Chasing Mr. Right [Complete]

By PrincessInJeans

370K 6.7K 1K

Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chas... More

Second Chase
Third Chase
Fourth Chase
Fifth Chase
Sixth Chase
Seventh Chase
Eighth Chase
Ninth Chase
Tenth Chase
Eleventh Chase
Twelfth Chase
Thirteenth Chase
Fourteenth Chase
Fifteenth Chase
Sixteenth Chase
Seventeenth Chase
Eighteenth Chase
Nineteenth Chase
Twentieth Chase
Twenty-first Chase
Twenty-second Chase
Twenty-third Chase
Twenty-fourth Chase
Twenty-fifth Chase
Twenty-sixth Chase
Twenty-seventh Chase
Twenty-eighth Chase
Twenty-ninth Chase
Thirtieth Chase
Thirty-first Chase
Thirty-second Chase
Thirty-third Chase
Thirty-fourth Chase
Thirty-fifth Chase
Thirty-sixth Chase
Thirty-seventh Chase
Thirty-eighth Chase
Thirty-ninth Chase
Fortieth Chase
Forty-first Chase
Forty-second Chase
Forty-third Chase
Forty-fourth Chase
Forty-fifth Chase
Forty-sixth Chase
Forty-seventh Chase
Forty-eighth Chase
Forty-ninth Chase
Fiftieth Chase
Fifty-first Chase
Fifty-second Chase
Fifty-third Chase
Fifty-fourth Chase
Fifty-fifth Chase
Fifty-sixth Chase
Fifty-seventh Chase
Fifty-eighth Chase
Fifty-ninth Chase
Sixtieth Chase

First Chase

37.7K 323 17
By PrincessInJeans

Chasing Mr. Right 

by : PrincessInJeans

   

First Chase.

"Charm! Charm, ano ba! Tumigil ka nga sa kakatakbo!" May mga brasong yumakap sa'kin mula sa likod at pumigil sa'kin sa pagtakbo papunta sa buffet table. "Napaka-pasaway mo talaga, Misis." Napangiti ako nung marinig ko yung boses nung asawa ko. Umikot ako at hinarap ko siya.

"Eh nagugutom na nga kasi kami ni baby. Gusto mo bang magutom kami ng anak mo ha?" Hinawakan ko pa yung lumalaki ko nang tiyan para ipakita yung ibig kong sabihin.

"Aish." Kinurot niya ko sa magkabilang pisngi. "Sabi ko naman sa'yo ako na kukuha ng pagkain niyo, di ba? Hindi mo na kailangang tumakbo, mamaya madulas ka pa niyan eh. Sabi naman sa'yo ni Doktora mag-ingat ka, di ba?"

Sinimangutan ko siya. "E ang tagal tagal mo kasi! Inuna mo pang makipagkamustahan dun sa mga kaibigan mo eh sabi ko nang gutom na gutom na ko." Ngumuso pa ko.

"Sorry na." Malambing niyang sabi bago niya ko hinigit papunta sa kanya at niyakap. "Sobrang tampuhin naman nitong buntis kong Misis. Bumalik na tayo kina Maggie at ikukuha na talaga kita ng pagkain, promise."

"Okay! Tara na!" Inalalayan niya ko habang naglalakad kami pabalik sa table namin kung saan nakaupo ang forever ko nang bestfriend na si Margarette Bonifacio.

"Baliw ka talaga, Cha! Buntis ka na't lahat, loka-loka ka pa rin! Tama bang tumakbo ka? Kung mapano yang future inaanak ko? Stress na stress tuloy yung asawa mo sa'yo." Sermon sa'kin ni Maggie nung umalis na papunta sa buffet table.

Ngumuso ako sa kanya. "Pati ba ikaw sesermunan din ako? Eh sa nagugutom na nga kami ni baby!"

"Dapat nag-iingat ka pa rin, Cha." Nakangiting sabi ni Dave.

"Oo nga, dapat doble dobleng ingat pag buntis ka." Singit ni Emma habang pinipilit niyang pakalmahin yung 2-year-old niyang anak na kanina pa umiiyak.

