Fadeless (ML, #5)

By frappiness

216K 5K 416

Akala ni Grace Encarguez ay alam na niya ang saklaw ng pag-ibig. Naging pundasyon niya sa kanyang puso ang pa... More

Fadeless (ML Series #5)
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending

Chapter 8

3.4K 72 4
By frappiness

Chapter 8

Dali-dali


Minsan hinahanap-hanap ko pa rin ang eyeglasses sa aking mukha kahit hindi ko naman suot ito. Bigla-bigla na lamang akong mangangapa kahit wala naman ito. Ilang taon na rin akong nasanay.

Dali-dali akong naglakad palabas ng building upang maabutan ang game nina Chico sa gym. College week kasi namin ngayon. Hindi ko alam kung maabutan ko pa ito. Hindi naman kasi namin o ako inaasahan na magpapaklase iyong isang minor subject namin. Hindi tuloy nakapasok si Chico o si Jared o sino naman kasama sa team ng 2nd year ngayon.

"Matatapos na raw Carmela?" Napalingon ako sa kanan nang may nagsalita, kaklase ko si Erin. Hawak niya ang phone sa kamay at sabay kami ng bilis ng paglakad palabas.

"Talaga? Sino nagsabi?" tanong ko.

"Si Seth, di pumasok 'yon, nanood lang ngayon," anito, may halong dismaya. Boyfriend niya kasi si Seth. "Sige, tatakbuhin ko na ah," she added. Tumango na lamang ako, at si Erin nama'y tumakbo na.

Binilisan ko na rin ang lakad ko hanggang sa nakalabas ng building. Iilang estudyante ang nakasalubong. Iilan highschool student ng COAS, ilan nakasibilyan, college. Ang init ng sinag ng araw ay hindi naman masakit sa balat. Tumakbo na ko papunta sa gym. Iilang estudyante ang nakakumpol sa entrance nito. May iba napapasigaw na. Kumabog ang dibdib ko sa nakikita ko. Napakagat ako ng labi sa kaba. Mas lalong bumilis ang kilos ko para lang makapasok sa gym. Dirediretso ako hanggang sa napatigil ako sa pito ng referee. Naabutan ko ang dalawa sa gitna ng court na nagsusuntukan. May jersey number 14 iyong isa, iyong isa nama'y jersey number 5.

"Shit," I cursed under my breath.

Pumito muli ang referee nang may matumba sa dalawa. Si Jared iyon. Natumba sa sapak ni Chico sa kanya. Mabilis ang kilos ni Tim, pinsan ni Jared, at agad na nakaamba. Sinuntok niya si Chico sa panga, dahilan upang muntikan ng matumba si Chico. Nagsisigaw ang tao sa loob.

Ngunit nanatili pa ring nakatayo si Chico, nakangising tinitignan si Tim.

I gasped.

"Putangina," singhal ni Tim, nakaamba muli. Ngunit naunahan siya ni Chico, nakabawi ito at sinapak niya si Tim. I gasped. Galit na galit ang mukha ni Chico, pula, at igting ang panga nito.

Francisco is bringing hell right now.

I can't make a single move.

"Fuck!" Timothy cursed. Duguan ang ilong nito. "Alegre, a fucker." Nakaupo si Tim na pinupunasan ang gilid ng labi, at napangisi. Tumawa saglit, at tumayo. Si Jared naman ay naka-recover na at pumunta sa pwesto ni Tim. Nang papasugod si Tim ay hinawakan ni Jared si Tim sa braso. Dahil si Jared na ang sumugod kay Chico, at sinapak ito sa mukha. Nanlaki ang aking mata. Napahawak ako sa bibi ko.

Natumba si Chico.

"Shit. Shit. Shit." I clenched my hands. Dali-dali na akong lumakad sa pwesto nila. Ngunit lalong nagkagulo sa loob ng gym. Mas lumakas ang tilian at sigawan. Lumipad ang mura sa paligid. Nakita ko na lang ang ibang pinsan ni Chico na sumugod. Sina James at Cid. Hindi ko na alam kung sino pa. Iyong mga pinsan din nina Jared at Tim ay sumugod na.

Shit.

Mabilis ang kilos ko na makapunta sa pwesto nila ngunit dumagundong ang buong gym nang may magsalita gamit ang megaphone.

