BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Forty

27 0 0
By katnisssss

Natuloy nga ang bar-hopping nila. Hindi na ako sumama pa at nagpaalam na lang ako na uuwi na ng bahay. Kailangan ko pa rin kasing asikasuhin ang mga gamit na dadalhin ko para sa pag-alis namin bukas.


"You really are sure, Angel? I mean, come on, we missed partying with you! The whole gang will be out tonight, so you should too!" Bulyaw ni Daphne.

Umiling ako. "Go on without me. I'll be okay. Besides, I'll be in Boracay so I can still catch up." Huminga ako ng malalim nang makita ko ang dismayado niyang mukha. "Ian will be there, anyway. I promise, I won't miss any parties after this."

Umirap na lang siya nang matanto sigurong hindi na talaga nila ako mapipilit pa na sumama sa kanila. "Yeah, we wish..."

Hindi na niya ako binalingan pa at diretso na sila ni Perrie pumasok sa loob.


I know Daphne. Hindi naman siya mabilis magalit, pero alam ko naman na nagtampo iyon. Saka ko na lang siya siguro lalambingin.


Sumunod na rin sila Allie at Kyle sa kanila. Kaming apat na lang nila Ian ang naiwan sa labas.

"Sinong maghahatid sa'yo?" Tanong ni Ric sa akin na akbay-akbay si Bettina.

Si Ian ang sumagot para sa akin. "Probably me? Ako ang kumuha sa kaniya eh, at isa pa, ang alam sa kanila ay--"

Pinatahimik ko si Ian bago pa man niya masabi ang hindi dapat sabihin.


Ayokong malaman nila ang tungkol sa naging pagkukunwarian namin ni Ian. Tutal hindi naman sila damay doon kaya hindi na nila dapat pang malaman.


"Hindi na Ian, ikaw ang nag-aya dito, kaya dapat ikaw ang umalalay sa kanila. Kaya ko na naman umuwi mag-isa, magta-taxi na lang ako" Paninigurado ko.

Tiningnan lang ako ni Ian.


Don't tell me, he doesn't like what I suggest? Alam ko naman na atat na atat na ang mga paa niyang pumasok doon sa loob.


"We'll fetch you. Aalis din muna kami ni Bettina, may ipapakita lang ako saglit kaya pwede ka naming isabay." Si Ric na pagkatapos magsalita ay bumulong din kay Betty. Siguro ay para sabihin sa kanya ang naging paanyaya niya sa akin.

Ayoko na sanang istorbohin pa sila pero alam ko namang magpupumilit lang silang ihatid ako kaya pumayag na rin ako.

"Text text na lang para bukas" Bilin pa ni Ian at saka na siya nagpatianod sa maingay na loob ng bar.

Tumango na lang ako at sumunod na sa dalawa.


Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan matapos ang ilang minutong naging kwentuhan naming tatlo. Hinayaan ko na lang muna na makapag-bonding na ang dalawa. Tutal ay oras naman nila talaga ito, sadyang nakisakay lang ako nang sa gano'n ay makauwi na. Sumusulyap na lang din ako sa mga tanawin sa labas ng sasakyan.


"Diyan na lang Ric, sa may pulang gate." Turo ko sa kanya nang maaninaw ko na ang bahay namin.

Mabilis akong bumaba pagkaparada pa lang. Ibinaba ni Betty ang bintana mula doon sa inupuan niya at agad na ngumiti sa akin. "We'll see you tomorrow, Angel."

Ngumiti din ako sa kanya. "I'm really happy to see you. Everyone. Sorry for tonight, though. Just have to fix few things..."

"It's okay. Like what you said, we have you in Boracay"

Kasabay nang pagpapaalam ko kay Betty ay ang pagkaway ko rin kay Ric at nagpasalamat sa ginawang paghatid sa akin.


