False Alarm

By AManWhoCantBeMove

437K 4.9K 324

"Porket ba pangit, wala ng karapatang umibig?? HUH! Kapag ako, gumanda.. who you kayong lahat sa akin!!" - Am... More

False Alarm :)
chapter 1 - bully
chapter 2 - confess
chapter 3 - the new me!
chapter 4
chapter 5 - inch apart
Chapter 6 - meet again..
Chapter 7 - diwata
Chapter 8 - miss?
Chapter 9 - sticky note
Chapter 10 - secret
Chapter 11 - 1st day..
Chapter 12 - 2nd day
Chapter 13 - last day..
Chapter 14 - first kis-- ay! second na pala.. xD
Chapter 15 - ang sweet :)
Chapter 16 - jealous?
Chapter 17 - Reunion..
Chapter 18 - False Alarm.. again?
Chapter 19 - once in a lifetime..
Chapter 20 - baby..
Chapter 21 - flashback.
Chapter 22 - W.Day.. :)
Chapter 23 - langgam.. :P
Chapter 24 - seminar..
Chapter 25 - silent treatment..
Chapter 27 - beach..
Chapter 28 - spa..
Chapter 29 - night to remember
Chapter 30 - last day...
Chapter 31 - little girl..
Chapter 32 - revelation..
Chapter 33 - positive
Chapter 34 - family day..
Chapter 35 - i didn't know..
Chapter 36 - bawing bawi
Chapter 37 - Kayela..
Chapter 38 - i'm sorry..
Chapter 39 - confuse..
Chapter 40 - wala na..
Chapter 41 - Kirsten..
Chapter 42 - destined..
Chapter 43 - bakit ngayon ka lang?
Chapter 44 - about us..
Chapter 45 - getting back together?
Chapter 46 - back to business..
Chapter 47 - test..
*Teaser*
Chapter 48 - The Last Chapter..

Chapter 26 - gift..

6.5K 68 1
By AManWhoCantBeMove

-dedicated to my mallows.. goodluck sa 'dare to love me' mo... :D

-------- 

Chapter 26

*Amie*

Papunta ako ngayon sa office nung pinaka boss namin.. pinatawag kasi ako after namin mag-lunch kanina.. kinabahan nga ko, kasi bihira lang un magpatawag ng employee nya, unless kung may nagawa kang major offence sa company..

Napaisip tuloy ako.. may nagawa ba kong offence??

Oh baka naman ung nangyari nung seminar namin na halos magbangayan na lang kami nun ni Kieffer at wala ng naitulong sa iba??

Well, hindi na ngayon.. kasi bati na kaming dalawa.. to tell you the truth, para kaming mga teenagers kanina na nagliligawan.. pagkagising ko, may breakfast na kaagad at nalaman ko kay manang na si Kieffer daw ung nagluto nun. Sabay kami nag-breakfast and then sabay din kaming pumasok sa office – na ngayon lang nangyari dahil lagi siyang nauuna sa akin – tapos hinatid pa nya ko hanggang sa makarating ako dun sa office ko. He gave me a peck on my lips na parang nahihiyang bata.. pagkarating ko naman sa table ko, may teddy bear na nakaupo dun sa tabi ng monitor at may kasamang chocolates at galing din naman un sa kanya..

Oh, diba! Parang nagliligawan lang sa daan.. xD

Nakarating naman agad ako sa office nung boss namin, at hinatid ako nung secretary nya hanggang sa may pinto.. narinig ko lang na papasukin na daw ako sa loob, kaya binuksan na nya ung pinto saka ako pumasok sa loob, not knowing na nandun din pala si Kieffer sa loob..

Napalingon si Kieffer sa side ko at nagulat kung bakit ako nandito.. ngumiti muna siya sa akin bago siya lumipat ng tingin sa boss namin..

“tito.. bakit nandito din si Amie?”

But instead answering Kieffer’s question, he looked at me and pointed the vacant sit next to Kieffer’s, kaya naupo na din naman agad ako.. nakatapat ako kay Kieffer.. ginreet ko muna si boss bilang pag-galang..

“since, you two are already here.. i want to ask both of you.. how’s the seminar? Are you two enjoyed?”

