The Bully and the Beast

By sinagtala

178K 7.2K 1.2K

Tumahimik ang buhay ni Car noong tumuntong siya sa college. Akala niya mature na tao na ang mga makakasalamu... More

The Bully and the Beast
The Rise of Gabriela
Boobies
Blackmail Baby
Pototoy Scandal
Then Came the Birds
Sorry daw
Going Under
Pedobear
Wasak
Sorry Uli
Creep
@ssHole
Drunken Donuts
Morning After
Unli
Truce
Clarity
Eyes on You
Challenge
Girlfriend Experience
Ice Scream
Rain Rain Go Away
Stalk
Change is Coming
Black Swan
Mwah, Mwah. Tsup, tsup.
Abangerz
Tayo
Lalaland
Chance
Alamat ng Magic Kasoy
Push
Cake
His
Hers
Mama's Boy
The Gift
Langit
Taning
Paglimot
Biglaan
Advice ni Ate
Duda
Cubicle
Huli
Scandal
Eng Sekhet Sekhet Bes
Nagmahal, Nasaktan, Nagredhorse
Isa, Dalawa, Tatlo
Resbak
Baliw
One Last Time
Panghihinayang
Leo
Saklap
Baby
Bitaw
Circumtances
Takbo, Leo. Takbo
Director's Cut
A Cliche Ending to a Totally Cliche Love Story
The Very Late Epilogue
Pasasalamat

Everybody's Fool

7K 260 24
By sinagtala

"Car, ok ka lang?" Alalang-alalang tanong ni Charize sa kanya.

Charity Denize de Jesus
19 years old.
BA Multimedia Arts

Bestfriend na niya since highschool.

Sumama ito sa kanya sa CR pagtapos na pagtapos ng Psychology subject nila. Buti hindi nagalit ang prof nilang Psycho din dahil nalate siya ng dalawang minuto sa fifteen minutes na binigay nito.

Ang hirap kayang magtanggal ng cornstarch sa damit.

"Yep!" Sagot niya kay Char habang busy siya sa pag-pagpag ng tshirt. May natitira pa palang puting pulbo na di niya natangal kanina.

Buti nalang at maayos nyang natapos ang reporting niya kay Sir Psycho at wala na rin itong tinanong kung ano pa. Ni hindi siya nasigawan na kinagulat ng mga kaklase niya.

"Grabe talaga sila, kahit sino pinagtritripan."

"Yaan mo na." sagot niya habang patuloy parin ang pagpagpag. Yung jacket naman niya ang pinagtutuunan niya nang pansin.

Suede pa naman ang tela noon. Padala ng kuya niya sa ibang bansa. Fresh from the balikbayan box pa.

Hala! Ayaw nang matanggal. Patay.

"Anong hayaan na?" Naglabas si Charize nang malaking scotchtape sa bag. As in malaki.

In-unroll nito ang malaking scotch tape at idinikit dikit ang malagkit na parte sa t-shirt niya.

Wow effective. Natanggal ang mga puting pulbo at kumapit sa dikit nito.

"Ayus yan ha." Aniya. Kahit kelan talaga, girls scout tong si Charize, naisip niya.

"Anong ayos doon? Uulitin nila yan. Isumbong mo na sa guidance." Sabi nito.

Ngumisi nalang siya. "Bakit ko naman gagawin yon? That is so elementary dear. Kilala mo naman ako diba?"

Natigil ang pagkuskos ng scotch tape ang kaibigan niya.

Namutla pa. Talaga naman putlain si Charize pero sa pagkakataong yun parang mahihimatay na ewan ang hitsura.

"P**tang**a naman Car!"

Halos mabingi siya sa mura nito. Biglaan, nakatapat pa sa tenga niya.

Minsan lang magmura si Char. Kapag super galit lang.

Tulad ngayon.

"Wag mo namang ulitin yung nangyari nung highschool! Muntik ka nang di grumaduate noon!" Singhal pa nito sa kanya sabay padyak.

"Adik." Sabi niya sabay batok dito nang bahagya.

"Aray."

Minsan OA na kasi kung maka-react eh.

"Wala naman akong balak ulitin ang trip ko nun," tuloy niya. Inagaw niya dito ang scotch tape at siya na ang nagtanggal ng mga cornstarch sa damit. Medyo natatanggal na iyon.

"Level one palang naman yung ginawa niya. Hindi pa malala. Wag lang niya ulitin."

"Hay naku girl, bahala ka," sabi nito. "Nag-aalala lang naman ako sayo. Buti nga at hindi naging issue yon nang makapasok ka dito. Buti at walang nakakaalam."

Buti nga, naisip niya. Kaya rin siya dito sa St. Leonard University pumasok dahil alam niyang mas tahimik dito. Hindi pa siya kilala kaya hindi mauungkat ang nakaraan niya.

"Sayo muna yan scotch tape ko, may meeting ako with the staff. May inoorganize na naman yatang bagong pakulo yung student council natin." Ani Charize sa kanya.

