BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Fifty-Four

30 0 0
By katnisssss

Maaga akong nagising kinabukasan. Mabilis akong naligo at saka nagsuot ng pamalengkeng damit. Bago pa man lumabas ng kwarto ay inayos ko muna sa isang case ang mga papel na natapos ko kagabi.

Nasa dining table si Mama nang makababa ako. Umiinom siya roon ng kape.

"Good morning, Ma..." Bungad ko sa kanya at saka siya sinalubong ng ngiti. Matapos ay inilapag ko sa tabi niya ang mga papel. "Okay na po 'yan"

Hindi nagsalita si Mama kaya naman ay dumiretso ako ng kusina para kumuha ng tasa. Nang makaupo ay saka naman ako nagtimpla ng gatas.

Humigop ako sandali sa tinimpla ko dahilan para masalubong ko ang tingin niya sa akin.

"May problema po ba?" Tanong ko kaagad

Hindi niya sinagot ang tanong ko, imbes ay pinagmasdan lamang niya ako mula ulo hanggang paa. Nang makasalubong ko ulit ang mga mata niya ay doon na siya nagsalita. "Sa'n ka pupunta?"

"Sasamahan ko po kayong mamalengke..."

Kumunot pa siya ng noo na animo'y hindi naintindihan ang sinabi ko. "Bakit?"


Bakit nga ba? Hmm?


"Bonding time? Tsaka baka may bilhin din po ako, ayaw niyo po ba ng may katulong?"

"Hindi naman sa ganoon, akala ko lang may pupuntahan ka." Umiwas na siya ng tingin sa akin at saka binalikan ang binabasa niyang diyaryo.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa dahilan para mapalingon siya sa akin. "Ma, naka-bonding ko na silang lahat, ikaw na lang po ang hindi. Alam ko po na bukas pa talaga ang plano natin pero ayaw niyo po ba simulan ngayon?"

Ngumiti lang siya sa akin. "Edi kung ganoon, magbibihis na ako"

Hinayaan ko na siyang umakyat sa kwarto at magbihis. Pinagkaabalahan ko naman ang sarili ko sa paghugas ng mga tasang ginamit namin.


"Sigurado ka wala kang gustong ipaluto?"

Mabilis akong umiling. As long as luto ni Mama yo'ng kakainin nila, paniguradong hindi naman sila magrereklamo. They're pretty much flexible with food, too.

Sinusundan ko lang si Mama sa pamamalengke nang nasa wet market na kami. Kung minsan lumilingon siya sa akin habang ineeksamin yo'ng mga binibili niya.

"Wala bang ganito roon?"

"Meron naman po pero most of the time sa grocery na lang po kami namimili, mas mabilis po kasi."

"Dapat hindi ganoon. Frozen ang nasa groceries, hindi rin masyadong maganda ang ganoon. Isa pa, masarap ang sariwa. Dapat nga lang magaling kang mamili."

Nagsabi pa siya ng paraan ng pagpili ng karne, isda, pati ilang gulay doon.

"Kapag bibili ka ng sibuyas o bawang, dapat yung nakatumpok na. Madadaya ka lang kapag kinikilo."

Tumatango ako agad sa kanya. Napapangiti na lang rin ako ng tago kapag tuwing naaalala ko maski pa man noon ang mga paalala niya.


"Kapag mag-gogrocery ka, dapat ang unahin mo yo'ng mga kailangan muna. Bigas, asukal, para hindi ka na mangangapa kapag nagkulang ang pera mo"

"Wag kang magpapadala lang sa laki ng prutas at gulay, sabi nga, kung ano ang malaki, yo'n pa ang walang lasa. Mas maganda nang maliliit."

"Bilangin mo muna yung sukli mo bago ka umalis."


Matapos niyon ay dumaan naman kami ni Mama sa grocery. Hinayaan niya akong mag-isa muna habang naglilibot sa mumunting tindahan.

"Naaalala mo pa naman yo'ng bilin ko di ba? Sandali lang ako..."

Tumango ako at pinagmasdan siyang pumasok sa isang kwarto hawak ang mga papel na pareho naming tinrabaho kagabi.