"Grabe kayo! Tama bang pagkaisahan ako?"

"Asus, concerned lang kami sa'yo no. Ang drama queen nito kahit kelan." Pabiro akong inirapan ni Maggie.

"Grabe ha, ang hirap hirap magbuntis. Di ba, Emma? Lagi kang pagod, inaantok, lagi ka ring gutom at kung anu-anong weirdong pagkain yung bigla mo na lang gustong kainin pag naglilihi ka tapos ang dali mo pang mainis. At lalo na kung may paranoid kang asawa na bantay yung bawat galaw mo."

"Nako, eh buti nga hindi nagsasawa kakahabol sa'yo 'yung asawa mo. Sa kabaliwan mong 'yan?" 

"I don't mind." Nagulat ako nung may baritonong boses na magsalita mula sa likod ko. Nilapag niya yung plato ko sa harap ko. Kinuha niya yung kamay ko tapos hinalikan 'to. "I'll happily chase my wife anywhere." He smiled when I looked at him and I couldn't help but smile back. His eyes twinkled with mischief and we both understood the private joke he wanted to tell me. 

Kahit kelan talaga yung lalaking 'to! Inaasar na naman ako!

 "Kayo na talaga ang sweet kahit kelan." Asar ni Emma sa'min.

Sinimulan ko nang kainin yung dalang pagkain ng asawa ko habang nagkukwentuhan si Emma at Maggie tungkol sa mga kaklase namin nung college na nasa paligid namin ngayon. Who would've thought that it's been almost ten years since I graduated college? At ngayon nga, nandito kami sa grand homecoming ng university namin kung saan different batches ng graduates from the last decade yung nagtipon tipon para icelebrate ang centennial anniversarry ng university namin.

"Hindi talaga namin inakalang magkakabalikan pa pala kayo pagkatapos nung nangyari nung college tayo." Narinig kong sabi ni Dave. Humigpit yung hawak ng asawa ko sa kamay ko.

"Hindi na rin ako umasa noon." He laughed.

Yes, college reunion. The time when we reminisce those days when we first have a taste of what the 'real world' is like and those days when we're not kids anymore but we're not yet fully adults. The time when we laugh at our misfortunes and stupidities we cried about in college. The time when we look back at the journey we had towards this very day.

I heard my husband speak again,  "But luckily, we were able to catch our happy ending, after a long time of running after it."

I remember the time I first started chasing for my happy ending.

* * *

Grade 5. 

"CHARMAINE FELICE CABALLERO!" Narinig kong sigaw ni Mama mula sa sala namin.

Pupuntahan ko na sana si Mama kaso napansin ko yung alaga ko. Naku! Ang tamlay niya! Baka mamatay siya. Hindi pwede 'to. Ilang linggo ko na siyang inaalagaan nang mabuti. Ano kayang nagawa kong mali? Baka napakain ko siya ng sobra--

"CHARMAINE! ILANG BESES BA KITANG KAILANGANG TAWAGIN? PAG IKAW NAGLALARO NA NAMAN NIYANG TAMAGOTCHI MO, ITATAGO KO NA TALAGA 'YAN. DI MO YAN MAGAGAMIT NG ISANG LINGGO." Uh-oh. Mukhang galit na si Mama. Binaba ko na yung Tamagotchi ko. Huhu, teka lang ha? Hintayin mo lang ako! Wag kang mamamatay! Babalik ako agad, promise! Kailangan kong gawin 'to dahil siguradong mamamatay ka pag kinonfiscate ni Mama yung Tamagotchi ko ng isang linggo. Hindi pwede yun!!

"Bakit po, Mama?" Tanong ko nung makarating na ko sa sala.

Nakasimangot si Mama habang hawak hawak yung report card ko. Oops.

"Ano 'to ha, Charmaine? Bakit ang baba ng grade mo sa Science?" 

Napakamot ako ng ulo. Eh kasi ang bobo ko lang talaga sa Science eh, huhu."Eh kasi Mama, nahihirapan po ako eh. Pero ginalingan ko naman po, promise!" 

