 17 Don't cross the line
Chapter 18 Superman
Chapter 19 Stolen Kiss
Chapter 20 Philemaphobia
Chapter 21 Darky
Chapter 22 Leaf's bestfriend
Chapter 23 Peace Offering
Chapter 24 Continuation...
Chapter 25 Version 2.0
Chapter 26 Main of attraction
Chapter 27 Danger
Chapter 28 Rescue
Chapter 29 Workmate
Chapter 30 Cat and Dog
Chapter 31 Closer
Chapter 32 Rain
Chapter 33 Great pretenders
Chapter 34 Untitled, Lol!
Chapter 35 Moments
Chapter 36 Cold night
Chapter 37 First blood
Chapter 38 The contract
Chapter 39 Ayumi
Chapter 40 Positive
Chapter 41 Surprises? Hmm.
Chapter 42 Painful
Chapter 43 Third Prince Syndrome
Chapter 44 Family bear song
Chapter 45 Priority
Chapter 46 Big Cake
Chapter 47 Cinderella
Chapter 49 Newly Wed's First Vacation
Chapter 50 Wishlist, no. 45
Chapter 51 Mr. Stanger
Chapter 52 Unstoppable Charles
Chapter 53 Double Date
Chapter 54 Jealous Pierce
Chapter 55 Two lines
Chapter 56 Teaser
Chapter 56 Confession
Chapter 57 Insecure or nah?
Chapter 58 Husband Duty
Chapter 59 Raf
Chapter 60 Missing feelings
Chapter 61 Pieces
Chapter 62 Partner in crime
Chapter 63 Sarah's Secret
Chapter 64 You and I against the world
Chapter 65 Life without you
Chapter 66 Second Prince Syndrome
Chapter 67 Going to Part 2
Epilogue❤
Author's Note💘

Chapter 48 Runaway groom

9.9K 254 14
By wishyheart

Leaf's POV -

10am na at kanina pa ako tinatawagan nila Lola Elizabeth pati na rin ni Tita, at kanina pa rin kami naghahanap dito.

"Lagot ako! Lagot ako! Nasan ba kasi yun? Dala dala ko na yun kagabi eh." Tumingin na ako sa ilalim ng kama pero wala talaga eh.

"Ma'am! Ma'am? Please lang po, hayaan nyo na po kami ang maghanap. Magugulo lang po kasi ang ayos nyo."

Wala akong pakelam sa kung ano na ang itsura ko ngayon. Ang mas mahalaga dun, ay yung sapatos na binili pa ni Lola na gusto nyang isuot ko sa araw na 'to. Sa pinakamahalagang araw sa buhay ni Lola, ang ikasal na ang apo nya.

"Nasan ba kasi yun?" Napa upo na ako sa sobrang pagka dismaya, "Tatanga tanga kasi ako eh! Hindi ko kasi inaayos kung saan ko inilagay ih." Napapa iyak na talaga ako.

"Ma'am? Please huwag na po kayo umiyak, maayos din po ang lahat. Mahahanap din po yun."

"Per--pero magagalit sa akin si Lola." Miya miya lang may pumasok sa pinto.

"What's going on here?" Sya yung bestfriend ni Pierce ah!

"Nawawala po kasi yung sapatos ni Ma'am Leaf."

"Wait," Lumabas sya at sa pagpasok nya may dala na syang sapatos. "Gamitin mo muna 'to. Mas magagalit sayo si Tita kung hindi ka makakarating, mas mahalaga ka dun sa kasal kaysa sa sapatos." Nginitian nya lang ako at lumabas na.

Wala na akong nagawa pa, tama naman sya. Kaya sinuot ko na yung sapatos, inayos lang yung make-up ko, sinuot yung gown. Sa pagmamadali ko hindi ko na nakita pa sa salamin ang itsura ko.

Nagsimula ng paandarin yung kotse papunta dun sa simbahan. May halong kaba akong nararamdaman, hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung excited ba ako o ano.

Pag dating namin sa simbahan, napaka raming tao ang nasa labas pero nagsipasukan din sila ng dumating na ang sasakyan namin.

