BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirty-Seven

29 0 0
By katnisssss

Natapos naman ng matiwasay ang dinner na yo'n.

Tahimik lang ako sa isang tabi habang nakikinig ng mga kwentuhan nila patungkol sa naging girls night-out.

Nagsalita lang ako nang tinanong ako ni Tita kung ano ba ang ginawa namin kagabi, kung nakatulog ba daw ako ng maayos at kung bakit hindi man lang ako sinama ni Logan sa naging lakad niya sa buong maghapong lumipas.

Alanganin akong tumingin no'n kay Logan. Nakatigil lang ang paningin niya doon sa kinakain niya.


"Natulog lang naman po kami kagabi, medyo pagod rin po kasi kami galing byahe. Although, na-tempt kaming kainin yung cupcakes niyo sa ref. I'll definitely want to have those cupcakes again." Ngiti ko.


Kaunti lang naman ang nakain ko. I'm sure, mas marami pa sana akong makakain kung hindi lang nangyari yung inaasahan.

Pinalis ko kaagad ang alaala ng nangyari kagabi. Hindi ko na talaga uulitin yo'n, promise!


Bumuntong-hininga siya. "Mas anak pa kita kung magsalita at purihin ang baking skills ko. Hay naku, ewan ko ba at ano ang panlasa nitong si Logan at hindi niya man lang magustuhan ang pastries ko."

"My, hindi lang talaga ako masyadong mahilig sa matamis." Walang anumang reaksyon ang nakaukit sa mukha niya nang sinabi niya yun.

"Then what about my croissants? Hindi naman gaanong matamis iyon a?" Nguso ni Tita

Humingang-malalim si Logan.


Akala mo naman hindi niya nilantakan yung mga cupcakes kagabi. Siya nga halos nakaubos no'n.


"Si Mia naman, haay! Diet daw siya lagi kaya iniiwasan yung mga pastries ko. As if she'll gain pounds with just a small cupcake" Ginawa niya pa kung gaano lang naman kalaki ang cupcake na sinasabi niya.

Tumawa lang si Mia. "Still, makakadagdag pa rin yun ng fats. Atsaka, kumakain naman ako My, hindi nga lang araw-araw."

"Oo, dahil isang beses kada isang buwan ka lang kumain. Kakapiranggot pa yung kinakain mo."

Lumakas ang tawanan nang sumabay na kami ni Mama sa pagtawa dahil na rin sa naging pasaring niya. Halata kasi doon ang nararamdamang tampo.

"Eto pang si Angela, limang taon nawala. Wala tuloy nag-eencourage sa aking magpatuloy ng baking. Buti nga at nandito na siya ngayon, at least matutuloy ko na talaga ang business na gusto ko. Lagi na akong may customer, well, except kung aalis pa siya. Then, that'll mean dissolution for the business..."

Napalunok ako sa sinabi niya.

Unti-unti ko ring naramdaman ang mga titig nila sa akin.


"Babalik ka ulet Ate? Kailan?"

Nakangiti akong humarap kay Mia. "Ahhm, baka next week na. Sasabay ako kay Ian sa pag-uwi niya."

Tumango siya. Siya lang din ang nakangiti doon sa sinabi ko.


Well, after the talk Tita and I had, alam ko namang ayaw na akong paalisin pa nila Mama. I wonder what Logan has to say about this.


Sandaling tumahimik. Nasira lang iyon nang magsalita si Mama. "Nakatulog ka naman ba ng maayos?" Hinimas niya pa ang likod ko - sa tingin ko para iyon sa naging usapan kanina.

Humarap ako sa kanya. "Maayos naman po akong nakatulog. Sobrang pagod po kasi galing byahe tsaka masarap po kasi sa guest room nila Tita. Paniguradong makakatulog ka talaga ng mahimbing."

Doon na ulet bumalik ang masiglang usapan at ilang tawanan.


Binida ni Tita ang mga naging pagbabago ng bahay nila.

I told her about the garden, how the changes are noticeable yet it's pleasing in the eyes. Siya daw ang nakaisip no'n kaya naman tuwang-tuwa siya sa komentong ibinigay ko.


"Pati po ba yo'ng structure ng buong bahay, kayo rin ang nag-design or si Tito? Nakakatuwa po kasing tingnan yung pagka-playful ng construction." Sumubo ako mula sa kinakain ko.

Hindi pa rin napuputol ang ngiti ni Tita. "Si Logan ang nag-construct niyan. Right after niyang makapasa sa board exam, eto agad ang una niyang pinag-eksperementuhan. Sinabi ko pa ngang babayaran ko siya, pero tinanggihan niya naman. Isipin ko na lang daw, internship niya ito kaya walang bayad. Kinabahan pa nga ako nang una kong nakita ang design..." Sandali siyang tumawa. "Sabi ko... hindi kaya magaya sa Leaning Tower of Pisa ang bahay namin dahil sa pagkakaiba-iba ng mga angles. But glad it didn't. Mukha namang naging maganda ang kinalabasan ng bahay. Our friends loved the whole thing, na-featured pa nga ito sa isang magazine. And about the interior design, tinulungan naman ako ni Mia."


