When Dyuswa Meets Purita

By danjavu

2M 67K 12.2K

Dear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinata... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 64
Part 63
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Special Chapter
Author's Note, Please Read...
When Dyuswa Meets Purita Again Book 2- Teaser
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12 (1)- Luke
Kabanata 12 (2)
Kabanata 13- Kidnapper and the Rain Lover
Kabanata 14-
Kabanata 15
Kabanata 16- Hunch
Kabanata 17- Subconsciously
Kabanata 18- Pink Lollipop
Kabanata 19- Drunken Love
Kabanata 20- To The Rescue
Kabanata 21- "Hindi gano'n kadali iyon"
Kabanata 22- Ano bang ginawa mo?
Kabanata 23- Feels Like Home
Kabanata 24
Kabanata 25- The Awakening
Kabanata 27- Huwag Magpa-ligaw
Kabanata 28- Can You Hear Me?
Kabanata 29- Global Warming
Kabanata 30- Hindi siya ikaw
Kabanata 31- Jirits na Jirits
Kabanata 32- Siya pa rin
Kabanata 33- Super...Stupid...Bull!
Kabanata 34- All for him
Kabanata 35- Halaga
Kabanata 36- Return
Kabanata 37- Closing Time
Kabanata 38- Unfairy Tale
Kabanata 39- New World
Kabanata 40- Ship and Flower
Kabanata 41- Condo Talking
Kabanata 42- Clever
Kabanata 43- Unexpected
Kabanata 44- Claim
Kabanata 45- I'm In
Kabanata 46- Red Horse
Kabanata 47- Girlfriend
Kabanata 48- Not Today
Kabanata 49- Ang Sinturon
Kabanata 50- Fallen
Kabanata 51- The First Layer
Kabanata 52- Flirt
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
The Finale
The Final Finale
Announcement MUST READ

Kabanata 26- Outburst

10.1K 368 75
By danjavu

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong may babaeng nakatalikod na nag-aabang sa labas ng bahay ko. Nagtataka akong lumapit. Kumunot ang noo ko nang mapagsino ito. Si Diane.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako. Bahagya akong nagulat nang makita ang mukha niya. I can't see the bitchy Diane before.

"Purita," sabi niya at malungkot na ngumiti.

"Bakit ka nandito? Wala akong oras makipag-usap sa'yo Diane," sabi ko at binuksan na ang gate ng bahay.

"Purita, sandali."

Hindi ko tuluyang nabuksan ang lock ng gate. Hinintay ko lang siyang mag-salita.

"Alam kong hindi mo pa ako napapatawad sa ginawa ko pero kakapalan ko na ang mukha ko Purita. Please, tulungan mo ako."

Hinarap ko siya at nakitang unti-unting pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Nawala ang inis ko sa kanya ng mga sandaling iyon.

"Wala akong pera kung iyan ang hinihingi mong tulong sa akin."

"Hindi naman iyon ang kailangan ko eh."

"Eh ano?"

"Pwede mo bang makontak o makausap si Florentino? Hindi ko na siya makausap noong pinagtapat ko na sa kanya ang ginawa ko sa inyo dati eh. Nagalit siya sa akin bakit ko raw ginawa 'yon. Hindi na niya ako kinakausap. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita. Iniiwasan niya ako Purita. Sobrang nagsisisi na ako sa ginawa ko sa inyo. Purita, ayokong mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko si Florentino," humahagulhol niyang sabi sa akin.

For the first time, ngayon lang ako nakaramdam ng awa. Mahal na mahal niya nga talaga ang bestfriend ko. She will not lower herself in front of me kung hindi niya mahal si Florentino. Saan naman ba kasi ang baklang iyon?!

"I'll do my best to contact him."

"Thank you Purita. Really thank you," sabi niya sabay punas ng mga luha.

"May itatanong lang ako sa'yo."

"A-ano 'yon?"

"What made you change?"

"Binago niya ako Purita. He changed me. I mean, pinilit ko ang sarili kong magbago para sa kanya. I love him kaya ginawa ko ang lahat para mahalin niya rin ako. It's a very long process but it really worked."

