When Dyuswa Meets Purita

By danjavu

2M 67K 12.2K

Dear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinata... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 64
Part 63
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Special Chapter
Author's Note, Please Read...
When Dyuswa Meets Purita Again Book 2- Teaser
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12 (1)- Luke
Kabanata 12 (2)
Kabanata 13- Kidnapper and the Rain Lover
Kabanata 14-
Kabanata 15
Kabanata 16- Hunch
Kabanata 17- Subconsciously
Kabanata 18- Pink Lollipop
Kabanata 19- Drunken Love
Kabanata 20- To The Rescue
Kabanata 21- "Hindi gano'n kadali iyon"
Kabanata 22- Ano bang ginawa mo?
Kabanata 23- Feels Like Home
Kabanata 24
Kabanata 25- The Awakening
Kabanata 26- Outburst
Kabanata 27- Huwag Magpa-ligaw
Kabanata 28- Can You Hear Me?
Kabanata 29- Global Warming
Kabanata 30- Hindi siya ikaw
Kabanata 31- Jirits na Jirits
Kabanata 32- Siya pa rin
Kabanata 33- Super...Stupid...Bull!
Kabanata 34- All for him
Kabanata 35- Halaga
Kabanata 37- Closing Time
Kabanata 38- Unfairy Tale
Kabanata 39- New World
Kabanata 40- Ship and Flower
Kabanata 41- Condo Talking
Kabanata 42- Clever
Kabanata 43- Unexpected
Kabanata 44- Claim
Kabanata 45- I'm In
Kabanata 46- Red Horse
Kabanata 47- Girlfriend
Kabanata 48- Not Today
Kabanata 49- Ang Sinturon
Kabanata 50- Fallen
Kabanata 51- The First Layer
Kabanata 52- Flirt
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
The Finale
The Final Finale
Announcement MUST READ

Kabanata 36- Return

9.2K 379 70
By danjavu

Sobrang saya ko nang paglabas ko ng DFA ay bitbit ko ang passport na siyang magdadala sa akin sa US of A. Kung nasaa naroon ang bhebhe ko. Ang Dyuswa kong nilalangit, nilalangaw pati salimpuwet. Chos!

Hay basta. Eggzoited na talaga ako. Nag-iipon pa ako para pambayad sa interview sa US Embassy raw iyon. Medyo may kamahalan eh. Pero keri kong pag-ipunan iyon kasi nga mahal na mahal ko si Dyuswa. Kahit na halos dalawang taon na siyang Hindi man lang nagpaparamdam sa kagandahan ko simula nang umalis siya.

Hay. Miss na miss ko na talaga ang bhebhe ko. Ang sobrang gwapo niyang mukha, ang makalaglag panty niyang boses, ang flat niyang tiyan na walang abs at syempre ang halik niyang nagpapaputok sa fallopian tube ko. Hihi. Na-miss ko talaga ang lahat sa kanya.

Ako kaya. Na-miss niya rin ba? Na-miss niya na ba ang eskels ko sa English? Namiss kaya niya ang kagandahan kong walang kasing-ganda? Namiss niya kaya ang kaseksihan ko na halos magpaputok sa kanyang pantog?

Charot! Ay ang harot-harot ko talagang bata. Hihihi. Ano ba 'yan. Kinikilig naman me. Hay. Sana lang talaga namiss niya rin ako.

Kasi minsan napapaisip din itong utak ko na kasinglaki ng buto ng atis eh. Dahil di ba kung na-miss niya ako sana nagparamdam man lang siya. Eh kahit sa facebook niya Hindi man lang sini-seen ang mga chat ko sa kanya. Galit pa rin kaya siya sa ginawa ko? Alam kong mali iyon pero para rin naman sa kanya 'yon eh. I'm just....I'm just...oo. Alam niyo na 'yon di ba? Gusto ko lang naman siyang protektahan at huwag masaktan eh. Pero ang ending, nasaktan pa rin pala siya.

Napabuntong-hininga akong nagpatuloy ss paglalakad. Minsan  hindi ko rin maiwasan ang mag-isip na baka Hindi na ako mahal ni Dyuswa. Na baka nakalimutan na niya ako. Ginamit niya ang pagsisinungaling ko sa kanya para maka-move off sa akin.

Pinilit ko ang aking sarili na ngumiti. Hindi na ako dapat mag-isip ng ganito. Nararamdaman kong malapit na akong makapunta ng US of A. Naaamoy ko na ang hangin mula roon. Ayan. Naaamoy ko na talaga. Pinikit ko ang aking mga mata at naamoy ang usok na galing sa isang sasakyan kaya napaubo ako ng bongga. Bwisit na sasakyan na 'yon. Panira ng moments.

