Royal Academy ♚

By Iceprincess_Eve

3.4M 97K 6K

This is about a girl with a very simple life. Until that day came... A day she needs to face... That day chan... More

PROLOGUE
CHAPPIE 1 ♚
CHAPPIE 2 ♚
CHAPPIE 4 ♚
CHAPPIE 5 ♚
CHAPPIE 6 ♚
CHAPPIE 7 ♚
CHAPPIE 8 ♚
CHAPPIE 9 ♚
CHAPPIE 10 ♚
CHAPPIE 11 ♚
CHAPPIE 12 ♚
CHAPPIE 13 ♚
CHAPPIE 14 ♚
CHAPPIE 15 ♚
CHAPPIE 16 ♚
CHAPPIE 17 ♚
CHAPPIE 18 ♚
CHAPPIE 19 ♚
CHAPPIE 20 ♚
CHAPPIE 21 ♚
CHAPPIE 22 ♚
CHAPPIE 23 ♚
CHAPPIE 24 ♚
CHAPPIE 25 ♚
CHAPPIE 26 ♚
CHAPPIE 27 ♚
CHAPPIE 28 ♚
CHAPPIE 29 ♚
CHAPPIE 30 ♚
CHAPPIE 31 ♚
CHAPPIE 32 ♚
CHAPPIE 33 ♚
CHAPPIE 34 ♚
CHAPPIE 35 ♚
CHAPPIE 36 ♚
CHAPPIE 37 ♚
CHAPPIE 38 ♚
CHAPPIE 39 ♚
CHAPPIE 40 ♚
CHAPPIE 41 ♚
CHAPPIE 42 ♚
CHAPPIE 43 ♚
CHAPPIE 44 ♚
CHAPPIE 45 ♚
CHAPPIE 46 ♚
CHAPPIE 47 ♚
CHAPPIE 48 ♚
CHAPPIE 49 ♚
CHAPPIE 50 ♚
CHAPPIE 51 ♚
CHAPPIE 52 ♚
CHAPPIE 53 ♚
CHAPPIE 54 ♚
CHAPPIE 55 ♚
CHAPPIE 56 ♚
CHAPPIE 57 ♚
Author's Note :
CHAPPIE 58 ♚
CHAPPIE 59 ♚
CHAPPIE 60 ♚
CHAPPIE 61 ♚
CHAPPIE 62 ♚
CHAPPIE 63 ♚
CHAPPIE 64 ♚
CHAPPIE 65 ♚
CHAPPIE 66 ♚
EPILOGUE
Author's Note :
Σ( ° △ °|||)︴

CHAPPIE 3 ♚

94.2K 2.5K 139
By Iceprincess_Eve

Pauwi na kami ni Auntie galing MA. Papikit na sana ako habang nakasandal ang ulo sa bintana ng sasakyan, nang maalala kong tatawagan ko pa pala si Bestie.

Kinapa ko yung phone ko sa loob ng bag at saka nagdial kay Bestie. At saka muling ipinikit ang mata. Nagready na rin ako sa bunganga niya kasi baka magkaroon ako ng sakit sa puso sa gulat.

Ilang rings lang at sinagot naman niya agad.

"Hi bestie!!" sigaw niya sa kabilang linya. Nilayo ko saglit yung phone sa tainga ko at napangiwi nalang. Sinasabi na nga ba.

"Exaggeratedly best, you're shouting at me." sabi ko.

"Masanay ka na best.. BTW, pakisabi sa Auntie mo 'Good afternoon'." Sabi niya.

"Auntie, Good afternoon daw po sabi ni Best." nilingon ako ni Auntie at tumango. Ang akala ko nga ay magagalit siyang nagtagalog ako pero buti nalang at hindi.

"Ayan, saan ko ba sisimulan? Ay, oo nga pala.. I have a crush na!" Sigaw niyang muli. Kailan kaya matututo itong babaitang 'tong bumulong kahit minsan lang. Ang harsh ha.