"Okay," naisabi ko na lang.

Posible pala talagang magbago ang isang tao dahil sa pagmamahal.

"Do you still love him?"

"No," kaagad kong sagot.

"Kung sakali bang bumalik si Josh dati sa'yo, tatanggapin mo pa rin siya?"

"Wala na 'yon Diane. Nakalipas na 'yon. Saka hindi ko na siya tatanggapin pa. He doesn't deserve me."

"That coward jerk! I told him to chase you back here after his accident. I even bought him a plane ticket pabalik dito without letting tita Veronica knows about it."

"A-aksidente? Naaksidente si Dyuswa?"

"Yeah. Five years ago. Hindi mo alam?" nagtataka niyang tanong.

Umiling ako.

"I don't know the reason bakit siya naaksidente. Ang alam ko lang ay ayaw na niyang bumalik ng Pilipinas after that."

Napabuntong-hininga ako. Bakit siya naaksidente? Dahil ba sa ginawa ko? Nagpaalam na sa akin si Diane. Hanggang sa pagpasok ko sa bahay at naiisip ko pa rin ang sinabi ni Diane sa akin.

Kinuha ko ang phone ko. Gusto ko siyang i-text. Gusto kong magtanong. Anong nangyari sa kanya at naaksidente siya? Gaano kalala ang natamo niya sa aksidente? Hanggang ngayon ba ay nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa kanya?

But the thought na magkasama sila ngayon ni Michelle ang siyang nagpatigil sa akin na i-text siya. Michelle is there for him the whole time. I wasn't there because of what I've done. Naging manhid ako sa lahat nang pangyayari.

I know since then, na ako ang may kasalanan ng lahat. Bakit nagkahiwalay kami at bakit galit siya sa akin. I made him feel unwanted because of my reasons. And I can't blame him for hating me the whole time.

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero gaya nga ng sabi niya noon, hindi niya pa ako napapatawad. At hindi gano'n kadaling kalimutan ang lahat. Naiintindihan ko siya. I hurt him. At guilty na guilty ako dahil doon. Pero kahit na ano pang gawin kong pagsisisi sa sarili ko ay hindi na no'n mababago ang katotohanang I made wrong decisions.

Araw-araw ay pasan ko ang pagsisising iyon. Hanggang sa dumating ang araw na parang nasanay na rin ako. Unti-unting nawala. Nabaon sa limot dahil hindi ko naman nakikita ang epekto nang ginawa ko.

Pero ngayon, nandito na si Dyuswa. He's not miserable now pero kitang-kita ko ang galit niya sa akin noong una kaming magkita. At doon muling bumalik ang guilt ko. Ayokong ipakita sa kanya iyon dahil ayokong isipin niya na mahina pa rin ako.

Malakas naman ako eh. I've been stronger for years. Kaya iyon ang ipinapakita ko sa kanya. Alam kong darating sa punto na magkakasagutan kami tungkol sa bagay na iyon. And honestly, I don't want that time to come.

Kaya ngayon ay nagpapakabait ako sa kanya para maiwasan iyon. Tama. Kahit iyon na lang muna sa ngayon.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay lumabas ako ng bahay at pinuntahan si Bhebhe Qoh. Namiss ko ring makipagdaldalan sa malanding aso na 'to!

"Hi Bhebhe Qoh! Namiss kita! How are you?"

"Aww! Aww! Aww! (Maganda pa rin. Di tulad mo)

See. Nakakamiss talaga ang asong ito. Ang sarap nail-cutter-in ang kilay niya!

"Mana ka kaya sa akin!"

"Aww. Aww. Awww! (You're not my mother! Who's my mother anyway? Sino ang father ko?)

"Yaya Simang! Yaya!" sigaw ko sa labas ng bahay nila Dyuswa.

Kaagad namang bumukas ang pinto ng gate at iniluwa no'n si Yaya Simang. Bahagya pa siyang nagulat nang makita niyang may aso akong kasama na nakatali.

"Mam Ayissha? Anong ginagawa niyo rito? At bakit...may kasama kang aso?"