Nagkatinginan kami ni Kieffer sa isa’t isa at sabay ding nayuko.. hindi namin alam parehas ni Kieffer kung ano ung isasagot namin sa boss namin.. sasabihin ba namin na sa 3 days seminar na un, lagi lang kaming nagbabangayan??

I guess not..

“obviously, you’re not.. may nakapagsabi sa akin na wala kayong ibang ginawa dun kundi ang mag-away.. haha.. natatawa ako sa inyo.. para kayong mga bata..”

“pero tito.. kasi...”

“don’t worry J.P.. natatawa lang ako kasi naaalala ko ang mommy mo at ang daddy mo noon.. pinag-aawayan kahit maliit na bagay.. alam ko un, dahil ako lagi ang referee nung dalawa..”

Napatingin naman ako kay Kieffer at nakita ko na medyo lumungkot ung aura nya..twing masasali kasi ang dad nya sa kahit anong usapan, naiiba talaga ung mood nya.. i can’t blame him.. it’s his dad anyway..

“well, kaya ko kayo pinapuntang mag-asawa dito, is because i want to give you my wedding gift.. i know it’s late, but it’s better late than never,diba.. here..”

Sabay abot nung isang puting envelope sa amin, at inilapag nya iyon sa tapat namin.. tinignan muna ako ni Kieffer na parang sinasabi kung sino ung kukuha nun, kaya tumango lang ako sa kanya para sabihin na siya na lang ung kumuha nun..

Agad nya naman un nakuha, at binuksan.. inilabas ni Kieffer dun ung dalawang papel, at hula ko na plane ticket iyon..

WHAT?! PLANE TICKET?? O_O!

“three-day vacation sa Thailand?”

sabi ni Kieffer.. parang nabuhayan ako ng loob dun ah.. taga dun si Mario Maurer diba?? :D

napatingin sa akin si Kieffer dahil alam nyang crush na crush ko si Mario Maurer at alam nyang taga Thailand iyon.. binigyan nya ko ng iritang tingin na ikinatawa ko.. ngumiti lang ako sa kanya nun at binaba-taas ko lang ung kilay ko sa kanya..

“tito.. alam nyo, binigyan nyo lang kami ng pag-aawayan..”

“why?”

“taga Thailand yung crush nitong si Amie eh..”

Tumawa lang ung boss namin, tsaka nya sinabing.. “is it true, Amelyn?”

“o-opo.. pero celebrity naman po iyon.. masyado lang pong O.A si Kieffer..”

At muli na namang natawa ung boss namin dahil sa sinabi ko.. kung napapansin nyo na medyo close-close-an ako sa boss namin, well.. it’s a must.. ayaw nya kasi na kakausapin ko siya ng sobrang formal.. since, bahagi na daw ako ng pamilya nila, at parang ama na daw siya ni Kieffer, ituring ko na din daw siyang parang ama kagaya ng asawa ko..

Botong boto sila sa akin, ano ho?? :P

“sa Naka Island yan.. resort and spa.. and beach also.. at nagpa-reserve na ko jan for you, guys.. kaso nga lang Amie, 3 days lang to dahil alam mo namang acting director pa din tong asawa mo, at kailangan pa din siya sa kompanya..”

Lagpas na nga ung 1 month leave ni sir Kevin, pero hindi pa nga din ito bumabalik dahil nag-file bigla ng indefinite leave.. ewan ko ba dun! Masyado yatang natuwa sa baby nila, at hindi na nagawang bumalik sa kompanya..ang sabi pa, kaya na naman daw ni Kieffer ung trabaho nya, kaya susulitin na daw nya ung bakasyon nya habang nasa pwesto pa daw si Kieffer..

“ok lang po.. pwede naman po kahit wala nito eh..”

“no.. take it.. as i can see, medyo ilang pa kayo sa isa’t isa dahil siguro sa away nyo no?”

“hindi naman po..” sabi ko.

“well, hijo, hija..i just want you to have fun this coming Friday up to Sunday.. fix anything kung ano man yung hindi nyo pagkakaunawaan.. para ko na kayong mga anak at ayokong nakikita ko kayo ng ganyan..”