Dumating ako ng bahay na walang katao-tao. Nasaan kaya sila? Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Iti-text ko si ate Sarah. Pero lowbat na pala ako simula pa kaninang umaga kaya ni-charge ko muna. Naalala kong wala rin pala akong load kaya inis akong lumabas ng bahay para magpa-load. Sa labas ay nadatnan ko si kuya Dan na medyo balisa.

"Kuya?"

"Purita! Saan ka galing? Ba't ngayon ka lang?"

"Ha? Bakit po? Kanina niyo pa ba ako hinihintay? Nako kuya ha. Huwag kang ganyan. Alam mo namang hindi ako nagpapaligaw. Si Dyuswa lang ang mahal...."

"Nasagasaan ng sasakyan ang itay mo!"

Napawi ang ngiti sa aking mga labi sa narinig. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa katawan.

"A-ano pong sabi mo?"

"Nasagasaan ang itay mo kanina habang nagtitinda sila ng inay mo. Hit and run. Kanina ka pa namin kinokontak ni Sarah pero naka-off yata ang phone mo."

"Saan...na sila?"

"Nasa malapit na ospital Purita. Pero sadyang malubha ang tama ng itay mo kaya baka kakailanganing ilipat sa mag magandang hospital. Lika. Samahan na kita ro'n."

Nanginginig ang buo kong katawan habang nakasakay kami sa jeep ni kuya Dan. Natatakot akong baka kung anong mangyaring masama kay itay. Hindi ko kakayanin. Wala na nga siyang cancer na naglapit sa kanya sa bingit ng kamatayan tapos ito na naman ngayon?

Lord, huwag naman po sana pplease. Gagawin ko po ang lahat para mailigtas lang siya. Huwag Niyo po muna siyang kunin sa amin.

Halos patakbo akong pumasok sa looh ng hospital at nadatnang umiiyak si labas ng ICU habang inaalo ni tita Sarah. Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak nang lumapit sa kanila. Kaagad ko silang niyakap na dalawa.

"Inay..."

Sandaling umangat ng tingin si inay sa akin. Hindi ko alam pero parang masama ang ipinukol niyang tingin sa akin kaya kinabahan ako.

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?" malamig niyang tanong sa akin pero umiiyak pa rin.

"Inay, kinuha ko lang po ang passport sa..."

"Ano! Hanggang ngayon ba nagpapakahibang ka pa rin kay Joshua?! Kailan ka magigising sa katotohanan na wala kang mapapala ro'n! Kailan? Kung patay na ang itay mo?!"

Parang tinutusok ang puso ko sa mga sinabi ni inay. Sobrang bait at maintindihin ni inay sa pagmamahal ko kay Dyuswa. Sinusuportahan pa nga niya ako eh. Pero ang makita siyang galit na galit sa akin ay hindi ko kaya.

Mas Lalo akong naiyak dahil do'n. Hindi ko kayang mawala si itay at magalit sa akin si inay. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ang ganito eh. Sino bang may gusto nito? Niyakap ko si inay nang mahigpit pero dahan-dahan niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa kanya. Ilang sandali pa ay tumayo siya at naglakad palayo sa amin. Hahabulin ko sana siya kaso pinigilan ako ni tita Sarah.

"Hayaan mo na muna si ate, Purita," mahinahong sabi ni tita Sarah.

Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo. Nakita kong sinundan ni kuya Dan si inay sa labas. Tumabing umupo naman sa akin si tita Sarah.

"Alam mo ba kung bakit nasagasaan si kuya Oscar?"

Puno nang katanungan ang mukha ko habang tinitingnan siya. Saglit pa ay pilit siyang ngumiti sa akin.

"Nakakita siya ng pera na ibibigay sa'yo. Nakahiram siya sa kaibigan niya."

Napaawang ang aking labi sa narinig.

"Ang saya-saya ni kuya nang ibalita niya 'yon sa amin ni ate. Sobrang excited siya na sabihin sa iyo 'yon. Sabi niya,'May pambayad na ang anak natin para sa interview niya sa US Embassy. Kahit papa'no ay  makakabayad ako sa ginawa niyang pagsakripisyo para lang maisalba ang buhay ko Erlinda!'"


Sobrang humagulhol na ako sa iyak. Naiisip ko kasi ang reaksiyon ni itay sa kanyang mukha habang sinasabi niya iyon. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni tita.

