A love letter for you: Letter...

By railleice

124K 2.8K 222

[Tagalog Story] - FALCON BOYS SERIES #1 Nathalie Perez, the innocent, simple, pretty girl na matagal ng may g... More

A love letter for you
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 (Part One)
Chapter 17 (Part Two)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II

Chapter 10

2.7K 55 1
By railleice

NATHALIE'S POV

"Ay, ang kire!", biglang sigaw ni Maria sakin ng ikwento ko sa kanya yung nangyari nung saturday night. At etong lukang babaeng to mas kinikilig pa sakin!

"Wag kang maingay! Baka may makarinig!", sabi ko naman sa kanya para naman hinaan niya yung boses niya

"Don't worry bes, wala naman makakarinig, tignan mo nga dadalawa tayo dito.", napatingin ako sa paligid, at tama nga siya. Andito kasi ako sa room nila ngayon, dito ako dimiretso pagkatapos kong ihulog ang letter ko kay Seige.

"Kahit na, malay mo may biglang pumasok!", sagot ko pa, umiling-iling lang siya

"Alam mo bes, buti ka pa improving ang lovelife samantalang ako eto, nga-nga pa rin. Eto naman kasing si Romeo, hindi ako mapansin-pansin, pag naman pinansin ako ang supla-suplado!", teka? Romeo? Sinong Romeo?

"Romeo? Feeling mo sayo? Juliet?", tanong ko bigla sa kanya, Romeo and Juliet lang ang peg niya

*boogsh*

"Aray naman!", napahawak ako agad sa ulo ko a binatukan niya lang naman.

"Eh may sapak ka kasi ngayon eh, seryoso ako bes. Romeo pangalan niya.", sagot naman niya sa seryosong mukha

"Fine, fine bes. Ang gara lang kasi ng pangalan, Romeo. As in, meron pa bang nagpapangalan ng ganon sa anak nila.", sagot ko naman. Hmm.

"Oo, magulang niya. Haha.", sagot niya

"Landeee! Hahaha. Sige na lalayas na ako baka malate pa ako eh.", tumayo na ako at inayos ang bag ko. "Mamaya nalang break, text mo ko.", sabi ko then lumabas na sa room niya..

"Nathalie!", habang naglalakad ako sa hallway may biglang tumawag nang pangalan ko kaya napahinto ako.

"Yo!", bati niya nang makalapit siya sa akin. Teka siya yung sumabay sakin na pumasok non ah? Ano nga bang pangalan neto? Seph? Seth? Nakalimutan ko..

"uy ikaw pala, musta?", bati ko pabalik sa kanya.

"Ayos lang, bakit nga pala nandito ka sa building namin?", tanong niya.

"Ah wala lang, may kaibigan kasi ako dito eh, pinuntahan ko lang", sagot ko lang sa kanya

"ganon ba?",

"Oo, haha. Sige una na ako, baka ma-late pa ako eh", sabi ko kasi malapit na mag-time

"Sige, see you around the school", tumango lang ako saka ngumiti sa kanya tapos umalis na din.

Pagkarating ko sa classroom, lintek. Nasa loob na si Maam at nagchecheck ng attendance. Bat ang aga niya lagi dumating? Excited lang?!

Pumunta na ako sa pwesto ko pero agad ko napansin na wala pa si Seige, napatingin naman ako sa unahan at nakita na wala pa din si Philip. Ngayon lang nalate tong si Philip ah? Pero sabagay masyado lang naman maaga si Maam.

♔♔♔

Natapos ang period ni Maam ng hindi dumadating si Philip. Ewan ko sa isang yon, hindi na nga nagtetext, hindi pa nagpaparamdam. Natapos pa ang 3 period namin..

Napatingin ako sa cp ko ng bigla itong magvibrate.. Inopen ko ang message..

From: Maria

Freecut bes! I'm going there!

-end of text-

Freecut sila? Paano naman kaya kami?! Dadating pa kaya si Maam?

Lumapit ako sa president sa room namin para magtanong..