"Psh. You have soooo many crush since then, hindi na yan bago." Sabi ko sa kaniya at muntik nang mapaikot ang mga mata. Nilagay ko yung isang kamay ko sa lap ko.

"I know, but this time.. I think... I just think.. I'm in love with him? I'm not really sure but.. errr~~ gosh best, napapagaya na ako sa pagenglish english mo! Ano ba kasing klaseng rule kasi yan!?" Gusto ko sanang sabihin na ang corny ng pagkakasabi niya sa 'I'm in love with him'. Pero naisipan kong wag nalang. Lamporeber parin.

"Haha! Push. Who's that unlucky guy, then?" tanong ko.

"Ay grabe, unlucky talaga? Si Cymon Nuvelle. Grabe ang hot at ang gwapo niya! Ulam na kanin pa! Si Stephen naman, admiration lang, gwapo rin kasi." Teka, familiar sakin ung name.

"Are they famous?" tanong ko. Sa pagkakaalala ko kasi, halos lahat ng naging crush/ex niya, puros famous.

"Oo namern! Dalawa yun sa grupo ng boys na malalakas at gwapo! Yieeee! Sabi ko kasi sa'yo dito ka na eh! Edi sana magkasama tayo ngayon plus mamemeet mo pa sila sa personal~!" Ayy, kaya naman pala familliar. Mga peymus pala. Siguro narinig ko na yun kung saan.

"No worries, atleast our communication is still on going right?"

"Yeah right... No one could tear us apart."

No one could tear us apart.......

No one could tear us apart.......

No one could tear us apart.......

Parang narinig ko na yun dati. Aray! Biglang kumirot sa sakit yung ulo ko. Napangiwi ako't napahawak sa ulo ko.

"Auntie! Ung ulo ko po ang sakit!" At saka nabitawan yung phone. Hindi ko na alam kung saan bumagsak basta sobrang sakit ng ulo ko.

Napahawak yung isa ko pang kamay sa ulo ko at saka ako yumuko.

"Sige, excuse ka muna ngayon sa household chores. Magpahinga ka muna." Hinawakan ni Auntie yung mukha ko at maya maya, nakarating na kami.

Actually, may maids naman kami sa paligid kaso, ako yung paboritong utusan at pahirapan ni Auntie. Lupet kaya niyan mag-utos. Kapag babagal bagal ka, makakatanggap ka ng napakaraming datdat tapos siya pa magagalit kasi parang pagong daw kuno kung kumilos.

Nakapasok na kami nang gate at pinark na ni Kuya Driver yung kotse. May tinawag si Auntie na maids para alalayan ako pagbaba. Kinuha na rin nila phone ko sa kotse at bag, at saka iniabot sa akin




-------------




Nandito ako sa kama ko. Nakahiga.

Ano kayang mayroon sa ulo ko? Hindi naman ako nabagok. Wala namang nambatok sakin ng malakas or what. Baka stress lang 'to,

Urgh, stress!

Biglang nagring yung phone ko na nakapatong sa gilid ko at agad na nabaling doon ang tingin ko.

Kinuha ko ito agad at sinagot nang mapagtantong si Bestie iyon.

"Hey bes buti nandito na ako sa bahay at hindi na kailangan magenglish, sorry nga pala kanina." Medyo ramdam ko parin yung sakit ng ulo ko.

"Hay naku bes, nakakanosebleed attack naman yang rule na yan! BTW, okay ka lang!?" tanong niya, na parang nagpapanic. Sobrang maalaga talaga 'tong si bestie kaya lab ko yan :)

"Ito, sumakit kase ung ulo ko kanina... sorry ulit." Umupo ako nang dahan-dahan at sinandal ang likod sa dulo ng kama.

"Okay lang yan best! Basta magrest ka lang diyan at makinig sa story ko... Kyaaahhhhh!!!!! Kakileegggg!!!" sigaw niya. Agad na nilayo ko ung phone ko sa tainga ko kasi, for sure mabibingi na ako.

Nilapit ko na ung phone sa tainga ko nang tumigil siya sa kakatili.

