Wanted Babymaker (Editing)

By wishyheart

1M 22K 876

Highest Rating #2 in Teen Fiction Anong gagawin mo kung ipakasal ka sa isang taong ni minsan hindi mo naman p... More

Prologue
Character
Chapter 1: Welcome Home grandmonster
Chapter 2: Hot Night
Chapter 3 The mission
Chapter 4 Dinner Date
Chapter 5 Pierce meet Leaf
Chapter 6 The Deal
Chapter 7 With boxermonster
Chapter 8 Nurse Leaf
Chapter 9; First Date
Chapter 10 1-2-3- Click
Chapter 11 Mr. Mc Donald
Chapter 12 Meet Hayley
Chapter 13 I won
Chapter 14 Pierce Sacrifice
Chapter 15 Operation: Plan A
Chapter 16 Stuck on you
Chapter 17 Don't cross the line
Chapter 19 Stolen Kiss
Chapter 20 Philemaphobia
Chapter 21 Darky
Chapter 22 Leaf's bestfriend
Chapter 23 Peace Offering
Chapter 24 Continuation...
Chapter 25 Version 2.0
Chapter 26 Main of attraction
Chapter 27 Danger
Chapter 28 Rescue
Chapter 29 Workmate
Chapter 30 Cat and Dog
Chapter 31 Closer
Chapter 32 Rain
Chapter 33 Great pretenders
Chapter 34 Untitled, Lol!
Chapter 35 Moments
Chapter 36 Cold night
Chapter 37 First blood
Chapter 38 The contract
Chapter 39 Ayumi
Chapter 40 Positive
Chapter 41 Surprises? Hmm.
Chapter 42 Painful
Chapter 43 Third Prince Syndrome
Chapter 44 Family bear song
Chapter 45 Priority
Chapter 46 Big Cake
Chapter 47 Cinderella
Chapter 48 Runaway groom
Chapter 49 Newly Wed's First Vacation
Chapter 50 Wishlist, no. 45
Chapter 51 Mr. Stanger
Chapter 52 Unstoppable Charles
Chapter 53 Double Date
Chapter 54 Jealous Pierce
Chapter 55 Two lines
Chapter 56 Teaser
Chapter 56 Confession
Chapter 57 Insecure or nah?
Chapter 58 Husband Duty
Chapter 59 Raf
Chapter 60 Missing feelings
Chapter 61 Pieces
Chapter 62 Partner in crime
Chapter 63 Sarah's Secret
Chapter 64 You and I against the world
Chapter 65 Life without you
Chapter 66 Second Prince Syndrome
Chapter 67 Going to Part 2
Epilogue❤
Author's Note💘

Chapter 18 Superman

12.1K 270 0
By wishyheart

October 2, 11:34am.


"Oh---- hahaha tingnan mo ang ayos nila hindi ba't ang cute nilang tingnan?"



"Oo nga po Mama, kaya hindi na nakakapagtaka kung maging maganda at maikisig ang magiging baby nila!" Nakarinig naman ako ng tunog ng camera, siguro'y guni guni ko lamang 'yun.



"Kaylan kaya ako magkaka apo? Sabik na sabik na talaga ako!"




Ano ba yung naririnig ko? Sabik na sabik daw syang magka-apo? Sino ba yung nagsasalita, kanina pa 'yun ah!



"Mukhang pagod na pagod sila sa biyahe. Kita mo naman, ang sarap sarap ng tulog nilang dalawa."



"Hintayin na lang po natin silang magising para makapag pahinga ng hust--- sandali lang Mama. Hindi po ba't mouse trap 'yan?"



*Hahawakan sana nito yung mouse trap ng gumalaw si Pierce. Hindi pa ito nakapag salita muna at mukhang tinitiis pa ang sakit*



"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!"