I really like him for Bettina. Totoo nga ang sinabi ni Betty, napaka-gentleman niya. I can fully give him my trust for one of my bestfriends. Lalo na't siya ang nagpagaling ng sugat nito sa puso.


"Paki-ingatan si Brazilian beauty!" Kumaway ako sa kanilang dalawa.


Ilang minuto pa ang itinagal ko sa labas ng bahay kahit na tapos ko nang panoorin ang pag-alis ng sasakyan. Matapos niyon ay saka na ako nagbalak na ring pumasok ng bahay.


Sa hinuha ko, tulog na si Mama o kung di naman ay tinatapos niya pa ang bookkeeping ng benta ng store para sa araw na ito.

Kung ganoon, sana pwede ko siyang maistorbo? Gusto ko lang siya kausapin.

Simula kasi nang gabing iyon na napag-usapan muli namin ang tungkol sa plano ko, naramdaman ko na lang bigla ang lamig ng trato niya sa akin. Pinapansin niya naman ako, nag-uusap pa naman kami. Pero ramdam ko rin na parang may iba na.


Isasara ko na sana ang gate nang makarinig naman ako ng tunog ng bola. Sino naman kaya ang maglalaro ng bola sa oras na ito ng gabi?

Namataan ko agad ang mukha ni Logan. Patuloy ang pagpapatalbog niya ng bola habang patawid ng kalsada at papunta sa kinaroroonan ko.


Ano ba talagang meron sa gabi at ngayon niya gustong-gusto tumambay sa may court?


"Saan ka galing?" Pag-uusisa niya. "Nakita kong may naghatid sa'yong sasakyan a, sino yo'n? Panigurado hindi si Ian yun..."

Nangunot bigla ang noo ko. Ano naman sa kanya di ba?

Humalukipkip ako sa harap niya. "Hindi nga si Ian yun. Si Ric iyong naghatid sa akin at kasama niya si Bettina. Kung sino si Bettina, isa siya sa mga naging kaibigan ko noong nasa Harvard ako. At engaged na silang dalawa, soon to be married. Kaya kung sasabihin mong nangangaliwa ako kay Ian o kaya naman ay kung sino-sinong lalaki ang sinasamahan ko, sana naman nalinawan ka na sa mga sinabi ko ngayon."

Napanganga siya.


I mean, that's too much explanation I did right there. Pero inunahan ko lang naman siya. Pasalamat pa nga ang lugang yan at hindi na niya kailangang mag-abala pa sa pagtatanong. Ako na mismo ang unang sumagot.

At kesa naman maasar pa ako sa kung anu-anong ipagsasabi niya, minabuti ko nang unahan siya sa pagbibigay ng eksplanasyon.


"So, saan ka nga galing?"

Huminga ako ng malalim. "Sinundo namin ni Ian sila Bettina sa airport kaninang umaga. We headed for some breakfast afterwards, at kung anu-ano pang bonding ang ginawa namin sa buong araw na ito. Nang gabi na, nag-aya silang pumunta ng bar. Hindi na ako sumama, obviously, dahil makakasama ko rin naman sila bukas. And to explain why they're here, dahil iyon para bisitahin ako at mamasyal sa Boracay. Bukas ang alis namin. Gusto mo bang sumama?" Nagtaas pa ako ng kilay sa huling nasabi ko.

Natahimik kami pareho. Siguro siya ay sa kadahilanang sobrang haba na naman ng sagot ko. At ako naman, ay dahil doon sa huling natanong ko.


Pwede bang bawiin iyong sinabi ko? Bakit ko naman siya aayain? Bakit ko naman natanong kung gusto niya bang sumama? Hays!

Di bale na nga, tunog sarcastic naman iyong sinabi ko.


"H-hindi na. Bonding niyo naman iyon. Sapat na akong nakasama ka sa Baguio. Enjoy na lang kayo!" Ngumiti pa siya, pagkatapos ay muli niyang pinatalbog ang bola at tuluyan nang umalis sa harapan ko.