Inalalayan ako ni Tito palabas ng sasakyan kasama si Tita, mga magulang ni Pierce.

"Are you ready ija?" Tanong ni Tito, "Huwag kang kabahan okay?"

Okay, okay, inhale! Exhale! Inhale! Exhale!

Miya miya lang dahan dahan dahang bumukas yung pintuan ng simbahan. Ang daming tao ang nasa loob.

Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan na kaming naglakad papasok ng simbahan.

(A/N: Play the music video above.)

Nanlalamig ang mga kamay ko pero pinapalakas nila Tita at Tito ang loob ko.

Ang daming reporters, nagpipicture sa amin.

Nasa kalagitnaan na kami at natatanaw ko na si Cliff, Roice at Soney mga nakangiti silang lahat lalo na si Lola. Palapit na kami ng palapit at si Pi-- Woaahhh! Si Pierce ba talaga 'tong nasa harapan ko?

Ibinigay na ni Tito ang kamay ko kay Pierce, at naglakad na kami papuntang altar. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya, ang gwapo nya ngayon. Grabe!

Nakarating na kami sa altar, hindi pa nagsisimula si Pader. Tiningnan nya lang ako hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at dahan dahan itong binitawan.

Napatingin ako ng seryoso sa kanya, hindi nya ako tinitingnan ng diretso at tsaka sya tumakbo palabas ng simbahan.

Gulat na gulat yung mga tao sa paligid namin, lahat sila nagbubulungan, naka focus ako kay Pierce na naglalakad palabas.

Hindi ko alam pero bigla na lang may pumatak na mga luha mula sa mga mata ko. Parang nawalan ako ng lakas inalalayan naman ako ni Cliff, pati sya hindi makatingin sa akin ng diretso.

So alam nilang hindi itutuloy ni Pierce ang kasal? Dapat kanina pa sya umatras. Hindi yung sa harap ng maraming tao, gusto ko ng humagulgol, magwala dito.

Kung may malasakit pa sya sa akin kahit konti. Sana naman hindi sa harap ng maraming tao nya 'to ginawa. T__T </3

Sa paglabas nya sinaraduhan na rin ang pintuan ng simbahan.

Tumingin ako kila Lola na ngayo'y mukhang lungkot na lungkot sa mga nangyayare ngayon. Si Tito naman mukhang galit.

Tumakbo na ako habang umiiyak pero nung nasa kalagitnaan na ako, biglang bumukas ang pintuan ang liwanag. At lumabas si Pierce.

Bu--bumalik sya?

Para akong nabuhayan ng loob ng bumalik sya. Para akong nabuhusan ng semento sa kinatatayuan ko ngayon. Ngayon nasa harapan ko na sya, "Pi---Pierce?"

Tinignan nya lang ako at tsaka lumuhod (yung isang tuhod lang nya) may inilabas sya dun sa paper bag na dala dala nya. At nasa loob nun ay yung sapatos na binili sa akin ni Lola, pa---paano yun napapunta sa kanya?

Hinawakan nya yung paa ko, inalis yung sapatos na suot ko at isinuot yung sapatos na dala dala nya.

Pagkatapos nun, "Miss pwede iyo muna? Thank you." Sabe nya dun sa babae. Tumayo na sya tumingin sa akin tsaka ngumiti, "May I?"

Napangiti na lang ako at nagpa escort na sa kanya. Naglakad kami sa papunta sa altar, alam ko sobrang awkward ng mga nangyare pero aminin nyo. Hind nyo rin yun inasahan. \^_____^/

Maraming sinabe si Pader pero hindi ako makapag concentrate kasi hindi pa rin ako makapaniwala na babalikan ako ni Pierce.

"I Leafy Sabrina Greigo take thee Pierce Viel Clotton to be my wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health,
to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy ordinance; and there to I plight thee my troth. With this Ring I thee wed: In the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost. Amen. I do."

Sinuot ko yung singsing sa kanya na dala dala Karl yata pinsan nila Pierce, sya kasi yung ring bearer.