"Oh! Oh! Pierce ano 'yun?! Ano 'yun hah?! Anong nangyare Pierce?! Hah---" Pati ako napa bangon ng wala sa oras dahil sa pagkabigla sa sigaw nya. Bwisit! Ang sakit sa tainga. -_____-



"Aray ko po ang sakit!" Halos mamilipit na sya sa sakit ng madunggil ng siko nya yung mouse trap. Ayan kasi ang gaslaw!



"Ano ba kasing ginagawa ng mouse trap dyan sa kama nyo!?" Tanong ni Mama at ngayon ko lang napagtanto, nandito na pala sila kasama si Lola at yung isang maid.


"Eto kasing si Leaf ang daming----" Tinakpan ko naman agad yung bibig nya. Balak pa nya akong isuplit kila Mama eh kasama naman sya sa planong 'to ah! Taksil!



"Ahh kasi po Mama---- ah-- ganito po kasi 'yan--- nagla--nanglalaro po kasi kagabi. Alam nyo na po bonding moments, kulitan ganun hanggang sa nakatulog na po pala kami ng hindi namin namamalayan." Tumawid naman ako sa kabilang side nya pero nag-ingat ako sa mga mouse trap. "Diba honey?" Pilit kong pagkakasabi. Kapag kasi nalaman nila ang totoo na hindi kami nagkaka sundo, ay may gagawin silang paraan para lang maayos namin ito kahit na alam kong imposible iyon mangyari.




Tiningnan nya lang ako ng masama, "Opo Mama!" Salamat naman at nakisabay lang sya.



"Bueno, sige pagbibigyan ko na kayo dahil ganyan din naman ako nung kabataan." Kaylangang ungkatin ang love story at inggitin ako?



"Magandang umaga nga po pala Mama at Lola!" Nag bless na lamang ako, nakakahiya kasing makipag beso beso dahil bad breath pa ako.



"Mag-ayos na kayong dalawa at bumaba na kayo sa hapagkainan para makakakain."




"Opo Lola susunod na lang po kami." Pagkalabas na pagkalabas nila ng pintuan, kakalas na sana ako sa pagkaka akbay sa kanya ng bigla ko syang itinulak dahilan para madali na naman nya yung mouse trap. Nako naman! Ngayon lang 'yata ako medyo napaawa sa kanya dahil may nangggilid ng luha sa mga mata nya. "Hala sorry, sorry hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi ih!" Bahagya lamang syang napasigaw at namilipit na lang sa sakit.




"Bakit hindi pa kayo bumababa? Anong nangyare sayo apo?" Namumula na kasi ang mukha ni Pierce hahahahaha kung kanina'y medyo napapaawa pa ako, ngayon ay nanggigilid na ang pag tawa ko.




"Ahhh--- wala-- wala po Lola." Pinipigilan ko pang mapatawa.



Pagkalabas nila ng pinto sisigaw na sana si Pierce pero tinakpan ko agad bibig nya. Hindi na 'yata nya natiis pa ang pananakit, "Uhmm--" Hindi ko maintindihan ang mga sinasabe nya tapos nanlalaki pa ang mga mata nya, "What the hell are you doing?!? Halos hindi--- di ako makahinga!" Uubo ubo pa sya.



"Sisigaw ka na naman eh, paano kapag nalalaman ni Lola ang pinag gagagawa natin. Malaman nilang hindi tayo nagkakasundo na kulang na lang ang magpatayan tayong dalawa. Hindi mo na ba natatandaan ang ginawa nila sa atin noon? Kapag nalaman nilang ganito ang sitwasyon natin, gagawin nila ang lahat magkalapit lang tayong dalawa."




Pagalit syang tumayo at padabog na ibinato ang unan at naglakad papuntang banyo.



Mas mabuti pa ang kalagayan ng unan na 'to kaysa sa buhay ko kasama sya. Araw-araw akong nakakarinig ng sermon mula sa kanya psh!




Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na rin kami at naabutan namin sila sa salas, iniinit lang daw ang mga pagkain dahil napatagal kami sa pag-aayos. Nakakahiya tuloy!



"How's your vacation apo? Ang aga 'yata pati ng pag-uwi nyo. Nagka problema ba?"



"Nagkasakit po kasi si Leaf kaya umuwi na lang kami agad." Nagkasakit ba ako? Ang alam ko hindi, "Diba?" Ang diin nung pagkakasabi nya nun.



"OPO LOLA!" Nagparinig rin ako. Bwisit talaga sya sa buhay ko. Napaka tagal ng dalawang taon! Parang hindi na ako makakatiis pa na palaging ganito ang sitwasyon namin. -____-




"Kawawa ka naman ija! Gusto mo tawagan ko yung private nurse mo?"



"Nako hindi na po--- okay na naman po ako."



"Ako ang fiancee nya, kaya ako po ang mag-aalaga sa kanya."




Nagulat naman ako sa sinabi nya pati na rin sila Lola at Mama. Napatingin naman ako sa kanya na parang anong-ginagawa-mo-look pero patuloy lang sya sa pagkain na parang inaasar pa ako.




"Hahahahahaha--- tama ka na nga naman apo, bakit pa ako kukuha ng nurse na titingin sa kanya kung nandito ka naman bilang mapapangasawa nya para alagaan sya diba? Hindi ko alam na may pagka romantiko ka din pala. Ipagpatuloy mo lang 'yan apo." Yung ngiti ni Lola. ^_____^ "Anyway, let's eat!" Pansin ko naman kay Lola na hindi sya pala ingles hindi katulad ng demonyong kasama ko dito, mas madalas syang magsalita ng mga malalalim na salita na hindi ko madalas naririnig o nakikita sa panahon ngayon.



Pumunta na kami sa dinning area magkatabi pa kami ni Pierce, hindi ako sanay. Palagi kasi kaming magkatapat sa pwesto dahil na rin sa hirap kami kumain, kaliwete kasi sya at kanan naman ang ginagamit ko, nagkakabunggo ang mga siko namin kapag kakain. "Move." Bulong nya.




"Aba! Ikaw ang mag move, anong gusto mo? Ako palagi ang mag aadjust." Bulong ko rin.



"Leaf, just move!" Kaya umisod na ako, ma pride sya eh hindi sya ang mag aadjust.



"Ijo?"


"Bakit po?" Mabulunan ka sana.



"Hindi ka muna papasok sa trabaho ngayon, alagaan mo ang mapapangasawa mo dahil halos isang linggo na lang at ikakasal na kayo." Oo nga pala halos wala ng dalawang linggo at ikakasal na kami. Nawala na 'yun sa isip ko ah!




"Opo Lola." Pagkatapos namin kumain, yung kasama na nila Lola ang nagligpit ng mga pinagkainan.



Nandito kami ngayon sa garden ni Lola. May gagawin lang daw si Pierce sa taas.


"Ija? Can I ask you for a favor?"



"Opo Lola, ano po ba 'yun?"



Hinawakan naman nya yung mga kamay ko, naramdaman kong madibdibang usapan 'yata ang pag-uusapan namin ngagyon.



"Alam ko masyado akong naging mabilis sa inyong dalawa kaya pag pasensyahan mo na ang Lola. Masyado na kasi akong matanda para maghintay pa ng matagal at isa pa, hindi na kaylangan ng mahabang panahon para pag planuhan pa ang kasal. Ramdam ko kasi na magiging maayos ang apo ko sa pangangalaga mo at alam kong ganun ka rin sa kanya, hindi 'man sya yung tipo ng lalake na madalas mong pag pantasyahan." Naalala ko nung nasa Europe pa lang kami, kilig na kilig ako sa mga lalaking umaawit at nag gigitara sa mga kanto kanto o kung minsan ay sa mga kainan. Ang lakas maka material boyfriend. "Alam ko rin na hindi pa rin sya nakaka move on sa ex-girlfriend nya, kaya nakiki usap ako na sana, huwag na huwag mo syang iwan. Oo masungit sya pero mabait naman, hindi sya nananakit ng babae. Kaya alam kong safe ka sa kanya."




