12 Bad Boys 2: Unremembered

By JoeCat28

42K 2K 1.1K

[COMPLETED] ❝Alaalang nawala.. maibabalik pa kaya?❞ ✔BOOK 1: 12 Bad Boys (COMPLETED) ✔BOOK 2: Unremembered (... More

Trailer & Cast
1 - New Beginning
2 - Missing You
3 - Friend
4 - Paris, France
5 - Rumored Transferees
6 - Lorence & Ellie
7 - They're Back
8 - Xander meets Ellie
9 - 2 Years Ago
10 - I'm-Sandy
12 - Kris's Feelings
13 - Relationship Status
14 - It's Yours
15 - Stephanie's Plan
16 - Lies
17 - Xander, Ellie & Kris
[Special Chapter]
18 - Picture
19 - Hoping
20 - Waiting For You
21 - Unstoppable
22 - A Familiar Place
23 - With You Again
24 - The only one in my Heart
25 - Suspicions
26 - I give up
27 - Stephanie Garcia
28 - Admitting Defeat
29 - Begin Again
30 - When he's Jealous
31 - Sasha & Tiffany
32 - Making Memories of Us
[Special Chapter 2]
33 - Next to you
34 - Shocking News
35 - Sun Ferrand
36 - The Unexpected
37 - Crying Silently
38 - She likes me..
39 - What should I do?
40 - Chennoying
41 - Bridal Shower
42 - Wedding Day
43 - Rachelle
44 - An Honest Confession
45 - Take me with you
46 - Mrs. Kim
47 - Mrs. Kim meets Xander
48 - Scars left behind
49 - Invitation
50 - 18th Birthday
51 - 18th Bday Pt. 2
52 - Xander & Lorence
53 - 18th Bday pt. 3
54 - She's back!
55 - Moment of Truth
56 - Lose Control
57 - Charlie's Pov
58 - Mutual Feelings
59 - Another School Year
60 - First Baby
61 - Unchanging Dream
62 - Losing Focus
63 - Stephanie & Ellie
64 - A Shattered Mind
65 - The Lost star
66 - The Forgotten Memories
67 - Confused Heart
68 - Tough Choices
69 - I'm letting you go
70 - Remembering Us
71 - Say My Name
72 - The Best Present
73 - On a Calm Day
The Start of Forever
Epilogue
BOOK THREE

11 - Ellie's First Day

852 49 40
By JoeCat28

#12BadBoysTwo11

Dedicated To: Zephery



Chapter 11 - Ellie's First Day





  ✾ 12 Bad Boys 2 ✾






Third Person's Pov



Ngayong araw ang unang pasok ni Ellie Kim sa kanyang bagong paaralan, kagabi pa siya kinakabahan at hindi mapalagay, kung ano ano na ang mga pumasok sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang magiging kalabasan kapag dumating na ang araw na ito, magiging madali kaya sa kanya ang lahat? Hindi kaya siya masyadong mahihirapan?


At higit sa lahat, magugustuhan kaya siya ng mga taong makikilala pa lang niya ngayong araw? Sana'y magkaroon siya ng mga bagong kaibigan, ngunit hindi niya ikinakaila na siya ay masayang masaya dahil simula ngayon, pagaaral na lang ang kanyang aatupagin.


Hindi tulad noong nasa France pa lamang siya, kinailangan nyang ipagsabay ang pagmomodelo at pagaaral.


" Bonjour (Good Morning), Ellie! " Bati ni Ellie sa kanyang sarili noong magising at bumangon siya sa pagkakahiga.


Naroon pa din ang konting kaba kahit kakatapos lang niya maligo at magbihis tsaka mag-ayos, pero naniniwala syang magiging masaya ang araw na ito para sa kanya. Narinig niya mula kay Lorence kahapon na iisang unibersidad lang ang inaatenan nila pati ng mga kaibigan nito, ngunit magkaiba iba sila ng mga kurso maliban na lang sa iba na pareho. Fine Arts ang kurso ni Ellie simula noong nasa France pa lang siya, may sikat na paaralan sa France lalo na para sa mga Fine arts ang kurso, pero excited na syang makita at malaman kung may ipinagkaiba ba ito sa dati nyang paaralan. Ngunit nanatili pa din sa kanya ang pagkakaexcite, lalo na't makikita niya pa din si Lorence.