"Ok." Tipid niyang sagot.

Alam niyang busy ang kaibigan pero sinamahan parin sya nito.

Ang bait talaga, naisip niya. Saka kahit alam na nito ang mga kalokohan niya di parin siya nito iniiwan at-

"Pakshet!" Sigaw niya. Nagulat nalang siya ng hawakan siya nito sa balikat yugyugin nang malakas.

"Just promise me! Wala kang masamang gagawin ha! Magpromise ka Carmelita!!! Magpromise ka!!!!"

Ito talagang babaeng to parang timang!

"Shet! Oo na! Oo na!" sigaw niya. Pakiramdam niya, nagyuyugyog na ang mundo niya.

"I promissseeeee. Wala akong gagawing shit!"

At saka lang ito tumigil. Pakiramdam niya gusto niyang sumuka sa hilo.

"Good. Basta wala kang bad na gagawin ha." Malambing ba paalala ng bestfriend niya.

"Oo na nga!" Kung di lang sa pinagsamahan nila, naku!

"Anu ba? Paulit-ulit. Unli lang?" Habol-hininga niyang sambit. "Umalis ka na, late ka na."

"Ok sige na," sagot naman nito. Kinuha na nito ang bag at folder niya. Nag-flyingkiss pa ito saka lumabas ng CR.

"See you later ha."

Nagbuntong-hininga nalang siya. May pagka-bipolar talaga ang babaeng yon, naiisip niya.

Naiwan siya sa CR at nagpatuloy sa pagtatanggal ng cornstarch sa damit.

Sa pangalawang taon nya sa kolehiyo nakatikim ng ganitong klaseng pambu-bully. Masyadong childish. Akala pa naman niya magmamature ang mga tao pagdating sa gantong edad.

Pinagpag niya ang mga natirang pulbo. Pwede na siguro ito, naisip niya. Hindi nalang niya isusuot ang hoodie niya dahil mas pansin doon ang nanuot na kulay puti.

Kinuha niya ang gamit at saka tuluyang lumabas ng CR. Nagulat nalang siya sa eksena sa labas.

Nagkakagulo na naman ang mga tao. Nagtatakbuhan sa bulettin board. Anong meron uli?

Lumapit siya sa mga ito para maki-usyoso.

"Hayan na si Miss White lady!" Narinig niyang sigaw isang estudyante.

"Wohoooo! Yeah! Hahahahahah!"

Halo-halong sigaw na ang sumunod. Karamihan puro tawanan.

Anong meron talaga?

Nang tumingin siya sa bulettin board, nakita niya ang isang bondpaper size na picture. Picture niya. Puno nang puting cornstarch. Mukha siyang espasol.

Yung kanina.

Sh*t.

"Sinong walang-hiya ang kumuha nito?" Tanong niya sa sarili?

Tang*nang yan! Nasa highchool pa ba siya para makaranas ng ganito? Ang childish talaga!

Hinablot niya ang picture sa board. Natigil ang tawanan. Nakita siguro ng mga ito ang malakas na aura nang pagkabadtrip niya.

Level 99 to the nth power.

Malapit na magsuper saiyan.

Napalitan ang maingay na tawanan ng mahihinang bulong. Maliban dun sa may bandang dulo.

Sa grupo ng mga lalaki sa may likuran. Tawa parin ito ng tawa.

Naglakad siya papuntang direksyon nila. Para namang nahati ang mga tao na parang Red Sea para padain siya. Lahat ilag na sa kanya.

"Excuse me," sabi niya kay Leo.

Alam niyang ito ang mastermind ng lahat. Malamang, ito ang narinig niyang may pinakamalakas na tawa. "Bawal pong mag-post ng walang permit sa bulettin board," aniya sabay abot ng picture. "Mag-pasign po muna kayo sa student council."

Sabay ngiti.

Matamis na ngiti.

Matamis na ngiti with beautiful eyes pa.

Tumigil ang tawanan ng mga loko.

Kinuha ni Leo ang picture habang nakatanga lang sa mukha niya. Nakanganga pa.

"Sige ha. May next class pa ako." Kumaway siya dito at tumalikod. Naglakad papalayo.

Lalong lumakas ang bulungan nang lahat.

"Pre, may gusto ata sayo yan." Rinig niyang sabi ng isang kasama nito.

Oo may gusto nga ako sa kanya. Gusto ko syang patayin.

Level 2 ka na.

Isa pa.

Wala ka nang mukhang ilalabas sa campus.

Continue Reading

You'll Also Like

949K 13.7K 58
An Excerpt Shock siyang tumingin sakin habang hawak hawak ang pisngi niya na tinamaan ng sapak ko. I looked at him evenly in the eyes. Kung walang...
535K 27.7K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
2.5K 108 21
A trap he made will bring their paths into unexpected events of their life.
21.9K 2K 33
MONTAVILLA SERIES 1 Maria Isabela "Alexis" Montavilla is a balky princess from a vampire clan, she don't want to do anything what is wanted and what...