Whoah!


Hindi sinasadyang napatingin ako kay Logan na nakatingin na rin pala sa akin.


So, why doesn't he had a job? Kung ganito pala siya kagaling, at na-featured pa sa isang magazine ang kauna-unahan niyang project, imposible namang hindi nagkandarapa sa kanya ang iilang mga kompanya.


Una siyang umiwas ng tingin sa akin kaya inilayo ko na rin iyon matapos.

"Anyway, kumusta ang buong araw mo?" Bumaling si Tita kay Logan.

"Maayos naman My." Paikli niyang sagot


Wala man lang follow-up answers. Gaya ng kung saan siya pumunta? Anu-ano yung mga ginawa niya? Kung saan kaya siya kumain ng breakfast at lunch niya?


"Talaga? E bakit hindi mo sinama si Angela?"

Sandaling nanahimik. Puro hininga niya lang ang naririnig namin.


If he really did a lot and if it is indeed good, I'm sure he has a lot to say now. For sure, those were enough reasons for him to not involve me for this whole day's absence.


Nang masiguradong wala kaming mapapalang sagot mula sa kanya, doon na rin ako nagsalita.

"A-- kasi Tita, medyo pagod pa ako no'n kaya nagpaiwan na lang ako. Isa pa baka maka-istorbo lang naman ako sa kanila ng kaibigan niya kung sakali..." If it was just only a friend or more than that.

"Sa bagay, boys will always be boys. Mabuti ngang dito ka na lang sa bahay kesa naman ma-awkward ka sa kanila." Mukhang nakuntento naman siya sa naging rason ko.


Yeah, mas mabuti na ngang ang mga bata at ang telebisyon ang naging sandalan ko ngayong araw kesa naman maaksaya ang oras ko kaka-palit ng walang kwentang salita sa lugang ito.


Tahimik kami ni Mama nang pauwi na. Hanggang sa makapasok kami ng bahay, wala pa rin ni isang salita ang namuo mula sa amin.


Ako ang unang nagsalita. "Kumusta naman po yung night-out niyo? Sayang, hindi ako nakasama"

Ngumiti siya sa akin. "Masaya. Ayoko nga sanang sumama nang una dahil ang daming kailangan asikasuhin sa store pero buti na lang pala at sumama ako, medyo nawala yung pagod at stress na nararamdaman ko. Yun nga lang, pagdating pa lang dito, ilang tawag agad ang bumungad sa akin tungkol na naman sa inventory." Umupo siya sa tabi ko at saka bumuntong-hininga. "Kung sana ay maayos ang mga nagiging katuwang ko sa pag-aacount, baka mas madali pa ang buhay."


Alam ko ako ang pinariringgan ni Mama. Lumalago na ang store kaya mas kakailanganin ni Mama ang katuwang sa lahat ng ito.


"Bakit hindi kayo maghanap ng bookkeeper niyo. Medyo lumalaki na po kasi ang store, isa pa, masyado na kayong maraming ginagawa para matugunan lahat. Mas lalo nga talaga kayo maiistress niyan."

"Kaya ko naman kaya bakit pa ako maghahanap ng katulong. Dagdag pasahod na naman iyon."

Bumuntong-hininga ako.


Kaya niya nga, e kaso sandamakmak na stress naman ang inaabot niya sa kaka-inventory pa lang.


"Tutulong po ako..." Yon ang unang salita ko na siyang nagpaliwanag sa mga mata niya. "Pwede niyo naman pong isend sa'kin lahat ng files na kailangan. Ako po magmamanage sa ibang accounts, kayo po sa inventory. Mas madali yung ganoon."

Bumagsak ang balikat niya.

"Ma..."

"Kailangan mo pa bang umalis?" Pag-iiba niya ng usapan.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka tumango. "Sayang naman po kasi yung opportunity." Sandali akong tumahimik, at nagpatuloy nang humarap na ako sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Pwede naman pong ganoon yung set-up natin di ba? O kaya, yung pag-migrate nating dalawa gaya ng sinasabi ko. Doon na lang tayo sa Amerika, Ma. Tutulong si Ian."

Umiling-iling siya. "Hindi mo naiintindihan."

Hinintay ko siyang dumugtong.

"Iba kapag nandito ka, iba kapag nandito tayo. Nandito malapit sa Papa mo."

Hindi na ako nagsalita pa.

Tumayo siya at akma nang aakyat sa kwarto. "Matutulog na ako. Isarado mo na lang ang pintuan kapag matutulog ka na"

Pinigilan ko siya sa gagawing pag-alis. "Ma, hindi naman natin iiwan si Papa. Pwede pa naman tayong bumalik dito para magbakasyon, bibisitahin natin si Papa."

"Kung gusto mong umalis, sige hindi na kita pipigilan. Pero hindi ko iiwan ang Papa mo. Bisitahin mo na lang kami kapag may oras ka na. Tulog na ko."

