12 Bad Boys 2: Unremembered

By JoeCat28

42K 2K 1.1K

[COMPLETED] ❝Alaalang nawala.. maibabalik pa kaya?❞ ✔BOOK 1: 12 Bad Boys (COMPLETED) ✔BOOK 2: Unremembered (... More

Trailer & Cast
1 - New Beginning
2 - Missing You
3 - Friend
5 - Rumored Transferees
6 - Lorence & Ellie
7 - They're Back
8 - Xander meets Ellie
9 - 2 Years Ago
10 - I'm-Sandy
11 - Ellie's First Day
12 - Kris's Feelings
13 - Relationship Status
14 - It's Yours
15 - Stephanie's Plan
16 - Lies
17 - Xander, Ellie & Kris
[Special Chapter]
18 - Picture
19 - Hoping
20 - Waiting For You
21 - Unstoppable
22 - A Familiar Place
23 - With You Again
24 - The only one in my Heart
25 - Suspicions
26 - I give up
27 - Stephanie Garcia
28 - Admitting Defeat
29 - Begin Again
30 - When he's Jealous
31 - Sasha & Tiffany
32 - Making Memories of Us
[Special Chapter 2]
33 - Next to you
34 - Shocking News
35 - Sun Ferrand
36 - The Unexpected
37 - Crying Silently
38 - She likes me..
39 - What should I do?
40 - Chennoying
41 - Bridal Shower
42 - Wedding Day
43 - Rachelle
44 - An Honest Confession
45 - Take me with you
46 - Mrs. Kim
47 - Mrs. Kim meets Xander
48 - Scars left behind
49 - Invitation
50 - 18th Birthday
51 - 18th Bday Pt. 2
52 - Xander & Lorence
53 - 18th Bday pt. 3
54 - She's back!
55 - Moment of Truth
56 - Lose Control
57 - Charlie's Pov
58 - Mutual Feelings
59 - Another School Year
60 - First Baby
61 - Unchanging Dream
62 - Losing Focus
63 - Stephanie & Ellie
64 - A Shattered Mind
65 - The Lost star
66 - The Forgotten Memories
67 - Confused Heart
68 - Tough Choices
69 - I'm letting you go
70 - Remembering Us
71 - Say My Name
72 - The Best Present
73 - On a Calm Day
The Start of Forever
Epilogue
BOOK THREE

4 - Paris, France

823 43 9
By JoeCat28

#12BadBoystwo4

Dedicated To: khayeciee


Chapter 4 - Paris, France




  ❶❷ BB: ➁






Sa isang naturang maliit na kwarto, mapapansing papunta dito doon ang mga taong nasa loob nito. Makikita ang isang malaking salamin na nakadikit sa wall, mga iba't ibang make-up kits sa table at kung ano ano pa. Sa pinakadulo ng kwartong iyon, may katatlong babaeng nakatayo at nakapalibot sa isang upuan, mapapansing busy ang mga ito at may ginagawa.

" Dépèchez-vous (Hurry up! ) "

Sigaw ng isang matangkad na lalake noong makasilip siya sa loob ng kwartong iyon.

Busy pa din ang mga taong nasa loob nito. Sa isang upuan na iyon, may isang babaeng nilalagyan ng make-up at inaayos ang kanyang buhok. Ang mga ibang naroon, hinahanda na ang kanyang susuotin para sa kanyang photoshoot. Kahit busy'ng busy na ang mga taong nakapaligid sa dalagang iyon—kalmado pa rin siya at may pinapanood lang sa kanyang cellphone. Sanay na syang busy parati ang araw niya, at ito na din ang kanyang nakasanayan sa loob ng dalawang taon.

Sa labas ng maliit na kwartong iyon, may mga kung ano anong gamit at isang maliit na studio sa gitna nito.

Naghihintay na din ang mga photographer na naroroon. Katulad sa isang kwarto, busy din ang mga taong nandito.

" Hm.. He's not coming..? " Tanong ng dalagang nakaupo at nilaglagyan ng kung ano anong pampaganda sa kanyang mukha.

