Wanted Babymaker (Editing)

By wishyheart

1M 22K 876

Highest Rating #2 in Teen Fiction Anong gagawin mo kung ipakasal ka sa isang taong ni minsan hindi mo naman p... More

Prologue
Character
Chapter 1: Welcome Home grandmonster
Chapter 2: Hot Night
Chapter 3 The mission
Chapter 4 Dinner Date
Chapter 5 Pierce meet Leaf
Chapter 6 The Deal
Chapter 7 With boxermonster
Chapter 8 Nurse Leaf
Chapter 9; First Date
Chapter 10 1-2-3- Click
Chapter 11 Mr. Mc Donald
Chapter 12 Meet Hayley
Chapter 13 I won
Chapter 14 Pierce Sacrifice
Chapter 15 Operation: Plan A
Chapter 16 Stuck on you
Chapter 18 Superman
Chapter 19 Stolen Kiss
Chapter 20 Philemaphobia
Chapter 21 Darky
Chapter 22 Leaf's bestfriend
Chapter 23 Peace Offering
Chapter 24 Continuation...
Chapter 25 Version 2.0
Chapter 26 Main of attraction
Chapter 27 Danger
Chapter 28 Rescue
Chapter 29 Workmate
Chapter 30 Cat and Dog
Chapter 31 Closer
Chapter 32 Rain
Chapter 33 Great pretenders
Chapter 34 Untitled, Lol!
Chapter 35 Moments
Chapter 36 Cold night
Chapter 37 First blood
Chapter 38 The contract
Chapter 39 Ayumi
Chapter 40 Positive
Chapter 41 Surprises? Hmm.
Chapter 42 Painful
Chapter 43 Third Prince Syndrome
Chapter 44 Family bear song
Chapter 45 Priority
Chapter 46 Big Cake
Chapter 47 Cinderella
Chapter 48 Runaway groom
Chapter 49 Newly Wed's First Vacation
Chapter 50 Wishlist, no. 45
Chapter 51 Mr. Stanger
Chapter 52 Unstoppable Charles
Chapter 53 Double Date
Chapter 54 Jealous Pierce
Chapter 55 Two lines
Chapter 56 Teaser
Chapter 56 Confession
Chapter 57 Insecure or nah?
Chapter 58 Husband Duty
Chapter 59 Raf
Chapter 60 Missing feelings
Chapter 61 Pieces
Chapter 62 Partner in crime
Chapter 63 Sarah's Secret
Chapter 64 You and I against the world
Chapter 65 Life without you
Chapter 66 Second Prince Syndrome
Chapter 67 Going to Part 2
Epilogue❤
Author's Note💘

Chapter 17 Don't cross the line

11.5K 265 0
By wishyheart

Kung nagkita na daw ba kami noon? Sa mukha nya, mukhang--- hindi ko pa sya nakikita pero--- mukhang pamilyar nga ang mukha nya. Tsk! Siguro kasi may pagkakahawig din sya kay Pierce pero sigurado akong hindi ko pa sya nakikita, ngayon pa lang.



"Sig--- siguro."


Biglang namang nanlaki yung mga mata nya, "Re--really!? Did we?"


OA naman nito! Ngayon lang ba sya nakakita ng dyosa? "Ahhh siguro----- kung saan saan, baka nakita mo na ako sa mall o sa bar madalas akong nandun dati eh. Oh baka naman sa office nila Lola? Hindi lang siguro kita napapansin." Hindi ko kasi maisip ng mabuti kung nagkita na talaga kami o hindi pa? Siguro nung mga panahong  hindi pa ako nacocoma at nagka amnesia.


"Ahmm--- siguro nga." Biglang tumamlay yung mukha nya. Ano kayang nangyayare sa kanya?

"Okay ka lang ba?" Kanina ko kasi napapansin na hindi sya mapalagay unlike nung kausap ko pa lang sya sa telepono.


"Yes, I'm okay. Dala lang lang siguro 'to ng pagod. Dumaretso na kasi ako dito pagkatapos ng trabaho ko!" At nag smile na naman sya, woahhh mas lalo syang gumwapo sa pag ngiti nyang 'yun. Mabuti pa 'to marunong ngumiti! Parinig na naman sa isa. =_=


"Ay, nga pala! Nakalimutan ko tuloy, maghahain lang ako ng pagkain--- baka nagugutom ka na rin." Dali dali akong pumunta sa sala. Ang dami nyang dinala, may supot din dun na punong puno ng fries.