"May klase pa ba tayo? Nagtext kasi kaibigan ko, freecut daw.", sabi ko sa kanya

May tinignan lang siya sa cp niya tapos after ng ilang minuto sabi niya wala na daw. Wala daw kasing prof kasi umalis nagpunta doon sa team building churvaeklabush na yon. So ayon nagreply ako kay Maria.

To: Maria

Kita tayo gym, hinahanap ko si phil di pumasok eh.

-end of text-

Pagkasend ko ng text ko sa kanya, lumabas na ako sa room at tinungo ang daan papunta sa gym

♔♔♔

"Tagal mo bes", reklamo ni Maria ng magkita na kami sa may labas ng gym

"Lul. Hinintay ko pa kasi sagot nung pres namin.", sagot ko sa kanya, tapos naglakad na kami papasok sa loob.

"May laro ba sila Seige ngayon?", tanong ko dahil napansin ko na madaming tao sa loob ng gym..

"Di ko din alam bes. Magkasama tayo mula kanina diba? Paano ko naman malalaman.", pilosopong sagot niya. Lukaret na babae to -_-

"Sabe ko nga.", sagot ko nalang at tumuloy na kami sa pagpasok sa loob. Sa may may gilid lang kami ng court mismo pumwesto. Nakipagsiksikan pa talaga kami para lang makasingit dito ha.

"Mukang may laro sila eh, tignan mo yun", nguso ni Maria sa may bench sa kabilang side, mga players sila ng basketball dahil naka-jersey sila. Yun nga lang, hindi sa university namin.

"Kyaaaah!"

"OMO! SEIGE!! SO HOT!!"

"Ang cute ng Ramirez Twins! Kyaaah!"

Napatingin ako sa side kung saan nakatingin tong mga nagtitilian na babae. And there I saw our university's Team. Nauunang maglakad sa kanila si Seige, syempre siya ang Captain. Next ay yung lalaki na nakita ko nung isang gabi, tapos sila Philip na tapos yung kambal saka yung ibang players pa na hindi ko kilala.

Nang mapatingin sa side namin si Philip, bigla siyang ngumiti. I just mouthed, 'Lul Philip' then he frowned. Loko talaga

"Kaya pala di nagpaparamdam ang mokong, busy sa training! Haha!", sabi ni Maria. Oo nga, kaya pala, hindi manlang nagsasabi.

Maya-maya nagumpisa na din yung game. First five sina Seige, Philip, Sey, tapos yung dalawa hindi ko kilala kung sino.

First point, si Seige ang gumawa. Tong mga katabi ko naman, sarap hugutin ng esophagus, kung makatili kasi kala mo napapano.

"Go no.7!!!"

"Go Seige!!!"

"Kyaaah! Ang gwapo gwapo mo!"

Mga tilian lang naman nila. Parang gusto ko tuloy sumigaw ng TAHIMIK kaso hindi pwede pare-parehas lang kaming nakikinood dito.

♔♔♔

End ng first half lamang yung team nila Seige. At puro si Seige, Philip at Sey lang ata ang gumagawa ng puntos. Well, tumutulong din naman yung dalawa kaso karamihan talaga sa points na nagagawa eh galing kay Seige.

"Bes, pansin ko nag-iinit na tong si Seige.", napatingin ako kay Maria at tinignan siya ng 'are-you-serious-look' bigla ba naman akong binatukan!

"Muro ka na sakin ah!", reklamo ko

"Isip mo kasi. I mean nag-iinit na siya sa laro. Tignan mo naman kasi, mukang inis na inis na tapos nakakatakot pang tumingin.", nung mapatingin ako kay Seige, tama nga si Maria. Mukang kahit anong oras sasabog na tong si Seige. Ang hindi ko lang alam eh kung bakit siya naiinis.

♔♔♔

Since nagsimula ang laro, unti-unti nang nag-iinit si Captain. Hindi naman siya ganyan kanina ng magsimula ang game, pero habang tumatagal. Mas nahahalata sa itsura niya na naiinis siya, sa paraan pa lang ng pagtitig niya sa Captain ng kabilang team.