Alam ko naman po yun Lola. Kahit naman po kulang na lang magpatayan kami ni Pierce, alam ko naman na hindi nya ako sasaktan physically pero pag emotionally grabe sya sa 'kin. T_T ayoko lang talaga mag sumbong kasi iisipin na naman nyang iyaking bata ako!




"Oo naman po Lola, makaka-asa po kayo." Ayoko namang mag alala sila kaya kahit mahirap gagawin ko na lang ah!




Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin bumababa si Pierce mula sa kwarto, kaya nag desisyon na sila Lola na umuwi na baka daw napagod ng sobra si Pierce sa pag biyahe namin kahapon kaya iniisip nila na baka nakatulog na ito.



"Aray!! Ano ba!?" Binato ko kasi sa kanya yung unan nya, ang bastos eh! Kanina pa sya hinihintay sa baba pero pinag hintay nya sila Lola samatalang nandito sya at nagcecellphone.



"Wala! Ang cute mo lang kako, ang sarap mong batuhin!" Binato ko ulit sya ng unan. Gigil na gigil mo 'ko Pierce.



"Tsk, what the hell is wrong with your brain---" Nilapitan ko sya at pinalo sa bibig.



"Subukan mong magmura ulit! Baka manghiram ka na ng nguso sa aso." Hindi na sya nakasagot pa. napatuon naman yung atensyon ko sa cellphone nya, so kaya pala hindi sya maaba-abala ay dahil magkatext sila ni Hayley. "Magka away kayo?" Iba kasi mga usapan nila puro exclamation point yung kay Hayley at naka capslock naman yung kay Pierce. Ang cute mag-away!



Tumayo naman sya tapos hinigit ako papuntang banyo pero shempre ako lang yung nasa banyo, "Mag ayos ka, aalis tayo!" Sigaw nya.



"Saan naman tayo pupunta!?" Hindi naman sya sumagot. Where's the manners Pierce? Where's the manners?!




Pierce POV -


"Ano ba 'yang suot mo?!"



"Problema mo na naman ba sa suot ko? Ikaw nga hindi ko pinapakelaman ang sense mo sa fashion. Kaya dapat ganun ka rin, mind your own businesses dude!"



"Magpalit ka nga!"



"Wala na akong ipapalit! Baka nakakalimutan mo, wala tayong yaya sa bahay kaya walang naglalaba ng mga damit natin." Nakaka inis kasi yung suot nya. Nakapajama sya tapos naka jacket parang sira! Model pa 'man din sya pero ang pangit ng sense of fashion nya.



Wala na akong nagawa pa kaya nag drive na ako papunta sa mall para mamili ng mga kaylangan sa bahay.


"What's that?"


"Mga sabon! Maglalaba tayo."


"Maglalaba!? No way!" Ang dami nyang kinuha na mga bareta at powder, parang buong barangay ang ipaglalaba nya. Halatang wala din alam eh!


"Oh sige, hindi ka maglalaba? Pwes wala 'kang gagamitin na mga damit. Pabayaan mong mamaho mga damit mo at magka anghit ka sa paulit ulit na pagsusuot." Naglakad na sya kasama yung shopping cart nya. Magka iba kami ng pinamimili kasi nga wala na kaming pakelamanan sa isa't isa.



"Ano naman 'yang mga binili mo? Bakit puro chocolate, cereal, cup noodles at bakit ang daming can food?"



"Eh diba nga, hindi ako marunong magluto. Kaya ayan namili na lang ako ng mga instant foods, ayokong mamatay sa gutom. Nakakahiya kasi sayo na marunong magluto!" Bitbit nya yung mga plastik nagmamadaling lumabas ng grocery store.




