BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Fifty

34 0 0
By katnisssss

Dumiretso na agad ako sa banyo nang makarating. Inayos ko lang ang susuotin ko para mamaya at diretso nang pumasok doon. Hindi ko na hinintay pa ang patutsada sa akin ni Ian.

Hindi ko na rin naman narinig pa ang boses niya. Siguro'y nanood na lamang iyon sa cable o kung di naman kaya ay ka-Skype si Sean.


Imposibleng alam ni Logan ang tungkol sa pagpapanggap namin. Pero paano nga kaya kung oo? Pero hindi kaya gusto niya lamang akong protektahan kay Ian? Besides, panay ang salita ng isang 'yon ng kung anu-ano nang mag-Baguio kami. Maybe that'd trigger him he needs to protect me from Ian?

Pero hinalikan ka niya Angela! Dalawang beses! Alam mong hindi gagawin iyon ni luga kung alam niyang may boyfriend kang tao. For what reason di ba?

Hays! Bwisit talaga na Ian yan!


Inilublob ko ang sarili sa bathtub nang sa ganoon ay makalimutan ko kung anuman ang iniisip ko. This is a time for relaxation and not stress.

Let's just ignore Ian, can we do that Angela?

Napa-ahon ako nang biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi ng sink - hudyat ng isang tawag. Siguro ay si Mama yo'n kaya naman mabilisan akong napamulat. Naging sanhi yo'n para mapasukan ng tubig ang ilong ko.

Nakalimutan kong kailangan ko nga pala siyang tawagan pagkabalik ng hotel. Baka nag-aalala na iyon.

'Hello?' Hawak-hawak ko ang ilong ko nang sinagot ang tawag.

'Bakit hindi mo sinasagot ang texts ko?' galit na boses ng lalaki ang sumagot sa kabilang linya.

Napabalikwas ako ng tingin sa screen.


LUGA? Bakit siya tumatawag?


Ilang minuto kong itinagal ang mga mata ko roon. Nagdadalawang-isip kung ibabalik ko pa ba iyon sa tenga ko o papatayin na lang ang tawag.

Bakit ko kasi sinagot iyon basta-basta? Tss!


'Bakit ka napatawag?' Nagtapang-tapangan ako ng boses kahit na hindi na maintindihan ang kalabog ng dibdib ko.

Isang malalim na hininga ang pinakawala niya. 'Hindi ka kasi nagrereply...'

'Nag-island hopping kami kanina. Hindi ko na masyadong tinitingnan ang cellphone ko.' Paliwanag ko naman

'Ganun ba? S-sige, nagtanong lang ako. Ibaba mo na...'

Magsasalita pa sana ako ng kung anu-ano pero pinatay niya na iyon.


Nice!

Tatawag tawag siya, bubungaran pa ako ng isang bulyaw tapos siya pa ang magbababa ng telepono. Nanloloko ba siya?


Bumalik na akong muli sa paglublob. Nagbanlaw na ako para naman matawagan ko na si Mama.

Nagbihis ako ng jeans at isang black shirt. Nag-sandals na lang rin ako total ay nasa buhanginan naman ang party na pupuntahan namin.

Pagkalabas ko ng banyo ay nangingising mukha ni Ian ang tumambad sa akin. Nakabukas ang TV pero sa akin siya nakatingin.

Inirapan ko nga.


Ano na naman kayang nasa isipan niya ngayon? Hays!


Habang pinapatuyo ang buhok ko ay saka ko d-in-ial ang number ni Mama.

Sa unang pagkakataon ko siyang tinawagan ay isang intercept message lang ang natanggap ko. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero yo'n pa rin ang nangyayari.

Siguro ay busy pa siya sa ginagawa. Minabuti ko na lang rin na mag-iwan ng isang text sa kanya.


To: Mama

Ma, nasa hotel na po kami. Pero nag-aya sila Daphne ng night party kaya baka gabihin po ako. Hindi ko alam kung makakatawag pa ako mamaya.


Pinagpatuloy ko ang pagpapatuyo. Naramdaman ko naman ang presensya ni Ian na tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. Umupo siya sa kama at sumisipol-sipol pa.

Remember... just ignore him... Malumanay kong kumbinsi sa sarili ko.

"Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nagustuhan sa'yo ni lover boy. Tingnan mo nga yung pananamit mo, tee shirt, jeans at sandals. Plano mo pang taliin ang buhok mo. Ni katiting na lipstick ayaw mo ring maglagay."

Magsasalita na sana ako pero nagpatuloy pa siya.

"Sa bagay, wala naman 'yan base sa fashion sense o sa kung anuman ang itsura mo. Nasa panloob na kagandahan yon, hindi ba? Pero kahit na, masungit ka, pikon, stiff, boring..."

"Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Tingin ko sa repleksyon niya mula sa salamin.

Nginitian niya lamang ako na animo'y inosente siya sa mga bagay-bagay. "Wala naman. Nagtataka lang ako..."

Inirapan ko siya.


Bumaba na ako nang hindi hinihintay si Ian. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakapag-timpi kung lagi ko siyang nakikitang nakangisi sa akin. 

