BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirty-Four

24 0 0
By katnisssss

"Bakit Anthony ang tawag mo kay Logan? Ate, ano bang nangyayari? Ano ba yang mga sinasabi mo?"


Kung noong una ay gustong-gusto ko nang malaman ang lahat, ngayon naman, parang gusto ko na lang umatras. Na di bale nang hindi ko na malaman, di bale nang mabaon iyon sa limot.


Hindi niya binigyang pansin iyong mga tanong ko. Nagpatuloy lamang siya. "Ako ang nakipag-break sa kanya..."

Natigilan ako. Maski ang paghinga ay hindi ko na magawa ng maayos.

"Alam kong sinisisi mo siya sa kinahantungan naming dalawa, kaya sasabihin ko na sa'yo." Hinawakan niya ang mga kamay ko at mataman akong tinitigan. "Wala siyang kasalanan, Angela. Ako ang may kagustuhan nito."


But still, Logan shouldn't allow her with what she wants.

Gaya nga ng sabi ko, silang dalawa ang nasa isang relasyon at silang dalawa lang dapat  ang magpapatibay no'n. If one of them is falling, then the other should support, keep the former against falling and crashing.

Sa ginawa ni Logan, hinayaan niya lang si Ate Ruth na tuluyan nang mahulog kaya ganito ang nangyari. Kaya kahit ano pa mang gawing pag-ako ni Ate Ruth sa kinahinatnan ng lahat, may kasalanan pa rin si Logan.


"Hindi pumayag si Anthony sa gusto ko. Ilang araw ko siyang hinarap dahil doon, pero ayaw niya talaga. Nang sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko, na kung sakaling ipagpapatuloy pa namin ito, pareho lang kaming masasaktan. Doon na tuluyang nabuwag ang lahat." Huminga siya ng malalim. "At hindi ko iyon pinagsisihan. Hinding-hindi ko iyon pagsisisihan"

Hinayaan ko siyang magpaliwanag.

"Angela, hindi siya bumitiw gaya ng iniisip mo. Alam mo kung bakit? Kasi ayaw niyang mawalang-bahala ang mga pangako niya sa'yo."


Does anything makes sense? Bumitaw pa rin siya di ba?

I really don't understand this conversation at all.


"Mahal ka ni Anthony, Angela. Higit pa sa isang kaibigan. Higit pa sa isang kapatid."

Umiling ako sa sinabi niya "Hindi Ate Ruth. Ikaw ang mahal ni Logan! Kaya nga naging kayo di ba? In the first place, hindi naman magiging kayo kung walang nagtapat ng pagmamahal. Kung walang nagsukli." Naiiritang tono ang ginamit ko.

"Hindi mo ba talaga napapansin? Overprotective siya sa'yo..." Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa mga kamay ko. Panay ang iling ko.


That's a nonsense reason!

He's being overprotective 'cause that's what he promised! Malamang hindi siya magiging ganoon kung hindi naman iyon sinabi ni Papa sa kanya. 


Huminga siya ng malalim nang makitang hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. "Importante bang may label sa inyong dalawa para masabi lang na nagmamahalan kayo? Yo'n ba yung basehan para ipadama niyo sa isa't isa yung nararamdaman niyo?"

"Hindi ba ganoon dapat?" Nangunot ang noo ko.


This is too much! I really don't get anything at all!


Marahan siyang umiling at mahinahong nagsalita. "Love is mysterious, Angela. Wala itong pakialam kung nasa loob ka man ng isang labeled relationship, ang importante ay iyong nararamdaman. Balewala ang isang relasyon kung wala namang koneksyon sa inyo."


So, magpapaka-martyr ka ganoon? Hindi importante ang label? So, it's gonna be a give and take relationship, then? Kaya magiging madali na lang ang bumitaw at umalis kasi wala namang relasyon ang nagdudugtong sa inyo? It has been easy to fall in and out of love?

Well, if that is so...


Love is bullsh*t!


 "Tara na, Ate" Tumikhim ako "Baka hinahanap na tayo nila Ian. Kailangan na nating makaalis bago mag-tanghalian."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dumiretso na agad ako ng lakad.


Ayoko nang marinig pa ang anuman tungkol sa pag-ibig.


--


Past eleven na nang makarating kami ng Manila.


