True Experienced Ghost Stories

By PrettyCreepy_

66K 1.6K 172

Siguraduhin mong may kasama ka .... Dahil kung wala..... SASAMAHAN KA NILA! More

True Experienced Ghost Stories
Elizabeth: The Woman on Her Nightmares
Gusto Mo Pa Bang Mag-Nurse?
Sa Poso
Sumpa nga ba?
End of the Road Apartment
The Return
New Neighbor Arrives
Truth Behind
A Brief History
Big, Black Man
UNKNOWN #1
UNKNOWN #2
UNKNOWN #3
UNKNOWN #4
UNKNOWN #5
UNKNOWN #6
ANNOUNCEMENT
Newest Dormate
Mama
Tagabantay
Massacre
Kapre
Suicide's Foul Play
Ninong
Bawal ang Magnakaw!
AWIT
Repleksyon Patungong Ibang Dimensyon
Babawi Ako!
The Jackpot Winner
Lihim ng Probinsya #1: Kagat
Lihim ng Probinsya #2: Ang Taga-sundo
Lihim ng Probinsya #3: Santelmo
Be ready: I'm back!!
Lihim ng Probinsya #4: Litrato
Huwag Magpapakita

Ang Hiwaga sa Buhay ni Danica

2.8K 85 5
By PrettyCreepy_

Ang kwentong ito ay isinalaysay sa akin ng isang kakilala. Tungkol ito sa buhay ni Danica na tubong Samar. Ang tanong paano ko nakilala si Danica at paano ko nalaman ang kwento nya?

Ganito yan, meron akong atid (ninong at ninang nya yung mama at papa ko) na sobrang ka-close ko. Kaklase ko din sya hanggang grade 4 hanggang sa dumating yung araw na kinailangan lumipat ng pamilya nila sa probinsya ng Samar. Nawalan kami ng komunikasyon sa loob ng tatlong taon

Bumalik lang ang komunikasyon namin noong bumalik na sila sa Mindoro. Sa pagbalik nila dito ay dala-dala niya ang napakaraming kwento at mga karanasan. Kaya nalaman ko ang kwento ni Danica. Hindi ko pa talaga nakikita yung sinasabi nyang Danica. Pero talagang napakahiwaga ng buhay nya.Kaya halina't sabay-sabay nating silipin ang ilang bahagi ng buhay niya ...

.


Let the story of Danica begin:

Siya si Danica. Tubong Samar. Ipinanganak siyang normal ... Pero lumaki siyang kakaiba.

"Ahh!! Ang pangit mo Danica!"

"Isinumpa ka kasi!"

"Salot ka naman! Lumayas kana dito. Palagi mo nalang tinatakot ang mga tao rito. Sinungaling ka eh! Wala namang totoo sa mga sinasabi mo!" ilan lamang ito sa mga pangungutyang natatanggap ni Danica. Sa mura nga niyang edad ay naiintindihan na niyang hindi siya gusto ng karamihan sa lugar nila.


Bihirang lumabas ng bahay si Danica dahil na rin sa talagang mas pinipili niyang mapag-isa na lamang. Kung lalabas siya ay siguradong panay panlalait lamang ang mapapakinggan niya sa kanyang palagid. Mapabata man o matanda ay kinukutya siya.


Mula nang magkaisip siya ay parati nalang ganyan.

Dumaan ang mga taon at lalong lumalala ang sitwasyon. Kahit mura pa ang isipan niya ay pumapasok na sa isip niya ang pagpapakamatay dahil sa lubos na paghihirap na nadaranasan niya.


Kwento sa kanya ng nanay niya na mula nang magtatlong taong gulang siya ay nagsimula na ang lahat.





Kasagsagan ng Bagyo Taong 1981

"...a-a-aahhhh!!!" pautal-utal na sumisigaw si Danica na parang takot na takot.

"Tatay ... A-ano ba yang itinuturo ni Nica sa may parteng bubong?" tanong ni Aling Delia sa asawa niya.