"Yaya, gusto kong magkaanak kay Dyuswa!"

"Diyos na Mahabagin! Ano bang pinagsasabi mong bata ka. Ang bata-bata niyo pa. Saka isa pa, wala na rito si sir Joshua. Paano ka niya mabubuntis?"

Tumawa ako ng malakas. "Si yaya talaga hindi na mabiro. And'yan pa ba si Swiss? Inaalagaan niyo po ba siyang mabuti?"

"Oo naman. Kabilin-bilinan sa akin ni sir na huwag ko raw pababayaan si Swiss eh."

"Ah siya nga po pala. Heto pong aso ko ay si Bibing. Aso po siya ng kapitbahay namin. Ipapakilala ko lang po siya kay Swiss pwede po ba?"

"Ah eh..."

"Let her in 'Ya. Ako ang bahala sa kanya."

Napalingon ako at nakita si Bhon na naka-school uniform pa rin. Kakagaling lang yata sa school.

Ay malamang Purita! Alangan namang galing siyang hospital di ba?

"Bhon!"

"Ayissha Kyleigh.  I thought your afraid of dogs?" tanong niya nang makita ang aso kong dala.

"Hindi na. Na-over...over..ah basta. Hindi na ako takot sa aso."

"Hahahha. Na-overcome," pagtatama niya.

"Iyon na nga ang ssasabihin ko. Inunahan mo lang ako eh."

"Pasok na tayo."

Pumasok kami sa loob ng bahay nila Dyuswa. Kaagad naming pinuntahan si Swiss sa kulungan niya.

"Hello Swiss! Heto nga pala si Bibing! Ang ganda niya di ba? Mukha nga lang siyang bibingka pero mapagtitiyagaan mo naman siguro siya di ba? Kesa naman sa mamatay kang virgin! Saka virgin pa rin itong si Bibing hindi nga lang halata dahil sa laki ng bunganga. Hahahaha, " kausap ko kay Swiss na ikinatawa lang ni Bhon.

"So that explains why you have dog with you. Gusto mong magkaroon ng anak yang aso mo sa aso ni Josh."

"Hindi ka lang talaga gwapo Bhon. Ang brighter mo pa!"

"Hahaha. Hindi naman," sabi niya sabay kamot ng ulo. May kuto ba siya?

"Hindi talaga. Binibiro lang kita eh," pang-aasar ko sa kanya.

"Ayissha Kyleigh naman!"

"O sige na nga. Totoo na 'yon. Pero eslayt lang ha?"

"Kaya iyon. Nabuo ka dahil sa ginusto ko. Nanay mo si Bibing at tatay mo si Swiss!" sagot ko sa kanya.

Tumunog ang phone ko kaya naman tumayo na ako para sagutin iyon.

"Hello?"

"Purita!"

"Luke? Napatawag ka?"

"Are you free tomorrow?"

"Hmmm, oo. Bakit?"

"Tama. Go with me sa Puerto Isla please?"

Nanlaki ang mga mata ko. Puerto  Isla! Ito 'yong pinakasikat na beach na maihahalintulad mo sa Boracay. Pinag-aagawan nga ng Campuestuhan at Ajuy (A-hoy) City kung saan ito na-belong eh.

"Bakit? Anong meron?"

"Nag-file ako ng leave. Bakasyon. Hahaha. So go with me please? Ako na ang bahala sa lahat."

Nakakatakam naman ng offer. At ayoko nang magpakipot! Minsan lang ito!

"Okay. Go!" masaya kong sabi.

"Alright! Sunduin kita bukas ng umaga d'yan ha?"

"Sure."

Nakangiti kong binaba ang tawag. Ang dami ko nang inaalala. It's time to relax for a while!

Kinaumagahan ay sinundo nga ako ni Luke sa bahay. Nagdala lang ako ng mga kakailanganin sa paliligo. Alam niyo naman 'yon. Ayoko nang isa-isahin.

"Mas lalo kang gumagwapo ah?" pang-aasar ko sa kanya nang nasa byahe na kami.

"May pinaghahandaan eh," nakangiti niyang sagot sa akin.

