Wanted Babymaker (Editing)

By wishyheart

1M 22K 876

Highest Rating #2 in Teen Fiction Anong gagawin mo kung ipakasal ka sa isang taong ni minsan hindi mo naman p... More

Prologue
Character
Chapter 1: Welcome Home grandmonster
Chapter 2: Hot Night
Chapter 3 The mission
Chapter 4 Dinner Date
Chapter 5 Pierce meet Leaf
Chapter 6 The Deal
Chapter 7 With boxermonster
Chapter 8 Nurse Leaf
Chapter 9; First Date
Chapter 10 1-2-3- Click
Chapter 11 Mr. Mc Donald
Chapter 12 Meet Hayley
Chapter 13 I won
Chapter 14 Pierce Sacrifice
Chapter 15 Operation: Plan A
Chapter 16 Stuck on you
Chapter 17 Don't cross the line
Chapter 18 Superman
Chapter 19 Stolen Kiss
Chapter 20 Philemaphobia
Chapter 21 Darky
Chapter 22 Leaf's bestfriend
Chapter 23 Peace Offering
Chapter 24 Continuation...
Chapter 26 Main of attraction
Chapter 27 Danger
Chapter 28 Rescue
Chapter 29 Workmate
Chapter 30 Cat and Dog
Chapter 31 Closer
Chapter 32 Rain
Chapter 33 Great pretenders
Chapter 34 Untitled, Lol!
Chapter 35 Moments
Chapter 36 Cold night
Chapter 37 First blood
Chapter 38 The contract
Chapter 39 Ayumi
Chapter 40 Positive
Chapter 41 Surprises? Hmm.
Chapter 42 Painful
Chapter 43 Third Prince Syndrome
Chapter 44 Family bear song
Chapter 45 Priority
Chapter 46 Big Cake
Chapter 47 Cinderella
Chapter 48 Runaway groom
Chapter 49 Newly Wed's First Vacation
Chapter 50 Wishlist, no. 45
Chapter 51 Mr. Stanger
Chapter 52 Unstoppable Charles
Chapter 53 Double Date
Chapter 54 Jealous Pierce
Chapter 55 Two lines
Chapter 56 Teaser
Chapter 56 Confession
Chapter 57 Insecure or nah?
Chapter 58 Husband Duty
Chapter 59 Raf
Chapter 60 Missing feelings
Chapter 61 Pieces
Chapter 62 Partner in crime
Chapter 63 Sarah's Secret
Chapter 64 You and I against the world
Chapter 65 Life without you
Chapter 66 Second Prince Syndrome
Chapter 67 Going to Part 2
Epilogue❤
Author's Note💘

Chapter 25 Version 2.0

10.8K 270 13
By wishyheart

"Wala 'man lang ba akong bonus?" Soney.



"Akala ko ba magvovolunteer ka? Eh diba kapag volunteer, walang sweldo, walang bayad, walang suhol kasi nga volunteer! Kaya bakit ka humihingi ng bonus ngayon?"


Napakamot naman sya ng ulo nya, "Oo na! Hindi ko naman alam na ganito pala ang gagawin natin, nakakapagod pero--- pwede---" Ngumuso nguso naman sya.


"Ano?" Patuloy pa rin sya sa ginagawa nya, kaya pinitik ko yung nguso nya.


"Yah!! Hindi ko inalagaang mabuti ang labi ko para lang pitik pitikin mo!" Bigla namang sumagi sa isip ko yung labi ni L--- "Ano? Natahimik ka."


"Nakakadiri ka! Umayos ka nga baka may makakita sa ginagawa mo pag isipan pa tayo ng hindi maganda." Hindi lang pala sya bastos, bakla pa.


"Hays! Hindi naman kasi 'yun ang ibig kong sabihin! Mas madumi pa ang isip mo kaysa sa akin, tsk! Ang sinasabi ko ko baka pwedeng kis---kiss na lang."



"Oh! Tingnan mo nga! Anong hindi madumi ang isip ko, eh tingnan mo nga 'yang ginagawa mo! Purong lalake ako Soney, hindi kita para patulan." Kapag kasama ko sya hindi ko talaga maiiwasang magtaas ng boses at maparanoid sa mga ginagawa nya. Minsan nga ginagawa ko ng kahiya hiya ang sarili ko dahil na rin sa kanya.


"Hindi nga sabi 'yon! Ano ka ba! Hindi rin kita para patulan ano, gwapo ako hello! Gusto ko ng kiss pero-- hindi sayo!"