Walang imik ang asawa niya dahil may kinukumpuni itong parte ng bahay nila upang huwag matuluyang masira dahil sa bagyo.


"aaa-a---aahh---iiehh~ KYYAAHHH!!!"


Naagaw lalo ng bata ang atensyon nilang mag-asawa. Hindi makalapit si Aling Delia kay Danica dahil nangingilabot siya!

Tumitirik ang mata ni Danica at walang humpay ang pagturo niya sa bubong nila na wala pang kisame.

Tumalon na ang tatay ni Danica para mabilis na makarating sa anak niya.


"ANAK!!" kinakabahang usal ng tatay niya habang yapos-yapos niya ang anak.

"Tingnan mo nga kung a--ano yung tinuturo nya sa taas? BAKIT NAMUMUTLA SIYA!!?" saad ni Aling Deli

Agad na tumingala ang tatay ni Nica.

"Wala naman eh!"

Pero patuloy pa din si Danica sa pagturo sa bubong nila! Nanginginig na siya at namamaos na sa pagsigaw.


"Maghanda ka ng mga gamit.. Lumipat nalang tayo ng bahay." maotoridad na utos ng tatay ni Danica


Nabigla man si Aling Delia sa utos ng asawa ay agad niya itong sinunod.

Pagkalipat naman ng mag-anak sa kabilang bahay ay tumigil na sa pag-iyak si Danica. Nakatulog na siya ng mahimbing.


"Mabuti naman at nakatulog na ang anak natin. Pero ..... Ano kaya yu--yung itinuturo niya?" halata pa rin ang kaba sa bawat salita ni Aling Delia.

"Wag mo nang isipin 'yon. Magpahinga ka nalang" sabi ng asawa niya.





Kinabukasan ay humupa na ang bagyo. Laking gulat na lamang ng mag-asawa nang makitang nakatumba na ang puno ng Narra sa mismong hinihigaan nila noong hindi pa sila nakakalipat ng bahay.


"Oh Diyos kong mahabagin!" napaantanda na lamang si Aling Delia. Laking pasalamat niya at nakalipat sila nang gabing iyon kung hindi ay marahil patay na ang buo nilang pamilya dahil sa pagkakaipit sa punong natumba


"Siguro'y 'yan ang ipinapahiwatig ni Nica kagabi" dagdag pa ni Aling Delia

"Maaari nga! Kaya naisipan kong lumipat ay dahil naaawa ako sa anak natin. Mapaka buti ng naging bunga nito. Salamat naman. Ang mahalaga ay nakaligtas tayo." sabi naman ng tatay ni Danica





Matapos ang trahedyang iyon ay may biglang sumulpot na kakaiba sa muka ni Danica.

"Anak.. Halika nga dito. Ano yang nasa gitna ng kilay mo, sa bandang taas?"

"Hmmm" iyon lamang ang tugon niya

"Parang balat" (BIRTH MARK)

Bigla namang umalis na si Danica.



[Super Fast Forward]


ARAW NG LINGO

"Anak, magbihis ka na nga. Pupunta na tayo sa simbahan"

"Bihis na po inay" magalang na tugon ni Danica





Lumakad na sila papunta sa simbahan ngunit bago pa man sila makapasok sa simbahan ay gulat na gulat si Aling Delia nang biglang humarang sa harapan nila ang matandang puting-puti na ang buhok at maging ang mga mata ay may katarata na.


"Iyan! Iyan ang senyales!" sabi nang matanda habang gigil na gigil na tinuturo ang balat sa pagitan ng kilay ni Danica


"Nako! Tigilan nyo ho kami!" galit pero halatang kinakabahang usal ni Aling Delia

Hinigit na ni Aling Delia si Nica, pero ....

"Nay saglit lang po. Gusto kong mapakinggan ang sasabihib niya"

"Hindi pwede! Sisimba pa tayo!"