"Mahilig ka sa fries?" Nandito na pala sya ngayon sa tabi ko at yung mga tingin nya hanggang ngayon, ganun pa rin parang full of curiousity. Inaalala nya siguro kung saan kami nagkita!


"Oo sobra--- kanina pa nga ako nagcecrave dito eh." Pa shy type kong sabi. "Bakit nga pala nakapagdala ka ng fries?" Kasi parang nabili na nya ang mga pagkain na bibilhin nya tapos hinuli nya yung pagbili ng fries dahil nakahiwalay ito ng supot.


"Alam ko kasi mahilig ang ibang babae sa fries, nagdalawang isip pa nga ako kasi baka hindi mo sya magustuhan pero hindi pala sya sayang."



"Nako! Huwag mong sasabihing sayang! Uubusin nating lahat ang dinala mo, kahit busog na tayo kakainin ko pa rin para walang masayang." Nakakahiya kasi, dis oras na ng madaling araw pero dinalhan nya pa rin ako ng pagkain, baka nga pagod pa sya sa trabaho nya. "Kain na tayo!"



Ngumiti lang sya, paupo na sana ako pero hiniwakan nya yung bangko. Yung para 'bang gentleman sya na pauupuin ka muna bago sya. Nakaka inlove naman 'to, nagmumukha tuloy akong prinsesa. Kapag nandyan kasi si Pierce nagmumukha akong witch o katulong psh!




Umupo na sya dun sa tapat ko, pinaglingkuran ko sya bilang pasasalamat. Tahimik lang kaming kumakain masyadong awkward hindi ako sanay ng tahimik sa hapagkainan. At bilang nandito na sya at gusto ko naman talaga syang makilala noon pa, lulubos lubosin ko na.


"Nga pala--- salamat sa pag dala sa 'kin ng pagkain. Anong oras na at baka pagod ka pa sa trabaho pero nag abala ka pa."



"It's okay, dadaan din naman talaga ako dito. Dinala din ni Yaya yung mga pagkaing niluto nya sa office, idaan ko na lang dito. Sakto namang hindi ka pa pala kumakain." Ang swerte ko naman ngayon, kanina kasi malas. -___- "Hmm, pwede magtanong?"


"Oomm." Namumuhulan kong sabi. Wala eh, gutom na talaga ako.


"Matagal na ba kayong magkakilala ng kapatid ko?" Magsasalita na sana ako pero punong puno pa talaga bibig ko. "Take your time." Matawa tawa nyang sabe.


"Actually mag-iisang buwan pa lang."



"Isang buwan? Pero ikakasal na agad kayo?" Alam ko nakakabigla pero parang ganun na nga.


Nangako akong walang pagsasabihan na kahit na sino kasi ayokong makarating pa ito sa publiko, pero bilang kapamilya ko naman sya. Pwede ko na siguro 'to sabihin sa kanya, "Alam ko nakakabigla talaga---- pero ang totoo kasi nyan. Fixed marriage lang kasi yung sa 'min, kaya ganun. Alam mo na----"


"So it means--- hindi mo sya mahal?"



O_O "Ako!!? Mahal sya!? No way! Hindi noh! Never!" Kung baga sa buwan at araw, hindi kami pupwedeng magka develop-an dahil maaaring sumabog ang mundo.


"Pero ikakasal na kayo, marapat lang na dapat matutunan mo syang mahalin katulad ng totoong mag-asawa." Sa bagay tama naman sya, "Ang pagpapakasal ay hindi basta basta, kaylangan nyo ng mahabang proseso at panahon para pag planuhan ang mga bagay bagay, kilalanin ang isa't isa bago gumawa ng desisyon."



Pinapangaralan ba nya ako? Kung tutuosin naman, tama naman sya. Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman lubos na kakilala, hindi ko naman minahal at mahao. Pero kapag hindi ko naman itinuloy 'to, maraming tao ang madidismaya sa akin lalo na sila Lola, Tita at Tito, napaka laki na ng naitulong nila sa 'kin tapos ganun pa ang isusukli ko sa kanila. Nag bitiw na pati ako ng desisyon at parang, mahirap ng bawiin pa 'yun.





