BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Fifty-One

29 0 0
By katnisssss

Sa mga sumunod na araw ay inabala ko na lamang ang sarili ko sa pamamasyal.


He's not worth a reason for me to destroy this trip. I might as well enjoy this one.


Nakarami na kami ng water sports sa araw na ito. Nagdesisyon silang banana ride muna ang isunod. 

Dalawang banana boats ang inarkila namin. Tig-apat sa isang ride. Sila Ian, Daphne at Perrie ang kasama ko. Pinagigitnaan kaming dalawa ni Perrie nila Daphne at Ian na parehong nasa unahan at dulo.

Nagsimula nang umandar iyon nang mahila na ng jet ski. Mabagal pa no'ng una pero habang tumatagal ay lalong bumibilis. Itinaas namin ang mga kamay namin para mas lalong maramdaman ang thrill no'n.

Sumasaboy sa mga mukha namin ang tubig galing sa dagat. Nauna akong sumuko sa pagtaas ng kamay dahil pakiramdam ko'y mahuhulog ako roon kapag hindi pa ako nakahawak.

True enough, naunang nalaglag si Ian. Pinaulanan siya ng tubig-dagat nang lalo pang humarurot ang bangka. Hindi magkangayaw ang tawanan naming lahat kahit tapos na ang ride na 'yon.

"That was fun!" Hiyaw ko pagkarating ng pangpang.

Naunang natapos sila Bettina kaya kanina pa sila sa may buhanginan at naghihintay sa amin.

"We're off for some reef walk, we might do some scuba diving too, wanna come?"


Mukhang masaya nga yo'n.


Sasagot na sana ako nang  bigla ko naman naramdaman ang pagkawit ng kamay ni Ian sa balikat ko.

"We'll pass. We did too much today, I think it's time for some massage. What'd you say, babe?" Tumingin siya sa akin.

Inirapan ko siya.


Problema na naman nitong baklang ito?


Natigil lamang ang sama ng tingin ko kay Ian nang biglang tumawa si Bettina. Nagtaas pa siya ng dalawang kamay, animo'y sumusuko, habang umaatras palayo sa amin. "Then enjoy, lovebirds! Have your spare time! Sean will be joining us soon, you have to use this time effectively!"

Nagsimula na silang maglakad palayo. Hinila naman ako ni Ian pabalik ng kwarto para makapag-shower muna bago makapagpamasahe.

Tiningnan ko siya habang naglalakad. "Pupunta rito si Sean? Kailan? Bago ka bumalik ng Amerika?"

Nagkibit-balikat lamang siya. "He wasn't telling me anything, alright? Nang-aasar lang yo'n si Bettina. Ang alam kong magiging pagkikita namin ni Sean ay kapag nakauwi na ako roon."


Who knows if it's gonna be a surprise then, right?


Naunang pumunta ng banyo si Ian. Hinayaan ko na lamang dahil baka ganoon niya talaga ka-kailangan ng pag-gamit niyon. Ang kaso nga lang ay matagal siya kung makapag-shower, mukhang aabutin ako ng isang oras kakahintay sa kanya.

Binalot ko sa katawan ko ang towel. Pinatay ko lang din muna ang aircondition para hindi ko masyadong maramdaman ang lamig. Binuksan ko na lamang ang bintana para makasagap naman ng sariwang hangin itong kwarto.

Nanatili muna ako sa may veranda. Habang naroon ay binaybay ng mga mata ko ang kabuuan ng paligid sa baba. Natigil ako sa may baybayin at pinanood ang ilang mga turistang naliligo sa dagat, maging 'yong mga nagpapaka-abala sa water sports.

Gusto ko pa sanang subukan ang iba pero mukhang mas maganda nga sa pandinig ang masahe. Sa ilang araw ba naman naming nagpakapagod dito, maganda namang ipahinga ang katawan.


"Bilisan mo lang ahh..."

Inirapan ko siya nang papasok na sa banyo.