"Nay! Mauna na po muna kayo. Gusto ko po talagang malaman ang mga sasabihin nya!"

"Nako kang bata ka! Sige na. Pero hindi kita iiwanan dito!"

"Lola ... A-ano po yung sinasabi nyo?" magiliw pero may takot na usal ni Danica





"Yang balat mo sa noo! Kakaiba yan!" may halo pang pananakot na usal ng matanda


"Kalokohan!! Wag nyo naman pong takutin ang bata! Danica, halika na! Puro kalokohan ang sinasabi nang matandang iyan!" mataas ang tono ng boses ni Aling Delia

"Inay, wag nalang po muna kayong magsalita. Mahalaga po ito! Alam ko! Totoo pong may kakaiba sa balat na ito na bigla nalang sumulpot" katwiran naman ni Danica na halatang halatang may nais malaman mula sa matanda


Natahimik nalang si Aling Delia. Halatang-halata ang pamumutla niya. Napaupo na lamang siya sa isang upuan at maluha-luha na ang mga mata.


"Ano po ulit iyon?"

"Bata ka pa, sinabi ko na ito sa iyong ina!"

Nagulat si Danica. Napatingin siya sa kanyang ina. Napatungo bigla si Aling Delia. Ibig sabihin ay totoo ang sinabi ng matanda.

"Ano po 'yon?" pagpapatuloy ni Danica

"Pagmula nang sumulpot ang balat na iyan sa iyong noo.. Wala ka bang napapansin?"

"M--meron po. Marami!

Nagbago po ang buhay ko. Mas lalong dumami ang mga kakaibang bagay na nakikita ko.. Hanggang sa panaginip! Nakikita ko sila!!" dala ng takot ay agad na tumulo ang luha ni Danica


"Sabihin mo sa akin kung ano ang mga iyon!"

"Ang natatandaan ko po ay ang kauna-unahan kong nakita ay ang babaeng ... NAKASABIT! SA BUBONG NG BAHAY NAMIN!!"


Nanlaki ang mga mata ni Aling Delia. Hindi niya maiwasang hindi mapatayo. NANGILABOT na naman siya. KAYA PALA!! IYON PALA ANG DAHILAN.


"Marami pa pong sumunod! Iba't-iba. May mga bata, may mga matatanda. Meron din pong parang hindi tao.. Karamihan sa kanila ay nakakakilabot. Pero may ilan din pong mababait.. Sinasabi nila sa akin na pwede raw akong sumama sa kanila! Pero ni minsan ay hindi ko naisipang sumama sa kanila. Ayokong iwan ang nanay at tatay ko!"

"Alam ko iyon! Nahulaan ko na lahat nang 'yon bago pa mangyari"


Habang nag uusap ang dalawa ay hindi nakatiis si Aling Delia na tumayo at tuluyang hinigit si Danica.

"Puro kalokohan! Danica huwag na huwag mong paniniwalaan ang mga kabaliwan ng matandang iyan!" higit-higit ni Aling Delia ang anak.


Hindi pa sila nakakalayo ay sumigaw ang matanda sa abot ng kanyang makakaya.

"Tandaan mo! Ang tanging lalaking magmamahal sayo ng totoo ay ang lalaking maniniwala sa mga nakikita at sinasabi mo!"


Hindi na nila iyon inintindi ngunit dinig na dinig ni Danica ang huling sinabi ng matanda.

Maraming taon ang lumipas at umedad si Danica ng 23.

Hindi tulad ng pangkaraniwang tao ang buhay niya dahil hindi na siya nakapag aral pa.

Napagpasyahan ng mag-asawa na wag na lamang siyang papasukin sa eskwela dahil mas lalong nagiging masama ang buhay niya. Parati siyang kinagagalitan ng mga kamag aral dahil sa taglay niyang madilaw na balat na puro sugat at sa mga bagay na sinasabi niya.