" Who? "

Tanong sa kanya ng isang babaeng naglalagay ng powder sa mukha niya. Saglit namang napangiti ang dalaga. " Lorence. " Sagot niya at napangiti pa ang babaeng nakakita sa kanyang nag-pout.




"Es-tu prêt (Are you ready), Ellie Kim? "



Pumasok ulit ang matangkad na lalake kanina at nakita nitong maayos na ang suot ni Ellie at tinanong sa kanya kung handa na siya.

Ngumiti ang dalagang tinatawag nilang 'Ellie' at tumango ito. " Yes, I'm ready. "

Lumabas na siya ng kwartong iyon at inalalayan ng ibang mga staff para pumunta sa gitna—sa isang maliit na studio don. Tuwang tuwa at gandang ganda ang mga staff na naroon at nakakakita sa kanya, hindi nga sila nagkamaling kinuha nila si Ellie Kim para maging modelo ng bagong—sikat na cosmetic brand ngayon sa France. Bukod don, malaki ang makukuha nila, dahil hindi lang maganda si Ellie—kilala syang sikat na modelo ngayon sa France at madaming mga iba't ibang cosmetic, clothing brand o kung ano ano pa ang nagaagawan upang makuha lang nila si Ellie.

Makakasama sana ni Ellie ang isa pang sikat na modelo—at ang kanyang malapit na kaibigan, ngunit hindi ito pumayag siguro nga ay busy din ito sa pagaaral. Kaya nang dahil don, nalulungkot si Ellie—noon pa man, pangarap na nyang makasama sa isang proyekto si Lorence Ortiz. Pero mukhang Malabo talagang mangyari yon.

" Okay, Ellie Kim—ready— "

Maririnig na ang mga tunog galing sa camera at may makikitang sunod sunod na flash—habang ang dalaga ay panay ang kanyang pagpo-pose.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na siya sa unang shooting, ngunit may kasunod pa at maya maya ay may bagong schedule na naman siya.

" Ugh, I'm so tired and.. I'm hungry.. " Napangisi pa ang dalaga noong marinig nyang tumunog ang kanyang tiyan.

Habang kumakain siya ng lunch, panay naman ang pagche-check niya sa kanyang phone. Umaasa kasi syang may matatanggap syang tawag o text man lang galing sa isang tao.





Kainis ka Lorence, importante ang day na ito para sa akin. Pero hindi ka man lang nag text or tumawag para e-congratulate ako. Psh—you are so unfair.





Sabi ng dalaga sa kanyang isipan—ano ba ang problema ng kaibigan nyang si Lorence? Kahit gusto man nyang mainis dito, bakit hindi niya pa din magawa? Nami-missed niya na din ang taong ito, ilang araw na niya itong hindi nakikita at wala man lang syang balita. Kailan kaya silang magkikita ulit? Hindi nagtagal, tumunog ang kanyang phone at nakita nyang may text pala siya. Noong buksan niya ang message na iyon—galing ito kay Lorence, kaya natuwa siya.



To: Ellie

From: Lorence Ortiz

Ellie, congrats on your first photoshoot.



Napatili si Ellie sa kanyang nabasa, at kung kanina medyo naiinis siya nang dahil kay Lorence—ngayon tila biglang nawala at napalitan ng sobrang saya.

Nag reply siya dito at tinanong kung kailan ang balik nito para makapagkita na sila at makapag-bonding ulit, pero walang dumating na text. Matapos ang busy schedule niya for today at kahit pagod na pagod nang nakauwi sa kanilang tirahan, wala pa din syang natatanggap na text mula kay Lorence.

Kaya muli syang nalulungkot.

" Ellie—nakabalik ka na pala? Kamusta ang photoshoot, nag-enjoy ka naman ba? " Binati siya ng kanyang mama noong makapasok ito sa loob ng kwarto niya.

Napansin nitong may pagkakalungkot sa hitsura niya.