"Ano?"

"Basta. Tell you soon," sabi niya sabay kindat sa akin.

Nilabian ko na lang siya. Ang dami naming pinag-usapan. Karamihan ay mga walang kwentang bagay lang naman. Pero dahil bangag siya at maganda ako, na-enjoy ko naman ang usapan namin. After 5 hours na byahe ay narating na rin namin ang Puerto Isla.

Hindi ko napigilan ang tumakbo sa shore nang makalabas na ako ng sasakyan ni Luke! Dinama ko ang malamig na hangin. Wooooh. Heaven!

"Hey. Kain muna tayo," sabi ni Luke sa likuran ko.

"Sige," nakangiti kong sagot at sumunod na sa kanya.

Kumain kami sa isang restaurant doon. Ang sarap talaga ng seafoods. Hinding-hindi ako magsasawa sa pagkain nito!

"Dahan-dahan lang. Baka tumaba ka," natatawang sabi sa akin ni Luke.

"Hindi ah."

"Teka..."

"Bakit?"

Bago pa ako makagalaw ay may tinanggal na siya sa gilid ng pisngi ko kaya natigilan ako.

"There. Better," nakangiti niyang sabi.

"T-thank you," sabi ko at inayos ang buhok kong nililipad-lipad ng hangin.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa room na kinuha ni Luke sa amin. Magkatabi lang kami ng room. Nagpalit ako ng damit panligo. Maliligo talaga ako. Walang makakapigil sa akin.

Sabay kaming lumabas ni Luke. Natulala pa nga siya sa akin eh. I know. I know. I'm sexy and I know it!

Lumusong na kami sa dagat at naligo na. Hindi ako marunong lumangoy pero gustong-gusto ko talagang maligo sa dagat. Hindi naman ako pumupunta sa gitna kaya hinahayaan ko lang si Luke na pumunta roon. Nang magsawa na ako sa paglalangoy na parang aso ay umahon na ako.

Nagsimula akong maglakad-lakad hanggang sa makuha ang atensiyon ko sa isang babae at lalaki na nag-uusap. May dala pang papel ang babae at parang tinuturuan ang lalaki sa pagsasalita. Naku-curious naman akong lumapit sa kanila.

"At this generation, sex is very common. Even teenagers engage theirselves in this kind of activity. But there is one way to stop this. Masturbation is the key..."

"Hep! Hep!" awat ko. Hindi na ako nakatiis eh. Mali ang diction ng masturbation.

Sabay na nagkatinginan sa akin ang dalawa. Ngumiti ako para hindi sila matakot sa akin.

"Ganito kasi yon. Hindi MASTUR-BA-TION. It's MAS-TUR-BA-TION! And you should stress it sa BA (bey)."

Napilitan namang sinunod ng lalaki anh sinabi ko.

"M-MAS-TUR-BAAAAAAA-TION," aniya.

Umiling ako. "Say it with feelings. Like this. MAS-TUR-BAAAAAAAA-SHEN!" sabi ko at pumikit-pikit pa.

Muntik na akong mapatili nang may bumuhat na lang sa akin. What the hell? Feel na feel ko pa ang pagtuturo eh!

"What the f*ck Purita?! Anong pinagsasabi mo do'n sa lalaki? At bakit ka nandito???"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Dyuswa. Bakit din siya nandito? Akala ko ba nag-out of town sila ni Michelle?

"D-Dyuswa?"

"Oo ako 'to. Sino pa bang inaakala mo?" tanong niya at inis akong ibinaba sa buhanginan.

Hinarap ko siya. Nawala bigla ang mga sassbihin ko sa kanya nang makita ko ang katawan niya. Those abs, V line at ang sa ibaba pa nito. Ipinilig ko ang aking ulo bago pa ako sakupin ng makamundo kong pagnanasa.  Nakakaloka naman kasi eh.

"Nasaan si Michelle? Akala ko ba magkasama kayo?"

"Papano mo..."

Ngumiti ako sa kanya. "Pumunta ako sa office mo. Sinabi sa akin ni Jasmine na nag-out of town ka kasama ang special someone mo."