Kaya mas gusto kong ako ang nauuna ehh, lagi niya kasi akong dinidiktahan na mabagal mag-ayos. Kaya raw kami nahuhuli. Ehh kung bilisan niya kaya ang pagligo di ba? Tss!


Dinama ko ang paghagod ng tubig sa buong katawan ko. Hindi ko binigyang pansin ang nagrereklamong si Ian sa labas.

"Mauna na ako sa baba, ang bagal mo! Magpapa-reserve na ako sa reception." Malakas niyang kinalampog ang pintuan pagkalabas.

Mabuti nga iyon nang walang nangungulit dito. Isip-isip ko

Nagbihis ako ng kumportable kaya naman isang manipis na shirt at shorts lang ang isinuot ko. Besides, we're on the beach. Ang pangit naman kung lagi akong naka-pantalon.

Nang matapos ay agad na akong bumaba.

Nakakunot ang noo ni Ian nang sinalubong ako sa baba. Kung makapag-sungit naman ang isang 'to, tss.

"What are you wearing?" Tanong niya nang makalapit ako.

Pinantayan ko ang pagkunot niya ng noo. Ano na namang problema niya sa suot ko?

"Malalagot na naman ako sa boyfriend mo niyan ehh..."

Hindi ko halos masundan ang bulong niyang iyon.


Pero... anong boyfriend ang pinagsasabi niya diyan?


Toning body scrub ang pinili ko, Ventosa naman ang kay Ian. Pumosisyon na kami para masimulan na ang sesyon.

Naka-idlip ako habang hinihilot. Tamang-tama nga lang siguro ang pagpapamasahe matapos ang nakakapagod na mga water activities na pinag-gagawa namin sa buong maghapon.

Nang matapos iyon, napagdesisyunan ko rin na magpa-hair treatment. Abala naman si Ian sa pagpapa-foot spa. I'd like to think that after that, he'll be asking for some pedicures, as well.


"I feel famished. Maybe we can have an early dinner. Do you think they'll mind that?"

Umiling na lamang ako.

Pagkatapos ng masaheng iyon, gugustuhin ko na agad na dumiretso ng tulog. So, an early dinner sounds great.

"Sabihan mo na lang din sila para hindi na tayo hintayin pa mamaya..." Sagot ko saka humikab.


Salad lamang ang kinain ko dahil gusto ko na ring matulog agad pagkabalik pa lang ng suite. Ayoko namang masyadong mabigat ang kainin ko dahil baka bangungutin naman ako.

Pinili ni Ian ang mag-buffet. Na-drain siguro lahat ng energy niya kaya sa pagkain siya bumawi ngayon. Uminom pa siya ng wine kasabay no'n.

"Tumataba ka na, Ian!" Puna ko sa kanya.

Hindi niya naman binigyang-pansin ang pasaring kong yo'n.


Nang matapos ay dumiretso na rin kami sa suite. Diretso ako sa higaan. Kung hindi lamang ako sinabihan ni Ian na magsipilyo ay paniguradong hindi ko pa gagawin.

Pinabayaan ko na rin siyang makipag-Skype muli kay Sean nang matapos ako sa banyo. Pinaalala ko na lamang sa kanya na sabihan sila Daphne na nauna na kaming kumain.

Mabilis din akong nahila ng antok nang maramdaman ang lamig na dulot ng aircon at maging ang kalambutan ng higaan. Nagising lang ako nang magmadaling-araw dahil sa gutom na nararamdaman.

Pinagsisihan ko tuloy na salad lang ang kinain ko at hindi ko pa yo'n naubos.

Sinubukan kong balewalain na lang ang gutom na nararamdaman at saka bumalik sa pagkakatulog pero bigo akong gawin iyon. Nagpagulong-gulong ako sa kama baka sakaling gumana ang naiisip ko.

"Angela..." Yamot na sabi ng katabi ko.


I wonder when his conversation with Sean had ended. Para bang kakahiga niya lang sa kama ngayon at saka pa lang talaga hinihila ng antok niya.


Humarap ako sa kanya kahit pa nakatalikod siya sa akin. "Nagugutom ako." Simpleng pahayag ko naman.