Naalala nyang may makakasama siya at kaparehong kurso sa isa mga kaibigan ni Lorence, ngunit nung tinanong niya ang binata kagabi kung sino iyon ay ang sinabi lang sa kanya; " Malalaman mo rin. " Kaya hindi na niya ito kinulit pa, mas lalo syang nae-excite at hindi na siya makapaghintay na makilala kung sino ito.


Sana'y magka-klase silang dalawa.


Pero ang bunsong sina, Timmy, Kai at Sun ang unang pumasok sa isipan niya, na sana'y kapareho niya ng kurso. Masayahin kasi ang mga ito at nakakasigurado syang magkakasundo pa sila lalo.


" J'ai faim.. (I'm hungry) " Bulong ng dalaga noong tumunog ang kanyang tiyan, matapos nyang mag-ayos ay lumabas na siya ng kwarto para mag-almusal.


May 35 minutes pa naman siya bago magsimula ang unang klase niya, hindi niya alam kung magluluto ba siya o kakain na lang siya ng bread at jam. Noong makarating siya sa kanilang kitchen area, napansin nyang lalabas pa lang ang kasama niya sa bahay, mukhang pupunta na ito sa school.


" Good morning—Sandy. " Binati niya ito na may ngiti sa labi, tiningnan siya nito saglit pero hindi man lang siya nito pinansin noong magsuot na ito ng sapatos.


Wala uniporme ang kanilang unibersidad, kaya kahit anong klase ng damit na gusto mong suotin ay maaari mong gamitin.


" Papasok ka na ba? " Muling nagsalita si Ellie at napansin nyang tapos na ito magsuot ng sapatos, ang buong akala niya ay hindi siya nito papansin. " Hindi mo ba nakikita? " Tanong ng dalaga sa kanya pero ngumiti na lang si Ellie.


Umaasa pa naman siya na makakasabay niya itong pumunta sa school, lalo na't unang araw niya ngayon at wala naman sigurong masama kung sasabay siya pero mukhang malabo nang mangyari pa iyon. " Sige, ingat. " Saglit lang siya nitong tiningnan at lumabas na ng kanilang bahay.


Napasimangot naman sandali si Ellie.. paano na yan, wala syang kasama papunta sa kanyang bagong school? Hindi bale na, may map naman siya sa kanyang phone. Bakit kasi hindi na lang siya pumayag na sumama kay Lorence? Napag-isipan kasi ni Ellie na mauuna na lang ang kaibigan nyang si Lorence at hindi na kailangan pa siya nitong samahan, alam niya din kasing maaga ang pasok nito ngayon kahit pareho nilang first day ngayong araw. Inisip kasi din nyang kailangan nilang humabol lalo na't medyo huli na sila ng pasok noong magsimula ang unang araw ng pasukan.


" Okay lang yan Ellie.. ikaw pa! Hahaha.. Ugh. Bahala na nga, masasanay din ako, at kapag nasanay na ako hindi ko na kailangan pa ng makakasama. "


Apat na piraso ng toasted bread at nilagyan lang ng strawberry jam ang kanyang naging agahan at nagtimpla ng gatas.


Matapos non ay chineck muna ni Ellie kung patay na ba lahat ng mga gripo, ilaw at kung wala nang mga nakakasaksak na electrical plug, noong makompirma nyang wala ng problema, kinuha na niya ang kanyang bag at ngayong araw simple lang ang kanyang suot at nakatali lang ang kanyang buhok.


Sinuot na niya ang kanyang doll shoes, matapos non ay in- encourage muna niya ang sarili na magiging maayos ang lahat ngayon araw at binuksan na ang pintuan.









Paggising ni Xander ay wala nang tao sa loob noong makalabas siya ng kanyang kwarto, kahit pa si Lorence ay wala na din. Nabanggit din kasi sa kanya nito na maaga ang klase nito at mabuti na lang ay pareho ito ng kurso pati ni Mike.