Nakatulog ulet ako kaya naman hindi ko na napansin pang naihatid na pala naman si Ate Ruth sa kanila. Wala na rin si Logan sa loob ng sasakyan.

"Wala na po sila... nakauwi na."

Hinarap ko si Ian nang marinig ang sinabi niya. Iniwas ko din naman ang mga mata ko nang makasalubong ang nakakakilabot niyang mukha na nakangiti. Ano na naman kayang naiisip ng isang 'to?


Nasa harap na rin kami ng bahay namin. Sarado na rin ang mga ilaw.

Tulog na siguro si Mama. Masyado na ring late. Baka sobrang nagpakapagod na naman yun sa store.


"Salamat sa paghatid, Ian. Salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan sa buong linggo natin sa Baguio. Salamat talaga." Sarkastiko ang pagkasabi ko no'n.

Tumawa lang siya. "Walang anuman"


Bwisit!


Binuksan ko na ang pintuan ng passenger side. Hindi man lang niya magawang mag-sorry o kahit katiting na paghingi ng pasensya. 


This is the thing. Nagtutulong-tulungan silang tatlo laban sa akin. I don't know for what purpose are they trying to pursue with all these talks. Ang tanging alam ko lang ay hindi ko nagugustuhan ito. Hinding-hindi ko magugustuhan.


"So, sa Boracay na lang a?" Dugtong niya pa nang makalabas na ako.

Umirap ako sa kawalan. "Yes, your highness!" Nag-ala maryordoma pa akong bow sa kanya.

"Goodnight, Ange--" Bigla niyang natutop ang bibig niya at kindat sa akin. "Babe pala" 

Kinunotan ko nga siya ng noo. Winalang-bahala niya lang iyon at saka paandar ng mabilis doon sa sasakyan niya.


Ian!!! Humanda ka sa Boracay! Lulunurin kita doon! Makikita mo!

Padabog kong binuksan ang gate namin. Nanatiling kunot iyon hanggang sa makaabot ako sa pintuan ng bahay.

Kakatok na sana ako nang biglang tumawag si Mama. Akala niya siguro mamaya pa kami uuwi.


'Hello Ma. Andito na po ako sa labas ng baha--'

'Ha? Hindi mo ba natanggap yung text ko?'

Nangunot ang noo ko. Anong meron? Wala ba siya dito sa loob? 'Anong text Ma? Kakababa ko lang po ng kotse ni Ian, andito na ako sa harap ng pinto. Wala po akong susi dito' 

'Naku! Wala na ba diyan si Ian? Nagtext ako sa'yo kung pwede sana doon ka na muna tumuloy sa tinutuluyan niya. Wala ako sa bahay ngayon, baka bukas pa ang uwi ko. Nag-aya din kasi ang Tita Marie mo, hindi ko naman siya mahindiian.'

So, dito ako matutulog sa labas? 'Ma, e san po ako matutulog?'

'Hindi mo ba pwedeng itext si Ian? O kaya kila Logan ka na muna?'


Malamang mag-iinom na naman si Ian. Wala pa yun sa hotel, panigurado. At isa pa, asar na asar na ako sa mukha niya, gusto ko kahit isang gabi man lang, hindi ko maramdaman ang presensya ng bading na iyon. Mas lalo naman si Logan. Gusto ko na lang muna malayo sa kanila pansamantala.


Napakamot ako ng ulo.

May taxi pa kaya na dadaan ngayon? Maghohotel na lang siguro muna ako?


'Angela, hija?' Narinig kong bigla ang boses ni Tita. Nagbigay ako ng atensyon. 'Doon ka na lang muna sa bahay. May susi naman si Logan, hindi ba magkasabay kayong umuwi? Sasabihan ko rin siya nang maayos na yung guest room. Kumatok ka na lang din kung sakali.'

'A-ayos lang Tita...' Siguro naman nandoon si Mia, ano?

'Pasensya ka na hija. Biglaan din kasi itong plano. Sayang nga at wala ka, girls bonding pa naman din ito' Wala si Mia?! Sshhh! Relax Angela! Nandoon naman si Tito.

'Wala rin ang Tito mo, may business tour sa Singapore. Kumportable ka naman kay Logan, hindi ba? Hayaan mo at kapag may ginawa sa'yo 'yang batang yan, naku, sa'kin siya malalagot.' Ano ba namang buhay ito!