Nang hindi siya sumagot sa tinuran, paulit-ulit ko siyang niyugyog para lamang mapansin ako.

"Bakit kasi salad lang ang kinain mo kanina? Tss!" Hindi niya pa rin ako hinaharap. Imbes ay tinalukbungan niya pa ang mukha niya ng unan.

Niyugyog ko pa rin siya. "Samahan mo ko, bibili ako ng makakain sa baba, dito ko na lang kakainin."

Pilit niyang kinakawala ang kamay sa hawak ko. "Inaantok na ako. Ikaw na lang mag-isa!"

"Sige na, please..."

Hindi siya nagbigay ng pahayag, mukhang nagpadala na nga talaga siya sa antok. Kaya naman kahit labag sa kalamnan ko, pinilit ko pa rin ang sarili kong bumalik sa higaan at saka pumikit ng mariin. Pero panay gulong pa rin ang nagagawa ko sa kama.

"Try to move again and I swear I'll push you off this bed!" Boses niyang 'yon ang lalong nagpagising sa akin.

Wala akong nagawa kundi titigan ang kisame. Nag-iisip ako ng masasarap na pagkain para maibsan sana ang gutom ko pero lalo lamang iyon lumala.

Nang matantong wala nang ibang paraan para maibsan itong gutom ko, tumayo na ako sa kama at kinainggitan ang mahimbing na pagkakatulog ni Ian.

Tumingin ako sa may pintuan at inisip kung ano kayang makukuha ko kung sakaling bumaba man ako. Ayoko na sanang bumaba pa para lamang maghanap ng pagkain. I'll have myself enjoy a peaceful night than to go hover on any loud place around here.

Meron akong biscuit na dinadala sa tuwing babyahe kami, sinubukan kong kainin iyon pero hindi man lang iyon nakabilang sa pagkawala ng gutom ko.


Looks like I had no choice but to go out. I just wonder where I might get the food that'll satisfy me over this night.


Kumuha ako ng jacket bago pa man lumabas ng suite. Kumakapit sa balat ko ang lamig ng simoy ng hangin sa labas.

Buhay na buhay talaga ang Boracay mas lalo na kapag ganitong mga oras. Maingay sa labas at halos mga nag-iinuman na ang mga nakikita ko.

Natanaw ko rin sila Kyle at Ric na nag-iinuman sa isang tabi.


I kind of like to join their company but who knows if they're drunk. I can better handle my hunger alone than needing alcohol just to satisfy my appetite for something to eat.


Naglakad-lakad ako, naghahanap ng pwedeng makakainan. Naisip ko yung magandang i-take out na lang para makabalik agad ako ng kwarto, baka sakaling mahabol ko pa ang katahimikang pansamantalang nabulabog.

I thought one, really. Sapat na ang isang ganoon para mabusog ako. Besides, I can bring that one wherever I wanna go. Sana nga lang ay bukas pa iyon. Kung minsan kasi midnight pa lang ay sarado na sila.

Napangiti ako nang makitang bukas pa iyon at marami pa rin ang bumibili.

Dalawang chorizo burgers ang binili ko - baka sakaling magkulang. Sabi nga nila, ang taong gutom, hindi nakukuntento sa isa. Wala munang diet kumbaga. Bumili rin ako ng isang buko shake bilang panulak.

Habang naglalakad pabalik nang suite ay minabuti ko nang kainin ang isa. Napapikit ako nang sa wakas ay nakuntento ang tiyan ko sa pagkain. Nilagok ko rin ang kabuuan ng inumin na binili ko.

Paakyat na sana ako nang matanaw ko naman ang alon sa dagat. Masyado akong nadala sa ganda no'n kaya naman pinili ko na lang din muna na tumambay sa may tahimik na banda ng dalampasigan. Umupo ako sa may buhanginan at saka dinama ang alon na minsa'y tumatama sa mga paa ko.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para mapag-isipan pa ang mga gagawin namin ni Mama sa araw na lumuwas na kami ng Maynila. Isang araw na lang ang nalalabi sa linggong ito.