Bakas ang tampo doon sa sinabi niya.


Ayoko din naman na talagang umalis pero sayang talaga kasi yung ibinibigay sa akin na opportunities doon. At base sa paninirahan ko pansamantala sa Amerika ng limang taon, mas nakita ko, na ang lawak nang magagalawan mo. Mahirap mag-adjust pero hindi hamak na mas bubuti ang buhay mo doon.


"Goodnight Ma"


Umakyat na rin ako sa kwarto ko ilang saglit pa.


Ayokong umalis dito nang may tampo sa akin si Mama.

Alam ko namang pinagbigyan niya lang ako nang pumunta ako doon para mag-aral. Mahirap ang naging communication namin, mahirap din dahil diretsong limang taon kaming hindi nagkita ng personal. Although may Skype naman at FaceTime, pero iba pa rin kapag nayayakap ko siya ng mahigpit. Yung nasasabihan ko siya ng problema tapos mawawala agad iyon dahil lang sa yakap niya na nagpapagaan ng loob ko. 

At sa pagkakataong bumalik ulet ako ng Amerika at doon na ako magtrabaho, mas lalo lang magiging kumplikado para sa amin ang lahat.

Naguguluhan na ako.

For sure, there are other opportunities out here. Pwedeng sa business namin na lang ako mag-focus at palawakin pa iyon. Mas dadali ang buhay ko, plus, makakasama ko pa si Mama. Araw-araw ko siyang makikita, mayayakap.

Pero hindi ko alam. Para bang may nagtutulak sa akin para bumalik doon. Para itapon ko na naman ang sarili ko sa banyagang bansa. Na may iniiwasan ako kaya gusto ko ulet magpakalayo-layo.

Ayokong isipin na pareho lang na naman ng dahilan kung bakit ako aalis muli.


Hindi ako mapakali sa higaan ko nang gabing iyon.

Tumingin ako sa cellphone ko at nakita ang texts nila Daphne at Ian doon.


From: Daphne

See you in the morning Angel! Nightie :)


From: Ian

Sunduin kita 7 AM bukas. 4 AM daw ang alis nila doon. It's better if we wait for their arrival at the entrance instead of letting them wait. You don't want another surprise, right?


Tamad akong nagtipa ng mga replies.


To: Daphne

Yeah, I'll see you all. Night night...


To: Ian

Ok... I'll set my alarm. Thanks.


From: Ian

No happy face? No sign of being jolly? Or at least even longer reply?
Oh well, I need a story during the drive, so you better get ready on that one ;) Night, Angela!


Wala ako sa mood para makipagtalo kay Ian. Bahala na kung anong istorya man ang masabi ko sa kanya bukas.


To: Ian

Goodnight...


Ibinaba ko na ang cellphone ko at itinago yo'n sa pinaka-duluduluhan ng drawer ko. I'm not interested for more 'whatever' replies ni Ian.

Nag-alarm na rin ako para hindi na ako mabulyawan ng isang yo'n pag na-late na naman ako ng gising. But it seems like it's no use. Baka hindi naman ako makatulog sa kakaisip ngayon.


Ilang beses pa akong nagpaikot-ikot sa higaan ko bago tuluyang sumuko.  May pagkakataon na mararamdaman ko ang antok pero mawawala din naman agad sa oras na madami na namang pumasok sa isip ko. Kaya naman, hinintay ko na lang dumaan ang oras.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko na gagamitin sa pagpunta ng Boracay. Naghanda na rin ako para sa gagawing pagsabay ko sa kanila pabalik ng US.


Isasara ko na sana ang maleta ko nang mamataan ko naman ang notebook na ibinigay sa akin ni Papa noon. Yung ginawa kong ipunan ng sulat para sa kanya.

Nag-scribble lang ako sa pages no'n at nang makahanap ng isang pahina ay saka ko binasa ang nasa loob no'n.


Pa,

Happy Christmas!

Kumusta po diyan sa heaven, malamig din po ba diyan? Dito po kasi sobrang lamig. I have to stop myself from going outside just to stay heated. Paskong-pasko, may blizzard na dumating :(

Pero wag kang mag-alala Pa, may handa naman kami dito. Ian and Bettina's here with me so my Christmas is still happy. By New Year, Daphne and Allie will be back, Kyle will be celebrating with us too. So, I guess we're all fine here. I hope you are too.

Nauna na rin po sila Mama mag-Noche Buena. Ang dami nilang handa doon Pa, nakakainggit. Di bale, dalawang taon na lang naman, makakauwi na rin ako. Mararanasan ko na ulit ang Pasko sa Pilipinas. Wala na rin akong mamimiss na events.

Sige Pa... Baka maubusan na ako ng handa. Matakaw pa naman si Ian. Bye :)


And so it came back to me.

Wala na akong mamimiss pa na events...


It looks like I'm about to break that one, huh?






Continue Reading

You'll Also Like

557K 29.8K 44
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.4M 34.1K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...