" May problema ba? "

Naupo si Ellie sa kanyang princess bed at nag pout na lagi nyang ginagawa sa tuwing malungkot siya. " Si Lorence kasi mama.. hindi ko alam kung kailan siya babalik, alam niyo po ba kung nasaan siya? Mama, tawagan niyo pa siya.. sigurado akong sasabihin niya sayo kung nasaan siya kung ikaw ang magtatanong. Please..? " Nag-puppy eyes si Ellie sa harapan ng mama niya, kaya napangiti ito sa ginagawa niya.

" Inaway mo na naman ba si Lorence? " Natatawang tanong ng mama niya.

" Hindi ko alam.. I missed him. " Muling nalulungkot ang dalaga. " Hindi kaya bumalik na siya sa Philippines? Paano kung bumalik na nga siya.. mama hindi ako makakapayag, ayaw kong umalis siya. " Nakaramdam naman ngayon ng pangangamba si Ellie.

Hindi naman kaagad nakapagsalita ang mama niya.

Philippines? Oo nga naman, alam ni Ellie ang tungkol sa Philippines at dating nakatira don ang kaibigan nyang si Lorence, bukod don alam din nyang dati syang nakatira don kasama ang mama niya. Ngunit iyon lang ang kanyang nalalaman, sa ngayon.

" Alam mo namang busy lang si Lorence, hija. Tatawag din iyon sayo kaya huwag ka nang magalala pa. Hm? "


Sa sumunod pang mga araw, busy pa din si Ellie—madaming mga photoshoot ang naghihintay sa kanya, kaya paminsan minsan lang nyang nasisilip ang kanyang phone kung may natanggap na ba syang text mula sa kaibigan niya.

Noong magisa siya sa kanyang kwarto—hindi niya pa din makalimutan ang huling paguusap nilang dalawa ni Lorence.



" I think kasalanan ko kung bakit iniiwasan ako ni Lorence.. kung hindi ko lang sinabi ang mga yon sa kanya, baka until now kasama ko pa din siya.. Ellie—hindi ka kasi nagiisip~ "










Flashback




Magkasama non sina Lorence at Ellie sa garden na pagmamay-ari ng pamilya ni Lorence. Nagtatawanan at nagkukwentuhan ang dalawa non sa kanilang maliit na gazebo at umiinom pa ng tea.

" Lorence—I have something to tell you. " Kabado si Ellie nung mga oras na iyon, hindi niya alam kung ito na ba ang panahon.

Binitawan muna saglit ni Lorence ang hawak nyang tea cup at tumingin sa dalagang nasa kanyang harapan.

" What is it? " Tanong ng binata sa kanya.

Ipinagdikit ni Ellie ang dalawang mga hintuturo niya, kabadong kabado pa din siya ngunit handang handa na siya sa kanyang sasabihin kay Lorence. Ito na din siguro ang panahon, magda-dalawang taon na niya itong itinatago at wala syang lakas ng loob pero ngayong araw mismo—handa na siya.

Napapansin ng binata na parang may gumabagabag sa dalaga ngayon, kaya medyo nagalala siya.

Ayaw nyang nakikitang hindi okay ito o kung may problema ang kaibigan niya. Nangako si Lorence sa kanyang sarili na po-protektahan niya ang kaibigan at hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit dito. Dahil sa tingin niya iyon muna ang magagawa niya, at alam nyang sa sarili na hindi magtatagal, malalaman at malalaman ng dalagang ito ang tunay nyang pagkatao. Hindi natatakot si Lorence na dumating ang araw na yon, mas gusto nga nyang dumating na nga ang araw na yon at para hindi na siya makakapagsinungaling pa.. dahil hanggang ngayon, hindi pa din napapanatag ang kalooban niya, hanggat may mga tao pa ding nasasaktan—at naghihintay.

" I like you— "

Hindi nakapag react si Lorence nung mga oras na yon.




Habang tumatagal pakiramdam ni Ellie, iniiwasan siya ng kanyang kaibigan. Dahil ba inamin nyang gusto niya ito? Ang totoo nyan, wala syang natanggap mula kay Lorence. Ang hindi alam ng binatang ito, sa tuwing iiwasan niya ang dalaga—mas lalo itong nasasaktan.