"Let's go?" Para sa aming lahat ang tanong na iyon pero sa akin lang nakatuon ang mga mata ni Daphne.


Isa pa 'to. Bumaba na nga ako, hindi ba? Ito na at sasama naman ako. Ano pa bang problema nila doon?


"Party time!" Sigaw ni Ian na siyang umakbay na sa akin.


Sa isang bar sa Station 1 kami nagtungo. Marami na ang naroon nang makarating kami.

Of course, everyday is Friday in Boracay.

"Heard they had this 15 shooter challenge... don't know what that means but I think it's something to do with their drinks. Let's all join?"

Nanlaki na agad ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Daph. Baka isa pa lang ang mainom ko, masuka ko na iyon agad.

"Betty's not allowed..." Matigas na sabi ni Ric

"Come on, Ric!" Nanunuyang puna ni Daph. "Betty's gonna be tied up in months, she better enjoy this one!"

Tumawa na lang si Betty. Tiningnan naman siya ng makahulugang tingin ni Ric kaya unti-unti 'yong nanahimik.

"Angela's excluded too. Her mom said so, I just want to follow instructions." Kung akala ko'y tapos na siya, dinugtungan niya pa iyon ng isang bulong sa akin. "Her lover boy even insisted me so..."

Sasapakin ko na sana si Ian, mabuti na lang at napaalala ko pa sa sarili ko ang ginawa niyang tulong - so I'll pass this one instead.

Nagkibit-balikat na lamang si Daph. "Fine! At least you had to party tonight, but please, just atleast one drink. I'll be enough with that."

Tumango na lamang kaming dalawa ni Betty, maging si Ric ay nakumbinsi na rin.

"Then what are we still doing here? Let's waste ourselves!"


Maingay na tugtog sa kabuuan ng bar ang umalingawngaw sa mga tenga namin pagkapasok. Kumuha kami ng isang lamesa at minuto lang ang lumipas, isa-isa nang nilagay doon ang mga drinks ng bawat isa. May mga buckets din ng cheap beers. May pizzas at ibang seafoods din na siyang una kong binigyang pansin.

Binasa ko ang nakasulat doon sa inumin na binigay sa akin. Jamjar

Sinubukan kong lasahan iyon at napapikit agad ako sa naging lasa no'n sa dila ko. I guess I have to deal with this one. Nag-promise ako kaya...


Napagpasyahan na rin nila Daph na gawin na ang challenge na gusto nilang subukan. Sila Perrie, Ian, Ric, Kyle at Allie ang kasama niya. May iba pang nakisalo rin sa challenge na iyon.

Ang '15 shooter challenge' raw ang pinaka-aaliwan sa lahat ng pakulo nitong bar. Lahat ng contestants ay kailangan umubos ng fifteen mixed drinks, at kung sino man ang mananatiling nakatayo matapos no'n ay siyang idedeklarang panalo. Sabi may premyo raw kung sino ang manalo.

Masaya naming pinanood ang nangyayaring challenge. Kanya-kanya ring cheer ang ibang kasama ng mga sumali kaya malakas din kaming nakisigaw ni Betty.


"Go Ricardo!" Yan lang halos ang naririnig ko kay Betty


Nagsimula ang inuman at tila ba naging paunahan ang labanan. Mabilis ang ginawa nilang pag-inom sa mga nakalatag na inumin.

Nang matapos ang pang-limang shot, sumuko na si Allie at halos masuka na dahil na rin siguro sa halo-halong inumin na sinubukan. Tuloy-tuloy naman ang iba pa.

Ilang shots pa ang lumipas at marami na ring sumuko. Tila bumagal na rin ang kaninang paunahan nila.


"Those were a great pain in the tummy, what do you think, Angel?"

Tumango na lamang ako.


Malamang talaga...


Sa huli ay si Daphne ang nanalo. Naghanap pa siya ng mas maraming shots para siguro mapakita kung gaano siya katibay sa pag-inom.

"One point for United States of America!" Sigaw noong namahala

Bukod sa naging puntos na iyon ay inukit pa ang pangalan niya sa dingding no'ng bar. Meron din siyang free jersey na iniabot niya na lamang kay Perrie.


Pasuray-suray silang bumalik ng table.

"What happened Ian?"

Si Daph at Ian ang magkatuwang sa usaping inuman noong nasa US pa kami, kaya niya siguro ito natanong.

Tawa lamang ang iginawad ng isa sa kanya.


Nang magsawa na sa pag-upo, nag-aya si Betty na sumayaw sa dance floor. Nakisama na rin ako dahil pulos mga lasing na ang kasama namin sa lamesa.

Puro sikat na hiphop at rap songs ang pinapatugtog ng resident DJ doon. Nakikisabay din ang makukulay na ilaw sa pag-indayog ng buong lugar.


"This is fun!" Sigaw ni Betty

Nakisaliw at nagpadala na rin ako sa naging tugtugan. Siguro'y umepekto na rin ang binigay sa aking inumin. Anu-anong mga alak kaya ang pinaghalo-halo roon?

Nang mapagod ay nag-aya na akong bumalik pero nang hinatak ni Ric si Bettina pabalik sa dancefloor ay hinayaan ko na lang.