"Are you trying my patience?", narinig ko na bulong ni Captain ng matapat siya sa side namin. Nakatingin siya ng seryoso sa nagbabantay sa kanya, which is captain din ng kabilang team. Captain Vs. Captain ang labanan

"Why? Naiinis ka na ba?", mayabang na sagot naman nung isang captain. Aba?! Lalaban pa yata to kay Captain. Tsk Tsk Tsk. Kung ako siya di ko na itutuloy balak ko..

Nakita ko na nag-smirk si Captain, tapos may binulong siya kaso hindi ko na narinig kasi naman biglang tumakbo si Captain papunta don sa may ring..

Sinundan ko sila ng tingin, pero next thing na nakita ko hawak-hawak na ni Captain sa damit yung Captain ng kabilang team..

"Sh*t..", napamura ako, tinawag ko yung referee at sinenyas na time-out muna. Hindi pwedeng magwala si Captain dito..

Agad akong tumakbo papunta sa kung nasaan sila.. Sina Sey, Philip pati yung dalawa hindi maawat si Captain..

"Captain..", sabi ko at sinubukan na tanggalin ang pagkakahawak niya sa captain ng kabilang team

May lumapit na din na referee..

"Anong problema dito?", sabi nung ref

"This asshole is trying to piss me off.", sagot ni Captain pero hindi pa rin inaalis yung tingin sa Captain ng kabilang team

"Dude, chill lang.. Masyado kang mainit..", nakangising sagot naman ng isang captain..

Akmang susuntukin na ni Captain yung lalaking yon, pero agad na humarang si Philip..

"Tama na captain.", sabi niya. Hindi siya tinignan ni Captain, pero agad niyang tinabig yung kamay ni Philip na nakahawak sa braso niya. Tapos tinulak yung captain ng kabilang team tapos tumalikod na..

"Are you blind or something? Can't you see.. Kanina pa siya nagpa-foul., Tss.", sabi niya sa referee. Hindi naman nakapagsalita agad yung referee. Wala talagang inaatrasan tong si Captain..

After ng incident na yun, nilabas muna namin sa court si Captain.. Ako ang pumalit sa kanya. Pati yung Captain sa kabilang team labas din. Masyado kasing madumi maglaro eh..

Di bale, kaya ko naman pumuntos eh. Villy Santos ata to, isa sa shooting guard ng Falcons.

♔♔♔

"Bes, sabi sayo eh!", narinig kong sabi ni Maria. Paano naman kasi tong si Seige, bigla nalang kinuwelyuhan sa damit yung player ng kabilang team

"Hala! Anong nangyari!", tanong ko. Hindi ko alam, pati ata ako kinakabahan sa tingin ni Seige sa player na yon eh! Kanina pa namin nahahalata ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, akala namin hindi papaapekto si Seige kasi laro naman to, kaso nagkamali ako. Mukang anytime, masasample-an tong player ng Wild Hawks.

"Wag naman sana sumabog si Seige.", sabi ko. Pero parang naririnig niya ako. At pagkasabing pagkasabi ko sun biglang umakma siya nasusuntukin yung player ng kabilang team, nagulat ako ng humarang si Philip sa kanila tapos hinawakan yung braso niya. May sinabi si Philip, pero di namin narinig. Tinabig lang ni Seige yung kamay ni Philip tapos tumalikod na siya, tapos huminto nang nasa tapat na sya nung referee, may sinabi din siya kaso di namin narinig sa pwesto namin.

"Mukang nagalit talaga nung player na yun si Seige.", sabi ni Maria.

"Muka nga. tsk. Buti napigilan ni Philip.", sagot ko lang.

After nun, nilabas nila sa court si Seige ang ipinalit nila eh yung lalaki nung isang gabi na kasama ni Seige, siya dun yung lalaki na to the rescue kanina at unang pumigil kay Seige ng kwelyuhan niya yung player ni Wild Hawks.

"Ang galing naman niya maglaro!", sabi ni Maria. Tumango-tango lang ako, well magaling nga siya. Magaling magshoot. Halos lahat ng tira niya pasok.