Pagpasok ko ng sasakyan ay naabuta  ko syang nagkakain ng chocolate at chips na parang walang ginawang kasalanan, mapag panggap!



"Umalis ka ng walang bayad. Hinahanap ka sa cashier, naka post na yung picture mo sa labas. Wanted ka na!"



O_O Itsura nya. Kaya napatakbo sya palabas ng sasakyan at nagtatatakbong pumasok ulit ng grocery store. Ang sarap din lokohin nun minsan, sobra kasi syang paniwalain. Siguro kapag ganito ang mapapangasawa mo, puro sila tamang hinala. Malilikot ang mga imagination na lahat na lang ng bagay, ginagawan ng issue, teyorya at kwento.



"Gotcha baby!" Kinain ko yung chocolate nya. Natakam ako eh.


"Hindi naman ako hinahanap ah!" Ngayon salubong na yung kilay nya. So kaya sya bumalik ay dahil natatakot syang naka nakapaskil nga ang picture nya as a wanted dahil hindi sya nagbayad ng mga binili nya.




"Talaga? Akala ko eh, sorry." Pang-aasar ko.




"Woah!! Nasan yung chocolate ko!!?"



"Huwag ka ngang malikot Leaf!" Nagdadrive na kasi ako eh ang likot likot nya, kanina pa sya hindi mapalagay kakahanap ng chocolate nya. Nadudunggil nya ako!



"Yung chocolate ko! Nasan na ba 'yun!? Hindi ko mahanap Pierccceee!!" Ay grabe! Hindi mapagsabihan? Ang likot. -____- Napatigil naman sya sa kina-uupuan nya at tiningnan ako.



"Anong tinitingin tingin mo dyan?"



"Kinain mo yung chocolate ko, noh?" At ngayon sa akin naman sya naka focus. "Kinain mo yung chocolate ko!!" Ngayon ay nagsisisigaw naman sya na parang bata tapos pinagpapapalo nya ako sa braso dahilan para hindi ako makapag maneho ng maayos. Binagalan ko na lang ang pagpapatakbo pero yung sasakyan ko, pagewang gewang na kami sa kalsada.



"Leaf sabi ng huwag 'kang malikot! Mababangga tayo, ano ba?!" Nakikipag sabayan na ako sa pag sigaw nya dahil ayaw nyang makinig, sarado ang mga tainga nya kakahanap ng chocolate jusko!



"Ikaw naman kasi eh! Kinain mo yung chocolate ko! Patay gutom!" Itinigil ko na yung sasakyan sa tabi dahil madidisgrasya talaga kami sa ginagawa nya, ayaw nyang paawat. Hindi talaga sya pwedeng maging driver, katulad na lang nung una kaming nagkita.





"May pruweba ka ba na ako yung kumain hah?! At isa pa, ano ba Leaf!? For the sake of that f*cking chocolate, ipagpapalit mo ang buhay natin!? God! You're such an unreasonable! Kung gusto mong magpakamatay ng dahil sa chocolate, please lang huwag mo na akong idamay!"




Halos hapong hapo ako sa pagpapaliwanag sa kanya dahil medyo tumataas na rin ang boses ko para mas maintindihan nya at nasa kalagitnaan pa ako ng pagpapanic.




"Kung hindi ikaw ang kumain ng chocolate ko, bakit may chocolate sa tabi ng labi ko?" Hindi na sya sumisigaw pero may halo itong pagdududa.




Tiningnan mo sya na parang nadidismaya ako habang pasimpleng sumisilip sa salamin sa harap at tama nga sya, may chocolate sa tabi ng labi ko pero napaka liit na haloa hindi ko na napansin, pero napansin pa nya? Ang bilis ng mata nya pag dating sa pagkain.



"That's not a chocolate."