"Ear drums ko best, mababasag na talaga soon." sabi ko sa kaniya habang nakangiti.

"Sarreh, okay? Sarreh. So, ayun na nga, si Andre. Kinausap nya ako kanina sa Hallway!!!!!" Wtfff! Yung eardrums ko ㅠ . ㅠ

Nilayo ko ulit yung phone, Hay nako bestie.

╮(╯︿╰)╭

"Best, please lang. Ilayo mo yung phone mo kapag sisigaw ka para hindi naman mabasag yung eardrums ko noh.

BTW, ano ung sinabi niya sa'yo? Wait, baka ikaw ung nau--"

"Ya'right best. Ako ung naunang kumausap sa kaniya." Ramdam ko parin sa boses niya yung kilig at tuwa niya.

"Huwag mong paasahin ung sarili mo best. Alam mo best, nagpapahalata ka e. Dapat hindi ka nagpapahal--" Pinutol niya yung sinasabi ko.

"Geez best, Wag mong I-on yang Serious Mode mo diyan..." she said. Natrauma na yata yan sa serious mode ko. Lol

"Gusto lang naman kitang tulungan best, syempre bilang bespren, ayaw kitang masaktan ulit noh. I'm just giving you an advice." Dati kasi, yan yung ginawa niya sa lalaki na itago nalang natin sa pangalang BOY.. Tapos, siguro nalaman ni Boy or nahalata yung pagkagusto ni bes sa kaniya kaya ayun, hindi alam ni bes na marami pala itong tinatawag na babe. Pinaglaruan lang pala siya.

Kilala rin kasi ang ugok na yun bilang badboy ng campus. Akala mo naman may ibubuga, ni hindi naman ganoon kagwapo.

"Okay lang naman best na mag-advice ka like you usually do. Please lang, for pete's sake. Wag mong I-on yang serious mode mo... Hashtag NakakatakotUngSeriousModeMo."

"Okay." Kay habang hashtag naman yata nun.

"Ayan, mas okay pa. So ayun na nga, kuha ka nang notebook diyan or paper or kahit anong pwedeng sulatan. Kuha ka na rin nang ballpen or pencil. Isulat mo yung sasabihin ko sayo..." Sinunod ko siya at nagsimulang magtaka. Pero imbis na magtanong, ipinagkibit balikat ko nalang.

Ipinatong ko yung nakabuklat na notebook sa tuhod ko.

"Tapos?"

"Isulat mo 'to.

Rex Dimaano
John Luke Acostan
Cymon Nuvelle
Kodie Austria
Stephen Andre Cuestas

Nasulat mo na!? Haa?"

"Yep. Noted. Ano bang gagawin ko dito?" Inihagis ko yung ballpen ko sa notebook ko at gumulong ito pababa. At saka paulit-ulit kong binabasa yung pinapasulat niya sakin. Names?

"I-search mo yan sa facebook dali!" Sigaw niya. Mabuti nilalayo na niya ung phone niya. Kaya hindi na masyadong masakit sa tainga.

"Okay, okay... Atat?!" kinuha ko ung laptop ko sa puting bedside table

Binuksan ko then clinick ko ung facebook. Syempre tinype ko ung email ko at ung mahaba kong password.

"Ano na best?!! Nasearch mo na?!!!"

"Ito na, wait ka lang diyan." Sabi ko sa kaniya.

Una kong sinearch si Rex.

Okay? He's cool n cute. Marami din siyang friends. Thousands!

"I-add mo sila best!" Kinikilig na sigaw niya.

<( ' ー `)>

"Na-ah, ayoko, magmumukha pa akong stalker na gaya mo."

"Dali naaa! Tapos like mo yung profile pictures at cover nila ha?" Pilit niya sakin.

"Psh. Ayokong maging stalker gaya mo okay?"

"Hay naku.. Shige na nga! Babush muna ako.. May training pa kami(nandito silaaaaaa!) Basta tingnan mo ung pictures nila ha?" Excited na sigaw niya at saka inirolyo ko yung mata ko.

