Wanted Babymaker (Editing)

Av wishyheart

1M 22K 876

Highest Rating #2 in Teen Fiction Anong gagawin mo kung ipakasal ka sa isang taong ni minsan hindi mo naman p... Mer

Prologue
Character
Chapter 1: Welcome Home grandmonster
Chapter 2: Hot Night
Chapter 3 The mission
Chapter 4 Dinner Date
Chapter 5 Pierce meet Leaf
Chapter 6 The Deal
Chapter 7 With boxermonster
Chapter 8 Nurse Leaf
Chapter 9; First Date
Chapter 10 1-2-3- Click
Chapter 11 Mr. Mc Donald
Chapter 12 Meet Hayley
Chapter 13 I won
Chapter 14 Pierce Sacrifice
Chapter 15 Operation: Plan A
Chapter 16 Stuck on you
Chapter 17 Don't cross the line
Chapter 18 Superman
Chapter 19 Stolen Kiss
Chapter 20 Philemaphobia
Chapter 21 Darky
Chapter 22 Leaf's bestfriend
Chapter 23 Peace Offering
Chapter 24 Continuation...
Chapter 25 Version 2.0
Chapter 26 Main of attraction
Chapter 27 Danger
Chapter 28 Rescue
Chapter 29 Workmate
Chapter 30 Cat and Dog
Chapter 31 Closer
Chapter 32 Rain
Chapter 33 Great pretenders
Chapter 34 Untitled, Lol!
Chapter 35 Moments
Chapter 36 Cold night
Chapter 37 First blood
Chapter 38 The contract
Chapter 39 Ayumi
Chapter 41 Surprises? Hmm.
Chapter 42 Painful
Chapter 43 Third Prince Syndrome
Chapter 44 Family bear song
Chapter 45 Priority
Chapter 46 Big Cake
Chapter 47 Cinderella
Chapter 48 Runaway groom
Chapter 49 Newly Wed's First Vacation
Chapter 50 Wishlist, no. 45
Chapter 51 Mr. Stanger
Chapter 52 Unstoppable Charles
Chapter 53 Double Date
Chapter 54 Jealous Pierce
Chapter 55 Two lines
Chapter 56 Teaser
Chapter 56 Confession
Chapter 57 Insecure or nah?
Chapter 58 Husband Duty
Chapter 59 Raf
Chapter 60 Missing feelings
Chapter 61 Pieces
Chapter 62 Partner in crime
Chapter 63 Sarah's Secret
Chapter 64 You and I against the world
Chapter 65 Life without you
Chapter 66 Second Prince Syndrome
Chapter 67 Going to Part 2
Epilogue❤
Author's Note💘

Chapter 40 Positive

12.5K 267 21
Av wishyheart

(A/N: Update na daw agad, update! Hahaha. :D Okay, edi update. Lol! Hindi pa ako kumakain ng dinner para lang makapag update ako. Ganyan ko kayo kamahal. Nuxx! :D Mimiya I will try to compose a new chapter. Just wait for the updates. :* For all of my supporters, thank you! Kayo yung inspiration ko para mas ganahan akong magsulat. :") Esp. mention: @yapimonica na walang sawang, nagbabasa, nagcocomment ng kanyang pagka interest sa story na 'to, nagmemessage kasi gusto nya akong maging friend. Hello! 👋 For my supporters, kung meron man. Free to message me para maging close ko kayo. Hindi naman ako snober hahaha! Chat tayo if you want. Iloveyouall :*)

Pierce POV -

Papunta ako ngayon sa opisina kasama si Cliff, may nakalimutan kasi akong mga papeles. Iniwan na muna namin si Leaf nakatulog kasi sya, pagod yata. Pagod kakakaen.

"Woo! Tatlo lang tayong kumain pero parang may okasyon sa dami ng inoder ng Misis mo." Sabe pa nya habang pahawak hawak pa sa tyan.

"She's not my Misis, thingy. Okay?"