"Eh saan ba? Este--- kanino ba!?"



"Sa misis mo--- ar! Aray!! Magdahan dahan ka nga! Mamamatay tayo sa ginagawa mo eh!" Bigla ko kasing itinigil yung sasakyan eh medyo mabilis pa 'man din ako magdrive ngayon dahil naiwan mag-isa si Leaf sa bahay. Hindi dahil sa nag-aalala ako sa kanya dahil mag-isa sya, kung hindi sa bahay baka kasi sunugin na naman nya, "Nagjojoke lang naman ako pero bakit napaka OA ng reaction mo?"

"Get out!"


"Hah?" Habang pinagmamasdan yung mukha nya sa harap ng salamin.


"I said, get out!"



"Hala! Gusto mo akong pababain dito sa gitna ng high way? Alam mo namang nasa pagawaan pa yung sasakyan ko diba? Ihatid mo na ak---"


Tiningnan ko naman sya ng masama at ayun, bumaba na sya at pumunta na lang sa tabi ng kalsada.


"Balikan mo 'ko dito! Promised, hindi ko na pagnanasahan yung misis mo!" Pahabol na sigaw pa nya.


"Stupid jerk tsk!" Matagal ng ganyan ang ugali nya, babaero kasi 'yan kaya hinahayaan na lamang namin dahil gusto rin ng mga babae ang ginagawa nya pero yung kanina---


Unregistered number calling....


"Nandyan po ba si Pierce?" Sya ba 'to?


"Speaking, baket?"


"Sabi na eh hahahaha---- akala ko mali yung hulig number mabuti't naalala ko pa! Nakakalito kasi halos parehas kayo ng number nung kaybigan ko. Kanya 703 ang huli, yung sayo naman 702, magpalit ka nga ng number para hindi ako mali---"




"Bakit ba? Bakit ka napatawag?" Ang haba na naman ng ipapaliwanag nya.


"Hays, eh bakit ang sungit sungit mo? May pa sorry sorry ka pa kaninang maga tapos ngayon sinusungitan mo na naman ako. Hobby mo na ba talaga 'yan pag dating sa akin?"



Eto na naman sya walang katigil tigil sa pagbubunganga. Minsan talaga, nakaka inis din ang mga babae. Konting bagay lang pinapalake, konting pagkakamali mo lang binubungangaan ka na kahit paulit ulit lang naman yung mga sinasabi nila.


Okay lang naman mangaral, kasi way 'yun ng isa sa pagpoprotekta sa isang tao pero hindi sa lahat ng oras nakaka lambot pa rin ng puso yung araw araw 'kang pagsasabihan at paulit ulit na lang.


May mga bagay rin naman kaming mga lalake na hindi sinasadyang gawin na ikinagagalit ng mga babae pero sana maintindihan nyo na hindi sa lahat ng oras, kayo ang tama.


"Kung sinasagot mo na lang kasi yung tanong ko kung bakit ka napatawag edi sana, hindi kita sinusungitan ngayon diba?"


Pinapalayo lang nya ang sagot sa simpleng katanungan.


"Tsk! Gusto ko lang sabihin na, anong oras ka uuwi mimiya?"



Ta--ta--tama ba yung narinig ko? ('・_・') Tinatanong ba talaga nya kung anong oras ang pag uwi ko? O natutuliro lamang ako?



"Pierce nandyan ka pa ba? Hello! Yuhoooo! Pierce."



"Ahh-- ano nga ulit yung sinabi mo?"



"Hays! Tinatanong ko, kung anong oras ka uuwi, papasuyo sana ako na ibili mo ko ng french fries pag uwi mo! Letche 'to, sige na. Ingat bye!!"



"Babaan daw ba naman ako ng telepono! Aish, hindi ba nya alam na nakakabastos 'yun sa yuniporme ko? Psh!"



Mukha pa naman akong kagalang galang sa suot kong neckties tapos babastusin nya lang ako ng ganun ganun. Geeez! Para syang sila Soney.



Pumunta na lang ako ng opisina wala na ako sa mood para umuwi muna ngayon, hahanapin na naman ni Leaf yung  fries na pinapabili nya.



"Good morning Sir." Yung mga empliyado, mabuti pa sila ginagalang yung yuniporme ko.



Pag pasok sa office, tanggal ng necktie, hagis sa upuan, tanggal ng butones ng polo.