"Okay, okay. Fine, bye." Siya na yung nag-end ng call.

Tiningnan ko yung photos ni Rex. Urgh, Feeling ko I'm becoming a stalker.

And, I hate it. I freaking hate it! >...<

Pero for Best's Sake. Err~

Stalker mode muna ako, pero ngayon lang talaga 'to pramis.

Sinearch ko naman si John Luke.

Cute din naman, chinito.

Next naman si Cymon, yung 'crush' daw ni best.

May puting buhok,(lolo na ba siya? Charot) Okay lang naman, gwapo naman.

Si Kodie naman, okay? Gwapo rin, super. Brownish ang hair niya and maputi.

Si Stephen naman,

Gwapo rin, astig bruh pero halos lahat ng pictures niya, abot langit ngiti niya. Anyway, mas gwapo parin naman si--- Urgh, nevermind.

Pake ko ba sa kanila? As if namang mahuhumaling ako sa kagwapuhan at kaputian nila.

To Bestie <3 :

Hello ulit best.Urgh, ginawa mo naman akong stalker. Sino ba yung mga yun? Yun ba ung sinasabi mong 'Group of Boys?' kanina. Cool naman sila pero mas cool ako :P

Goodluck nga pala sa training! Labyu ❤ Fighting!

Binalik ko na sa sarili kong timeline pagkatapos mangstalk. I still can't accept the fact na nangstalk ako. T^T

Naglike ako sa profile picture nung Stephen Andre. Yun lang at wala na akong iba pang ginawa.

Maya-maya nanlaki ang mga mata ko. Paano kasi, nagulat ako bigla nalang nagpop yung 38 friend requests.

Tiningnan ko kung sino-sino sila. Bat ang dami naman yata. Hindi ako sanay.

Tiningnan ko yung mga pangalan nila. Hindi ko naman to mga kakilala. Wala din naman akong kapareho ng surname kaya for sure hindi ko 'to kamag-anak or what.

Napastop ako sa pagtitingin ng mga pangalan ng strangers hanggang sa nagvibrate yung phone ko.

From 0915******* :

Yo, ikaw ba si Hazel? Ung bestfriend ni Dyana?

Text back, ASAP.

-Stephen Andre

Wtf? Wait, pano niya nakuha ung number ko? Don't tell me na dahil lang sa paglike ko sa profile picture niya a minute ago kaya siya nagtext?

Don't tell me na binigay ni Bestie sa kaniya? Hay naman oh! *face palm*

Sinave ko muna ung number niya sa contacts ko bago ako nagreply.

To Andre :

Uhm, hi stranger, paano mo nakuha ung number ko? And yeah, ako nga. Bakit?

-Hazel

Sinend ko na sa kaniya. Tinigil ko muna ung pag-FB ko at tumitig sa phone. Ang creepy, kakalike ko lang kanina tapos bigla nalang siyang magpa-pop sa phone ko.

Seriously?

Maya-maya, nagvibrate ulit yung phone ko na ikinagulat ko. At nang tignan ko kung sino, si Stephen Andre parin.

From Andre :

Haha! Sinave mo agad ung number ko? XD

About sa pagkuha ng number mo,

Nagtetraining si Dyana nang magring ung phone niya. Kaya, ako na yung nagbasa. Kinuha ko na rin yung number mo.

Ahhh, okay...

Wait, what?



(/ㅇ_ㅇ)/╭ ┴┴







_
A/N:
Awesome covers above by  maruochiba

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 397 68
Koleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.
2.9M 93.4K 68
Witness the magical journey of Kathylina Amara Ferrtollo! Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Magical #1 in Academy #1 in Elite #78 in Teen-Fi...
187K 5K 56
book 2 po ito ng Z.A.. dapat po nabasa nyo muna ang book 1 para maintindihan ang book2... tnx...
258K 1.4K 8
Magics? Powers? Hindi ako naniniwala dyan. Sa books at movies lang merong ganyan. 'Yan ang paniniwala ko NOON pero nagbago ang lahat dahil sa pagigin...