Dalawang taon lang naman eh pero kapag naman itinuloy ko, baka pagsisihan ko 'to habang buhay? Hindi Leaf! May isa 'kang salita diba? Hindi ko na 'to pwedeng baguhin pa lalo na't halos alam na ng lahat ang pagpapakasal namin.




"A---lam ko naman 'yun, fixed marrige lang naman 'to pero parang---- totoong kasal na rin kung tutuosin pero siguro nga sa ngayon hindi ko pa sya mahal pero---- siguro naman---- sa paglipas ng panahon na magkasama kami ay siguro--- matututunan ko na rin syang mahalin, hindi naman sya siguro ganun kahirap matutunang mahalin diba? Pati ikaw na rin ang nagsabi na dumadaan 'yun sa mahabang proseso." Pwe! Ang hirap kaya, ni sa pagkain nga hindi kami magkasundong dalawa. -___- Paano ba 'to? Sya ba yung konsensya ko?




"I see. Wala naman masama kung magtatry ka diba?"




Ayun! Tama 'yun! Pero alam ko na sa loob loob ko na, PAGSISIHAN KO TALAGA HANGGANG SA AKO'Y MAMATAY KAPAG NAGPAKASAL AKO SA MOKONG NA 'YUN! Pero wala ka ng choice Leaf eh! Ginusto mo 'yan, pwes panindigan mo! Hindi ka kasi nag-iisip ng maayos. Padalos dalos ka sa mga desisyon mo, mas pinangungunahan mo kasi ang damdamin mo kaysa sa isip mo. Bird brain nga siguro talaga ko. -___-




Sa sobrang paglulubos ko sa pagkain ay nasamid na ako, "Wait--- eto oh inom ka ng tubig oh." Katapusan ko na ba 'to? Jusko naman lord! Huwag naman po sana.



"Ehem! Ehem!! Ehem, ehem!!" Hinilot hilot nya lang yung likod ko para mawala yung pagka bulon ko.




"Are you okay!?"


"Ye---yes-- oo--- ehem!! Ehem!! Okay na ako, salamat." Shocks! Akala ko katapusan ko na 'yun, as in humarang talaga yung pagkain sa lalaugan ko.



Umupo naman sya dito sa tabi ko, "Here. drink more." Uminom na lamang ako ng uminom hanggang sa mas nakahinga na ako ng maayos, "Sa susunod, kapag may iniisip ka at wala ka sa sarili huwag 'kang kain ng kain. Paano na lang kung walang tubig o wala 'kang kasama? So next time, be careful okay?"




Ang gwapo naman mag-alala ng lalaking 'to. Nasa heaven na ba talaga ako? Kung ikaw lang sana ang ipapakasal sa 'kin nila Lola kaysa sa ugok na 'yun! Edi sana araw-araw maganda ang araw ko. Lalo na kapag ngumingiti sya, he made my day. Kinukuha nyo na ba ako Lord? Nakakakita na kasi ako ng langit dito sa harapan ko eh.




"Why? What's wrong?"




"Bakit ba kasi ang gwapo mo?"



"What?!! Anong sabi mo sa kapatid ko?!" Nandito na pala ang asungot, ang hilig hilig nya talagang manira ng moment.



"Pake mo!!?"



"Pake ko!!? Huh! Siguro, ginagayuma mo na yung kapatid ko ano? Ah--- tama--- nagluto ka---- ah mali--- nagpa deliver ka siguro kasi alam mong pupunta dito yung kapatid ko? Tapos pinalagyan mo ng gayuma? Sabi ko na nga ba, may kutob akong hindi maganda kaya umuwi agad ako."



"Ano?"



"Leafy Greigo, lumalabas na ang totoong ikaw. Akala ni Lola mahinhin 'kang babae, na iba ka sa lahat kaya ikaw ang gusto nyang ipakasal sa akin pero wala ka rin palang pinagkaiba sa ibang babae. You use your face and body to catch everyones attention, una si Kuya Charles and now, Venz. Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapaikot ang ginawa mo sa mga kapatid ko para maging mabait sila sayo, aminin mo nga! Iniisa isa mo ba kami para makuha ang mga gusto mo? Then, I will tell you this, lokohin mo na ang lahat pero hindi mo ko maloloko."



