False Alarm

Por AManWhoCantBeMove

437K 4.9K 324

"Porket ba pangit, wala ng karapatang umibig?? HUH! Kapag ako, gumanda.. who you kayong lahat sa akin!!" - Am... Más

False Alarm :)
chapter 1 - bully
chapter 2 - confess
chapter 3 - the new me!
chapter 4
chapter 5 - inch apart
Chapter 6 - meet again..
Chapter 7 - diwata
Chapter 8 - miss?
Chapter 9 - sticky note
Chapter 11 - 1st day..
Chapter 12 - 2nd day
Chapter 13 - last day..
Chapter 14 - first kis-- ay! second na pala.. xD
Chapter 15 - ang sweet :)
Chapter 16 - jealous?
Chapter 17 - Reunion..
Chapter 18 - False Alarm.. again?
Chapter 19 - once in a lifetime..
Chapter 20 - baby..
Chapter 21 - flashback.
Chapter 22 - W.Day.. :)
Chapter 23 - langgam.. :P
Chapter 24 - seminar..
Chapter 25 - silent treatment..
Chapter 26 - gift..
Chapter 27 - beach..
Chapter 28 - spa..
Chapter 29 - night to remember
Chapter 30 - last day...
Chapter 31 - little girl..
Chapter 32 - revelation..
Chapter 33 - positive
Chapter 34 - family day..
Chapter 35 - i didn't know..
Chapter 36 - bawing bawi
Chapter 37 - Kayela..
Chapter 38 - i'm sorry..
Chapter 39 - confuse..
Chapter 40 - wala na..
Chapter 41 - Kirsten..
Chapter 42 - destined..
Chapter 43 - bakit ngayon ka lang?
Chapter 44 - about us..
Chapter 45 - getting back together?
Chapter 46 - back to business..
Chapter 47 - test..
*Teaser*
Chapter 48 - The Last Chapter..

Chapter 10 - secret

9K 88 2
Por AManWhoCantBeMove

Chapter 10

*Kieffer*

Inilagay ko na sa likuran ng kotse yung back pack ni Amie at saka humarap sa kanya. Nakatayo siya sa may labas ng bahay nya at nakahalukipkip.. medyo nakakunot pa din yung noo nya, at masama ang tingin nya sa akin kaya napangiti na lang ako at lumapit sa kanya..

“tara na po..”sabi ko

“where.are.we.going?”

“di mo ba alam ung ibig sabihin ng secret??”

“psh.. bakit pa-secret secret pa? Sabihin mo na kasi.. baka naman itatanan mo na ko nyan ah..”

Napahinto ako sa sinabi nya.. ita-itatanan?? Why not?? Haha..

bakit ganun? Ang gara ng pakiramdam ko.. parang bright idea un ah.. ay! Este, wrong.. wrong pala..  >_<

“asa ka naman! Bumabawi lang ako sa kasalanan ko sayo..”

“mabuti ng nagkakalinawan tayo..”

Sabi nya saka siya sumakay sa may passenger seat ng kotse ko at isinara ng malakas ung pintuan nun.. napakamot na lang ako sa ulo ko, at pumasok na din sa kotse ko at nagsimula ng mag-drive..

Alam kong gabing gabi na at delikado nang bumyahe sa daan, pero inassure ko naman sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala dahil marunong naman akong mag-drive kahit medyo madilim.. at hinding hindi ako aantukin.. sa totoo lang, paano ako aantukin, kung nasa tabi ko lang naman ung taong nakakapagpa-gising sa akin? Hindi lang sa mismong diwa ko, kundi pati na din sa puso ko..

Yeah right, i know it is gay.. but can you blame me? Nang Makita ko siya at makausap ulit, ni katiting na lungkot sa puso ko dulot nung nangyari sa akin and Cathie, hindi ko na nararamdaman.. at ang mas weird pa, eh mas gusto ko ng kasama siya lagi, kaya idinadaan ko na lang sa panttrip ung moves ko..

“inaantok ka na?” tanong ko sa kanya.. narinig ko kasi siyang nag-hikab eh..

“slight.. gabi na kaya..”

“sige, tulog ka muna.. gigisingin na lang kita kapag nandun na tayo..”

“ok lang? Wala kang kausap?”

“ok lang.. ayoko namang mapuyat ka ng dahil sa akin..”

“haha! Puyat talaga ko nung isang linggo pa dahil sa katatawag mo..”

“hehe.. sorry.. ikaw kasi eh.. sige na.. you can sleep na..”

Tumango na lang siya nun at napansin kong ibinaba nya ng konti ung sandalan nya saka siya pumikit.. kung hindi lang siguro ako nagd-drive, baka titigan ko na lang siya ng magdamag.. ang peaceful ng mukha nya kapag natutulog.. ang cute cute..