"Sa sobrang saya niya ay hindi na niya napansin ang humaharurot na sasakyan. Tumilapon siya sa kabilang kalsada habang deretso lang sa pagtakbo ang sasakyan."

Itay ko! Ang kawawa kong itay! Pilit kong pinupunasan ang aking mga luha subalit parang talon iyon dahil sa patuloy nitong pag-agos sa mukha ko.

"Mabubuhay po si itay hindi ba? Malakas siya eh."


"Hindi ko alam sa totoo lang Purita. Kailangang mailipat sa magandang hospital si kuya. Dahil kung dito ay baka malabong mangyari iyon. At saka wala tayong perang pambayad doon. Kahit nga pabayad dito ay wala tayong pwedeng mahiraman."

"Maghahanap po tayo tita. Hindi pwedeng hindi mabuhay si itay."


***

Hindi ko aakalaing makakaharap ko ngayon si tita Veronica. At hindi ko rin alam kung papaano niya ako nahanap. Nakatanggap ako ng text sa kanya na magkikita raw kami sa isang restaurant. Kaya heto, nandito kami ngayon. Alam ko na kung ano ang ipinunta niya rito. Baka babalik na sila ulit dito at sabihin sa akin na huwag lalapit kay Dyuswa.

"I came here to tell you something. I just want you to know that Joshua..."

"Okay lang po tita. Alam ko naman na hindi kami magiging pwede ni Dyuswa dahil may iba kang gusto para sa kanya. Wala pong problema tita. Lalayuan ko siya."

Natahimik si tita Veronica sa sinabi ko. Hindi ko alam pero may kakaiba sa reaksiyon niya. Pero wala na akong pakialam. Ang tanging naiisip ko na lang ngayon ay ang itay na nakaratay sa ospital. Kailangan ko siyang mabuhay at isang bagay lang ang natatangi kong alam. Lumunok muna ako ng aking laway bago nagtapang-tapangang tiningnan siya.

"Lalayuan ko po siya sa isang kondisyon. Lalayuan ko siya kapalit ng kalahating milyon. Pinapangako kong ni anino ko ay hindi niyo na ako makikita pa rito basta ba ay maibigay niyo lang ang hinihingi ko."

"What?" hindi niya makapaniwalng tanong sa akin.

"Narinig niyo po ako tita. Iyon po ang kondisyon ko. Kung ayaw niyo ay susuwayin ko kayo. Lalapit ako kay Dyuswa  at sa kanya mismo ako hihingi o di kaya ay kay tito Hector."

Galit niya akong tiningnan. "Hindi ko inakala na sadyang mukhang pera ka pala talaga. Hindi mo deserve ang anak ko. Nakakahiya ka!"

Gusto ko nang umiyak dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako gano'n pero lumabas na gano'n nga talaga ako. May kinuha siya sa kanyang bag. Cheke yata iyon at may sinulay siya ron. Pangalan ko, pangalan niya at ang kalahating milyon na kailangan ko. Inilapag niya iyon sa mesa.

"Wala ka talagang kuwentang babae," sabi niya at lumabas na ng restaurant.

Bumuhos ang aking mga luha habang nakatitig sa tsekeng nasa harapan ko. Ipinagpalit ko si Dyuswa sa ganitong halaga. Ipinagpalit ko ang pagmamahal ko sa kanya. Alam kong mali ito. Sobrang mali. Patawarin mo ako Dyuswa. Pero hindi maaatim ng konsensiya ko na hayaang mamatay si itay kung may alam naman akong paraan para iligtas siya ulit sa peligro. Tumayo ako at nanginginig ang kamay na kinuha ang tseke.

***

Nasa tapat ako ng bangko kung saan ko papalitan ng pera ang dala-dala kong tseke. Nagbabadya na ang masamang panahon dahil malakas na ang hangin sa labas. Nagdadalawang-isip na ako kung papasok ba ako o hindi. Naglalaban ang konsensiya ko. Ang isa kampi kay Dyuswa at ang isa naman ay kay itay. Ano nga ba ang mas matimbang sa akin? Ano ang susundin ko?  Binasa ko pa ulit ang nakalagay sa tseke. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwal na nagawa ko iyon. Pinasadahan kong muli ang tseke nang biglang kumidlat at kumulog kaya nabigla ako sabay pa na umihip ang malakas na hangin . Huli na nang ma-realize ko na nabitawan ko na pala ang tseke at tinangay na ito ng hangin sa malayo. Nagmamadali ko itong sinundan at halos magunaw ang mundo ko nang makitang nahulog ito sa isang malalim na kanal na at tinangay ito papasok sa ilalim.