Napanganga na rin ako.


Bakit ganun? Parang na-disappoint ako na ayaw niyang sumama?


Bago pa man siya makalayo, agad na akong nagsalita. "Ikaw, saan ka pupunta?"

Tumigil siya sa paglalakad at panandaliang humarap sa akin. Nagtatanong pa ang itsura niya. Alangan pa siyang sumagot sa akin. "Sa court, maglalaro lang. Magpapapawis. Hindi rin kasi ako makatulog kaya baka sakaling kapag napagod, e dalawin na rin ako ng antok. Gusto mong sumama? Pero kung ayaw mo naman, okay lang din. Baka inaantok ka na. At isa pa, may inaabangan ka ring lakad para bukas, hindi ba? Good night na lang, kung ganoon!" Kumaway siya at tumalikod muli sa akin.

Nangunot ang noo ko. Teka, ginagaya niya ba ako?

Na-stuck lang ako sa pagtayo doon sa may gate. Pero nang napagtanto kong napapalayo na siya sa paningin ko, agad na akong lumabas muli at mabilis siyang sinundan.


Baka tulog na rin naman si Mama kaya bukas ko na lang siya kakausapin. Isa pa, hindi pa rin naman ako inaantok.


"Luga!" Sinigawan ko na siya dahil hindi ko siya magagawang mahabol kapag hindi siya tumigil sa paglalakad.

Humarap siya sa akin at nagulat pa nang nakitang sinundan ko siya. Inantay niya ako doon sa kinatatayuan niya.

Hingal akong lumapit at saka siya hinarap. "Sasama ako! Hindi pa rin naman ako inaantok e kaya papanoorin na lang kitang maglaro."

Hindi siya sumagot. Naaninag ko pa sa kanya ang gulat pa rin niyang mukha.

"Uy! Ano na?!" Tinapik ko na nang magising. Hindi kaya nag-sleep walk lang naman ang isang 'to, kaya ganito?

Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya at binigyan ako ng atensyon. "Ha?"

Napabuga tuloy ako ng hininga. Hays! Baka antok na 'to, hindi na makapag-concentrate ng maayos e. Hinila ko na nga lang dahil baka mag-umaga na lang lahat-lahat ay nakatayo pa rin kaming dalawa dito. "Sabi ko, manonood ako! Ang kulit!"


Hindi ko alam kung gaano ba kalayo ang court. Sa pagkaka-alala ko, hindi naman yo'n malayo nang una niya akong niyaya dito. Pero bakit ngayon parang sobrang tagal naming naglakad.

Nang makarating kami doon, dumiretso na agad ako sa isang part ng bleachers. Siya naman, nakapirmi lang na nakatayo medyo malayo sa harapan ko - sa gilid ng court mismo. Nakatingin lang siya sa akin na animo'y nagtatanong sa mga kilos ko. Nakapirmi rin ang bola sa gilid ng bewang niya.


"Maglaro ka na doon! Manonood lang ako, hihintayin kitang matapos bago umuwi." Sigaw ko pa sa kanya.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Nangunot lang lalo ang noo niya. "Bakit?"


Bakit? Kakasabi ko lang, manonood ako. Hindi pa ako inaantok kaya sumama ako dito sa kanya. Hindi pa ba malinaw iyon?


Nang hindi ko ginawaran ng sagot ang katanungan niyang iyon, saka na rin siya sumuko. Binitawan niya na rin ako ng tingin at binigay na lang ang buong pokus doon sa bolang hawak niya.

Drinibble niya ang bola at patakbong pinuntahan ang ring. Nag-lay up siya, obviously, pumasok naman kaya pumalakpak ako.

"Galing!" Tumayo pa ako at ngumisi-ngisi.

Hindi niya na muna hinabol ang bolang napalayo. Pumeywang siyang humarap ulet sa akin. Nagtaas pa ng kilay sa akin.