♔♔♔

Nang matapos ang game, panalo ang team nila Seige. Lamang sila ng 23 points. Well well well. During 4th quarter at last 15 minutes na lang saka ulit pumasok si Seige, at ang masasabi ko lang ay. WOW. As in WOW, ang galing ng team up nila ni number 4, which is si Santos.

"Galing ah! Congrats!", nandito kami sa side nila Philip.

"Salamat. Nga pala, la kayo prof?", tanong niya

"Wala, pumunta daw sa.. Ewan ko kung sang lugar, pero para sa team building daw.", sagot ni maria

"Ganon din prof namin.", sagot ko lang.. Nag-usap usap pa sila ni Maria don. Pero ako busy, busy sa paghahanap kung nasaan si Seige.

"Hoy Nat!", napabalik ako sa realidad ng sikuhin ako ni Maria. Kaya napatingin ako sa kanya.

"H-Ha? Ano yon?", sabi ko

"Lutang ka na naman bes. Sabi ko sabay na kayo pauwi sakin.", sabi ni Philip. Huh?

"Ah.. S---"

"Uy! Uy! Ikaw yung nung isang gabi diba?", hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang lumapit yung Santos sakin tapos biglang nagsalita..

"Ah---"

"Ikaw nga!", sabi na naman niya

"Eh--"

"Tama ako!", sabi pa niya saka tumango-tango

"Ah.. Nat, anong sinasabi niya?", tanong ni Philip, OH-OH it's not good for him to know. Tumingin ako kay Maria na parang sinasabi na 'help me' pero bigla lang siyang umiwas ng tingin. I swear! Lagot sakin tong babaeng to mamaya.

"Ah.. Ano kasi---", hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil may bigla na naman nagsalita

"SANTOS!", napatingin kami sa sumigaw, and there I saw my prince. He was wearing his famous cold eyes, he is walking towards us.

"Yeah? Captain?", sagot nitong Santos

"Zip it.", sabi ni Seige ng tuluyang makalapit samin. Tumingin muna ng nagtataka si Santos sakin tapos bumalik ang tingin niya kay Seige..

"A-Ah oo! S-Siya... Siya yung nakita ko nung isang gabi sa mall.. Hahaha!", sabi niya bigla.. Nagulat ako, papano niya nalaman na nasa mall ako nung saturday night? Nakakapagtaka ah..

"Nagmall ka bes?", tanong ni Philip

"Uh.. O-Oo.. Boring sa bahay eh.", sagot ko. Lumusot ka please...

"Di ka manlang nang-aya. Anyway, tara na?", sabi niya tapos kinuha yung varsity bag niya na nakalapag sa sahig..

Maglalakad na sana siya palapit ng biglang hilahin siya ni Lou.

"Bakit lou?", tanong ni Philip

"Ano kasi.. Hindi namin dala kotse namin.. Pasabay, pwede?", sabi ni Lou pero hindi siya nakatingin kay Philip, nakatingin siya kay Santos na nakangiti ng nakakaloko

"Ay! Maalala ko! Pasabay din Phil, di ko din dala kotse ko eh!", sabi bigla ni Santos..

"Ah.. Ano kasi---",

"Phil! Sabay sila Vil sayo? Pasabay na din!", biglang may sumulpot na tatlo pang lalaki mula sa ewan ko san tapos sinabi yan..

"Wag kang mag-alala Phil, may sasabayan naman si Nathalie eh!", sabi nung Santos.. Tapos bigla niyang hinila si Maria. teka? Wag mo sabihin close sila? Tinignan ko si Maria na parang sinasabing 'close kayo' bigla naman siyang umiling

"Oh pano? Mauna na kami!", hindi na nakatanggi si Philip dahil hinila na siya nina Lou tapos si Maria naman hila ni Santos. Siguro naman walang mangyayaring masama kay Maria? Nandoon naman si Philip saka isa pa, muka naman silang harmless.

Nang tuluyan na silang makaalis.. Nagsimula na akong maglakad paalis ng gym. Langhiya, iniwan ako. -__-

"Don't tell me, you're planning to go home alone again?", biglang may nagsalita sa likod ko dahilan para mapalingon ako.