Hindi niya din nakalimutan ang bagay na binaggit ng kaibigan nyang si Lorence kagabi, kahit paano ay magiging maganda ang araw niya ngayon, kahit maaga pa lang ay ramdam na nyang masaya na ang kanyang araw.


One hour bago magsimula ang klase niya at tapos na syang maligo, 40 minutes noong matapos syang mag-agahan at nanood pa saglit ng palabas. Pagkatapos non ay kinuha na niya ang kanyang mga gamit at lumabas na para bumaba, noong makababa siya ay nakasalubong pa niya ang kanilang landlady, binati niya ito at dumiretsyo sa kaliwa upang puntahan ang isang naturang kwarto.


" Okay na kaya ang hitsura ko? " Nagdadalawang isip namang tanong ni Xander sa kanyang sarili, nilabas niya ang kanyang phone at binuksan ang camera app pero kahit nakita na niya ang hitsura niya ay hindi pa rin siya mapanatag. " Sinungaling ang mga camera. " Sabi niya at pumunta sa isang mahabang salamin na naka dikit sa dingding na narito sa hallway.


Inayos niya ang kanyang buhok.


Natawa si Xander habang inaayos niya ang kanyang buhok at nakikita ang sarili sa salamin. Teka, nagpa-pagwapo ba siya?


Naglakad na siya ulit papunta sa tapat ng pintuan na pinanggalingan niya kani-kanina lamang. Tahimik siya habang nakatago ang dalawang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pants.







Noong mabuksan ni Ellie ang pintuan, nakita niya kaagad ang isang binatang nakatayo lamang habang nakapamulsa. Ilang segundo pa bago siya nito tingnan.. nagtataka siya kung bakit nandito ito sa labas at mukhang may hinihintay—o siya nga ba ang hinihintay nito?


Pareho silang hindi agad nakapagsalita agad, napangiti si—Xander, noong tumingin siya sa dalaga at naglakad ito para lapitan.


" Hi. " Nakangiti pa ding bati ng binata sa kanya.


Sinara muna ni Ellie ang pintuan at humarap sa binatang ito, hindi siya makapaniwala na siya pala ang hinihintay nito, pero bakit?


" Sinabi sa akin ni Lorence kagabi na pareho tayo ng kurso. " Nagulat saglit si Ellie sa kanyang narinig, ang tinutukoy pala ng kaibigan nyang si Lorence ay walang iba kundi si Xander? Siya pala ang kanyang kaparehong kurso? Ngayon ay maliwanag na sa kanya.


Mukhang panatag siya sa kanyang nalaman.


Parang biglang naglaho na lang ang konting kabang kanyang nararamdaman kanina pa, noong malaman nyang si Xander pala ang tinutukoy ng kaibigan niya.


Pakiramdam niya ay wala syang dapat ikatakot o ipangamba dahil alam nyang nandito lang si Xander..


" Natutuwa akong pareho tayo ng kurso, Ellie.. Okay lang ba sayong makasabay ako ngayong araw na pumunta sa school? " Ngumiti ulit ang binatang ito.


Pakiramdam ni Ellie ay saglit namang huminto ang pagtibok ng kanyang puso, bakit ganito na lang ang pakiramdam niya noong ngumiti ito sa kanyang harapan at malapit pa sa kanya?


Marahil ay natutuwa din syang si Xander ang makakasabay niya ngayon. " Oo naman.. okay lang din ba sa'yong sumabay ako sayo? " Gusto lang ni Ellie ang makasigurado kahit alam nyang okay lang sa binata, mas mapapanatag siya kapag narinig niya mismo ito mula kay Xander.


" Oo Ellie.. "


Parang ilang segundo pa ang lumipas bago magsalita ulit ang isa sa kanila. " Ano? Tara na? "


Tumango ang dalaga at sabay na silang naglakad papunta sa labas ng burbury house, pansamantalang nanatiling tahimik ulit ang dalawa, ngunit magkasabay pa din silang naglalakad. Mahaba haba pa ang kanilang time, kahit lakarin lang ay hindi sila mahihirapang marating ang kanilang school.