"Ikaw itong unreasonable, hindi ako! Kahit saang husgado pa natin 'to dalhin, still chocolate pa rin 'yan at ikaw ang kumain ng chocolate ko." Pumunta sya sa likod pero bago 'yun ay pinalo pa nya ako sa braso, halos mabangga kami sa sobrang likot nya. Ang tapang tapa nya kanina pero ngayon para syang aso na nagmamaktol sa likuran. -____- "Huwag na huwag mo idadahilan na taling 'yan! Dahil never ka pang tinubuan ng taling sa labe!" So she memorized every single detail about my face? My lips?




Pag dating sa bahay agad syang lumabas ng sasakyan ay nagmamaktol na pumasok sa loob, hindi 'man lang ako tinulungan sa mga pinamili nya.



Meron ba 'yun? Akala ko katatapos lang nya. Sabi kasi kapag mabilis daw uminit ang ulo ng babae it's either she had a menstruation, nagbubuntis or stress?



Hirap na hirap akong ipasok ang mga pinamili nya pero dire diretso sya sa kwarto, how childish.



"Leaf open the door!" Baka kasi magbigti sya ng dahil sa chocolate, psh!



"Huwag mo kong kakausapin ngayon, mainit ulo ko! Bukas na lang!" Sigaw pa nya.



Leaf's POV -



"Tamo yung tao na 'yun! Kanina lang nagpupumilit na pumasok sa kwarto pero isang sabi ko lang, nawala na agad?" Hindi ba sya marunong mag lambing 'man lang? "Paano kaya natatagalan ng girlfriend nya ang ganyang ugaling meron sya. Naaawa tuloy ako sa girlfriend nya, tsk!"



Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ko dito ay nilalasap ko pa rin yung chocolate na kinain ko kanina na ngayo'y nasa tiyan na ni Pierce. Urghhh!! That chocolate monster eater. "><"


Pero naiisip ko lang kung bakit pag dating sa akin, ang sungit sungit nya, palaging mainit ang ulo nya sa akin, ano 'bang problema nun? Maganda naman ako, sexy tapos model pa. Kumbaga kahit sinong lalake ma attract din naman sa akin, napatulala nga sya nung nakita ako nung gabing pinakilala ako sa kanya ni Lola. Pero nung nalaman nyang ako yung pinatira nya sa bahay nya, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kung dati para akong anghel sa mga mata nya pero ngayon, para akong sumpa sa kanya.



Siguro kaya sya nagsusungit sa akin, eto yung way nya para hindi sya ma attract sa ibang babae dahil--- may girlfriend sya. Sya lang siguro ang perpektong babae sa paningin nya. How sad!



Tumayo na ako at nagpalit ng short at sando, ganito lang ako manamit sa bahay dahil mas komportable at isa pa hindi naman ako matatakot na bastusin o maakit sa akin si Pierce. Psh!


Pag labas ko ng kwarto dumaretso agad ako sa salas pero wala sya dun. Miski rin sa kusina at maging sa garden.



"Saan naman kaya 'yun nagpunta?"



Sa kakahanap ko sa buong bahay ay napadaan ako sa kwarto ni Yumi at doon na napatuon ang atensyon ko dahil ang ganda ng design ng pintuan ng kwarto nya. Wala naman dito si Pierce kaya walang susuway!



Pag pasok ko ay puro painting ng babae ang mga makikita dito na nakasabit sa dingding. Ang daming magagandang furniture ang nandito at kung pagbabasehan sa desenyo, mukhang hindi kay Yumi itong kwarto. Dahil may mga violin dito, gitara, piano na alam kong hindi ginagamit ni Yumi dahil may kalakihan ang mga ito at masyado 'pang bata si Yumi para gumamit ng ganitong instrumento.




Palabas na ako ng kwarto ng may makita akong picture frame na basag yung salamin. Teka, sino 'tong babae sa picture? Parang--- ang pamilyar ng mukha nya.