"O-Oh?", sagot ko.. Mukang napapadalas ang pag-uusap namin ni Seige ngayon ah? OMO! I'm so lucky! *O*

"Tss. Slowpoke.", sabi niya tapos nilagpasan ako.. Nakakarami na ang isang to ah? >O<

"Sabe-sabe mo.", bulong ko..

"Talking to yourself, huh?", sabi niya

"Whatever.", sagot ko na lang. Di ko na matake ang pinaghalong kilig/inis sa kanya ah! "Sige, una na ako.", sabi ko tapos naglakad na ulit..

Nakalabas na ako ng campus at naglalakad papunta sa sakayan ng Tryk ng may bumusinang sasakyan sa gilid ko.

"Parang baliw lang.", sabi ko at nagpatloy sa paglalakad.

Kaso bumusina na naman! Ang nakakainis lang, sunod-sunod na busina pa..

Humarap ako sa kotse na nasa gilid ko. Nakahinto naman ito. Tumapat ako sa bintana ng kotse at kinatok iyon..

Nakakailang katok na ako, at mamaga na yata ang buto ko kamay pero hindi pa rin binubuksan ng kung sino mang driver ng sasakyan na to ang bintana ng kotse niya.

"Bastos ka ba?!", sigaw ko mula sa labas ng kotse. Alam ko na naririnig ako ng driver nito. Pero hindi ko siya nakikita kasi tinted ang kotse niya.

Nakatayo lang ako doon. "Haay! Nakakatuyo ng dugo, parang baliw.". sabi ko tapos sinimulan ko na ulit maglakad.

Kaso hindi pa ako nakakatatlon hakbang, ayan na naman. BUMUBUSINA NA NAMAN SIYA!!! Pagka-iniinis ka nga naman oo! Hindi ko nalang ito pinansin at nagtuloy-tuloy maglakad.

"HEY. YOU!", napahinto na lang ako ng marinig ko ang boses na yon. Paglingon ko, nakasandal habang nakacross-arms siya sa harap ng kotse na kanina lang ay busina ng busina sakin.

"Y-you?", nautal na tanong ko. Ang taong tinutuyo ang dugo ko ay si Seige?! O come on!

Nagsmirk lang siya, umayos ng tayo bago nagsalita. "Get in.", he said. Nashocked naman daw ako doon.

"H-Ha?"

"YOU'RE BEING SLOW AGAIN. TSS.", he said with an annoyed tone. Sya na nga itong nagyayaya sumakay sa kotse niya, siya pa tong ganyan. Wag ka! Kinikilig ako dito, pakipot muna ako syempre.. >//<

"Bakit ba?", kunwaring sabi ko

"I. SAID. GET. IN.. WHAT IN THAT WORD CAN'T YOU UNDERSTAND?!", now, he sounds pissed.

"Bakit nga!", i answered him back

"CAN YOU JUST GET IN AND SHUT THAT ANNOYING MOUTH OF YOURS?!", sagot niya. Tapos nagulat na lang ako ng nasa harap ko na siya at hila-hila na niya ako.

Next thing I know ay nakasakay na ako sa kotse niya at siya naman ay seryosong nakatingin sa kalsada..

Why, Seige?! For the 2nd time.. No, scratch that.. For the HUNDREDTH time..You are making me insane!

Continue Reading

You'll Also Like

17.4K 3.7K 93
Nathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kal...
20.5K 378 41
My magmamahal pa ba sa isang taong Lahat ng gulo pinapasukan niya... Hindi Siya ung typical na babae na pang Mara Clara.... She's different from anyo...
47.3K 648 22
Nathalie is rebel child. Nagsimula ito nung nambabae at iniwan sila ng kanyang ama. Magkasama sina Nathalie at Lorena na kanyang ina sa kanilang baha...
319K 5.4K 42
"...Not guilty." Napapikit ako ng mariin. Tumayo si Seige at tinapik sa balikat ang abogado nya. Nakita ko ang pagngisi nito. And there I saw my best...
Wattpad App - Unlock exclusive features