'Medyo matagal tagal din nung sabay tayong pumunta sa school, kasama at katabi kita habang naglalakad tayong dal'wa. Pagmamasdan kita hanggang sa magsawa ako—haha.. pero hindi kita magawang pagsawaan, kahit pagmasdan lang kita buong oras, kontento na ako.'


'Kahit magbago pa ang pangalan mo, makalimutan ang dating pinagsamahan natin, hinding hindi ako magsasawang ipagsigawan na ikaw pa din ang babaeng minahal ko noon at patuloy kong mamahalin magpakailanman.'


'Oo, importante ang ngayon dahil bumalik ka na, pero ang nakaraan hindi ko pwedeng kalimutan yon. Gusto kong matandaan mo ang dati, pero okay lang din sa akin kahit wala kang matandaan ngayon, wala na kasi akong ibang hinangad kundi ang makita ka't makasama ulit.. kaya sa ngayon, panatag ako kasi alam ko nandito ka lang malapit sa tabi ko.'


Hindi nawala ang mga tingin ni Xander sa dalagang kasama niya.


Samantalang pakiramdam naman ni Ellie ay nakatingin sa kanya ang binatang kasama niya ngayon. Pero kahit ganon ay pakiramdam niya komportable pa din siya, parang nahahati ang kanyang isipan at may nagsasabi sa kanyang 'komportable' syang nakatingin ito sa kanya.


" Ellie, ano'ng section mo? " Tanong ng binata sa kanya noong huminto sila sa paglalakad at hinihintay na makatawid sa kabilang daanan.


Mabilis namang sumagot si Ellie at mukhang napasigaw pa siya—na parang gustong gusto nyang sabihin ito sa binata.


" 3-B! Oopps.. sorry, napalakas yata.. "


Tinakpan kaagad ni Ellie ang bibig niya dahil sa kahihiyan, ngunit nagulat siya noong tinawanan ito ni Xander at ramdam nyang namumula ang kanyang dalawang pisngi dahil siya ay nahihiya.


" Hahaha—ang cute mo pa rin..ang ibig kong sabihin, ang cute mo kapag nahihiya. " Medyo mahina na ang tawang ipinapakita ni Xander, natutuwa lang syang makitang muli ang ganoong klaseng reaksyon. " Nga pala—mag classmates tayo. "


Napansin ni Xander ang pagiging tahimik ng kasama niya kaya tumingin siya dito at nakita nyang halos maluha luha ito sa kanyang tabi habang mariin na nakatingin sa kanya.


" Heh!?—naiiyak ka ba..? " Nagbago ang expression ni Xander noong makita niya itong ganoon kung makatingin sa kanya.


Humikbi ang dalaga at pinigilang hindi maiyak.


" Pasensya ka na.. natutuwa lang kasi ako—hehe~ " Napangiti na ito at nakahinga naman ng maluwag si Xander. " Kanina ko pa kasi wini-wish na sana'y magka-klase tayong dal'wa, kanina kasi, no actually since yesterday kabadong kabado na ako.. kinakabahan ako na baka mahihirapan akong makahanap ng bagong kaibigan kapag pumasok na ako, kaya natuwa ako nung marinig ko kay Lorence ang tungkol sa iyo. "


" Paano ba yan, let's be friends—again? " Natawa silang pareho.


Oo at magkaibigan na sila noong mangyari ang 'welcome-party' para kela Lorence at Ellie.


" Hahaha~ "


Malapit nang dumating ang dalawa sa kanilang paaralan, tuwang tuwa naman si Ellie sa mga taong nakikita niya sa paligid at nakakasabay nila, nakakasigurado kasi syang studyante din ang mga ito katulad nila, lalo na't iisang destinasyon lang naman siguro ang kanilang pupuntahan.


Papalapit ng papalapit sila noong makita niya di kalayuan ang isang malaking school gate at may mga labas masok sa lugar na iyon.