"HINDI BA KAYO TITIGIL?"

Halos huminto ang kilos sa buong gym. Nawalan ng tao sa gitna, natira sina Chico at mga pinsan niya, at sina Jared at mga pinsan niya.

Napapikit ako ng mariin. Naistatwa sa aking pwesto. Narinig ko muli na nagsalita iyong gumagamit ng megaphone. Iilang bulungan din ang lumipana sa paligid, hanggang sa nawalan na tuluyan.

Binuksan ko ang mata ko. Saktong naglalakad na sina Chico, Jared, at Tim kasama ang ilang security ng COAS. Tinitigan ko si Chico na taas noo pa ang paglalakad. May hiwa ang labi nito dahil nagdudugo. Pinunasan niya ito. Diretso lamang ang tingin niya sa daan. Sina Jared at Tim nama'y kasama si Dani. Umiiyak ang kapatid ni Jared. Nang mapansin ng security si Dani ay pinatigil niya ito. Sinundan ko ng tingin sina Jared, Tim, Chico, at ang mga security palabas ng gym. Nahagip ng panangin ko sina Leigh at Sebastian. Leigh is saying something on the lady security na hindi kasama nina Chico. Nakita ko rin sina Lucy at Gaile na may kausap sa phone nila. They are all worried.

Shit, Densel. Shit.

Umiling ako. Dali-dali akong lumabas ng gym para sundan ang mga security. But they are nowhere to my sight. Hindi ko alam kung saan sila dadalhing tatlo.

Napakagat ako ng labi.

Argh. Saan na ba?

Naglakad ako at nagbakasakaling makita ko pa sila. Tumakbo na ko ngunit hindi ko pa rin sila nakikita. Nagtanong na ako sa mga naka-assign na security sa mga napupuntahan ko, ngunit wala pa rin. Kalahating oras na ang nagdaan ngunit wala pa rin. Tinignan ko ang cellphone ko, laking gulat ko may message. Why I wasn't checking my phone? Seriously?

From Chico:

Where are you at?

Napapikit ako. I am trying to hold on to the little calm I'd have. Binulsa ko ang phone ko. Napalunok ako. That text ruined my emotions. That text. He texted me, where are you at? Kanina kung makipag-away siya, hindi ko alam kung bakit siya sumabog ng ganoon na lamang. Kateam pa niya si Jared. Nangyari na 'to dati, e, pero ngayon, naulit na naman, silang tatlo na naman ang involved.

Nagmamadali akong naglakad papuntang gate. Uuwi muna 'ko.

I just lost my chill.

Napapailing na lang ako.

Nakalabas na ako ng COAS. Kapag talaga wala ka sa mood, doon 'yong punto na lalo ka pang maiinis sa mga mangyayari. Katulad na lamang ng walang jeep na ang gawi ay pa sa amin. Wala. Kung meron man, punuan. Napahilamos na lamang ako ng mukha. Mabuti na lang talaga wala na akong klase, kung hindi, hindi ko na alam.

My phone rings. Kinuha ko kaagad ito. His name appeared on the screen.

Chico calling...

May humintong Fortuner sa harap ko. Bumaba ang bintana nito. Bumungad ang mukha niya sa akin, nakangisi, hawak ang phone sa tenga, habang ang isang kamay nasa manubela.

"Why aren't you answering?" he asked.

Pinatay ko ang tawag niya.

Chico's face has bruised. Mayroon malapit sa cheekbone niya. Mayroon sa labi niya. Iyong kamay naman niya mayroon ding gasgas.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko siya.

Chico dialed again on his phone. My phone rang. Pinatunog ko saglit pagkatapos ay in-end ko. Kumunot ang noo ni Chico. Kumunot din 'yong akin.

Tinawagan niya muli ako. "Answer it."

Pinatay ko ang tawag.

Hindi pa rin ako umimik. Nagsubukan kami ng titig. But he's the one who gave up first. He growled. "I'm so—"

"Hindi ko kailangan niyan," mabilis kong sabi. "Anong meron? Why you kept fighting him? Them? Anong meron? 'Di ba wala na? Chico, pinag-usapan na natin 'to. Kung ano mang nangyari, dapat hindi mo na pinansin. As your best friend Chico, sabi ko na h'wag ng pansinin." Nanginig ang labi ko pagkatapos kong magsalita. Umiwas ako. "Nakakainis. H'wag mo muna kong kausapin. Pakiusap."