Haha.. bading na.. potek! >_<

Medyo malayo malayo pa talaga ung byahe namin at medyo malayo malayo na din ang nabyahe namin  kaya nag-stop over muna ko sa may nadaanang kong 7/11.. bumili muna ko ng siopao tsaka coffee.. pagbalik ko ng kotse, gising na pala siya at hinihintay pala ko..

“wow! Siopao! Favourite ko yan!!” sabay kuha nya..

Natawa naman ako.. para kasi siyang bata na ibinili ng candy sa tuwa.. ganun lang kami.. kumain muna, tsaka nag-coffee..

“ay! Teka, Kieffer.. may bibilhin pa ko.. wait lang..”

saka siya lumabas ng kotse at dali-daling pumasok sa may 7/11..inantay ko siya ng mga 15 mins at nakita ko na siyang bumabalik dito  na may hawak na plastic sa kamay.. pumasok naman siya kaagad sa kotse at saka tumingin sa akin..

“chuckie?” sabi ko..

“yep! One of my favourites..” sabay sip sa chuckie nya.. parang bata talaga??

“ang dami mo namang favourite?”

“hehe.. ganun talaga.. gusto mo?” natawa ako.. inalis pa nya talaga sa bibig nya yung sinisipsip nyang chuckie para lang alukin ako at inilapit pa sa akin..

“di na.. kulang pa yata sayo yan..”

sabay tawa ko saka lang ako nag-drive ulit.. di ko talaga mapigilang mangiti.. ang cute cute lang nitong katabi ko, as if na hindi nagiging amazona kapag nagagalit.. chuckie lang pala tsaka siopao ang katapat..

“amie?”

“hmm?”

Tumingin ako sa kanya saglit, at saka ko ibinalik ung tingin ko.. “sorry pala about last week.. hindi ko kasi alam na birthday pala ng papa mo un.. kung alam ko lang, edi sana hindi ko ginawa un..”

“malamang ganun nga gawin mo.. haha”

“eh kasi amie.. ano.. sorry talaga.. wala kasi akong maisip na gawin para makasama ka ulit eh..”

Natahimik siya nun, at natingin sa akin.. tumingin din naman ako sa kanya at saka ningitian ko na lang siya saka ko ibinalik ung tingin ko sa daan..

hinawakan ko ng kanang kamay ko yung kaliwang kamay nya.. nagulat pa siya nun kaya akmang aalisin nya, pero hindi ko iyon pinakawalan at i intertwine my fingers into her..

“Kieffer..”

“please.. just this once.. para hindi ako makatulog..”

“o-ok..”

Literal na hindi ako makakatulog.. eh ang lakas ng tibok ng puso ko eh.. tapos para pa kong kinukuryente..

Bading na ko! Ampucha!

-----

*Amie*

Hawak ngayon ni Kieffer ang kamay ko.. ewan ko lang kung ramdam nya yung panginginig nito at pamamawis, dahil sa nerbyos ko.. hindi dahil sa byahe namin, kundi dahil sa bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.. naubos ko nga ng isang inuman ung chuckie ko eh.. eh dati namang inuunti unti ko un..

Hindi ko din maintindihan sa sarili ko, kung bakit kilig na kilig ako to the point na, nawala talaga yung antok ko at nagtutulog-tulugan na lang ako.. pero di ko malaman kung anong pwesto ang gagawin ko sa paghiga dito sa upuan ko, kaya nakabaling lang ang ulo ko sa may bandang kanan kung nasaan ung bintana..

“di ka na makatulog no?”

Napansin nya palang palikot likot ung ulo ko.. napatingin tuloy ako sa side nya, at nakita kong busyng busy siya sa pag-ddrive.. di na tuloy ako nagtutulog-tulugan.. gising gising-an na lang! (kornik! :P)

“HA?? A-ano.. oo eh.. hehe.. sa-sarap kasi nung siopao..”

“ahh..”

“hehe.. ano, kieffer.. ahmm..”

“gusto mo kantahan na lang kita? Para makatulog ka?”

“ano.. kasi..” paano ko ba sasabihin na ung kamay ko, pawis na pawis na.. tapos—

 (iassume na lang na acapella ung nasa right side.. :)) )

“i look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of my car

And, as we go the see the lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening..

Syet!! Ayan na naman siya! Hooooo!! He never fails to make my heart jump like there’s no tomorrow.. he never fails to make me kilig to the bone marrow!! >_<

“a-he-he.. a-ano Kieffer.. ha-ha.. ganda pala ng boses mo noh?”

Instead of answering me, he just gave me a quick smile and he continue what is he doing a while ago.. and that makes my heart melt..

And i’ve got all that i need

Right here in the passenger seat..

Oh and i can’t keep my eyes on the road

Knowing that she’s inches from me..

We stop to get something to drink

My mind pounds and i can’t think

Scared to death to say I love her

Then a moon peeks from the clouds

Hear my heart that beats so loud

Try to tell her simply..

And i’ve got all that i need

Right here in the passenger seat..