"Ganun na rin yun! Ikakasal na kayo sa monday eh." Pasaway talaga. Sabe ng ayokong pinag-uusapan yung kasal kasal na yan. "Nga pala, paano mo nakilala si Leaf hah? Eh ang alam ko nasa Europe sya."

"Siguro nung binunggo nya yung sasakyan ko? Natulog sya sa kwarto ko dahil sa sobrang kalasingan o baka nung araw na ipinakilalang sya yung mapapangasawa ko." Sabay sarado ko sa pintuan ng sasakyan at naglakad na papasok ng opisina.

"Hah? Ang gulo!"

"First, hindi ko alam na sya pala yung Leaf na ipapakasal sa akin. Kaya hindi ko alam kung kaylan ko ba talaga sya nakilala. Okay?" Sumakay na kami ng elevator. "12 floor."

"Talaga!? Tsk! Inaasam asam ko lang sya dati pero ngayon, nabingwit mo na pala." Hindi ko naman sya biningwit tsk! "Nga pala akala ko ba may boyfriend sya!?"

"Boyfriend? Sino? Si Raf?" Teka, hindi nga pala nya kilala si Raf. Ewan ko ba dun kung bakit pero bukang bibig naman nya sa panaginip nya, baliw.

"Hindi! Hindi Raf yung pangalan," biglang bumukas yung elevator at pumasok si Mr. Choi. "Ayun! Athan ang pangalan, Athan!"

Aish! Ang daldal.

Tinakpan ko agad yung bibig ni Cliff, bawal nga palang malaman ng bestfriend ni Leaf ang tungkol sa amin.

Buti na lang at naka headset sya at hindi sya lumingon sa amin, hindi siguro kami narinig.

"Shhh! Quiet." Sabay turo ko dun sa nasa unahan namin.

"Sino sya?" Pabulong nyang tanong.

"Athan." Tinuro turo ko si Athan. Pwe! Ayoko ng Athan, kapangalan sya ng ex ni Hayley. Bestfriend na lang ni Leaf ang itatawag ko sa kanya.

Pag dating namin sa 12 floor pero hindi umalis si bestfriend ni Leaf. Sa ibang floor yata pupunta.

"Ang daldal mo! Ke lalaking tao."

"Sorry naman! Malay ko bang nandun s-- Wait!! Kung nandito yung boyfriend ng mapapangasawa mo? Nasa iisang lugar at kompanya lang kayo. Woah!!" Gulat na gulat naman sya, "Rayot 'to pare! Gulo 'to! Itigil nyo na yan pare!" Habang pinapalo palo pa yung pader.

"Tumigil ka nga dyan! Hindi sya boyfriend ni Leaf, mag bestfriend sila. Okay? BESTFRIEND!" Para mas maintindihan nya.

"Uh? Talaga? Eh sa tuwing nalalasing si Leaf dun sa bar na pinupuntahan ko, laging nandun yung Athan para sunduin si Leaf. Muntik na ngang mamatay yung binugbog nya, binastos kasi si Leaf." Ganun sya ka over protective kay Leaf? Kulang na lang pumatay sya para lang sa bestfriend nya, "Iba sya magalit pag dating kay Leaf. Kaya nga simula nun, wala ni sinuman ang nambastos kay Leaf. Natakot yata kay Athan."

Kahit pa magbestfriend kayo, wala naman sigurong tao ang papatay ng tao ng dahil lang sa binastos yung bestfriend nya.

May nafifeel ako eh, may kaka iba sa kanilang dalawa.

Pagkakuha ko ng mga papeles. Nagmaneho na ako pabalik ng bahay.

Pag-uwi ko sa bahay...

"Woaaahhh! Ano yan!? Ano 'tong mga kalat na 'to!?" Kalilinis lang namin kanina ni Cliff pero ang kalat na naman sa bahay.

"Aish! Hindi kasi ako marunong gumawa ng origami. Kaya ayan, ang dami ko ng nasayang na papel." Dahil lang sa hindi sya makagawa ng origami, nagkalat na sya sa bahay at ngayon para syang bata na maiiyak na.

"Akin na nga yan!"