Kaya nagkaroon sila ng pagkakataong makapagusap ulit.

" Lorence, please talk to me. Please naman huwag mo akong iniiwasan—nasasaktan ako sa ginagawa mo! " Naiiyak nang sabi ng dalaga.

Hindi kaya ni Lorence na nakikitang umiiyak ito—sa totoo nyan, mas nasasaktan ang binata.. bakit kailangang magustuhan siya ni Ellie? " Gusto kita—Lorence, sabihin mo nga sa akin.. hindi mo ba ako gusto? Hindi mo ba ako pwedeng magustuhan? "

" Ellie—please.. naguguluhan ka lang Ellie. Hindi ako ang gusto mo, kaya please kalimutan mo na ang feelings mong yan para sa akin.. naguguluhan ka lang sa ngayon. " Sabi ng binata sa kanya.

" Lorence, gusto kita yon ang totoo! Sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo, ikaw ang gusto ko.. simula nung maging magkaibigan tayo, unti unti na kitang nagugustuhan.. "

Naluluha pa din ang dalaga sa kanyang mga sinasabi, bakit nagkakaganito si Lorence sa kanya?

Humarap ang binata sa kanya, makikita ang pagkakalungkot sa mga mata nito—at ang pagsisisi.. " Hindi kita pwedeng magustuhan Ellie, hindi pwede. " Sabi ng binata.

" Bakit hindi mo ako pwedeng magustuhan..? May gusto ka na bang iba? " Nalulungkot namang tanong ng dalaga sa kanya

Napayuko si Lorence sa tanong ng dalagang iyon sa kanya, sa loob ng mahigit na dalawang taon na iyon—unti unti ding syang nahuhulog sa dalaga, oo at gusto niya na ito.. mabait ito, laging nagaalala para sa kanya, mapagmahal na kaibigan.. ngunit hindi niya pwedeng sabihin ang nararamdaman niya para dito. Kahit kailan—hindi niya ugaling mangagaw ng babaeng mahal ng kanyang kaibigan, siguro nga si Ellie kim ay gusto siya nito.. Pero kapag dumating ang araw na malalaman na niya ang 'totoo' makakalimutan din nito ang nararamdaman para sa kanya, dahil sa una pa lang alam na nyang hindi siya ang gusto nito.

Kaya sa ngayon hindi pa niya magawang maipaliwanag ang lahat sa dalaga.

" Kasi—hindi ako ang gusto mo. "

Sabi ni Lorence sa kanya.. hindi siya maintindihan ng dalaga kung bakit sinasabi niya iyon, hindi pa ba obvious na siya ang gusto nito?

" Hindi kita maintindihan—ikaw ang gusto ko Lorence, pero sinasabi mo lang siguro yan kasi ayaw mong tanggapin ang feelings ko para sayo. "

Naging tahimik lang ang binata—hindi niya na magawa pang magsalita.

Muling humarap sa kanya ang dalaga noong punasan nito ang kanyang mga luha.

" Lorence—kahit ano pa ang sabihin mo sa akin, ikaw pa din ang gusto ko. Hindi magbabago yon, hindi ako susuko.. " Tinibayan ng dalaga ang kanyang sarili noong sabihin niya iyon sa harapan ng kaibigan niya.

Kahit ano pa ang sabihin ni Lorence sa kanya—hinding hindi magbabago ang feelings niya para dito, siguro nga sa ngayon komplikado pa ang lahat ngunit hindi naman imposible na sa huli sila pa din ang nakatadhana.

Wala nang nasabi pa si Lorence—sinadya nyang hindi na magsalita pa, nasasaktan din naman siya.. pero ipinagdadasal niya na sana 'bumalik' na ulit ang dati..




Ang 'alaalang' nakalimutan niya—ang totoo nyang pagkatao.





End of Flashback









Naging matalik na magkaibigan sina Ellie Kim at Lorence Ortiz, walang ibang bukang bibig ang dalaga kundi ang pangalan ng kanyang kaibigang lalake.