Nagsimula na akong mag-ikot ikot sa kabuuan no'n.

Marami na rin talagang nagbago sa pwesto at maging sa interior ng store, tanda lamang na lalo pa itong lumalago.

"Ate Angela!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Mia na lumalapit na sa kinaroroonan ko na may tulak ding isang cart.

"Namimili ka?"

Tumango ako. "Kasama ko si Mama..."

Isang tango rin ang isinagot niya sa akin.

Namimili siya ngayon ng mga kailangan ni Tita sa pagbe-bake.

"Mas malapit kasi rito, isa pa, laging may discount."

Tumawa ako sa naging pasaring niyang iyon. Matagal pa kaming nagkwentuhang dalawa habang namimili.

"Kung alam lang ni kuya na makikita ka niya rito, paniguradong siya na ang namili ngayon..."

Napatingin ako bigla sa kanya. Pabulong lang naman iyon pero para bang patama niya na rin sa akin yo'n.

Patuloy siya sa pagmamaktol. "Hindi naman sa ayaw kong pagbigyan si Mommy pero syempre marami rin akong ginagawa. Kailangan ko pang magpa-approve ng bagong designs sa professor ko. Si Kuya, wala namang ginagawa, wala naman siyang trabaho ehh..."


Matagal ko na ngang gustong itanong ang bagay na ito. Alam kong magaling si luga, kumpara sa mga nakikita kong ibang gawa ng mga engineers sa magazines, hindi hamak na mas maganda ang ginawa niyang disenyo sa bahay nila.

Paniguradong maraming tatanggap na kompanya sa kanya. Kaya bakit wala siyang trabaho ngayon? Bakit hindi niya masyadong pinagtutuonan ng pansin ang propesyon na kinuha niya?


"Bakit nga ba ayaw niyang magtrabaho?" Hindi ko na napigilan pa ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

"May hinihintay daw siya..."


Ano naman kayang hihintayin ng isang yo'n? Tss! Mas mahihirapan siyang magtrabaho kapag pinatagal niya pa, lalo na at maraming nag-uusbungan na bagong graduate ngayon.


Dudugtungan ko pa sana ng tanong yo'n nang saka naman kami dinaluhan ni Mama.

"Alam mo naman ang pagpapahalaga sa'yo ni Mommy, Tita. Pakiramdam ko isang araw, itong buong store niyo na ang mauubos niya."

Nakikitawa na lamang ako sa mga kwentuhan nila.

Hinayaan ko rin silang mauna sa pamimili at nanatili lamang akong nakasunod sa likod nila. Wala rin naman akong masasabi dahil inilalayo ng hangin ang isip ko.


Minsan hindi ko talaga maintindihan ang gusto ng lugang iyon. Hindi ko alam kung anong ipinaglalaban niya.


"Angela!" Nagising ako sa pag-iisip at itinuon ang pansin sa dalawang nasa harapan ko ngayon. "Okay ka lang?"

Tahimik akong tumango.


Geez! I wish I'm not too preoccupied tomorrow. I don't want to ruin everything I planned for our date.


"For sure Mommy won't mind baking her famous croissants by lunch. Matutuwa pa yo'n kasi ma-eendorse ang produkto niya." Sabat ni Mia nang makalabas na kami ng store.

"It's good if they're still open for a nice piece of fat, though..."

Tumawa naman si Mia sa tinuran ko saka ako hinarap.  "Gusto ko silang makilala, Ate"

"Bakit hindi na lang kayo sumalo sa tanghalian? Mas marami, mas masaya." Suhestyon ni Mama

Tuwang-tuwa namang sumang-ayon si Mia.

"I thought you're busy?" Pabulong ko lamang iyon sa kanya na saka naman ikinapula ng mukha niya.


I'd like to think she's hitting on one of the guys. Too bad though, they're all taken. Looks like Ian got some explanations to do with this brat.


Bago pa man kami magkahiwalay ay kitang-kita sa mukha niya ang excitement. "Sasabihin ko agad kila Mommy. Sige po, mamaya na lang!"