"I Pierce Viel Cloton take thee Leafy Sabrina Greig to be my wedded Wife, to have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health,
to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy ordinance; and thereto I plight thee my troth. With this Ring I thee wed: In the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost. Amen. I do."

Sinuot naman nya yung singsing sa akin.

"I pronounced you, husband and wife. You may now kiss the bride!"

Hala nakalimutan ko may kissing scene nga pala dito, paano yun? Eh may phobia ako? Jusko po lord! Bawal naman ako umatras kasi ang daming tao ang nakatingin. Bahala na ah!

Inalis ni Pierce yung nakatakip sa mukha ko, tiningnan nya lang ako siguro limang minuto. Sunod nyang ginawa ay pinunasan muna yung luha ko, "Napaka iyakin!" Sabe nya at halos matawa tawa naman ako dun. "You looked the most beautiful bride I've ever seen."

Sa pagkakasabe nya nun pakiramdam ko namumula na ang buong mukha ko. Gusto kong tumalon sa kilog, nakakaramdam ako ng mga butterflies sa tyan ko. Woo! Grabe! Ano bang nangyayare sa akin? Basta basta na lang akong ngumingiti kahit hindi ko man gustuhin.

Palapit ng palapit yung mukha nya sa mukha ko, nako! Bahala na po talaga lord. Jusko po!

Nakapikit na ako ngayon pero wala akong nararamdaman na dumampi sa labi ko, kaya minulat ko yung mga mata ko at sa noo ko pala humalik si Pierce. "I'm sorry." Nginitian ko lang sya.

Humarap kami sa maraming tao. Ang iba sa kanila napa iyak na, yung iba naman tuwang tuwa at kasama na dun sila Lola.

Charles POV -

Katatapos lang namin sa bussiness meeting dito sa State. "Woo! Nakakapagod yun ah! Akala ko hindi a natin sila mapapapayag." Lawrence.

Nasa condo na kami ngayon. Kumuha muna ako sa ref ng tubig na maiinom.

"Tamang tama ang dating nyo! Pare diba ngayon yung kasal ng kapatid mo?"

"O--oo baket?" Sabe ko habang umiinom ng tubig. "Hindi na nga ako nakapunta eh."

"Eto oh! Late naman dito sa atin eh, kaya sakto lang ang dating nyo. Kabubukas ko lang din ng tv."

Nanood na lang kami, kinuha ko na yung phone ko balak ko sanang tawagan si Pierce tutal tapos na ang kasal dun. Pero nagriring pa.

"Aba! Ayos pala kapatid mo oh, runaway groom?" Napatuon tuloy ang atensyon ko sa tv. Tumakbo si Pierce?

"He--hello Pierce bakit ka naman tumakbo?"

"Oh! Oh! Oh! Bumalik!" Bumalik nga at may dala dalang paper bag, tsk! Ano na naman bang kalokohan nya?

Isinuot nya yung sapatos dun sa bride, pumunta sila ng altar. Nag we-wedding vows na.

"Hello Sir? Sir? Hindi po ito si Sir Pierce, naiwan po nya phone nya..."

Biglang napatayo naman si Lawrence sa pagkaka upo at mukhang gulat na gulat. "Baket?" Tanong ko.

Tinuro turo nya yung tv, "Di--di--diba---diba si--sii-- A--ayumi yan?" Kaya napatingin naman ako sa tv.

Nabitawan ko na yung tubig at phone ko. Natulala na ako sa tv, "A--ayumi!?" Hindi ako pupwedeng magkamali. Si ayumi nga talaga yung nakikita ko ngayon, si Ayumi talaga yun! Hindi ako pwedeng magkamale. "Bu--buhay si Ayumi?"

"O--oo pare! Kilalang kilala ko ang asawa mo pare, syang sya yan! Hindi ako pwedeng magkamali. Pero, si Ayumi kina--kinasal sa kapatid mo?"

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 583 34
What will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?
13.2M 106K 34
Highest Rank: #4 in Romance Category ATTENTION: The completed and new version of this story can be read on DREAME/ YUGTO APP. Username: runa lee Bell...
14.3K 833 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
25K 1.6K 87
Hi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search...