Ayon sa kanya ay kahit saan siya lumingon ay may kakaiba siyang nakikita. Palaging ito ang bukang-bibig niya, kaya naman nagagalit na rin pati mga guro sa kanya.

Walang ibang nakakaintindi sa kalagayan niya -- tanging ang kanyang mga magulang.

Dumating naman sa punto na may nakilala siyang lalaki.

Naging malapit sila sa isa't-isa. Hindi maiwasan ni Danica na magkwento sa lalaki kahit alam naman niya na hindi ito maniniwala sa kanya.

Natapos na ang mahabang kwento ni Danica.


"Magkwento ka pa. Nawiwili akong kausap ka!"

Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Danica. Kaylan ma'y hindi niya nakalimutan ang sinabi sa kanya ng matanda. Umaasa si Danica. Naghihintay siya!


"Talaga? Sige. Marami pa akong baong kwento para sa'yo" may ngiti sa mga labi na usal ni Danica.


Hindi nagkamali ang matanda sa kanyang hula. Tama siya. Darating rin ang lalaking magmamahal kay Danica sa kabila nang kanyang kalagayan.

Kinasal na si Danica!

Nagkaroon siya ng isang anak.

Agosto taong 2009 ay sumapit ang ikatlong kaarawan ng kanyang anak na si Janice.

Pero katulad din ni Danica ay may marka ito na nagsisimbolo ng magulong buhay.

Nasa ibang parte man ito ng kanyang katawan ay alam ni Danica na naipamana niya sa kaisa-isa niyang anak ang kanya kamalasan.

Unti-unti nang lumalabas ang mga senyales ng pagkakatulad nilang dalawa.


"N-NANAY!!! Nasan po kayo.. MAY ... MAY... TUMATAWA! NAKAKABINGI! NAKAKABINGI!!" katulad nang sinapit ni Danica gayun din ang sinapit nang anak niya.

Hindi pa napuputol ang sumpa. Hindi pa tapos ang lahat!

Ang tangi na lamang na nagagawa ni Danica ay ang manalangin at turuan si Janice na maging matapang.

Ito na ang tadhana nila! Wala na silang magagawa pa!

AUTHOR'S NOTE:

(BASAHIN PLEASE!)

Ipagpatawad nyo na ngayon lang nakapag-update. Sabi ko sa last chapter, after 1 week ang update, pero umabot pa ito ng 2 weeks... Guys, LET ME EXPLAIN xD .

The week na mag-a-update dapat ako, ay sobra akong nabadtrip! >_< Almost 9 consecutive days akong badtrip (I swear! ... Not exactly 9 but more than a week talaga)

Tapos inabutan pa ako ng ni Bagyong Yolanda. Binagyo kasi ang Mindoro, so nawalan ng electricity at syempre internet connection for several days.. Kaya ayun! Ngayon lang na-update pero nagsikap talaga akong matapos 'to at mai-update agad. Syempre para sa inyo =D


THIS CHAPTER IS DEDICATED TO:

KAYCEE FABIALA -- she's a friend of mine. At kung hindi talaga dahil sa kanya... wala pa to dito. Because for sure badtrip pa rin ako..

Habang bumabagyo kasi ... I ask for her little help .. At pinag-aksayahan talaga nya ng battery ang kagagahan ko! Ahihihi!!

Yeah' tinulungan nya ako para gumaan na yung loob ko .. Then after nun, ayon ... Inspired na ulit ako ^_________^

IMPORTANT NOTE:

Gutom na gutom na ako habang tinatapos ko ito ... Kaya.... DAPAT PAKAININ NYO AKO NG MARAMING VOTES AND COMMENTS PWEDE RING FOLLOW HAHAHAHAHA...

THANKS FOR READING !!

LOVE YAH ALL...

#PAINT~word of the day yan! xD

(daldal ko, sige na guys. Bye!)

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 89.4K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
3.8M 64.9K 51
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
12.1K 442 59
ASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.
2.3M 117K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...