Gusto niya laging nakakasama ito, kaya ngayon sobra syang nalulungkot dahil matagal tagal na din niya itong hindi nakikita. Hindi siya sanay na sa tuwing iisipin nyang baka nga talaga ay iniiwasan siya nito ng binata, pero nakapagdesisyon na siya, hinding hindi niya isusuko ang feelings niya, balang araw mapapansin din siya ni Lorence at makikita nito na wala syang ibang gusto kundi ang binata lang.

Day-off ni Ellie kaya naisipan nyang bumisita sa pamilya ni Lorence, nagbabasakali din syang baka naroon ang binata ngayon.

" Hello, hija—ang tagal mong hindi nakabisita dito. I missed you so much, Ellie. "

Nakipagbeso beso si Ellie sa isang may edad na babae—iyon ay ang mommy ni Lorence. Sa tagal nilang magkaibigan, naging malapit na din siya sa pamilya nito. Alam nyang dito sa France nakatira ang mommy, daddy at mga kapatid ni Lorence.

Habang nakikipagbeso-beso, hindi maiwasang tumingin tingin ni Ellie sa buong paligid ng bahay.

" Is it Lorence? Hinahanap mo ba siya? " Sabi ng babae at nahihiya pang napangiti ang dalaga sa sinabi nito.

Nagusap sila sa loob ng gazebo sa garden ng bahay nito—naalala ni Ellie na lagi silang tumatambay ni Lorence sa lugar na ito kaya nalulungkot siya ulit na syang napansin naman ng babaeng kasama niya. " Tita—saan po ba nagpunta si Lorence? " Tanong ng dalaga.

Nalaman ni Ellie na hindi din alam ng mga magulang nito kung nasaan na ang kaibigan niya—natatakot syang baka bumalik na nga ito sa Philippines, pero minabuti nyang hindi na banggitin iyon sa mommy ni Lorence. Pauwi na din siya at mukhang makikita naman sa hitsura ng mommy nito na mukhang nagaalala at parang may nalalaman talaga tungkol sa anak nitong lalake. Kaya bago pa man umalis si Ellie muli syang tinawag nito ng mommy ng kaibigan niya at mukhang may mahalaga itong sasabihin.

" I'm sorry hija, alam kong ikaw lang ang iniisip ni Lorence. Mahalaga ka para sa kanya.. "





Umiiyak noong makauwi si Ellie sa kanilang bahay—naabutan pa syang umiiyak ng kanyang mama at bigla itong nagalala at tinanong siya kung ano ang nangyari.

Biglang lumakas ang iyak ng dalaga at nagmadali nitong niyakap ang mama niya. " Si Lorence—babalik na siya ng Philippines.. mama.. ayoko pong umalis si Lorence! Siya lang ang kaibigan ko dito.. " Naiiyak pa din siya.

Nalaman iyon ni Ellie sa mommy ni Lorence kanina, sinabi nitong babalik na ang binata sa kanyang dating tinitirhan at nasa pilipinas iyon.

" Mama—kung babalik si Lorence sa Philippines—susundan ko siya! "

Nanlalaki ang mga mata ng mama ni Ellie noong sabihin niya ito.

" Susundan ko siya—hindi ba't nakatira naman din tayo sa Philippines dati? Basta, mama susundan ko po si Lorence.. nakapagdesisyon na po ako.. "




" Kung babalik na si Lorence sa Philippines—babalik na din po ako. "




   ❶❷ BB: ➁ 



Makakabalik na kaya si Ellie sa pilipinas?   


*Whew! Tingnan niyo yung GIF sa itaas. Sina Ellie at Lorence yan, hehe. Tee-hee!

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
671K 13.4K 43
First half: Journey of becoming a queen
6.4K 623 51
Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh...
255K 7K 103
So Hard... So hard to get her.. How to get her? I don't know.. Who is she?... Why so mysterious?... Why so many sacrifices?.. I'm hard to get too! Bu...