Grabe sya! Ganun na ba talaga ako ka desperada sa paningin nya?



Sa sobrang galit ko ay naibato ko sa kanya yung basong pinag inuman ko at tumama 'yun sa dibdib nya, pinipigilan ako ng kapatid nya pero hindi ko 'yun pinansin.




"Hoy Pierce o kung sino ka 'man demonyo ka na madumi ang utak na pumasok sa isip mo. Para sabihin ko sayo, hindi ko ginayuma ang kapatid mo at wala akong planong mang gayuma o gumamit ng tao. Hindi ko kaylangang mang gayuma o gamitin ang katawan at mukha ko para lang makuha ang atensyon ng ibang tao! Kung ano ako ng makilala ni Lola, ganun pa rin ako hanggang sa mamatay ako. Hindi ako kaylan 'man nanggamit ng ibang tao para sa pansariling interes lang! Nagmalasakit lang yung kapatid mo kaya sya nandito, may masama ba kung pag lingkuran ko sya hah?! Ikaw nga eh, alam mong ikakasal ka na pero nasan ka? Nandun ka sa girlfriend mo. Alam ko namang mas mahala sya kaysa sa akin, pero sana bigyan mo naman ako ng konting respeto hindi na lang bilang mapapangasawa mo kung hindi bilang tao!"




Naglakad na ako palayo sa ka kanila. Grabe na talaga sya, ang sakit sakit nyang magsalita. Hindi 'man lang nya alamin muna ang mga nangyare bago sya manghusga. Kung noon natitiis ko yung bawat masasakit na salitang binibitiwan nya, pero ngayon sumosobra na sya.




Kung may pinagtalunan 'man sila ng girlfriend nya, huwag nya na akong idamay sa init ng ulo nya.



Pierce POV -


"Hmmm----- sa tingin ko, napasobra ka dun."


"Tsk! Huwag mo na syang isipin, ganun lang talaga 'yun." Lumabas na ako ng bahay para magpahangin at sinundan naman nya ako.


"Tama naman sya at mali ka. Tumawag ako dito, hinahanap kita pero wala ka! Sinabi nyang nagugutom daw sya kaya dinalhan ko sya ng pagkain at nilagyan nya ng gayuma? Hahahaha-- hindi Pierce, isa pa naniniwala pa ba dun? Tsk!"



"Huwag 'kang magpapadala sa pagmamakaawa nya, sadyang ganun lang talaga sya."



"Kilala mo 'ko Pierce, seryoso ako at marunong naman akong kumilatis ng tao. And i'm telling you, lahat ng mga sinabi mo sa kanya ay mali. Wala naman syang ginagawa na sa tingin ko'y hindi tama, actually------ I really liked her." Napatingin naman ako sa kanya, "I liked her attitude, the way she speak, the way she laugh, everything about her. It's all pure, she's too innocent. No offends pero, kung sa akin 'man sya ipinagka sundo. I'll keep her! She's liked a rare gem bro! Hindi mo lang 'yun nakikita kasi sarado ang isip mo."



Hindi ko makita kung anong nakikita nilang maganda kay Leaf para ipagtanggol nila sya ng ganyan? Oo, Leaf is liked a happy virus. Masiyahin sya, mababaw lang ang kaligayahan nya but she still a virus, hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit bawat ginagawa nya ay naiinis ako.




"I don't know what you are talking about."



"Apologize to her, hindi naman siguro nakaka apak 'yun sa pride mo diba? At isa pa, hindi naman masamang magbaba ng pride kung alam mong ikaw ang may kasalanan."




"I will never do that. Kung ano na yung nasabi ko, nasabi ko na. There's no turning back! Walang silbi kung mag sosorry pa ako." Alam ko namang nagdadamdam na sya at kahit mag sorry pa ako, hindi nya 'yun tatanggapin ng ganun ganun lang.



