Forty: Knowing Her Lie Life
//
"We have something to tell you guys," Sine announced, while we are standing infront of them. We are now wearing OUR uniform and ready to go to school, when they came and WE decided to say the truth.
"Ano naman 'yun, boy? Na kayo na? Naks!" tanong ni Akihiro na may kakaibang ngiti.
"Sana nga pero hindi pa, hehe." napayuko nalang ako at napahawak sa mga kuko ko sa kamay. Iish, I blushed. At ang awkward!
"Then what was it?" si Erroll.
"Erroll, alam mo rin 'to."
Napatingin ako kay Erroll, na napalaki ang mga mata tsaka niya ako binigyan ng ngiti. Para ngang gusto ko ulit magsorry sa kanya eh. Kung wala lang siguro si Sine, malamang nagustuhan ko rin siya ng ganito.
"Ahhh!"
"Ice, sabihin mo na."
"OK, guys," there is no reason to fake my voice anymore na ikinalaki ng mata nila, lalo na 'yung kambal. "I'm not a boy, mas lalong HINDI AKO BAKLA, the real was, I pretended to be a boy... Eerrr!"
"WHAT?!" sabay na tanong ng kambal.
"Paano 'yun?"
"Wew..."
"Kaya pala..."
"Shit, hindi ako makapaniwala."
"TAMA NA 'YAN, ANG OA NIYO!" awat ni Sine. "Pero mananatili muna dito siya. So 'yung rooms, kahit dito na ako sa sofa."
"Hindi 'wag na, dun ka nalang."
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Sige na nga." Inakbayan pa niya ako. Ang bango ng kili kili niya. Ahmp!
~•~
Nasa room na kami. Nagbabatian kami. Katabi ko na ngayon si Sine. Kanina pa siya sweet sakin eh. Nakakahiya kaya. Kasi naman 'yung iba eh 'yung tingin nila kakaiba.
"Sine... tigilan mo muna 'yan?"
"Ang alin?"
"'Yan, 'yang pagiging sweet mo, 'tamo sila oh, iba 'yung tingin."
"Hayaan mo sila. Isipin nila kung anong gusto nilang isipin. Alam ko namang hindi ako bading eh." Napatingin siya kay Vince. "Nakakabwisit 'tong Vince na 'to, kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya," tumingin rin ako kay Vince tsaka niya ako nginitian. "Ang panget naman." singhal pa niya.
Pumunta ako ng CR, sinundan ko si Vince. Kasi naman hindi pa siya nainform baka mamaya madulas siya eh mabuko ako agad.
"Vince..."
"OHHH!" itinalikod niya 'yung ano niya sakin dito sa urinal. "Queen... b-bakit?"
Nang humarap siya kita kong hindi pa nakazipper 'yung pantalon niya. "Pantalon mo, 'di pa na zip."
Tumingin naman siya dun tsaka tumalikod ulit. Tapos humarap.
"May importante akong sasabihin."
"Ano 'yun, Queen?"
"Alam na ng BDS na babae ako... pero 'yung pagiging si Icy ko hindi pa. At kasangkot ka roon."
"Paanong---"
"Tinanong ako ni Sine kung bakit ko ginagawa ito, ang sagot ko dahil sa 'yo, dahil EX kunno kita na gusto kong balikan. Kaya kapag kinompronta ka niya, 'wag mo 'kong ibubuko."
Nabasa ko ang frustration sa mukha niya. "O-OK."
~•~
"Subuan na kita."
"'Wag na. Ako na."
Ang kulit ng lalaking ito. Pinagtitinginan na naman tuloy kami dito sa canteen.
"Sobrang sweet na 'yan ah. Nilalanggam na kami oh," si Deniel.
"Hahaha," tawa naman ni Sine.
"So kaano ano mo si Britney ko?" tanong ni Akihiro sakin.
"Kaibigan, kaklase sa Beverly."
"Ah... Eh ano namang dahilan mo, bakit mo ginawa 'yan?"
Napatahimik at napaseryoso si Sine. Napatingin siya kila Vince at napabusangot. "'Wag niyo nalang siyang tanungin, pwede?"
"OK."
~•~
Sine's POV
Nakita ko si Vince na naglalakad dito sa may field magisa. Magisa rin akong naglalakad habang hawak ang chocolate na binili ko pa sa department store. Hapon na tsaka walang klase ngayon, dahil sa meeting ng mga teachers.
"Vince!"
Lumingon siya sakin, kaya lumapit ako sa kanya.
"Gusto kitang kausapin."