"Ayan na naman po si mister short tempered. Nag-iinit na naman."



Tiningnan ko yung nagsalita sa may likuran ko na ngayo'y umaastang senorito na naka-upo sa sofa, "Ro--Roice!?"



"Yes! Your very talented, handsome, cute and hot friend. No other than, me!" Halos isa't kalating taon din syang nawala, naging busy kasi sya sa pag hahandle ng negosyo ng pamilya nila sa Macau. At kung si Soney bastos ang utak, ito naman mahangin ang utak. Proud na proud sya sa sarili nya, sa kahit na anong gawin nya feeling nya napaka perfect nya.( ̄(エ) ̄)





"Nonsense Roice."



"Tsk, you know me! Masyado lang talaga akong confident na confident sa kagwapuhan ko."



"Tsk, oo na kahit pa nakaka umay. Para may magawa 'kang maganda, samahan mo ako sa café sa labas." Kapag ganitong stress ako mas ginugusto kong magkape na lamang kaysa sa mag inom ng mag inom, pero dipende na rin sa mood.



Inayos ko muli ang yuniporme ko nang, "Lala lala lala lalala---" may himig ng boses na nagmumula sa labas, "My dear friend may pinapapirmahan ang Kuya mo say---- oh! Hello my other dear friend, welcome back!!"

"It's good to see you again my friend!" Nagyakapan pa yung dalawa at nag simula ng magpahanginan yung dalawa.

Naglakad na ako palabas at sumunod na lang yung dalawa, dumaretso na rin kami sa café.



"So what brings you here? All the way from Macau." Soney.



"Bakit, hindi nyo ba ako namiss o kahit gusto nyo 'man lang makita?"



"Sagutin mo na lang tanong ko, ang dami mo pang sinasabi eh!"



"Oo na, pero teka--- bago tayo pumunta sa tanungang 'yan, tanong ko lang. Kayo ba ay may mga asawa na?"



"Ako, wala pa. Wala pang balak." Apila ni Soney habang naka dekwatro at tinitingnan tingnan yung legs nung nasa katabi naming table. Kilala ko si Soney, lumiliwanag ang mga mata nyan kapag nakakakita ng kakaibang langit.



"Alam ko na ikaw, wala namang papayag na magpakasal sayo! Eh ikaw ba Pierce, kamusta kayo? Kasal na ba kayo ni Hayley?"



*BBBBBBRRRRUURRR!!*



Bigla namang naibuga ni Soney yung iniinom nyang kape dun sa kabilang table at nahagip yung babaeng pinagnanasahan nya kanina.



"Ay! Sorry sorry miss, pasensya na, hindi ko sinasadya. Eto kasing mga kaybigan ko eh biglang nag joke."



"Sorry your face!" *PAAAAKKK!!* Sinampal naman sya nito, yung malakas.



"Hindi ko naman talaga sinasadya eh." Pag aapila pa nya habang nakahawak pa sa pisngi nyang sinampal.



"Ano 'bang nangyayare sayo?" Tanong ni Roice.



"Nagpapatawa ka kase!"



"A--anong nakakatawa dun eh tinatanong ko lang naman kung kasal na sila ni Hayley. Oh! Anong problema mo dun?"



"Yun na nga! Hindi naman si Hayley yung papakasalan ni Pierce eh, si Leaf! Aish! Ang init nung kape at nung sampal, grabe!"



"Si--sino si---- woah!!" Napatayo naman sya at napa palakpak naman, "Finally! Naka move-on ka rin pare! Wooo!! Everyone, umorder lang kaso ng gusto nyo sag----" Hinigit ko naman sya pa upo.



"Ano ba!? Nakakahiya ka!" Pag bulong ko.



"Eh kaylangan naman nating mag celebrate dahil sa pagka move on mo ah!"



"That's not what you think. Fixed marriage lang yung sa amin ni Leaf, si Hayley pa rin yung gusto kong pakasalan and that will never change."



"Ay ayun, 'yun nga lang. Akala ko naka move-on ka na kay Haley, pero hindi pa rin pala. She's the one pa rin. Tibay ah! Kapit na kapit!"



"At sana hindi na 'to makarating pa kay Hayley. Hindi nya alam na ikakasal na ako."



"Then goodluck." Roice.



"Isang malaking goodluck!" Soney.



Kung pwede nga lang na hindi na kami ikasal pa ni Leaf, pero kung matuloy 'man 'yun alam naman nya yung tungkol sa amin ni Hayley. Para na rin alam nya kung hanggang saan lang sya.