Napaupo ako sa gilid ng pintuan.

'Hello?'

'Tita!' Inayos ko pa ang boses ko. 'Si-sige po. Kakatok na lang po ako doon sa inyo, pakisabihan na lang po si Logan. Salamat po.'

Naramdaman ko ang ngiti niya sa kabilang linya. 'Huwag kang mag-alala, bago ka pa man bumalik ng Amerika, makakasama ka na sa girls bonding talaga natin.'

Tumango-tango na lang ako kahit alam ko naman na hindi niya rin iyon makikita.


Wala na bang katigilang malas ito? Sapu-sapo ko ang ulo ko.


Bahala na nga!

Just one night! Bukas uuwi na rin naman si Mama.

Magtitiis na lang ulet ako ng isa pang gabi. At ano namang mangyayari kung sakali di ba? Itutulog ko lang naman ito.

Right, We don't need to talk. We won't talk. I mean, if the thing to be told is necessary, then I'll consider talking. But after that, we'll just sleep.


Unti-unti akong naglakad papunta sa bahay nila.

Sana naman nasabihan na siya ni Tita. Ayoko nang makipag-debate pa kay luga. Gaya ng sinabi ko, ayokong makipag-usap sa kanya.

If he was about to ask me why I'm staying for the night, then there will be longer conversations. And that's not a good thing.


Nasa harapan na ako.

So what should I do next? Kakatok ba ako o doorbell na lang para mas rinig niya? Ano ba nga namang silbi ng doorbell kung hindi gagamitin di ba?

Hay! Ano ba yan Angela! Just do it! Gusto mo bang matulog sa kalsada?


Para na akong baliw na nagsasalita sa sarili ko.


Pipindutin ko na ba o mamaya na? Baka kasi hindi pa siya nasasabihan? So I should've take more minutes before I ring?

No. I should ring now. As in... right now!


Kaya mo yan, Angela! Remember... just for one night. After this, you'll be back to your normal life, again... Huminga ako ng malalim.


Pipindutin ko na sana yung doorbell nang bigla namang bumukas ang gate. Agad siyang iniluwa no'n.

Pareho lang kaming nagkatitigan. Hindi man lang nag-register sa utak ko kung ano nga ba yung pakay ko sa kanila. Parang sa sobrang pagka-bigla ko, nawala na sa utak ko yung dapat na gagawin ko.

"Ahmm... tumawag si Mommy... s-sabi kailangan mo daw ng saklolo?" Siya ang nag-wasak ng katahimikang namuo sa amin.

Umayos ako sa pagkakatayo. "Ahh. Nasabi na pala sa'yo ni Tita." That's good! "Wala kasi si Mama, wala rin naman akong susi ng bahay kaya kung pwede..."

"Bakit di mo tawagan si Ian?"

Nabigla ako sa biglaang tono niya pati na rin doon sa tanong. Bakit nga ba?


Dahil may pupuntahan pa siya... Dahil ayoko munang makita ang nakakaasar niyang mukha... Dahil...


"Mabuting hindi mo nga siya tawagan. Wala akong tiwala sa isang yo'n."

"I beg your pardon?"

"Wala! Tara na, pumasok ka na." Hinayaan niya akong makapasok sa loob. Nakasunod siya sa akin habang patuloy ang satsat.  "Sana hinintay mo na lang ako doon, baka napano ka pa sa daan habang naglalakad. Mag-aalas dose na, marami nang rapists ang nagkalat."

"Ilang hakbang lang naman ang ginawa ko."

"At bakit ang tagal mong mag-doorbell?"

Humarap ako sa kanya saka kumunot ng noo. Lumayo naman siya ng tingin sa akin. Alam niyang kanina pa ako sa labas ng bahay nila? What the--


Gusto ko sanang itanong kaso baka lalo lang humaba ang usapan. Naka-kota na naman kami ehh. Ilang salita na rin ang nabitiwan ko.


Ang huling pasok ko dito sa bahay nila ay noong nagpaalam ako papunta ng US.

I wonder how the structure changed after those years I've been gone.

Hindi naman masyadong nagbago ang labas, mas nadagdagan nga lang ang mga halaman na nakapaligid doon sa walls ng bahay. Mukhang sumisigla na rin ang garden nila dahil doon sa mini-fountain at grotto na kakalagay lang no'ng isang taon.