Nag-umpisa na akong maglakad. Hindi pa ako nakakalayo'y narinig ko siyang nagsalita. Napatigil ako, at hinarap siya.

"He wants you. Hanggang ngayon. What do you think should I do, Grace? I don't trust a Montefrio. Particularly him. That fucker." His jaw clenched. He looked away. Nakita ko ang pagpula ng paligid ng tenga at leeg niya. I saw his earing. "And his fucker cousin."

Umiling ako at pumikit. Pumunta muli ako sa pwesto niya. Pababa na sana siya ng kotse ngunit mabilis ang aking kilos, at sinara ang pinto.

"So what? Hindi ko siya gusto!" ani ko, inis na inis na.

"Sa ngayon wala, bukas, sa susunod na bukas, maaaring meron na. Hindi mo alam, Grace."

Napaawang ako ng bibig sa dahilan niya. Napailing ako. How could feelings change easily? Hindi kumukupas ang nararamdaman ng ganoong kabilis. Feelings, sometimes, are fadeless.

"Let's ends this."

"I don't want to end this if you're still mad at me."

"I am so mad of you," I stated. "And I want to end this. Itong pag-uusap na 'to." I glared at him. I glared at the bruises he have. I glared at Chico. Nanginig ang pisngi at labi ko sa sobrang inis.

"I don't want you mad, you know that," he whispered. He bit his lip. Pumikit saglit at binuksan muli ito. Sinuklay niya ang buhok. "Don't, please, love. Don't be mad." Nakiusap ang mata niya.

I closed my eyes and talked, "Okay." Huminga ako ng malalim. "Bukas na lang tayo mag-usap. Hindi ako galit." Tumingin ako sa mata niya. "Hindi na."

Lumakad ako palayo.

**

Halos lahat ng pwede kong pasahan ng resume sa Jobstreet.com, pinasahan ko. Nakatatlong oras din ako sa ginagawa ko. Browse. Search. Click. Send. Paulit-ulit na lang 'to sa mga nagdaang oras. Nakakatamad ding tumitig lang sa Facebook, dahil wala namang magagawa doon. Siguro si Gaile at Lucy lang dahil may pinost sila na photos, nitong bakasyon nila. May photo na silang magpipinsan. Isa-isa kong tinignan ang mga mukha nila. Halos lahat ng lalaking Sy, may mga babaeng kasama—I mean katabi. Hinanap ng mata ko si Chico. I stared at him. At sa babaeng hawak niya ang bewang, wearing an animal-print bikini. She was pouting her lips. Ngiting-ngiti naman si Chico sa photos.

Nag-log out kaagad ako sa Facebook.

Nakakunot ang noo ko nang magsearch na naman ako sa Jobstreet. Hindi ako maka-focus hanggang sa narinig ko ang tawag ni Nanay sa akin.

"Carmela, kakain na!"

"Opo!" sagot ko.

Ngunit binuksan ko ang email ko. Dahil nagbakasali ako na may sumagot na sa mga ini-email ko na company. Hindi naging matagal ang pagbukas nito. I have 99+ email, and almost doon ay from lina@jobstreet.com, hindi galing sa company na pinasahan ko.

"Carmela!" tawag ni Nanay.

"Ito na po!"

Tumayo ako, ngunit ini-scroll ko pa rin 'yong email hanggang sa napahinto ako dahil sa ibang email. Hindi from Jobstreet or sa mga pinasahan ko na company, pero galing kay Tita.

"Carmela Grace!" tawag ni Tatay.

Binuksan ko ang email ni Tita.

"Ito na, Tay!" sagot ko.

It was months ago.

Nang basahin ko ang unang pangungusap ay pinatay ko na ang monitor ng computer. Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

881 90 38
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is o...
4.6M 121K 53
"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She...
1.1K 697 33
Status: On-going Started: June 7, 2022 Most Impressive Rankings #1 Weapons #2 Thief #2 Steal Code Phoenix Bavinn is a strong, independent and smart w...
75.5K 3.6K 43
World Trip Series 2 Struggling to keep her career in the spotlight, Cosette finds a new way to save herself from becoming one of the misfits. In Pari...