"Okay, it's your decision hindi na kita pipilitin pa. Basta ako, nag bigay lang ng payo. Nga pala, matanong ko lang. Saan ba kayo nagkakilala?"



Saan nga ba?



"Hindi ko rin alam. Siguro nung nabangga nya yung kotse ko? Nung natulog sya sa kwarto ko? O nung pinakilala sya sa 'kin nila Lola bilang mapapangasawa ko?"



"What? Natulog sya sa kwarto mo?"



"Oo, sobrang lasing sya nun. Nagkataon naman na kami lang yung tao sa bahay, hindi ko naman alam kung saan ang bahay nya, kaya naisipan kong iuwi na muna sya. At first hindi ko talaga sya kilala pero nagulat na lang ako, sya pala yung babaeng gustong ipakilala sa 'kin ni Lola."



"That's not a coincidence, it's called destiny."



"Psh, corny mo!"


"Okay, okay. Anyway saan ba sya nakatira?"


"Ang sabi ni Lola nakilala daw nya si Leaf sa Europe----- teka, bakit para 'yatang bigla 'kang naging interisado sa kanya?"



"Hindi naman sa ganun, pero shempre sya yung magiging asawa ng kapatid ko. Marapat lang na dapat makilala ko rin sya."



"Akala ko tuluyan ka ng tinablan ng gayuma nya. Huwag na huwag mong pagtatangkaang magustuhan sya, mag-ingat ka sa kanya, she's too dangerous, ako na ang nagsasabi sayo. Magiging miserable lang ang buhay mo sa kanya."



"I have a girlfriend, remember? Soon we're also gettin' married. Kaya ikaw ang kaylangang mag-ingat kasi--- baka ikaw ang matablan ng sinasabi mong gayuma. Hindi natin hawak ang future natin! Just be careful, kung ayaw mong kainin ang lahat ng sinabi mo."



"That thing will never happend, I have a girlfriend remember?"



"Girlfriend? Pero diba ikakasal ka na? Para saan pa yung pagkakaroon mo ng girlfriend? Gagawin mong mistress mo?"



"Oo ikakasal na kami ni Leaf, sa mata ng publiko at ng papel na pipirmahan namin pero hindi ko gagawing kabit ang babaeng totoong gusto kong pakasalan. I will never do that thing to Hayley!"



Leaf's POV -


"Akala ba nya, na sa lahat pagkakataon tama sya? Bwisit sya! Isinusumpa ko talagang mababaog sya at hindi sila magiging masaya ni Hayley kahit kaylan!" Sorry Hayley pero sa mga nakikita ko sa kanya, hindi mo deserved magkaroon ng Pierce jusko! Mamumuti lang ang buhok mo ng maaga dahil sa pamomroblema sa ugaling meron sya.




"What did you say!!?"


Binato ko sya ng unan, "Anong nagpalakas ng loob mo para magpakita pa sa akin hah?! Lumabas ka dito! Umalis ka! Ayokong ayokong makikita pa ang pagmumukha mo sa pamamahay na 'to!" Patuloy ko pa rin syang binabato ng kung anong bagay ang madampot ko.



"Can't you stop acting liked a kid! Because you're not and you will never be!" Todo ilag naman sya sa mga binabato ko.



"Lumayas ka! Get out of this room!!"



"You are the one who needs to get out! Because this is my room, not yours!!"



"Kahit ikaw pa ang nagmamay-ari ng bawat sulok ng pamamahay na 'to! Wala akong pakelam basta lumayas ka at huwag ka na magpapakita pa sa akin, kahit na kaylan!!!"




"Stop this nonsense Leaf!!"



"Ikaw ang kaylangang tumigil, dahil na una akong pumasok dito kaya ibig sabihin ako lang ang dapat nandito. Ako lang! Kaya lumayas ka!"



"Damn you, stupid bird brain!"



"Hoy! Huwag mo ko matawag tawag na bird brain, dahil sa ating dalawa mas maliit ang utak mo! Hindi ka 'man lang marunong mag-isip na pupwede 'kang makasakit ng damdamin ng tao dahil sa mga sinabi mo, pero patuloy ka pa rin sa mga ginagawa mo. Akala mo ba porke't mayaman ka eh lahat na ng babae sa mundo ay magkakandarapa sayo? Hindi! Because you're a total package of jerk!"