Oh and i can’t keep my eyes on the road

Knowing that she’s inches from me..

Napangiti na lang ako ng lihim dito.. niyuko ko ng bahagya yung ulo ko, para hindi nya mapansin yung pag-ngiti ko na di ko talaga mapigilan.. hindi na din normal ung pag-hinga ko, dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.. i felt him squeeze my hand at automatic na napatingin ako sa kanya knowing that...

HE’S INCHES FROM ME!!!

Dun ko na-realize na nakahinto na pala kami sa isang tabi, at wala na kong ibang ginawa kundi ang tumitig sa mga mata nya..

“w-what a-are you doing??”

“i’m just...”

h-he’s.. he’s getting closer.. w-w-w-what to do???

“i’m just...going to put your seatbelt on.. hindi mo kasi suot..”

Saka nya inilagay sa ayos yung seatbelt ko, at saka siya bumalik sa pagd-drive nya..

Grabe! Ilang kilong taba ung nabawas sa katawan ko?? Grabeng pawis at nerbyos yung inabot ko dun ah.. whew!! >_<

----------------

Nagising na lang ako ng makarinig ako ng tilaok ng manok.. idinilat ko yung mata ko ng dahan dahan at inadjust ko ung tingin ko sa liwanag galing sa bintana.. nasa kotse pa naman ako at napansin kong may taong nakatitig lang sa akin..

Ang gwapo, in all fairness!! Tapos ngumiti pa! Hanep!!

“goodmorning sleepyhead..”

Teka.. si ano to ah..

SI KIEFFER!!??

Bigla akong napaayos ng higa at inayos kong bigla yung buhok ko na hula ko eh muntik ng daanan ng bagyo.. inilayo ko ung mukha nya sa mukha ko, dahil baka maulit na naman ung nangyari noon sa may c.r nung ospital.. mahirap na..

“saan na tayo?”

“nandito na tayo..”

“ah..” nilingon ko ung tingin ko sa paligid.. teka.. parang pamilyar to ah.. parang—!! “SA AMIN TO AH!!”

“kaya nga.. halika na.. breakfast is ready..”

Saka siya lumabas ng kotse at umikot patungo sa side ko at binuksan ung pinto.. bumaba na ko dun at nakita ko ung mama ko na kumaway sa akin at pinapalapit ako sa may bahay namin..

“waaahhh!! Maaaa!!!” sabay takbo ko sa mama ko

“aannaaakkk!!!!”

Niyakap ko ng bongga ang nanay ko ng makalapit na ko kaagad sa kanya.. nakita ko din sa likod nya ang papa ko, kaya pati siya ay niyakap ko na din.. sa sobrang miss ko sa kanila, maluha luha kong niyakap sila at ramdam kong ganun din sila..

“ma! Pa! Kamusta na? Sorry po, ngayon lang ako nakapunta ah.. busy po kasi ako eh..”

“ayos lang un anak! Atleast nakapunta ka diba?”

“sabagay nga po ma.. ay! Pa! Belated happy birthday!”

“salamat anak.. pumasok muna kayo sa loob.. mag-breakfast na tayo..”

Nung sinabi ng papa ko yung KAYO, saka ko lang naalala si Kieffer sa may likod ko.. naalala ko nga palang kasama ko siya patungo dito..

Nauna nang pumasok yung parents ko at naiwan kami sa labas ni Kieffer.. sa sobrang tuwa ko sa secret nya, niyakap ko din siya ng mahigpit at sinabing,

“thank you, Kieffer.. thank you talaga..”

“sabi ko naman kasi sayo, babawi ako sayo eh.. you’re welcome!’ sabi nya sabay yakap din sa akin pabalik..

“nakakainis ka! Kung alam ko lang na dito ung punta natin, edi sana hindi na kita inaway..”

“ok lang un.. naiintindihan kita..”

“salamat ulit ha..”

“oo na.. ang kulit! *saka ako niyakap ng mas mahigpit* it feels good.. haaayyy”

“h-ha??” sabi ko saka ko medyo lumayo sa kanya at tinignan ko siya sa may mata and my arms still placed on his shoulders “anong it feels good?”

“eh kasi.. naka—“

“EHEM!!!”

Para kaming napaso sa boses ng tatay ko at bigla kaming napahiwalay sa isa’t isa.. ngayon ko lang din na-realize na ang lapit pala namin sa isa’t isa at nakakahiya talaga sa tatay ko..

“breakfast is ready.. kayo na lang ang hinihintay..”

“opo..” sabay naming sabi ni Kieffer..

Nakakahiya..

Seguir leyendo

También te gustarán

236K 5.3K 52
When your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tangga...
584K 10.8K 79
Highest Rank achieved #23 in General Fiction (11-16-17/ 12-06-17) Austin Alexander Garcia- a spanish Billionare and Casanova who ownes an airline and...
85.9K 1.4K 32
Let yourself find the true meaning of happiness.