Kinawayan namin siya pabalik.

"Nagdadalaga na ang batang 'yan..." Puna ni Mama at saka nagsimula nang maglakad papunta sa bahay. Sinundan ko na lamang siya.


Agad naming nilapag ang mga pinamili sa lamesa. Umakyat muna ako ng kwarto para makapagpalit sa kumportableng damit. Isa pa, pawis na pawis din ako sa pamamalengke.

Nang makabalik ng kusina ay naghanap ako ng pwedeng magawa. Isinaayos ko sa ref ang ibang pinamili at nang matapos ay saka naman ako inutusan ni Mama para balatan at himayin ang mga gulay.

"Kailangan niyo pa po ng tulong ko?"

Hinayaan naman ako ni Mama na tumulong sa kanya. Isang putahe ang pinaubaya niya sa akin. Nagsasabi lang siya ng mga isusunod na ilalagay at kung kailangan pa bang pakuluan muna yo'n.

Hinahayaan niya rin akong tumikim at kung ano ang gagawin ko kapag kulang sa lasa o maalat ba masyado ang pagkakatimpla roon.

Tinikman din ni Mama ang luto ko at mukhang maayos naman yo'n sa panlasa niya.

Siya na rin ang nagluto ng iba pang putahe at hinayaan niya na ako sa pag-aayos ng lamesa. Parating na sila Ian ano mang oras.


To: Ian

Alert me when you're few blocks away. See ya!


Umupo muna kami sandali ni Mama sa sala habang hinihintay niyang maluto ang pinaka-huling putahe para sa pananghaliang ito.

Namutawi ko kaagad sa kanya ang pagiging pagod kaya naman ay tumungo ako sa likuran niya para hilutin ang iniinda niyang sakit.

"Naistorbo pa po namin kayo. Di bale bukas Ma, isang napakasayang day-off iyon para sa inyo."

Nakapikit siya habang hinihilot ko ang ulo niya. "Saan ba tayo pupunta?"

"Secret..."

"Ikaw talagang bata ka, ang dami mong alam. O siya sige..." Tinapik niya ang kamay ko at saka umayos na ng upo. "Mag-ayos ka na at baka parating na ang mga kaibigan mo. Titingnan ko kung luto na rin yo'ng Igado."

Tumalima rin naman agad ako lalo na't nag-text na rin sa akin si Ian na malapit na raw sila.


"I didn't eat breakfast for this, and guess what, it's all worth it..." Hindi na halos mapagkasya ni Daphne ang mga pagkain sa plato niya.

Hindi naman maipinta ang itsura ni Perrie habang pinagmamasdan siyang kumakain.

"You could still have some bits, Per. I'm sure you can work those fats out" Panunuyang tugon naman ni Ian.

"Well, I gained already, I'll feel bad if I didn't make it on your shortlist, Ian, just because of another pound."

Katulad ng inaasahan, naging masaya muli ang naging pananghaliang yo'n.

"These croissants are great! Best I ever tasted!"

"I know, right? The reason of my flabs before, it's because of Tita's goodies." Patagilid akong yumakap kay Tita. "They were seriously the best in town!"

"Oh well then..." Sandali niyang iniwan ang kinakain at itinuon ang titig kay Tita. "Maybe it's not bad if I ask you to create a beautiful cake on our wedding? Sorry, I just couldn't let this kind of taste set aside, I hope you say yes, please... po?"

Nagngitian kaming mga marunong mag-Tagalog sa biglang pag-po ni Betty. Maski si Ric ay naubo dahil doon.

Inayos na lamang niya ang sarili nang bigyan siya ng tingin ni Betty, at saka sinuportahan ang fiancee. "I definitely agree with the ladies. Kung pwede po sana ay kayo nang mamahala sa wedding cake namin?"

Napatingin sa akin si Tita at saka ko siya nginitian.


I know she'll be good at this - I want all the people around the world to give a taste on her pastries, not just me.


"Well, who am I to decline? It's definitely a pleasure..."


Matapos ang naging pagsasalo sa hapagkainan ay saka na kami naghiwa-hiwalay ng landas.