Leaf's POV -

Potato
Carrots
Karneng baboy
Labanos
Okra



"Ma'am hindi po ba parang ang dami naman ng mga pinamili nyo?"



"Okay lang 'yan yaya. Para may stock na rin ref." Kapag kasi naghahanap ako ng pagkain sa ref, walang masyadong mga stock.



Tamarind powder
Chicken



"Ano po 'bang lulutuin nyo?"



"Sinigang!" Pinag-isipan ko talagang mabuti kung anong lulutuin ko habang nasa biyahe kami papunta dito.



"Pero Ma'am ang sinigang po ay walang patatas at carrots. Okra, kamatis, labanos, tamarind lang po."



"Ahh-- ganun ba? Ahm, hayaan nyo na! Display narin sa kusina." Kahit naman kasi noon hindi ko 'yata naranasang magluto, kasi yung iba kahit naman nakakalimot ng mga nakaraan nila katulad sa nangyare sa akin ay hindi agad agad nakakalimot sa ibang bagay.



Nandito kami ngayon sa mall namimili ng mga rekados. Balak ko kasing ipagluto si Pierce kahit na sinungitan nya ako kanina, pagpapasalamat narin sa 'sorry' nya kanina. Hindi naman palaging yung nag kamali lang ang hihingi ng tawad diba? May pagkakamali rin naman ako kaya sya nagalit sa akin. Umalis nga naman ako sa hospital ng walang paalam, nag-alala rin 'yun kahit hindi pa nya sabihin. Hindi naman magagalit 'yun ng ganun ng dahil lang sa baka daw gumawa ako ng issue.



"Nga pala Yaya, ano po 'bang paboritong pagkain ni Pierce?"



"He likes vegetable salad with mango and non oily food." Bigla namang may nagsalitang babae sa tabi ko. Maganda sya at mukhang mayaman.



"Si--sino ka?"



"I'm Allycole, PV---- este Pierce bestfriend."



Wow! May kaybigan pa lang maganda si Pierce, mabuti hindi sya nagkagusto sa kanya o nag taksil 'man lang sa girlfriend nya dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang ganda kaya nya, parang ang hirap umiwas sa tukso.



"Ahh----ahm, hello. I'm Leaf nice to meet you Allycole." Nginitian ko na lang, hindi na ako nag offer pa ng shake hands kasi baka beso beso ang gawain nya hahaha.



"Just call me Aly for short."



"O--okay Aly."



Ang ganda ng suot nya, nang tindig nya, ng ayos at ng mukha nya pati na rin yung paraan ng pakikipag-usap nya.



"Looks that you really want to cook food for him, huh?" Hindi naman siguro. "That's a good idea. Hindi na sya nakakakain ng mga healthy foods since Tita left the house. Anyway, goodluck. I have to go. See you around." Umalis na sya.



"Anyway, goodluck! I have to go. See you around. Byeee! Bagay ba Yaya?" Ginaya ko lang yung expression nya, tono ng boses at mga galaw.



"Hahaha Ma'am mas bagay po sa inyo."



"Perfect! Galing mo talaga mang bola Yaya. Hihihi."



Around 6:30 pm ay nagsisimula na akong magluto, pina sulat ko na lag kay Yaya ang mga proseso at tinuruan nya na rin ako. Hindi kasi sila pupwedeng mag tagal.



Sinunod ko ng maayos yung mga isinulat ni Yaya, naka bantay ako sa lutuan at hindi umalis. Pa ulit ulit ko pang tinikman para alam ko kung okay na ba, kung may kulang pa o kung pangit ang lasa para magawaan ko agad ng paraan. Ayokong isipin na naman nyang nagmagaling na naman ako at palpak na naman ang ginawa ko, Mapunahin kasi ang taong 'yun!



Pasado mag aalas-otso ng natapos ko na ang lahat pati na rin pagpeprepared ng dessert. First time kong gagawin 'to kaya natagalan pa ako, nangangapa pa.



"Nasan na kaya sya? 8 na ah, hindi pa rin sya nadating. Dati naman na uwi na ng ganitong oras 'yun."

8:30....

9:00....

9:30....

10:00....

10:39....



"Sira ba ang orasan nya o wala na talaga syang balak na umuwi?!"