Sumandali na rin muna akong pumasok ng banyo bago pa man makarating ng lamesa namin.

Tumingin muna ako sa cellphone at tiningnan kung meron bang mensahe roon si Mama. Nang may makita ay agad ko namang binasa.


From: Mama

Pasensya ka na, iniwan ko kasi sa locker ang cellphone ko. Nakauwi na ako. Bukas ka na lang tumawag at medyo masakit ang ulo ko ngayon, kailangan kong matulog ng maaga. Huwag na kayong masyadong magpagabi.


Nagtipa agad ako ng mensahe pabalik.


To: Mama

Opo Ma. Mauuna na po siguro ako pagbalik ng kwarto. Matulog na po kayo, goodnight Ma :) Tawagan ko kayo agad pagkagising ko bukas.


Itinago ko na rin naman iyon matapos. Lumabas na rin ako ng CR at bumalik na lang sa table namin.

Nasa dancefloor na rin sila Ian. Nandoon pa rin sila Ric at Betty at para bang hindi sila nagsasawa sa isa't isa.

Ako na lang ang mag-isa rito sa lamesa. Inubos ko na rin ang binigay nila sa aking cocktail drink. Napangiwi ako sa lasa no'n at agad na itinukod ang ulo sa mesa.

Gusto ko pa sana silang daluhan pero umiikot na ang paningin ko. Isa lang naman ang nainom ko pero iba na ang naging epekto no'n sa akin.

Naisipan kong matagal pa babalik ang mga 'yon kaya mas minabuti ko na lang na itext sila para makauna na ako ng pagbalik sa kwarto. Gusto ko nang matulog. Nakadagdag din siguro ang pagod kung bakit mabilis akong nalasing.

Binaybay ko na ang paglabas sa bar. Nakakalakad pa naman ako ng maayos kahit ba medyo natamaan na ako. Nagawa ko pang matingnan ang cellphone ko bago pa man makapasok ng hotel.


From: Ian

Where are you? You should've went to me, nasamahan pa sana kita.

To: Ian

Just enjoy the night! And I'm okay, nasa hotel na ako. Umuwi na rin kayo ahh, mauna na akong matulog.


Nang makapasok ng kwarto ay hinanap ko agad ang higaan. Napangiti ako nang maramdaman ang kalambutang hatid no'n.


It's been a day! Masyadong nakakapagod but it's all worth it. I got to see a lot of beautiful places today.


Ipinikit ko na ang mga mata ko pero napamulagat muli nang mag-ring ang cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino at dali-daling sinagot.

'Hello..." Antok na boses ang nagamit ko.

'Nakabalik ka na sa kwarto?'

Bigla akong nagising sa boses na iyon. Nakakunot noo kong tiningnan kung sino ang tumatawag.


LUGA


Lumunok muna ako bago bumalik sa tawag.

'Yup. Nasa kwarto na ko. Bakit mo natanong?'

'Wala naman. Sige, bye!'


Ito na naman siya. Wala na ba siyang ibang sasabihin?


'Sandali nga, ano tumawag ka lang para magtanong? Edi sana nagtext ka na lang' Pagalit kong tama sa kanya.

'Hindi ka naman nagrereply kaya pa'nong hindi kita tatawagan?'

Natahimik ako bigla.


Oo na't hindi ako nakakapag-reply sa texts niya. Pero bakit ko naman kaya iyon kailangan gawin?

Why does he need to check on me every time? Edi sana sumama na lang siya dito!


'Sorry... Sige na, matulog ka na'

Naiinis na talaga ako.

'Sure kang wala ka nang iba pang sasabihin?'

Isang malalim na hininga ang narinig ko bago pa man siya magsalita. 'Oo, wala na. Sige na, ibaba mo na 'tong tawag'

'Wala ka talagang sasabihin?'


Ito na ang huli ko siyang tatanungin. Kapag ganoon pa rin ang sagot niya, then fine I'll cut the call.


Mas malalalim pang hininga ang narinig ko mula sa kanya.

Sa pagkakataong umasa ako na sana ulitin niya na lang 'yon, 'Angela...'


Hindi ko alam kung bakit tumulo bigla ang luha ko sa pagbanggit niya lamang ng pangalan ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng pagod o kung di naman ay dala lang ng alak.

But I wouldn't feel like this if there's nothing that matter, right?

Hindi ako magiging emosyonal ng ganito kung walang bumabagabag sa akin. At paanong walang babagabag sa akin kung sinasabi na ng halos lahat ng nasa paligid ko ang hindi ko napapansin.

He's doing efforts, huh? He had something to say, huh? He knows, huh? He... finally... loved me, huh?


Tahimik pa rin sa kabilang linya.


Kung kaharap ko lamang siya, siguro ay nasampal ko na siya. Siguro ay kanina ko pa siya binugbog at pinalo-palo.


'Angela...' Isang panibagong malalim na hinga. 'Matulog ka na. Pasensya na sa istorbo...'

Hindi na niya ako hinayaan pang unang pumatay ng tawag at siya na ang gumawa no'n.











Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...