Lalong kumunot yung noo ni Mama. "Baka nasosobrahan ka na ng kakalaro mo niyang Tamagotchi at gameboy mo?" Pinanliitan niya ko ng mata.

Naku! Yung mga alaga ko!! "Hindi po, Mama! Mag-aaral po ako ng mabuti sa second quarter!"

Mukhang may sasabihin pa si Mama kaso natigil siya nung tumunog yung doorbell namin. Tinitigan niya kong mabuti kaya ngumiti ako ng mala-anghel para di na ko sermunan ni Mama at makabalik na ko sa mga alaga ko.

"Sandali lang!" Sigaw ni Mama sa pinto bago siya pumunta dun para pagbuksan yung mga tao na nandun. Andiyan na siguro yung kaibigan ni Mama na lilipat sa katabing bahay. Pero saglit! Yes!! Makabalik na nga sa kwarto--

"Cha! Halika nga dito!" Ano ba yan!

Tumakbo ako papunta sa pinto at nakita ko yung isang babaeng mukhang kaedad ni Mama. 

"Ayan na ba si Cha? Ang laki na! Hi Cha! Ako si Tita Ellen mo. Tanda mo pa ba ako?" Dahil wala naman akong idea kung sino siya, umiling na lang ako kay Tita Ellen at ngumiti.

"Oo, grade 5 na si Cha ngayon. Hindi ba kaedad niya halos si Zeke?" Tanong naman ni Mama kay Tita Ellen.

"Dalawang taon yung tanda ni Zeke sa kanya, Mare. Highschool na ngayon yung inaanak mo."

"Talaga? Asan na nga pala siya?" 

"Ayan na! Zeke! Halika rito, dali!" Naglakad papunta samin yung tinawag ni Tita Ellen na Zeke. Ang tangkad niya at ang puti niya rin. Medyo singkit siya at magulo yung buhok niya.

Mukhang nagegets ko na kung bakit ang daming kilig na kilig sa mga crush nila sa school.

"Hi Zeke!" Medyo pacute na bati ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako at dinedma.

Yun ang araw na nakilala ko si Ezekiel Villaroso at yun din ang unang beses na binasted niya ko.

* * *

Xavier University Grand Alumni Homecoming. 

"Zeke! Congrats sa inyo ng misis mo ah!" Tinapik nung isa sa mga kaibigan ni Zeke nung college yung likod niya. 

Tumawa siya. "Salamat." Bumalik siya sa table namin na nakangiti at may hawak hawak na baso ng beer. Umupo siya sa tabi ko kaya't inagaw ko yung baso ng beer mula sa kamay niya.

"Charm!" Reklamo ni Zeke sa'kin.

"What? Hoy, wag mong sabihing iinom ka? E napakababa ng alcohol tolerance mo at sobrang dali mong malasing eh. Hindi pa nagsisimula yung homecoming natin at gusto mo nang mawalan ng malay sa sobrang kalasingan?"

"I swear, not this time Charm. Akin na 'yan." Sabi niya sabay abot dun sa baso na hawak ko pa rin.

Nilayo ko yung baso sa kanya. "Ayoko nga." Sinamaan ko siya ng tingin.

Nakipagkumpitensiya pa sa'kin si Zeke sa titigan ng ilang minuto before he raised his hands in defeat. "Fine. You win." 

"Para kayong matandang mag-asawa sa kakaaway niyo diyan." Comment ni Dave.

Nagtama yung paningin namin ni Zeke at sabay kaming tumawa. 

=================================================

Author's Note: 

Trial Story! :D Most of the story will take place during the characters' college days pero syempre, silipin muna natin ang elementary at highschool moments nila. 
And if you've watched Reply 1997, similar writing style noon yung gagamitin ko dito. Bale, dalawa ang magiging timeline sa story, yung present time na Reunion nila at yung past which is the elementary, highschool and college flashbacks :)

Continue Reading

You'll Also Like

68.7K 1K 5
"You don't find love... love finds you!"
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
152K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...