What I'm excited is with the inner building of the house. For sure, Tita made some changes. Taon-taon naman ang pagpapalit nila ng disenyo ng bahay.


"Pasensya ka na, kalat-kalat pa yung gamit ko. Wala rin kasi yung ibang katulong, sinama ni Mommy." Nakita ko nga ang mga gamit niyang nagkalat.

"Hanggang ngayon, sa katulong mo pa rin inaasa" Bulong ko

"Ano yun? Nagsasalita ka mag-isa diyan." Umirap ako habang nakatalikod siya. I'm not talking to myself! Sa'yo kaya ako nagkocomment, pero dahil ayokong marinig mo, kaya binulong ko na lang. "Kumain ka na muna bago matulog. Ayos naman yung guestroom kaya wag kang mag-alala."

Nilapag ko - as neat as possible - yung mga gamit ko sa may sofa. Sumunod din ako sa kanya sa may kusina.

Nakita kong ngumunguya na siya ng isang cupcake doon. "Pasesya na, puro sweets lang" Aniya habang punong-puno pa ang bibig niya. "Dinala ata nila Mommy lahat ng pagkain sa ref at ayan lang ang itinira"

Kumuha ako ng isa. I'm not use to eating sweets lalo na't gabi na. Pero dahil na-miss ko na rin ang mga pastries ni Tita kaya minabuti kong kumuha ng isa.

Ninamnam ko ang ginawa kong kagat.


Iba pa rin talaga si Tita. She's really the master of baking!


Naaninag ko ang pagtawa ni Logan sa harapan ko.

"Bakit?"

Umiling siya.

Kumunot ako ng noo. "Ano nga yo'n? Bakit ka tumatawa diyan?" Panay ang hagikhik niya sa isang tabi. "May icing ba sa mukha ko?" Sabay punas ko. "Nalagyan ng chocolate yung ngipin ko?" I cleaned my teeth using my tongue.

"Wala!" tawa pa niya


Bwisit! E kung wala pala, bakit siya tumatawa? Nababaliw na naman ang isang 'to e.


"Nakakatuwa ka lang panoorin. Kaya hindi tumitigil si Mommy sa kaka-bake niya e, kasi gustong-gusto mo yung mga gawa niya. Does it really tastes good?"

Umirap ako.


So, he's laughing at my reaction, huh? Tingnan lang natin!


Unti-unti akong lumapit sa kanya. Slow motion para mas intense.

Nawawala na rin halos ang tunog ng tawa niya at halos magseryoso na rin ang itsura niya. Umatras pa siya ng kaunti para makalayo sa akin. Ramdam ko rin ang kaba niya sa bawat hakbang na ginagawa ko.


What's to be afraid for?


"A-anong ginagawa mo?" Utal niyang tanong

"Gusto mong malaman kung masarap di ba?" Isang malambing na boses ang ginamit ko.

"Angela..." Pagbabanta niya. "Tigilan mo yan! Hindi nakakatuwa!"



Ano bang iniisip niya? HAHAHA


Napangisi ako lalo nang matanto ko kung ano nga kaya ang maaaring nasa utak niya ngayon. "Oh yes, it is!"

Isang huling hakbang ang ginawa ko para magkalapit kaming dalawa. Ramdam ko na ang pagbigat ng hininga niya.

Nanlalaki ang mga mata niya habang hinihintay kung anong gagawin ko.

Isang ngiti ang ginawa ko. "Gusto mong tikman? Masarap naman. Sobra!"

"Angela--"

Ngiting-ngiti ako habang pinapakinggan ang bigat sa mga hiningang ginagawa niya. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin, still warning me with this whole joke.


Nang mapagod ako sa eksenang iyon, saka ko na naisipang gawin ang plano ko.

I'll put all the icing on his face. If there's still time, maybe I'll draw something using it. Ganti lang sa ginawa niyang pagtawa sa akin kanina.

Kaso bago ko pa man iyon magawa, naramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumampi sa labi ko.


His eyes are close, and I can taste some aftertaste of the cupcake from his mouth. I'm sure it wasn't just a smack too cause he moved his tongue inside my mouth.

Sh*t! He's kissing me!


Maya-maya pa ay bumitaw na siya sa akin. Tulala lang ako sa nangyari.

"Sh*t!" Tumakbo siya palayo sa akin.















Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!