Naisip kong dalhin si Mama sa kung saan mas mararamdaman niya ang pagiging bata muli. Not really like a Disney kind of thing, but to feel, carefree, young and just fun.

Tita had been busy pampering her out. They went out to a resort, had a full blast of make-over. Now, it's my time to have her relaxation be more fun.

Nasabi ko na rin ito kay Ian at sang-ayon siya sa plano ko. Gusto niya ngang sumama, ang kaso naman ay gugustuhin kong kami lang ni Mama muna sa panahong iyon. No distractions allowed...


Nang maramdaman kong muli ang antok ay nagdesisyon na rin akong bumalik na sa suite. Itinabi ko na lamang ang isa pang burger na binili ko para makain mamayang umaga.

Humiga na ako sa tabi ni Ian at umayos na ng higa. Wala na akong hapding nararamdaman sa kalamnan ko kaya nagpadausdos na rin ako sa antok na dumalaw sa akin.


Napadilat ako nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Sinilip ko sandali ang bintana at nakitang tumatagos na nga roon ang sinag ng araw. Mukhang tinanghali na akong nagising.

"Ian, anong oras na?"

Nang hindi siya sumagot ay agad ko siyang nilingon. Tulog pa rin kaya ang isang 'to?

Hirap ko pang idinilat ang mga mata ko, tila kulang pa sa tulog. "Hoy, anong ora-- anong ginagawa mo sa burger ko?" Napapitlag ako ng upo.


That's supposed to be my breakfast!


Nilalasap niya ang kabuuan ng chorizo burger ko. Tinalo pa ang hindi niya pag-kain ng buffet kagabi.

"Saan mo nabili 'to, ang sarap ahh..."

Kahit pa halos one-eighth na lang ang natitira roon, pinilit ko pa rin iyong inagaw sa kanya. Pero nahuli na ang kamay ko dahil diniretso na niya iyon sa bibig niya.

Tiningnan ko siya ng masama. Parang nagtataka pa siya kung bakit ganoon ako makatingin.

Padabog akong bumaba sa kama at saka dumiretso ng banyo. Hanggang sa makalabas ako roon ay hindi ko siya pinapansin.


Ayaw niya akong samahan kanina tapos ngayon, aagawin niya ang pagkain ko? How dare he!?


Hindi ko na siya hinintay simula nang makalabas ako sa suite. Dumiretso ako sa breakfast table kung sa'n naroon ang mga kaibigan namin.

Ric and Kyle both looked stoned. No wonder on that because of the drinking session I spotted earlier.

"This is our last day today, please don't be some kind of a lazy jackass!" Iritang tono ang narinig ko kay Bettina.

Naging dahilan yo'n para umupo ng maayos si Ric. May binulong din siya kay Kyle kaya ganoon na lang din ang ginawang pag-aayos ng huli sa upuan niya.

"Where's Daph and Perrie, aren't they joining us over breakfast?" Layong tanong ko nang sa ganoon ay mawala ang tensyong namuo sa lamesa. Umupo na rin ako sa tabing upuan ni Bettina.


This should be a very good last day, anyway. We should spend breakfast and lunch all together.


Umiling si Allie. "They'll be back here by now. Had to do a little walk before we even go by night."

Tumango na lamang ako at pinahinga na lamang ang sarili sa upuan. Sinubukan ko ring huminga ng sariwang hangin para mawala ng tuluyan ang pagkakaasar ko.

"Where's Ian?"

Muli na namang uminit ang dugo ko. Hindi ako lumingon nang sumagot. "No idea. And I don't give a care on where loophole he is."

Narinig ko ang hagikhik ni Bettina sa sinabi ko.

"Lovers quarrel, huh?"

Hindi ko na lamang 'yon pinansin.


Ano bang problema niya? Kahapon pa siya nang-aasar ahh.


Hindi pa man naaalis ang kunot sa noo ko, ay dumating na si Ian. Isa pang mapang-asar...


Nice! Could've been a very nice last day for me, huh?





















Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
66.6K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023