Napaluhod ako sa semento at umiyak nang umiyak, Putang-ina talaga! Bakit ang malas-malas ko! Ang bilis-bilis naman ng karmang dumating! Kasabay no'n ay ang malakas na ulan. Tumawa ako dahil sa kamalasan at kagagahang ginawa ko ngayon. Nababaliw na yata ako.

Basa akong pumasok sa ospital at sinalubong ako ng sampal ni inay. Kaagad siyang pinigilan ni tita Sarah.

"Saan ka na naman galling ha?! Kahit sa kahuli-hulihang sandali ng itay mo ay wala ka pa rin? Anong klaseng anak ka?! " sigaw niya sa pagmumukha ko.

Namanhid ang buo kong katawan. Si itay. Wala na si itay. At hindi ko man lang siya nakausap. Pumasok ako sa loob ng ICU at nakita na tinatakpan na ng putting kumot ang katawan ni itay. Dali-dali akong lumapit at pinigilan sila sa kanilang ginagawa. Niyakap ko nang mahigpit si itay.

"Itay! Patawarin niyo po ako! Itay!" humihikbi kong sabi.

Itay, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari sa'yo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko kanina. Itay, ang sakit-sakit na po. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Itay alam kong wala akong kwentang anak pero tulungan niyo po akong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal kita itay.


*****

Hindi na ako nakapagpalit ng daamit kahit na basing-bsa ako ng ulan kanina. Wala na akong pakialam kung magkakasakit man ako ngayon. Lumuhod ako sa ilaalim ng aking kama at may kinuha roon. Isang attach case iyon. Inilapag ko ito sa kama at saka binuksan. Binilang ko ang perang naroroon. 499,000 pesos na iyon. Kulang na lang ng isang libo. Tumayo ako at binuksan ang drawer ko. May nilagay kasi ako roong pera. Nanghihina akong ngumiti nang makakita ng isang libo roon.

"500,000 pesos."

Ito iyong pinag-iipunan ko sa loob na ng tatlong taon ko rito sa Campuestuhan. Pinangako ko sa libingan ni itay na ibabalik ko ang pera kay tita Veronica kahit na isipin nating hindi ko iyon nagamit. Pinagpalit ko ang pa-ibig ko sa gano'ng halaga. Ibabalik ko ito hindi para maibalik ang nawala na. Ito lang ang naisip kong paraan para gumaan ang loob ko. Para kahit papano ay mapapatawad ko ang sarili ko.

Galit si Dyuswa dahil sa ginawa ko. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko hindi ba? Malaking insult iyon sa part niya. Alam ko iyon kaya wala akong karapatang manumbat sa kanya. Kung tutuusin, nangyari ang lahat ng ito dahil sa desisyon ko. It's all about my decision. Ni hindi ko hiningi ang opinion niya tungkol sa totoo niyang pagkatao. Kung nagging honest lang sana ako, siguro baka hindi pa ganito ang nangyari sa aming lahat. Pero hindi ko na maibabalik ang kahapon. Ang tanging magagawa ko na lang ay maitama kahit na papano ang pagkakamali ko.

Kinabukasan ay maaga akong bumiyahe papuntang Maynila dala-dala ang pera. Habang nasa biyahe ako ay iniisip ko kung paano sila haharaping lahat. Siguro ay mas kakapalan ko pa ang mukha ko ngayon. Hindi ko muna sinasagot ang mga text ni Ginny kung nasaan ako ngayon. Saka ko na lang sasabihin kapag nagawa ko na ito.

Bitbit ang attach case ay nag-doorbell ako sa gate ng bahay nina Dyuswa. Hindi ko na mapigilan ang makaramdam ng kaba . Mas Lalo lang akong kinabahan nang bumukas na ang gate at iniluwa no'n ang isang katulong. Bago at medyo maldita. Sarap hampasin ng dala ko eh.

"Anong kailangan nila?" mataray niyang tanong.

"Ganyan ka ba makitungo sa bisita ineng? Kung hubaran kaya kita d'yan at ipalapa sa mga song kalye. Keri mo?"

Bigla naman siyang natahimik.

"And'yan ba sina Mr. and Mrs. Raymundo? Sabihin mo Ayissha Kyleigh Sandoval! Bilisan mo at kating-kati na ang mga kamay kong hubaran ka!"

Naghihintakutan naming pumasok sa loob ng bahay ang katulong. Nakakaloka. Masyadong heavy na nga itong  feeling ko tapos dadadagdagan pa. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang katulong.