Lowbat pa 'man din ang cellphone ko, hindi ko na kasi na icharge dahil busy ako pagluluto.( ̄(エ) ̄)ノ



Pierce POV -



"Put your hands up in the air! Put your hands up, in the air! Put your hands up in the air! Put your hands up, in the air---"



"Woo! Ibang klase ka talaga pumili ng bar Roice, wild!" Soney.



"Sabi ko naman sa inyo, akong bahala!" Roice.



Ibang klase yung lugar pati na rin ang mga inumin. Urgh! Ano 'bang klaseng alak yung ipina inom sa amin ni Roice, ang bilis ko 'yatang nakaramdam ng pagkahilo.



"Oh ano Pierce, suko na ba!? Hindi na ba kaya!?" Roice.



"Ano!! Tsk! Ako? Hindi noh! Kaya ko pa!" Hindi ko na kontrolado ang mga ginagawa ko dahil na rin siguro sa mga na inom ko.



Bilang na lang ang mga araw na pagiging binata ako, hindi ko pa ba lulubos lubosin. Pati ano namang dadatnan ko sa bahay? Bubungangaan lang ako ni Leaf.



Inom dito inom doon, halos hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Hindi ko na matandaan kung naka ilang shot na ako at kung anong oras na.



*GGGGRROOOOOOKKKK!!*



"Ngayon na lang ba ulit sya naka inom ng ganun?"



"Oo, palagi kasi syang bahay at opisina lang. Alam mo na malapit na kasi syang ikasal, masyado ng busy. Wala ng time para mag saya."



"Oo nga pala. Tara ihatid na muna natin sya sa bahay."



Leaf's POV -



"Hind 'man lang ba sya marunong maglakad pauwe!? O baka nakalimutan na nya ang address ng bahay?! Alas-dos na ng madaling araw ah! Hindi na 'to pag oover time sa trabaho."



Halos malibot ko na 'yata ang buong bahay sa kakalakad ko. Ewan ko ba sa mga paa ko kung bakit ako lakad ng lakad. Para akong hindi mapalagay. Ganitong ganito si Lola Elizabeth noon, nung nasa inuman ako at hindi pa umuuwi ng bahay.



"Aish! Ay grabe! Ang lamig na ng niluto ko oh! Malalanta na rin yung mga gulay. Tsk!" Sakto namang bumukas na yung pintuan and---- woalah!! "At saan ka na naman galling?! Hindi mo ba alam na kung anong----orassss---naaaa--- oh! Anong nangyare!?"



Tanong ko dun sa dalawang lalake na naka suporta ngayon kay Pierce na ngayo'y walang kamalay malay na naka dantay sa parehas na balikat nung dalaw. Habang yung mga kasama naman nya ay nakatulala lang sa akin.



"Aish!" Inangat ko yung mukha ni Pierce. "Saan ka na naman ba nagsuot hah!? At bakit parang amoy---- amoy--- amoy 'kang--- amoyy--- alak! Nag-inom ba sya?"



Tumango na lang yung dalawa.



"Dadalhin na namin sya sa kwarto." Dahan dahan silang tumaas at lumabas ng bahay ng nanginginig nginig pa. Ano 'bang nangyayare sa mga 'yun? At sino sila? Mga kaybigan ni Pierce? Hindi naman sila mukhang simpleng empliyado lang.



"Aalis na agad kayo? Gusto nyo 'bang kumain na muna? Nagluto ako."



"Na--nako!! Hi--hindi na, hehe sige a--alis na kami. Salamat!" Agad agad naman silang umalis.



"Weird. Mukha ba talaga akong hindi masarap magluto?"



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



"Nakita mo rin ba yung nakita ko?"



"O--oo."



"Waaaahhhh!!! Juskopo!"



"Biglang tumaas yung balahibo ko nung nakita ko sya. Nakakatakot!"



"Dapat ba natin sabihin kay Pierce 'to?"



"Geeezz! Hindi ko alam! Kinikilabutan pa rin ako."



"Kaylangan natin sabihin sa kanya na, patay na yung babae. Na nagpapakita lang sa kanya yung kaluluwa ng yumaong asawa ng kuya nya."

Continue Reading

You'll Also Like

13.2M 106K 34
Highest Rank: #4 in Romance Category ATTENTION: The completed and new version of this story can be read on DREAME/ YUGTO APP. Username: runa lee Bell...
150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
172K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
6.7M 90.2K 62
First of all wag kayong mag expect sa story ko na to ha. First time nga kaya d pa gaano ka perfect hihi. Appreciate niyo nalang at kung wit niyo bet...