To Last

By PrioriShin

966K 14.3K 524

FANFICTION CLAUDETTE MONTEFALCO PIERRE TY More

Simula
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Wakas

Chapter Two

28.3K 409 26
By PrioriShin


CHAPTER TWO

Interested

Birthday ngayon ni Elijah at may handaan sa bahay nila. Kasalukuyan naman akong nasa Montefalco Building na pag-aari ng nila Klare. Galing kasi akong Mall para bumili ng birthday gift ko kay Elijah na dalawang itim na Tee shirt galing Lee. Though alam kong marami na siyang damit. Wala na kasi akong mairegalo kaya eto nalang napili ko.

Dito na ako nagpababa sa driver namin dahil sa text ni Erin na dito magkita para sabay-sabay daw kaming girls na pupunta 'ron. Naabutan kong nagtatalo sila sa kwarto ni Klare.

"Ayaw ko nga, Erin." Ani ni Klare na nakadapa lang sa kama niya. Naka spaghetti strap s'ya at maikling jersey shorts. Nagtaka ako dahil hindi pa s'ya bihis.

"Duh? Hindi naman kayo mag-aaway!" Sagot naman ni Erin. Nakita kong nakahigh-waisted shorts siya at sleeveless ruffle top na kulay red. Bihis na s'ya. Luminga-linga ako para hanapin si Chanel pero di ko s'ya makita.

"Wala akong regalo." Walang ganang sabi ni Klare habang nakayakap sa unan n'ya.

"As if may regalo si Azrael at Kuya Joss don!" Hawak ni Erin ang hula ko ay ipapasuot n'ya kay Klare. Shorts iyon na kulay beige at floral sleeveless top.

"Basta, Ayoko. Pumunta na kayo." Inis na sabi ni Klare. Tumungo naman si Erin sa akin. Pero bumalik rin ang atensyon niya kay Klare.

"Did you two fight again?" Pagod na sabi ni Erin. Iyon lang naman yata ang dahilan kung bakit hindi pupunta si Klare. Aso't pusa sila kung mag-away. Parang ganon sa mga Kuya ko but they're harsher.

"When did we not?" Tugon nito.

"Seriously? You two should stop fighting! You are cousins for pete sake! You should learn to atleast please each other." Tunog histerya si Erin. Hinawi niya ang takas na buhok at inilagay sa tenga.

"Azrael and Knoxx are brothers but they are fighting too." Side comment kong nadinig yata nila. Tinaas ako ng kilay ni Erin at ngumisi nalang ako. Trying to lighten this soon to be scolding session of them.

"Si Chanel?" Tanong ko nang hindi na ulit magsalita si Erin pero nakatingin lan siya sakin.

"Sinundo na ni Rafael kanina kasama si Kuya Joss." Sagot niya. Napatango ako.

"Anong problema ni Klare?" Tanong ko ulit at napa-irap s'ya.

"She doesn't want to go in Elijah's party. Wala daw regalo or baka nag-away na naman.Tss." Iling iling nalang n'ya. Matapos ibaba sa mini sofa ni Klare ang damit na dapat ipapasuot sa kanya.

Linapitan ko naman ang nagmumukmok na si Klare. Gulo-gulo ang buhok n'ya at halata talagang ayaw niyang lumabas.

"Klare..." Tawag ko sa kanya pero di niya ako hinarap. Nakatalikod lang siya.

"Come on! Halika na." Ani ni Erin sa likod ko habang nakapameywang.

"Tara na, Klare, Naghihintay na sila." Anyaya ko. Tumungo naman siya at pinasadahan ang bangs niya na gumaharang sa mata niya. Umirap s'ya at kinuha ang inilapag na damit ni Erin at pumasok ng C.R.

"Oh God! Bilisan mo ah?" Sigaw ni Erin at lumabas na ng kwarto ni Klare. Lumabas na rin ako at naupo sa sala habang nanunuod ng TV nila na kasalukuyang nasa FTV ang channel.

Wala na sila Tito at Tita pati si Charles. Nauna na siguro sila. Sina Daddy ay hindi yata makakapunta ganun rin sina Tito Stephen. Busy sila sa trabaho nila.

Busy rin ngayon si Erin sa kapipindot sa cellphone n'ya. May katext siguro. I guess it's a bunch of guys. Siya ang pinakasikat sa aming Babae na Montefalco dahil sa pagiging friendly at hindi snob actually silang dalawa ni Chanel, But Erin is kinda friendlier.

Nakikilala lang naman ako dahil sa mga Pinsan at apelyido ko. As I said, Montefalco's are famous kaya nadadamay ako. May ilan-ilang bumabati sa akin at ngumingiti kaya sinusuklian ko nalang. Ako din yung madalas i-bully but thanks to Erin and Klare. They are both always there for me. Hindi syempre mawawala si Kuya Azi.

Nagtama ang paningin namin ni Klare. I don't know but after the staring contest I had with that 'Ty' pakiramdam ko ang mga mata niyon ay kapareha ng kay Klare ngayon. It's sort of intimidating. Nababaliw na talaga ako. How can I be intimidated with someone in just one stare!

And I am going insane till then because I don't even know his name! Now, I am damn thirsty about the information of his life!

"Clau! God! Are you deaf? Tayo na!" Tawag ni Erin at nagmartsa na patungong elevator. Nagkibit balikat si Klare at sumunod na rin. So I followed them, hindi ko naman alam na kanina pa pala ako tinatawag ni Erin. I got deaf because I was thinking of that gu, huh?