" Thank you Xander.. pinasabay mo ako ngayong araw, and dahil sa'yo nawala ang kabang nararamdaman ko kanina. " Sabi ni Ellie kay Xander na saglit naman nyang ikinagulat kahit wala sa kanyang hitsura.


" Alam kong mabait kang tao.. simula nung makausap kita. "


Dagdag ulit ng dalaga.


Hindi mapigilan ni Xander ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, nagiging emosyonal siya.


" Hm, mabait? Alam mo bang minsan lang ako makatanggap ng ganyang klaseng 'compliment'? Dati kasi ang parating kong natatanggap—I'm a pretty boy, makulit, maingay and.. cute! So, dapat ako ang magpasalamat sayo. "


Natawa si Ellie sa 'pretty boy' na kanyang narinig.


" Pretty boy? Yeah sure—haha. "


Natawa na din si Xander dahil sa naging komento nito sa sinabi niya kanina. " Xander, nakakatuwa lang kapag nakangiti ka.. ang cute mo sa tuwing nakangiti ka ng ganyan. " Sabi ng dalaga sa kanya at may ngiting gumuhit sa mga labi nito.


" Talaga? Okay, sabi mo 'e. "


'Hindi lang pala si Sandy ang natutuwang nakikitang nakangiti ako, pati din pala ikaw.. Ellie. Oo nga pala, iisa lang kayo magkaiba lang ng pangalan.'


Noong makapasok silang sa malaking unibersidad na iyon, hangang hanga si Ellie sa kanyang mga nakikita sa paligid, hindi siya makapaniwalang may ganitong paaralan dito sa pilipinas na mas lalong ikinatuwa niya at nakakasigurado syang mage-enjoy siya dito. Nakangiti lang si Xander sa reaksyon na ipinapakita ng dalaga, habang sila ay naglalakad, kung alin alin na ang tinuturo ng binata para ipakilala sa dalaga, hindi naman pinapalampas ni Ellie ang mga iyon, lahat ng mga narinig niya mula kay Xander ay nakatatak na iyon ngayon sa kanyang isipan.


Ngunit siguro'y maya maya pa siya makakapag tour at nangako naman sa kanya si Xander na ito-tour siya nito kapag break time o may mas mahaba pa silang oras pagkatapos ng kanilang klase. Sa ngayon ay kailangan na nilang pumunta sa classroom dahil magsisimula na ang klase nila.


" Hello everyone, I'm Ellie Jane Kim, dati akong nakatira sa France pero napagdesisyonan kong dito ko na itutuloy ang pagaaral. Masaya akong makilala kayong lahat, please take care of me. "


Kahit medyo kinabahan siya ulit habang nagpapakilala sa harapan ng ilang mga studyante—hindi niya magawang hindi sumilyap sa kinaroroonan ni Xander na sa kanya lang itong nakatingin at nakangiti, nakikita niya sa mga mata nito at gustong sabihin sa kanyang dapat ay hindi siya kabahan.


Nawala ulit ang kabang iyon, noong tumango si Xander at muli itong ngumiti sa kanya, kaya napangiti na din siya.


" Thank you very much Ms. Ellie Jane Kim, Bonne journée (Please, have a good day). "


Napangiti si Ellie noong magsalitang ng French language ang kanyang teacher.


" Merci (Thank You) Ma'am. "


Kahit may mga studyanteng naririnig si Ellie na pinaguusapan siya nito, katulad na lang ng mga salitang; bakit siya pumunta pa sa pilipinas, 'e mas hamak namang maganda sa France at lalong lalo nang sikat na sikat ang bansang iyon.. Pero hindi na iyon pinansin pa ni Ellie, may maganda syang dahilan kung bakit narito siya ngayon sa pilipinas at wala syang pinagsisihan.


First day pa lang naman, pero ngayon pa lang masaya na siya dahil naroon si Xander para palakasin ang loob niya.




Napapansin ni Xander na talagang nakikinig ang dalaga sa discussion ng kanilang teacher na nasa harapan, panay din ang pagsulat nito sa kanyang color pink at malaking notebook. Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang dalagang ito.. walang nagbago, katulad pa din ito nung dati noong high school pa lamang sila.