Ano? Ako na nga itong chinicheer siya e! Kahit kaya niya naman talagang i-shoot iyon dahil wala naman siyang kalaban.


"Totoo ba yan? Ginagawa mo lang ata akong entertainer mo..."

"Hindi kaya! Ayaw mo pa? Mas gugustuhin mo pang maburyo na ikaw lang mag-isa dito sa court? Pasalamat ka nga at kinukunsinte ko yang shooting na ginagawa mo! Pinagtsi-cheer pa kita kahit obvious namang mashuhoot mo talaga yan kasi wala ka namang kaagaw sa bola." Tinarayan ko rin siya.

Nagulat ako nang ngumisi lang siya sa akin.

"Edi, agawan mo ako ng bola. One-on-one! Gaya ng dati"


Teka, sinabi ko bang makikipaglaro ako? Ang sabi ko lang naman ay manonood ako. Yun lang...


"Hmm, hindi na. Mas nag-eenjoy akong manood dito, besides, hindi naman ako naka-rubber shoes para makipagsabayan sa'yo ng pakikipaglaro. Baka mamaya, ma-sprain na naman ang paa ko."

"Boo! Excuses!" Iniwan niya na ako doon at hinabol na ang bola.


And may I tell you, he's arrogant? Lagpas pa sa 3-point line ang pinwesto niya. Umayos siya ng tayo at nag-shoot ng bola. And am I allowed to say again... he's arrogant. Even more arrogant when the ball shoots. Bakit ba kasi pumasok sa ring iyong bagay na yon!


"Natatakot ka lang siguro, ano? Dahil alam mo na mananalo na ako, this time. Wala nang tied score. It's a win-win situation."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakita mo na kung gaano ako kagaling kaya ayaw mong makipaglaro." Pinaikot-ikot niya pa sa daliri niya iyong bola. "O baka gusto mo pang pag-aralan ang mga moves ko? Pagbibigyan kita."

Gumawa na naman siya ng bago niyang stunt.


At bwisit na bolang yan! Bakit ba panay ang pasok mo sa ring? Can you at least fail for just once? Nang sa ganoon ay mahiya naman ng kaunti itong luga na ito. Ang yabang e!


Pagka-shoot ng bola, lumingon ulet siya sa akin. Ano naman kayang nakakatawa?

"The hell I'm scared! At isa pa, hindi ako cheater! Ano namang mapapala ko sa mga stunts mo? They're just lame moves! Wala ako sa tamang pananamit ngayon kaya ayoko."

"Just the same excuse last time..."

Siningkitan ko siya ng mata. "No! It's true, ayoko nang magka-pilay ulet. May Boracay pa akong pupuntahan at hindi ko ma-eenjoy iyon kung may pilay ako!"

Patuloy lang siya sa pag-ngisi.

"Pwede ba luga! Kung gusto mong maglaro, magyabang diyan sa gitna ng court, then go! Hindi kita pipigilan!"

Isang ngisi pa ang pinakawalan niya pero agad na rin namang tumalikod sa akin at kinuha ulet ang bola. Buti naman...

"Loser..." Bulong niya

Nag-init ang ulo ko doon sa sinabi niya. "Ano? Loser ka diyan! Tied kaya yung score nating dalawa, kaya paano mo naman nasabing nanalo ka na?"

Nagkibit-balikat lang siya.


Tss!


"Fine!" Sigaw ko na siyang nagpabalik ng tingin niya sa akin. Nandoon pa rin ang ngisi niya. Kaasar lang! "I'll play but in one condition. Yo'n ay kung tatanggalin mo ang sapatos mo. Maglalaro lang tayo nang naka-paa. That'll be fair enough!"

Tumawa siya. "Sure..."

Binitawan niya ang bolang hawak. At doon niya na tinanggal ang sapatos niya.
















Continue Reading

You'll Also Like

47.5K 730 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
27.5M 700K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
30K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...