Gusto kong magtanong kay Erin na baka kilala n'ya 'yon but I am afraid. Baka tuksuhin lang nila ako tulad ng ginagawa nila kay Klare sa crush n'yang si Eion. Hindi ko naman siya crush but ... crap! Basta!

Tumambad sa amin si Rafael na nakahilig sa pintuanng sasakyan niya. Nakayuko s'ya at pinalalaruan lang 'yung susi. Nag-angat siya ng tingin ng marinig ang tikhim ni Erin nang makalapit sa kanya.

Hindi ko alam na si Rafael ang susundo sa amin. I thought driver nila Erin. Pinapayagan naman na ni Tito Stephen si Raf na magdrive kahit mag gre-grade 10 palang 'to. Sila palang ni Kuya Justin ang may authorization mula sa parents nila.

Tinuruan narin si Kuya Knoxx ng basics ni Dad at nakakapagdrive na s'ya ng automatic. Pero sixteen pa siya pwedeng magdrive. Nagpapaturo nga rin si Kuya Azi but Dad refused. Sabi niya ay mabilis daw matense si Kuya Azi kaya baka ibangga lang n'ya pag nagkagipitan na.

Tinukso s'ya ni Kuya Knoxx at as usual inggit na naman ang Kuya kong unggoy. Pwede naman na daw siyang magpaturo kay Knoxx pero ma-pride si Azrael, ayaw daw n'ya. Kay Kuya Justin nalang daw siya magpapaturo.

Lumabas na ako galing sa front seat at direderetso na sa double doors na pintuan nina Elijah na nakabukas ngayon.

Narinig ko ang ingay nila sa garden kaya don ang tungo ko. Hindi ko na nilingon pa sina Erin at Klare dahil baka naghihilahan pa ang dalawang 'yon.

Naunahan pa ako ni Rafael makatungtong sa garden. Nakita ko agad ang ngumingiwing mukha ni Kuya Azrael habang hawak nito ang cellphone n'ya. Hinanap ko agad si Elijah at nagulat ako nang magmula s'ya sa likuran ko.

Tinignan ko siya na nakatanaw kina Erin at Klare ngayon. Ilang segundo rin n'ya sigurong pinagmasdan ang dalawa. Pinukaw ko ang atensyon n'ya.

"Elijah. Happy Birthday." Malamig kong sabi. At nilingon naman n'ya ako.

"Thanks, Dette." Ngumisi s'ya at ganon rin ako. Niyakap ko s'ya.

"Here's my gift." Bigay ko sa kanya. Ngumiti ulit s'ya at tinuro na sa akin ang pwesto ng mga pinsan ko.

Pinasadahan ko ang buong lugar. Pinsan ko lang naman ang mga nandito at ilang mukhang pamilyar. Mga kaibigan siguro ni Elijah or Kuya Justin.

Kinawayan ako ni Kuya Knoxx sa pwesto nila. Andon si Rafael, Chanel at Damon.

"What took you so long?" Bungad ni Chanel.

"Klare." Sabi ko. Alam na siguro nila kung bakit. Tumawa si Damon at si Knoxx.

"That two brat can't stop their war." Natatawang sabi ni Damon.

"Palaging mainit ang ulo sa isa't-isa e, Pagnakita automatic na mababanas agad sila." Ismid naman ni Chanel.

"Oh,e, asan na sila?" Tanong ni Kuya Knoxx.

"Naghihilahan sila ni Erin." Sagot ko. Lalong natawa ang mga lalaki sa table namin.

"Elijah!" Tinawag siya ni Rafael. Lumapit naman sa amin si Elijah.

"Sunduin mo na sina Erin at Klare." Utos ni Chanel. Napangiwi naman si Elijah.

"War na naman ba kayo?" Tanong ni Knoxx. Ngumiwi naman ulit si Elijah.

"Kailan ba hindi?" Sagot n'ya. Napatawa ako. Paano ba naman ay iyon din ang sagot ni Klare kanina.

"Come on, man! Aakalain n'ya talagang uninvited s'ya sa bahay mo." Gatong ni Rafael habang umiinon ng pomelo juice. Umirap siya pero sumunod din. Tumayo na ako para kumuha ng pagkain. Nasabi ni Chanel na sa katagalan daw namin ay hindi na naabutan ang mga parents nila.

Habang kumukuha ako ng carbonara ay may lumapit sa akin na lalaki. Natatandaan ko s'ya pero nakalimutan ko ang pangalan n'ya. Pinsa yata siya ni Elijah eh.

"Hi Claudette!" Masiglang bati n'ya. Tinitigan ko lang s'ya.

"I'm Spike by the way." Ngiti n'ya sa akin. Preskong presko ang dating n'ya sa malaking ngisi niya at kamay na nasa bulsa. Matangkad siya at maypagkamoreno tulad ni Elijah.

"Uh. Hi." Alanganin kong sagot. Ngumiti s'ya at Tinalikuran ko na. Nakita ko ang titig ni Kuya Knoxx at Azrael ng marating ko ang table namin. Nilapitan ako ni Chanel at binulungan.

"I think he likes you." Natutuwa n'yang sabi habang nakatitig kay Spike. Sinulyapan ko din ito at nakatingin s'ya sa amin. Madramang umubo si Kuya Azrael na nasa table narin namin ngayon.

"I'm not interested." Sambit ko. Yeah, hell I'm not. I'm interested with someone else right now.


Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 118 20
Gwapo? CHECK. Matalino? CHECK. Weird? DOUBLE CHECK.
3.1M 82.5K 58
C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang komp...
10.7K 864 35
(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa naka...
68.3M 895K 84
[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University...