" Gusto kong balikan ang mga good memories na 'yon. "


Bulong ng binata pero narinig ito ni Ellie kaya lumingon ito sa kanya. Nakatingin ang binata sa kanya kaya nakita nito ng dalaga noong lumingon siya.


Napangiti si Xander at nakinig na ulit sa discussion, nakangiti ding nakinig ulit si Ellie.


Ilang oras at medyo matagal tagal din ang kanilang discussion, mamaya naman ay maaga ang magiging susunod nilang klase.


" Gusto kong mag concentrate na muna ngayon sa pagaaral, lalo na't late na akong pumasok, tsaka madami na akong namissed.. " Sabi ni Ellie.


" Don't worry, may mga notes ako and complete ang mga yon, pwede mo namang kopyahin yon, and kung may gusto kong mga itanong, nandito lang ako. "


Natutuwa namang marinig ni Ellie ang mga iyon mula kay Xander.


" Mabuti na lang ikaw ang kasama ko ngayon. "


Tumingin si Xander sa dalaga noong marinig nyang sabihin nito ang mga iyon, ngunit hindi na ito nakatingin sa kanya.


" Talaga? " Tanong niya sa dalaga at muli itong tumingin sa kanya.


Masaya itong tumango.


" Ako rin. " Sabi ni Xander nung magsalita siya ulit pero nanatiling nakatingin sa kanya si Ellie, hinihintay at nakakasigurado itong may sasabihin pa siya. " Masaya akong ako ang kasama mo ngayon.. " Mula sa pagkakayuko ng binatang ito kanina ay muli syang tumingin ulit para tingnan ang dalaga. " Mabuti na lang din nandito ka, Ellie.. parati kasi akong mag-isa at minsan lang may kasama kapag break time, but today is different and now you're here, hindi na ako magiisa pang muli. "


Nagkatitigan ang dal'wa.


" Nandito lang ako Xander, hindi ka na mag-iisa pa. " Ngumiti ang dalaga sa kanya.












Ilang araw pa ang mga lumipas ay lalong lumalalim ang pagkakaibigan nilang dalawa, sina Ellie at Xander, sa pagiging magkaklase nila ay mas lalong naging open ang dalawa sa isa't isa. Napapadalas din ang pagsasabay nitong dal'wa kapag sila ay pupunta na ng school, kada break or lunch time or kung may mga group activities ay lagi silang magkasama, ngunit kahit maga-apat na araw pa lang pakiramdam ni Xander ay mahabang panahon na iyon simula nung makapagusap sila at makasama niya muli ang dalaga. 


Pero may mga oras din namang kasama nila ang ibang mga kaibigan, lalo na kapag sila ay nakakauwi sa burbury house.


Siguro ang pagiging malapit nilang dal'wa ngayon, ay sila lang ang nakakaalam non.


Dumating ang bagong araw, naisipan ni Ellie ang pumunta sa library habang isang kalahating oras pa bago ang susunod nyang klase, kokopyahin niya lang ang mga natirang lectures na hiniram niya kay Xander kaysa naman ay sayangin niya ang oras.


Hindi makakasabay si Xander sa kanya ngayon—na medyo ikinalungkot niya ngunit naiintindihan naman niya, at kahit papaano ay may alam na siya sa unibersidad nila at dahil iyon sa tulong ni Xander. Sa notebook lang nakatuon ang isipan at mga mata ng dalaga habang nagsusulat siya, hindi niya na pala napansing kanina pang may isang binata ang kararating lang at naupo sa vacant chair na nasa kanyang harapan. Mariin siya nitong pinagmamasdan pero hindi niya pa din ito napapansin.


Hindi nagtagal ay may inilabas ang binatang iyon ng isang book at binuksan ito sa isang page na may nakaipit na bookmark dito. 




" Je vous aime bien "




Nahinto si Ellie sa pagsusulat noong marinig niya ang salitang iyon na isang French language.


Tumingin siya sa kanyang harapan at nakita ang isang may itsura, maputi, payat at napakaseryosong lalakeng nakatingin lang sa kanya.