Napakamot na lang kami parehas ni Kieffer sa ulo namin ng sabihin iyon ng tito nya.. kahit naman kasi bati na kami ni Kieffer ngayon, halata mo talaga ung gap at ung ilang namin sa isa’t isa.. 3 days straight kasi kaming hindi nagkikibuan at kagabi lang ulit kami nag-usap kaya ganito na lang kami ni Kieffer.. nagkaka-ilangan..

Kulang 2 buwan pa lang kaming kasal, kaya siguro hindi pa kami sanay sa toyo ng isa’t isa.. the fact na biglaan lang tong kasal namin, kaya nahihirapan kaming mag-cope up sa isa’t isa sa twing may away kami.. like, we’re still in getting to know each other stage..

“have fun, hijo, hija.. naiintindihan ko naman kung bakit ganyan pa kayo ngayon.. kaya nga binigay ko na kaagad sa inyo yan, dahil alam kong yan lang solusyon sa problema nyo.. makakapag-bond kayo sa isa’t isa..hindi kasi ako sanay sa inyong dalawa na ganyan ang trato nyo sa isa’t isa..”

“opo.. thank you po sir..” sabi ko..

“yes, tito.. thanks!”

“enjoy yourselves.. and of course, consider this as second your honeymoon..”

Biglang nanlaki naman ung mata ko at pakiramdam ko na namula ng tuluyan ung mukha ko sa sinabi nya.. napatingin din naman ako kay Kieffer at ganun din ung itsura nya kagaya ng sa akin.. nagkatitigan lang kami saglit at saka kami tumingin dun sa tito nya with puzzled face..

“w-why?? Bakit ganyan kayo makatingin?”

“t-tito? S-second honeymoon?”

“y...es?? any problem with that?”

“s-second po talaga?” sabi ko

“w-well.. ano ba dapat? T-third?”

“TITO!!” si Kieffer

“bakit ba? Don’t tell me it will be the first??”

Pakiramdam ko nawalan na ko ng dugo sa katawan at napunta lahat iyon sa mukha ko.. bigla namang nag-flash sa utak ko lahat nung nangyari nung wedding at ung mga ikinuwento nila sharmaine at ella sa akin nung wedding namin.. at para yata akong mauubusan ng hininga sa kaba..

Pooochat! Ano ba to?! Normal pa ba ko??  Na-pollute na ng tuluyan nila Sharmaine ung utak ko! waaahh! >_<

“ok.. i got it.. first pa nga lang.. alam na kaya to ni mama? Haha.. nag-eexpect pa naman un ng apo sa tuhod..” he pertains to lola Kristine...at, ano daw? Apo sa tuhod??

“sige na.. you two can go back to work.. baka hindi nyo na ko pansinin after this.. haha.. mga bata nga naman..”

“sige po, sir.. thank you po u-ulit! A-he-he..” sabi ko

“yeah.. thank you, tito..” sabi ni Kieffer

At sabay na kami tumayo ni Kieffer at tumungo na sa may pintuan, ng biglang nagsalita ulit ung tito nya kaya napalingon kami sa kanya..

“J.P.. nag-email sa akin si Kevin..” he pertains to his son..

“ano po ang sabi?” – kieffer

“ang bagal mo daw! Hahahha..”

------------

“WELCOME TO THAILAND”

Yes! Pagkatapak pa lang namin sa airport ng Thailand, eto na kaagad ung nakita ko sa may itaas nung entrance door.. welcome to Thailand!!

“we’re here.. at last!!!”

rinig kong sabi ni Kieffer habang tinutulak nya ung cart ng bagahe namin at panay ang tingin ng pictures sa DSLR nya habang patungo kami sa may labas kung saan naghihintay ung service namin.. cover din sa binigay na gift ng tito ni Kieffer ung mga foods, transportation and ung mga services na gagawin sa amin sa may rented house na pupuntahan namin ngayon.. yes, may rented house pa talagang kasama, kaya wala kaming gagawin dito, kung hindi ang mag-enjoy lang talaga..

oo nga, dapat mag-enjoy.. siguro ngayon si Kieffer, oo.. pero ako? Wag nyo na tanungin.. -_-

“Amie, tignan mo to.. ang ganda ng pagkakakuha ko dito sa sunrise oh.. tsaka eto pa..”