"Marunong akong mag-isip, hindi ako tanga. Sadyang mahirap lang kayong intindihing mga babae."


"Ano?!!"



"Abnormal ang mga babae."



"Abnormal kami? Hindi ba't mas abnormal kayong mga lalaki dahil palagi kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin nyo!? Kapag nasaktan nyo kami, anong idadalhilan nyo? Na nagdilim lang ang paningin nyo, kapag may nagawa kayong kasalanan, idadahilan nyo na wala kayong alam at lasing lang kayo. Bakit? Nakalimutan nyo ba yung utak nyo sa alak? Tapos kapag nakipaghiwalay kayo, magmamakaawa sasabihin nabigla lang. Tingnan mo nga kung sino ang mas abnormal?!"




"Whatever you say, basta ang alam ko. Abnormal pa rin kayong mga babae, ang hirap nyong intindihin and that's the fact!"



"Nagbibingi bingihan ka lang ba o sadyang bingi ka na talag?! Ilang beses ko ng sinasabi sayo na ayokong ayokong makakarinig ng kahit na anong bad words sa pamamahay na 'to ah!" Nag mura sya, sabi nya f*ck tapos umaasta pa sya ngayon na parang walang ginagawang kasalanan.




"That's your rule, then fine!!" May kinuha syang papel sa bag nya, may isinulat sya dito, sinukat nya yung lapad ng kama at idinikit ang sinulatan nya sa pagitan nito, "Don't you ever cross into my line." Paninindigan nyang pag bigkas.




Kinuha ko yung mga gamit ko at ganun din sya, halos inayos namin ang buong kwarto, "Oh teka teka! Sumosobra ka 'yata, ang usapan 50/50 eh bakit parang 65/35 ang nangyare?" Binura ko yung line na ginawa nya at kumuha ng ruler para mas masukat ko talaga ang ginawa nya, sunod na inilagay ang papel sa mismong gitna base sa sinukat ko, "Ayan mas mukhang 50/50!"




"Nasukat ko na ng tama, binago mo pa. Dinudugasan mo ba ako? That's unfair!"




"Unfair mo 'yang mukha mo gunggong!! Don't me, others only!" *huwag ako, iba na lang that's what she mean* Humiga na ako sa kama shempre pati ang kama may hati din, nilagyan namin ng mouse trap ang pagitan ng kama dinikit namin yun by the use double sided tape, kung sino ang lumampas alam na ang mangyayare. Parurusahan ng mouse trap.



Napagka sunduan naming dalawa 'to kaya kung sino ang maparusahan, walang sisihan. Tig isa rin kami ng unan at kumot para walang dugasan! Mahirap ng kalaban ang pusa.




"Ngayon na nagkaliwanagan na tayo tungkol sa pamamalakad sa pamamahay na 'to. We will do whatever we want kahit na wala 'pang pahintulot ng isa't isa. Hindi kita pagbabawalan at sana'y ganun ka rin sa akin! Yes, we do lived in the same house but we have our own world and rule that we badly needed to be followed."


"Okay! Walang problema, no worries basta paalala ko lang huwag 'kang lalampas sa linya ko or the mouse trap will do their job." Inaasar asar ko pa sya.



"Sino ang malikot matulog?" Bumanat naman sya, "Be careful honey." Nginitian pa nya ako pero napaka plastik!



"Fake, uhm!!"

Continue Reading

You'll Also Like

241K 3.2K 63
Highest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahi...
64.8K 1K 38
"Kahit ilang beses mo pa akong tinanggihan at tatanggihan. Hindi ako titigil because I really like you." Mikee is a working student. For her, she doe...
16K 460 46
WARNING: DI KO PA NA EEDIT KAYA EXPECT NA KAYO NA MAG CRINGE KAYO DYAN KASI NAMAN HO EH BAGUHAN AKO AT ETO AGAD ANG GUSTO KO ISULAT HAHAHA EEDIT KO Y...
169K 737 6
COMPLETED AND EDITED VERSION IS AVAILABLE ON DREAME Are you ready to taste the hell? The real demon is on his way. The Boss's Wife book 2 ~sinnederel...