"Ma'am, pasok po kayo."

"Salamat."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa attach case habang binabaybay ang daan papasok sa bahay na minsan ko na ring tinirhan. It brings a lot of memories- happy and sad. Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko si grandlolo at grandlola na nakaupo sa sala. Umaliwalas ang mukha nilang dalawa nang Makita ako. Parang kinukurot ang puso ko. Ni hindi man lang kasi ako nagpaalam ng maayos sa kanila. At sobrang na-miss ko rin sila eh. Nanatili akong nakatayo at bahagyang yumuko dahil alam kong alam ng lahat ng tao rito ang ginawa ko.

Lumapit sa akin si grandlola at niyakap ako nang mahigpit.

"Apo ko! Sobrang na-miss kita!"

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Ang bait pa rin talaga niya sa akin. Ngumit naman sa akin si grandlolo.

"Na-miss kong magpabasa ng kwento sa'yo," sabi naman nito kaya napangiti na ako.

Natigil kami sa pag-uusap nang Makita kong bumaba mula sa hagdan si tita Veronica at sa likod nito ay si tito Hector na bahagyang nagulat nang magtama ang paningin naming dalawa. Nahihiya kong ibinawi ang tingin ko. This is it. Palihim akong humugot ng malalim na hininga saka nagtaas ng paningin. Nananatiling seryoso ang mukha ni tita habang nakatingin sa akin at sa hawak ko.

"Hindi na po ako magpaligoy-ligoy pa. Pumunta po ako rito para sa dalawang bagay. Una po ay humingi ng tawad sa lahat-lahat nang nagawa kong gulo sa pamamahay na ito. At pangalawa, ay para maibalik ko po iito sa inyo tita," sabi ko sabay lapag sa harapan niya ang attach case.

"Sa tingin mo ba mapapatawad kita dahil d'yan?" malamig na tanong ni tita.

"Veronica!" saway ni tito.

Napayuko ako. Alam kong hindi sapat. Pero mas okay na iyon kesa sa wala akong ginawa.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa'yo noon? Iyon ay ang pakiusapan ka sanang sumama sa akin pabalik sa States dahil sa naaksidente si Joshua. He was under coma. At alam kong kapag dinala kita roon eh mararamdaman niya ang presensiya mo. Na baka mabilis siyang maka-recover. Pero ano ang sinalubong mo sa akin Ayissha? Ang pagiging mkhang pera mo," nanginginig ang boses ni tita habang sinasabi iyon.

Hindi ko na napigilan ang umiyak. Talagang kasalanan ko ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mapaawad ko pa ang sarili ko.

"Patawarin niyo po ako," iyon lang ang naisabi ko.

"Wala kang alam sa..."

Bigla akong lumuhod sa harap niya at humagulhol. Hindi ko alam kung anong reaksiyon nila daahil nakayuko lang ako at umiiyak. Naramdaman ko na lang na pilit akong pinapatayo ni tito pero nagmatigas ako at patuloy sa pagluhod habang nakahawak sa mga binit ni tita.

"Murahin niyo na po ako. O ipakulong. Kahit ano pong gusto niyo. Pero nagmamakaawa po ako sa inyo.  Patawarin niyo lang po ako. Patawarin niyo po akong lahat."

"Ma'am, andito na po si sir Josh..."

Napaangat at ako ng tingin at nakita si Dyuswa na kakapasok lang ng bahay.  Nagulat siya nang Makita ako sa gano'ng posisyon. Ilang sandali pa ay nakatiim-bagang siyang lumapit sa amin.

"Mom, anong ginawa mo?" galit n tanong nito kay tita.

Yumuko na lang ako at binuksan ang attach case. Tumambad doon ang pera.

"Pinaghirapan ko 'yan sa loob ng tatlong taon. Ibabalik ko lang. At sana mapatawad mo rin ako Dyuswa," sabi ko at pinahid na ang aking mga luha.

"Purita...."

"Pero ang narinig mo sa phone noong nakaraang gabi, totoo iyon," sabi ko at dahan-dahang lumabas ng bahay nila.


Continue Reading

You'll Also Like

126K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
104K 8.8K 43
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
116K 6.3K 23
"A life for a life, A soul for a soul" Are you ready to face death? What will you do if it suddenly comes to you? They say when you're dead, you're...
33.8K 773 103
[NCT EPISTOLARY SERIES#7] "Tandaan mo ito Yang! One day, matatalo din kita!" "Kung kaya mo, Ms. Seo." "Be ready!" Zavia Seo. Ang ka isa-isang rival s...