"Purita..."

"Nasaan na si Michelle, Dyuswa? Balikan mo na siya. Hindi ko naman alam na rito kayo pupunta eh. Saka sumama lang din naman ako kay Luke," pagpapaalam ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Dalawa lang kayo?"

"Oo."

"Purita bakit ka pumayag na sumama sa kanya na kayong dalawa lang?"

"Bakit hindi ba pwede? Kayong dalawa lang naman ni Michelle ah?" katwiran ko.

"Pero girlfriend ko..."

Hindi ko alam pero bakit hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.

"Girlfriend mo si Michelle, Dyuswa. Pero nanliligaw naman si Luke sa akin," dahilan ko na lang.

Napahilamos siya ng mukha. "Magkaiba iyon Purita!" inis na niyang sabi.

"Anong magkaiba Dyuswa ha? Ano 'yon? Ikaw pwedeng lumabas kasama ng girlfriend mo tapos ako hindi pwedeng lumabas kasama ang nanliligaw sa akin? Ang unfair naman Dyuswa. Saka I think, wala ka namang karapatan na pigilan ako sa mga gagawin ko sa buhay ko eh. Atupagin mo na lang kaya ang girlfriend mo."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Nadala na lang kasi ako sa sitwasyon eh.

"Yeah. You're right. Wala akong karapatan. I'm sorry," mahina niyang sabi.

Napalunok ako ng laway ko. "Yeah. You should be sorry. Say sorry to Michelle too. Hindi ko sinasadya na sirain ang birthday surprise niya sa'yo. Hindi ko alam," sabi ko at tinalikuran na siya.

Habol ko ang aking hininga na bumalik sa room ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon kay Dyuswa. Nagmukha tuloy akong bitter na hindi naman talaga.

Kinagibahan after ng hapunan ay nagyaya si Luke na maglakad lakad sa labas. Pinaunlakan ko naman ang alok niya dahil ayokong magmukmok sa room.

Nagsuot lang ako ng tshrt  saka shorts. Siya naman ay beach shorts lang at sando. Nakapaa lang kaming lumabas.

Marami na ring tao sa labas. May iba nga nagbo-bonfire na eh. Hinawakan bigla ni Luke ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Panay ang ayos ko ng aking buhok dahil sa ginugulo ito ng hangin. Inggeterang wind!

"I'm going to UK, Purita."

Napahinto ako sa paglalakad sa sinabi ni Luke. Hinarap ko siya habang magkahawak pa rin ang kamay namin.

"Luke..."

"Someone offered me a very tempting job there matagal na," nakangiti niyang sabi

"Luke kung gagawin mo 'yan dahil lang sa binasted kita..."

"Purita, calm down. This is not about you okay. It's all about me. ECG gives me good credentials that's why I got the offer. And I realized na it's time for me to upgrade."

Gusto kong maiyak. Naulit na naman kasi eh. Pang-limang beses na talaga itong nangyari.

"But I should be honest with you. You're one of the reason I will go Purita. But not  you entirely. At kahit wala ka pa, tatanggapin ko pa rin naman ang offer na 'yon eh."

Hindi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Baka dahil may isa na namang aalis na malapit na sa akin ngayon. Ang bait-bait ni Luke sa akin. Tinutulungan niya ako sa lahat. He's a real gentleman. At binasted ko lang siya.

Am I so evil right? Tumulo na ang luha ko. Hindi ko na mapigilan.

"Luke, huwag ka nang umalis."

"Bakit, may pag-asa na ba ako sa'yo?" pabiro niyang tanong sa akin.

"Luke naman eh. Seryoso. Dito ka na lang. Mas masaya rito sa Campuestuhan," umiiyak kong sabi.

Pinahid niya ang luha sa aking mga mata. "You know I don't want to see you cry. Ayokong masaktan ka Purita. Please, don't get hurt okay? Hindi ko alam kung mapapawi nito ang nararamdaman mo ngayon. But I believe it will take away the pain I feel right now," sabi niya at mabilis niya akong hinalikan sa labi.