May katagalan na rin kasi ang letrato kaya kakaiba ang epekto ng kamera pa noon, kaya hindi ko gasinong makilala kung saan ko ba nakita ang mukha nya.


Pierce POV -



"Waaaahhh!! Grabe ang cute nya!"



"Ano kayang pangalan nya?! Ilan taon na kaya sya sa tingin mo?"



"23?"



"Hashtag: Lalaking mahilig sa chocolate."




Ano ba kasing brand name ng chocolate na 'yun?! Kanina pa ako hanap ng hanap pero hindi ko talaga matandaan yung pangalan sa balat ng chocolate, hindi ko rin mapilyar ang lasa nito.



"What now?"



"Diba 'hello' ang unang sinasabe tapos yung sayo naman 'what now' parang labag pa sa kalooban mong kausapin ako ah!"


"Tsk! Bakit ba?"



"Nasan ka?"




"Nasa grocery, bakit?" Hindi tungkol sa trabaho ang itatanong nito, kutob ko. Gusto lang nyang makisawsaw sa buhay ko ngayon.



"Wow pare huh? Kaylan ka pa natutong lumakad papuntang grocery, eh hindi mo naman ginagawa 'yan." May katulong naman kasi kami sa bahay simula bata pa lamang ako, hindi rin ako umalis sa poder ng magulang ko. Simula noon hanggang ngayon, naninirahan pa rin ako sa bahay ng mga magulang ko at hindi ko pa nararanasan ang ganitong bagay. "At ano 'bang binibili mo? Napkin for your future wife or chocolate kasi mainit ang ulo nya?"



Bakit ba ang dami nyang alam? Eh hindi pa naman sya nagkakaranas ng seryosohang relasyon.




"I'll call you later."




"Holyshit Leaf!" Nanggagaliiti kong sabi. Kanina pa ako dito pero di ko pa rin mahanap yung chocolate na 'yun! Eh teka---- bakit ko ba kasi hinahanap pa 'yun? Ano 'bang pakeelam ko kung hindi sya makatulog sa paghahanap ng chocolate na 'yun.



"Need help?" A girl wearing black sleeveless and super short short na halos makita na ang---- nvm! Basta ganitong klase yung madalas na tinatable nila Soney kapag nasa bar. Hindi ko sya jinajudge base sa pananamit nya pero--- ewan ko ba!



"No, thanks!" Paalis na sana ako dun sa pwesto ko kanina pero bigla nyang hinawakan yung braso ko.



"But I need you---- I need your help." Yung mga daliri nyang dahan dahang lumalakad mula sa may dibdib ko, pababa sa abs ko at alam ko na ang kahihinatnat nito.



Bird brain's calling....


Simula ng makilala ko sya, ngayon lang sya nakagawa ng tama.



"Sorry, but my----"



"Bird brain?" Pagtataka nya.



"That's my wife, excuse!" Naka alis na ako sa mala impyerno na papuntang langit na pwestong 'yun! Pinagpawisan ako, kahit hindi ko gusto ang mga ganung babae nakakaramdam pa rin ako ng kakaiba sa katawan ko pero marunong akong umiwas sa tuksong alam kong ikasisira ng buhay ko.


"Oh, bakit?"



"Nasan ka?" Nanghihina na ba sya dahil hindi pa rin nya nakakain yung chocolate nya? Tsk!



"Basta!" Habang ibinabalik ko yung isang butones sa pagkakasara, dahil tinanggal ko ito nung papunta ako dito. Tinakbo ko lang kasi itong grocery store na 'to.



"Pierce---" napatigil ako dahil parang may kakaiba sa boses nya ngayon, "Nahihilo ako---"

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 56.9K 44
Dahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak...
172K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
4.5M 78.9K 122
Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong binata...
64.8K 1K 38
"Kahit ilang beses mo pa akong tinanggihan at tatanggihan. Hindi ako titigil because I really like you." Mikee is a working student. For her, she doe...