"Para saan naman, Sine?"
"Para kay Queen. Hindi ba't EX mo siya?"
Nabasa ko sa mukha niya na naguguluhan niya. "Ahh, oo bakit? Anong dahil sa kanya?"
"Ang tanga mo, brad!" sabi ko, "pero salamat na din kung hindi dahil sa ginawa mo, hindi ko siya makikilala."
"A-ano bang pinagsasabi mo?"
"Wala. Diyan ka na nga!"
Bwisit akong umalis dun tsaka dumerecho sa may dorm. Pagpasok ko, parepareho silang nanonood ng horror-thriller. Nakapatay pa 'yung ilaw kaya naman binukas ko.
"AHHHH!" nagsigawan sila maliban kay Ice.
"Ang O-OA niyo, tabi nga," ani ko kay Akihiro na katabi si Ice sa sofa, nagpagilid naman siya tapos sa tabi niya sa kaliwa, si Erroll. "OH, Ice, sa 'yo lang 'yan ah."
"Ang dami naman," sabi niya.
"Oo nga pahingi-awww!" kukuha sana si Hiro at Jiro nang sinampal ko ng malakas 'yung mga kamay nila.
"Aww, damut!"
"Bumili rin kayo kung gusto niyo."
"Tahimik na, manood na tayo."
Pinatay muli nila 'yung ilaw tsaka nanood kami muli. Puro hiyaw kaming mga lalaki, ang nakakapagtaka, wala man lang kareareaksyon si Ice.
"Hindi ka natatakot?" bulong na tanong ko sa kanya.
"Bakit naman ako matatakot e ang funny nga ng multo. Mukhang gago?"
"Kakaiba ka talaga eh."
Inakbayan ko siya tsaka patuloy na nanood.
~•~
Pagdating ng gabi, dalawa lang kaming pumunta sa labasan ni Ice. Kumain kami ng kwek kwek at uminom ng gulaman.
Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya ng nakangiti. Ang sobrang ganda niya eh.
"Maliban kay Vince, sino pang naging Ex mo?"
"Ha? Wala na."
"Ah, so ako 'yung magiging second boyfriend mo at forever?" Korni pero kinikilig ako eh.
"Haha."
"Say 'ahhh'," sabi ko habang sinusubo sa kanya 'yung kwek kwek, habang tinitipaya ang kamay ko sa baba niya.
"Ahm," sabi niya habang kumakain. May mga sauce na naiwan sa paligid ng labi niya, kinuha ko 'yung gamit 'yung hinlalaki ko tsaka ko kinain. "Alam mo bang maldita ako?" sabi niya.
"Ha? Hindi naman halata eh."
"I used to fight random girls. Minsan pa nga nao-office ako nun sa Beverly, masungit ako tsaka hindi palakaibigan. Isa nga lang 'yung kaibigan ko sa Bev eh."
"Sino naman? Si Britney?"
"Uhmm... mm, mm," uminom siya ng sago't gulaman, "tsaka kilala mo si Skie Annika? 'Yung anak ng may ari ng Bev, nakaaway ko na 'yun."
"Bakit mo naman 'yun ginawa?"
"Epalog kasi kaya binoxing ko 'yung mukha, ayun, nagkaroon ng pasa dahilan ng pagsuspend sakin ng tatlong linggo."
"Ganun ba? Ako naman... nakapatay na ako ng tao, maraming tao, Ice pero sana 'wag kang matakot sakin dahil hindi naman kita sasaktan."
"Alam ko."
"Alam mo?"
"E, 'di ba, gangster ka? Natural lang naman sa inyo ang pumatay."
"Ah, subuan mo nga ako..." nagpacute pa ako sa kanya.
Ngumiti lang siya sakin, tsaka niya ako sinubuan ng kwek kwek. "Nagiging matino ako kapag kaharap kita."
Sa sinabi niya, mas kumabog ang puso ko. Ang lakas, dinig na dinig ko. Ang ganda ganda talaga niya.
"MGA GAGO KAYO AH!"
"PUTANG INA NIYO!"
Sa may mismong harapan namin, dito sa harapan ng Jacksonville. Nagsimula nang magbugbugan 'yung dalawang grupo ng mga gang kaya tumayo ako at hihilain sana si Ice ngunit nakatuon 'yung atensyon niya sa mga nagaaway.
"Halika na... Baka makasama sa 'yo."
"Mamaya na... nageenjoy pa akong manood eh," sagot niya na ikinabigla ko habang nakatingin siya sa mga nagbubugbugang mga lalaki.
~•~