'Kris?'


Sabi ni Ellie sa kanyang isipan, hindi niya yata napansing narito pala si Kris?


Ningisihan siya nito ng binata bago ulitin ulit ang sinabi nito kanina. "Je vous aime bien.. "


" ang 'I like you' sa French—hindi ba? "


Hindi kaagad nakapagsalita si Ellie sa tanong nito sa kanya.


Hindi alam ni Ellie kung bakit tinatanong siya nito ng mga ganoong klaseng bagay. Kanina lang ay parang nakaramdam siya ng pagkakailang, dahil siguro sa sinabi nito.


" Um.. yes, iyon nga. " Maikli namang sagot ng dalaga.


Nagpatuloy na ulit sa pagsusulat si Ellie ngunit ramdam nyang nakatingin pa din ito sa kanya, na mas lalong ikinailang niya at hindi na siya halos makapag-concentrate sa kanyang isinusulat sa notebook.


" Naiilang ka yata? " Muling nagsalita ang binatang iyon.


Napansin ni Ellie na magkasabay namang inilagay ni Kris ang dalawa siko nito sa table. " Bakit? Iniisip mo sigurong para sa'yo yon? " Nagdadalawang isip si Ellie kung titingin siya sa mata ng binata na itong nasa harapan niya, baka siguro mas lalong maiilang siya lalo na't pagkatapos iyon sabihin sa kanya.


" Nagulat lang ako.. kasi sa tingin ko kanina ka pa nakaupo dyan, hindi man lang kita napansin. " Tumingin ang dalaga kay Kris at ngumiti ito. 


Pero alam at pansin ni Kris na naiilang na ito, na mas lalo namang ikinatuwa ng binata.


" Ahh. Oo kanina pa ako nandito. " Komento ni Kris.


Muling nagsulat si Ellie.


" 'e kung sabihin ko sayong—tama ang iniisip mo? " Kaagad namang napatingin si Ellie sa mga mata ni Kris, hindi niya maintindihan ito kung nagbibiro lang ba ito o ano. Naging tahimik ulit ang dalaga, hindi na niya mapigilan ang mailang sa pinagsasabi ng binatang ito sa kanya.


Kaya naisipan ni Ellie ang hindi na ituloy pa ang pagsusulat at nakita niya sa kanyang suot na relo na 30 minutes na lang ay magsisimula na ang next class niya, inayos na niya ang kanyang gamit na nasa table at tumayo na.


" I'm sorry Kris, kailangan ko nang bumalik sa classroom. "


Hindi na hinintay ni Ellie ang sagot nito at nagsimula na syang maglakad.


" Bakit hindi ba ako pwedeng magkagusto sayo—Ellie Kim? " Nakikita ni Kris ang dalaga na napahinto ito sa kanyang peripheral vision.


Napahinto si Ellie sa paglalakad ngunit hindi na niya nilingon pa ang binatang nasa kanyang likuran.


Ngayon ay alam na nyang seryoso na ang binatang ito sa kanyang mga sinabi.


Pero kung totoo man—hindi maibabalik ni Ellie ang pagkakagusto nito sa kanya.


Mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Kris noong maramdaman nyang umalis na ang dalaga at wala man lang sinabi sa kanya.



" Hindi mo ako mapipigilang magustuhan ka, Ellie. " 




✾ 12 Bad Boys 2 ✾ 


QOTD: BlackPink or Red Velvet? 

*Ipu-push ko na 'tong 'QOTD' Question of the day, kada chapters. Okay lang kahit magcooperate kayo o hindi. Lels.

Continue Reading

You'll Also Like

363K 6.6K 59
Ayoko sa GANGSTERS!!!sabi ko. Pero pano kung biglang dumating siya?Bigla niyang winasak lahat ng sinabi ko na ayaw ko ng gangsters?Ano ang magagawa k...
6K 372 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
4.6K 364 44
Akira Dela Cruz and Liam Enriquez hated each other from the very first time. Ayaw ni Akira kay Liam dahil sa palagay nya ay isa itong mayabang na lal...
4.1K 205 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...