Hindi ako nakagalaw. Nabigla ako sa pangyayari. Nang matapos niya akong halikan ay ngumiti siya sa akin.

"Thank you Purita. For letting me feel this way," sabi niya at niyakap ako nang mahigpit kaya napayakap na lang din ako sa kanya.

Alas diyes na ng gabi nang makabalik kami sa room. Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin kasi ang pag-alis ni Luke. Alam kong ako ang dahilan kung bakit siya aalis kahit na sabihin pa niyang matagal ng offer yun sa kanya. Nagi-guilty ako. Lahat na lang nang nababasted ko ay lumalayo sa akin. At lahat nang nababasted ko ay mga malalapit sa puso ko.

Una si Florentino. Sunod si Bhon. Si Stanly. Si Dyuswa. Ngayon naman si Luke.

Lahat sila lumayo. Maliban na lang kay Bhon na nanatiling cool kahit na binasted ko siya noon.

Dahil ang dami komg iniisip ay naisipan ko na lang na lumabas muna at magpahangin.

Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Manaka-naka na lang ang mga tao. Wala namang problema kung mag-isa lang akong maglalakad dito.

Napahinto ako nang matanaw si Dyuswa na nakaupo sa buhanginan habang nilalagok ang isang bote ng alak. Aalis na lang sana ako pero naalala ko ang sinabi ko sa kanya kanina. Alam ko namang concern lang siya sa akin eh. Kaya magso-sorry ako sa kanya ngayon.

Dahan-daham akong lumapit sa kanya. Doon ko napagmasdan ang mukha niya. Magulo ang kanyang buhok pero mas lalo lang siyang gumwapo dahil doon. Medyo namumula na rin ang mga mata niya dahil siguro sa alak na iniinom niya.

"Hindi ko alam na lasenggero ka na pala," bungad ko sa kanya.

Tumingala siya at nagulat nang makita ako. Ngumiti ako sa kanya pero nanatili pa rin akong nakatayo.

"Anong ginagawa mo rito?" namamaos niyang tanong.

"Naglakad-lakad lang pero nakiya kita rito kaya nilapitan kita."

"Bumalik ka na sa room mo."

"Ah, Dyuswa. Gusto ko lang palang humingi ng sorry sa sinabi ko sa'yo kanina. I know I'm a bit overboard."

"You don't have to. Tama ka. Wala akong karapatan sa'yo," sabi niya at lumagok ulit sa bote.

Nakatingin lang siya sa malayo habang nakatingin lang ako sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap niya.

"I know wala akong karapatan pero gusto ko lang itanong sa'yo ito. Why are you holding his hand? Why you let him kissed you?"

Napalunok ako ng laway. Nakita niya kami kanina?

"Dyuswa..."

"I know. I know Purita. I'm talking nonsense. I'm just plainly drank."

I don't know what to say. Bakit niya tinatanong ang mga iyon? What's his point?

Yumuko siya at ikinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga tuhod niya.

"Pero bakit ganito Purita? Why I am still feeling this way? I want to hold your hand. I want to kiss you. And damn it! Selos na selos na kasi ako Purita! Ako dapat 'yon eh! Ako 'yon," sabi niya sa basag na boses.

Hindi ko napigilan ang umiyak. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi niya marinig.

"Hindi pwede 'yang nararamdaman mo Dyuswa. May girlfriend ka."

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Binaha ng pag-aalala ang mukha niya nang makita akong umiiyak. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Don't cry please. I'm sorry baby," sabi niya at may pumatak na ring luha sa kanyang mga mata.

We're crying in front of each other's eyes. Umiiyak ako dahil nagi-guilty ako kung bakit siya nagkakaganyan. At umiiyak siya dahil sa ginagawa ko sa kanya. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Not him. But me.

Hinubad niya ang suot niyang sando at pinunasan ang luha ko pati na ang labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 89K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
116K 6.3K 23
"A life for a life, A soul for a soul" Are you ready to face death? What will you do if it suddenly comes to you? They say when you're dead, you're...
23.7K 1.3K 33
May kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. #TheKiller...
5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...