"Ba--baket? Marunong ka?"

"Ahmmm, hindi rin."

"Ihhh! Bakit mo kinuha kung hindi ka rin pala marunong!?" Yung mukha nya, mukhang galit na naiinis na nakaka awa.

"Bakit ba gustong gusto mong gumawa ng origami hah?" Then pinakita nya sa akin yung picture ng origami na mga nakasabit sa kwarto. "Oh? Tapos?"

"Wa--wala lang. Marami kasi akong nakikita na mga nakasabit na picture sa mga kwarto nila, lalo na pag may mga isusurprise sila. Ganun ang kadalasan ang mga ginagawa nila tapos may mga baloons, eh wala naman akong pictures kaya origami na lang. Kaso, hindi naman ako marunong gumawa."

Hinawakan ko sya sa kamay, "Tayo!"

"Saan tayo pupunta? Hindi pa ako marunong gumawa ng origami..."

"Dadalhin kita sa mas maganda pa sa mga baloons, mga picture o origami na nakasabit."

"Talaga!?" Galak na galak naman ang itsura nya ngayon.

"Oo, tutulungan kita dapat tulungan mo rin ako."

"Saan?"

"Mimiya ko na sasabihin." Nagmaneho lang ako habang sya mukhang excited na excited. Bakas naman sa itsura nya. Pag dating namin dun tinakpan ko muna yung mga mata nya gamit yung panyo.

"Wow!!! Woaaahh! Ang ganda! Saan 'to!?"

"Sulitin mo na lang dahil mimiya magsasarado na 'to."

"Okay!!" Nagpa ikot ikot, nagpagilong gilong sa damuhan. Nanakbo, kumuha ng mga pictures. Sinulit nya talaga yung bawat sandali na nandito pa kami.

Pinicture-an ko sya. Balak kong ipakita kay tanda, para naman kahit papaano matuwa tuwa sya sa akin na. Ipinapasyal ko ang paborito nyang apu-apohan.

Hayley's calling...

"Hello?"

"Babe? Where are you?"

"I'm at the office, why?"

"Papunta ako ngayon sa Paradise Island. Let's meet there, let's celebrate our anniversary together."

Nako po patay! "Wait lang babe, I'll call you later. Bye!" Pinuntahan ko agad si Leaf.

"Oh! Oh! Saan tayo pupunta!? Nag eenjoy pa ako dito eh."

"Ka--kaylangan na nating umalis. Now na! Nagtext sa akin si Lola nasa hospital daw sya, we need to go there!" Letche! Pag nalaman ni Tanda na sya ang idinahilan ko, lagot na naman ako dun.

"Woah! Talaga!? Oh sya, dali! Tara na!" Nanakbo na kami palabas ng makita ko si Hayley papasok na, "Hindi! Hindi! Dun tayo, dun tayo! Short cut!"

"Hah!? May short cut!? Eh nandun yung sasakyan mo ah!"

"Mas short cut dun! Pag punta natin dun, nandun na agad tayo sa hospital."

"We? Talaga!? Pwedeng mag teleport?"

"Oo! Dali! Dali!" Nagtago muna kami sa isang, ewan ko kung saan 'to.

"Iww Pierce! Ang baho naman dito, amoy tae ng baboy!" Masuka suka nyang sabe.

"Tiisin mo na lang, miya miya nasa hospital na tayo."

"Pi--pi--pierce?"

"Oh, baket?" Biglang tumawag si Lola, "Aish! Bakit ngayon pa?" Hello?"

"Nasu--nasusuka ako!"

"Hah!?"

"Nasusuka ako." At ayun sumuka na sya.

"Geeezzzz! Leaf, ano ba!? Kadiri ka!" Tuloy tuloy pa rin sya sa pagsuka. Bakit ngayon pa? Tsk!

Ilang minuto kaming nagtago, pasilip silip ako hanggang sa makalayo na si Hayley. Binuhat ko agad si Leaf palabas para makapunta na kami sa sasakyan ng maka alis na kami dito, bago pa kami magpang abot tatlo ni Hayley.