“oo.. oo..”

sabi ko habang pinipigil ko ung kung ano man ung nasa lalamunan ko.. feeling ko kasi anytime, ilalabas ko to eh.. at the same time, parang matutumba ako dahil sa hilo.. kung hindi sana ako nakahawak sa may push cart, siguro nakalagpak na ko sa sahig.. grabe, wag naman sana.. ayokong gumawa ng eksena dito, nakakahiya..

“tsaka eto.. look.. ang..... Amie! Are you ok?”

“oo.. oo..”

“you look pale.. ok ka lang ba talaga..”

“oo nga.. nahihilo lang ako.. jetlag..”

sabi ko sabay hawak sa noo ko.. umiikot na kasi talaga ung paningin ko eh.. grabe naman kasi ang first experience kong sumakay sa eroplano, parang kang nasa bumpy ride! Sabi nung pilot, nagkaroon da ng airplane turbulence kaya ganun na lang ung pagka-up and down nung eroplano.. lahat na siguro ng santo, dinasalan ko na matapos lang un at makalapag kami ng safe sa lupa.. halos halikan ko na nga ung sahig sa sobrang tuwa ko eh, pero hindi ko naman un magagawa kasi kapag yumuko ako, baka lalo akong mahilo at mailabas ko ung mga dapat hindi ko ilabas.. eeww.. gross!

“aahh.. oh hayaan mo, magpapahinga muna tayo pagkadating natin dun sa bahay..”

“Kieffer..”

“hmmm?”

“rest room..”

“ha?”

“dali! Saan ung rest room!”

Sabi ko sa kanya, at dali-dali naman nyang nahanap un at itinuro sa akin ung daan, kaya agad akong tumakbo papunta sa loob nun at alam nyo na kung ano ung ginawa ko dun.. lahat siguro nung mga nilantakan ko sa eroplano, naisuka ko ng lahat.. >_<

Naghilamos na ko at nagmumog, at agad akong lumabas ng rest room. nakita ko si Kieffer na nakasandal dun sa may pader at hinihintay ako.. nang Makita nya ko, inabot nya kaagad sa akin ung dala nyang bottled water at ininom ko naman kaagad..

“ok ka na?”

“oo.. gumaan na ung pakiramdam ko..”

“you sure? May bilihan ng gamot dito, gusto mo ibili muna kita?”

“hindi na.. itutulog ko na lang to.. nahilo lang talaga ko dun sa byahe natin kanina..”

“sige, nag-text na ko dun sa driver, nasa may departure area na daw siya..”

“good..”

“let’s go?”

Tumango lang ako sa kanya and we walked towards the exit door.. sinalubong naman din kami nung driver / tour guide na napag-alaman namin na pinoy din, kaya agad din namin siyang nakapalagayan ng loob.. matagal na siyang nagttrabaho dito, at minsan na ding naging driver nila Kevin kaya alam na nya kung saan ang punta namin..

Medyo malayo layo pa daw ung byahe namin, kaya napagdesisyunan ko na munang matulog sa sasakyan.. para na din maibsan tong sakit ng ulo ko kahit konti.. sasakay pa daw kasi kami sa speed boat bago kami makarating dun sa lugar kung saan kami tutungo, kaya sinabi ni Kieffer na magpahinga muna daw ako saglit..

Inihiga nya ko sa may dibdib nya at hinalikan nya ko sa ulo, saka ako pumikit.. gigisingin na lang daw nya ko kapag malapit na kami..

Sweet.. :)))

Ngayon pa lang, i’m enjoying this.. what more sa mga susunod pang oras na magkasama kami.. :)

------

vote.comment.. :)

Continue Reading

You'll Also Like

3M 61.3K 64
Are you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
509K 7.7K 63
Ako yung babaeng nag give up sa Love, Until i realized that not all people are equal, we all have our differences. So i gave myself a chance, Hindi k...
4.1M 110K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...
4M 180K 56
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the...