Si Tita at maging si Mama ay kausap nina Bettina at Ric. They want them to be the baker and the cook for their wedding. Hmm, got to give them a nice sound of 'Congratulations' on that.

And looks like I'm wrong about Mia hitting on the guys, the least for Ian. Gusto niya lang naman ang designs ni Ian, sa tingin ko nga ay isa sa mga taga-hanga niya ito.

Inalukan siya ni Ian na roon na sa New York isagawa ang On-the-job Training niya and she's at awe with it. Pero syempre kailangan niya pang magpaalam kay Tita, and she still have to do her studies out here. Really push an effort. Nang sa ganoon ay magawa niyang makapag-training.

The others were busy doing other things, basically.

Ako naman ang tumoka sa hugasan. Rinig na rinig ko ang ilang tawanan sa sala.


Sana ganito na lang palagi kaingay sa bahay. Naiisip ko tuloy kung gaano katahimik at kalungkot no'ng wala ako rito, kung paano nakakayanan ni Mama na umuwi na wala siyang madadatnan sa bahay.

Ngayong aalis na naman ako, babalik na naman siya sa ganoong posisyon.


"Anong iniisip mo diyan?"

Nabagsak ko ang platong sinasabon ko kaya naman nagdulot yo'n ng malakas na ingay.

"Okay lang ba kayong dalawa diyan?" Boses ni Mama ang umalingawngaw mula sa sala.

Napatingin muna ako kay luga na tinutulak na ako palayo sa lababo at inaagaw na sa akin ang sponge, bago sumagot. "Okay lang po, meron lang pong dumaang pusa!"

Narinig ko siyang nagpigil ng tawa. "Pusa?"

Umirap ako sa kawalan at saka inagaw sa kanya ang sponge.


Kung bakit kasi bigla bigla na lang siyang sumusulpot.


"Ako na rito, baka maubusan pa kayo ng pinggan..."

Umupo na lamang ako sa isang tabi dahil wala rin namang magagawa pa ang pakikipag-agawan ko sa kanya. 

Habang nakaupo ay nag-isip ako ng pwedeng magawa. At dahil wala naman akong ibang mapagka-abalahan, tinitingnan ko na lamang siya sa paghuhugas na ginagawa.

Ang mga kubyertos na ang hinuhugasan niya ngayon.


Naisip ko tuloy kung lagi ba siyang nandito noong wala ako. Lagi kaya siyang nakabantay kay Mama? Isa kaya siya sa gumagawa ng ingay dito noong wala ako, siya pa rin kaya hanggang sa umalis muli ako?


"Psst!" Muli akong nagising sa pag-iisip at muling tumutok ng atensyon sa kanya. "Ang laki ng problema mo ahh, kanina ka pa tulala."

Nakangisi siya sa akin kaya naman naging hudyat iyon para muli ko siyang irapan. Saka na rin ako lumayo ng tingin dahil kahit papaano hindi pa rin nawawala sa sistema ko ang tungkol sa nangyari kagabi.


Everything went fast last night. A lot of changing emotions. Somehow, I feel proud of myself I didn't react like the way I think would I react.


"Kailan ang alis niyo?"

Doon ko na lamang ulit ibinigay ang atensyon sa kanya. Halos tapos na siya sa paghuhugas na ginagawa. "Two days from now?"

Tumango lamang siya.

"Siguro bago kami umalis ay kausapin muna namin kayo. Hindi ko alam kung kailan ulit kami makakauwi rito kaya mabuti nang ma-settle ang issues."

Tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya roon sa sinabi ko.

Kahit naman kasi nalinawan na kami mula sa pag-uusap kagabi, buo na ang pag-iisip kong bumalik. After all, he said he'll wait.


Nang tahimik pa rin sa puntong iyon ay pilit ko na lamang dinugtungan ang mga salitang nabitiwan ko na. Inayos ko ang boses ko. "Tungkol kagabi--"

Pinigil niya ako sa mga salita ko. "Maghihintay ako. Kahit gaano katagal, basta..."

















Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