"Oh ano? Okay ka na!?"

"Oo medyo okay na. Hindi na ako nasusuka," Lunok ng malalim, "Hindi ko na talaga kinaya yung amoy dun."

"Mas lalo namang hindi ko kinaya yung suka mo. Kadiri ka, tsk! Pasalamat ka kneck tie ko lang ang nagkaron."

"Sorry naman! Nga pala, akala ko ba pag pumasok tayo dun at lumabas. Nasa hospital na tayo? Eh bakit nagdadrive ka pa?"

Oo ng pala, isip bata sya. Bird brain. "Wa--wala eh! Nasira yung pang teleport kaya gagamit tayo ng sasakyan."

"Ahh ganun?" Maniwala ka, maniwala ka, maniwala ka! "Sayang! Hindi ko man lang naranasang magteleport."

Wooo!! Ang bilis nyang utakan.

Pag dating namin sa opisina pinapatawag kasi kami ni Tanda, importante daw. Pag pasok namin sa office ni tanda, dinatnan namin nandun yung mag-asawang tumulong sa amin non nung inabutan kami ng ulan.

"Tita, Tito ano pong ginagawa nyo dito? Paano nyo po ito nalaman?" Tanong ni Leaf dun sa mag-asawa.

"Ahh pumunta kasi kami sa pinsanin ko dito. Nakita namin 'tong calling card mo, ijo. Kaya nandito na rin lang kami, dumaretso na kami dito. May naiwan kasi kayo sa bahay."

"P--po? Ano po yun?" Bigla nya akong siniko, "May naiwan ba tayo nun?" Nag sign na lang ako ng hindi ko alam.

"You forgot the most important thing as a soon to be married." Sagot naman ni Tanda.

Ano naman kaya yun? Ang daming pasabog nito eh. Hindi nauubusan.

"This!" Tinaas nya yung damit, damit yata ni Leaf.

"Anong connect ng damit ni Leaf sa most important thing na sinasabe mo? Kayang kaya yan bilhin ni Leaf, kahit saan." Ang OA ni tanda. Damit lang pinatawag na kami dito, importante daw. Tsk! Kalokohan.

"What!? Hindi nyo ba natatandaan?"

"Ang alin?" Sabay naming tanong ni Leaf.

"Nung nag honey moon kayo sa bahay, naiwan nyo yang damit ni Ija. May dugo." └|゜ε゜|┐┐(゚д゚┐)└(゚д゚)┐┌|°з°|┘ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

"Ma--may dugo?" Nagkatinginan kami ni Leaf.

"Yu--yung...."

"Yung first blood." Bulong ni Tito sa amin.

At yun ang mas lalo pa naming kinabigla.

"So, what's the meaning of this!?" Galit na galit si tanda.

"Pi--pierce?" Agad tumakbo si Leaf dun sa banyo, at rinig na rinig namin na nasuka sya. Nas-nasuka sya!!? ┌|°з°|┘

Gulat na gulat kaming apat dito, "A--apo? A--a--anong ibig sa--sab--sabihin nun?" Sa sobrang pagka gulat, nauutal na syang magsalita.

"I-- I don't know!" Napapasigaw na ako dahil natataranta na ako, hindi ko na alam ang mga nangyayare. Naguguluhan ako.

"Yung dugo tapos sumusuka sya. Bun--buntis si Ija!?"

WHAAAAATTTTTTTTTT!!!?

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

13.2M 106K 34
Highest Rank: #4 in Romance Category ATTENTION: The completed and new version of this story can be read on DREAME/ YUGTO APP. Username: runa lee Bell...
1.8K 124 14
No matter how Maria Sama Rosal plans herself from escaping, she just couldn't escaped the trap. How could love be someone's downfall? Could you pr...
34K 753 47
Si Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyant...
4.2M 70.3K 58
Demonyong nagkatawang tao. May sungay, may buntot at tinidor na panusok. Ganyan ipaliwanag ni Freia Gonzales si Travis Reyes. Pagpasok pa lang niya b...