When Dyuswa Meets Purita

By danjavu

2M 67K 12.2K

Dear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinata... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 64
Part 63
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Special Chapter
Author's Note, Please Read...
When Dyuswa Meets Purita Again Book 2- Teaser
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12 (1)- Luke
Kabanata 12 (2)
Kabanata 13- Kidnapper and the Rain Lover
Kabanata 14-
Kabanata 15
Kabanata 16- Hunch
Kabanata 17- Subconsciously
Kabanata 18- Pink Lollipop
Kabanata 19- Drunken Love
Kabanata 20- To The Rescue
Kabanata 21- "Hindi gano'n kadali iyon"
Kabanata 22- Ano bang ginawa mo?
Kabanata 23- Feels Like Home
Kabanata 24
Kabanata 25- The Awakening
Kabanata 26- Outburst
Kabanata 27- Huwag Magpa-ligaw
Kabanata 28- Can You Hear Me?
Kabanata 29- Global Warming
Kabanata 30- Hindi siya ikaw
Kabanata 31- Jirits na Jirits
Kabanata 32- Siya pa rin
Kabanata 33- Super...Stupid...Bull!
Kabanata 34- All for him
Kabanata 35- Halaga
Kabanata 36- Return
Kabanata 37- Closing Time
Kabanata 38- Unfairy Tale
Kabanata 39- New World
Kabanata 40- Ship and Flower
Kabanata 41- Condo Talking
Kabanata 42- Clever
Kabanata 43- Unexpected
Kabanata 44- Claim
Kabanata 45- I'm In
Kabanata 46- Red Horse
Kabanata 47- Girlfriend
Kabanata 48- Not Today
Kabanata 49- Ang Sinturon
Kabanata 50- Fallen
Kabanata 51- The First Layer
Kabanata 52- Flirt
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
The Finale
The Final Finale
Announcement MUST READ

Kabanata 4

7.9K 173 21
By danjavu

Panay ang sulyap ko sa magkabilang daan. Wala pa kasi si Marlen. Saan na kaya napunta 'yon?
Mag-a-alas siyete na ah.

"Your date's not coming?"

Hindi ko na kailangang lingunin ang nagtanong sa akin. Kilalang-kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari. Pati utot at buntong-hininga niya ay alam ko ang ibig sabihin. Char! Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang phone ko.

"Isn't it awkward na babae pa ang naghihintay ng ka-date niya?"

Tiningnan ko siya saka inirapan. "Alam mo Mr. Raymundo..."

Parang gusto kong matawa dahil sa naging reaksiyon niya. First time ko kasi siyang tinawag na gano'n. At saka ginaya ko lang naman ang pagkakatawag niya sa akin kahapon na Miss Samaniego eh. Pasalamat nga siya at may respeto pa ako sa kanya ano.

"...wala kang pakialam kung ako man ang naghihintay sa ka-date ko. Problema ko iyon at hindi sa'yo."

Napakibit-balikat siya. "Sabagay. You used to chase someone you really like before."

Halos umusok ang ilong ko sa kanyang sinabi. I am sure na iniinis lang ako ng lalaking ito. At inis na inis naman ako.

"Mas gwapo ang magiging ka-date ko kesa sa taong hinahabol ko noon ano," depensa ko.

Napalunok ako ng aking laway pero parang ayaw namang pumayag ang lalamunan ko sa aking sinabi. Oo na. Wala pa akong nakitang lalaki na kasing-gwapo ng pesteng ito. So what? Makakain ba 'yang kaguwapuhan niya? Hindi. Hindi talaga!

"Talaga?" nakangiti at nakataas ang kanang kilay niyang tanong sa akin.

"Talagang-talaga. At Sino naman ang maga-gwapuhan sa'yo aber?"

May dalawang babaeng estudyante ang dumaan sa harap namin. Kinikilig ang mga ito na nakatingin kay Dyuswa.

"Oh my gosh! Ang gwapo-gwapo niya!"

"Oo nga. Walang binatbat ang mga artista sa kanya."

At ang dami pang sinabi ang mga ito bago tuluyang nawala sila sa paningin ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya sa akin na pinapamukha na mali ang sinabi ko.

Inismidan ko na lang siya at itinuon ang paningin sa bawat sasakyang dumadaan.

Nasaan na si Marlen?? Makakatikim talaga sa akin ng sabunot ang baklang iyon. Huwag naman sanang mapurnada ang raket ko ngayon. Iyon na lang kasi ang pag-asa ko para may pambayad ako sa katapusan.

"I guess he's not coming," sabi niya makalipas ang ilang sandali.

Napatingin ako sa kanya. Naiinip na siyang nakaupo sa hagdanan at nakapangalumbaba. Samantalang ako ay nakatayo lang.

"Ano pa bang ginagawa mo rito?"

"Convincing you of course," wala sa loob niyang sagot.

"Di ba sabi ko sa'yo ayoko? At may date ako ngayon. Kaya umalis ka na. Tsupi!" pagtataboy ko sa kanya.

"Aalis lang ako kapag dumating na ang date mo. Pero kapag hindi siya dumating, papayag ka na sa offer ko."

Napabuga ako ng hangin. "Mr. Raymundo, sobrang childish naman yata niyan. Ayoko. Bahala ka sa buhay mo. Maghanap ka ng iba. Doon sa mas willing gawin 'yang gusto mo."

Napatayo siya at lumapit sa akin kaya naman bahagya akong napaatras.

"Ano ba talagang dahilan mo bakit ayaw mo? Kung tungkol sa sahod eh pwede naman nating pag-usapan 'yan. Walang problema."

"Ayoko dahil ayoko. Okay na?"

"No."

"Kung gusto mo ay pilitin mo ang girlfriend mo na mag-resign siya sa kompanya. Why make things so complicated Mr. Raymundo?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"She loves working there. At ayokong maging dahilan iyon para mag-away kami."

"Eh di ikaw ang umalis. Kung ayaw niya, eh di ikaw. Tapos ang problema."

Napabuga siya ng hangin saka ginulo ang buhok niya. Okay. Nasaan ang hustisya? Bakit mas lalong kumisig ito ngayong medyo nagulo ang buhok niya? Nakakaasar.

"I can't. Dahil doon siya nagtatrabaho. Gusto ko siyang bantayan sa mga ginagawa niya. And that's the only way I can do that. To be with her sa iisang kompanya. Hindi ko in-expect na may gano'ng clause pala sa kontrata."

So he really loves her huh? Good for him. Very good for him.

Tiningnan ko lang siya sa mga mata. Magiging unreasonable ba ako kapag sinabi ko sa kanya na ayoko lang makipagtrabaho sa kanya?

Pero kung iisipin kong mabuti, kung tatanggapin ko ang alok niya mababawasan ang problema ko sa pera. Magpapanggap lang naman kasi di ba? There's nothing wrong with that. Walang magiging damage. He loves her. And I am totally moved on sa nararamdaman ko sa kanya.

Dito ko na ba ipapasok ang motto na "trabaho lang, walang personalan"?

Ang hirap namang mag-isip ngayon.

"Hey. Nag-iisip ka ba talaga?" untag niya sa akin.

Gusto kong maasar sa tanong niyang iyon. Ano akala niya sa akin? Hindi na nag-iisip? Inirapan ko na lang siya dahil ayokong ipakita sa kanya na naaasar ako.

"Magkano ba ang first offer mo na ipapasahod sa akin Mr. Raymundo?" tanong ko sa kanya in a business-like way.

"Can we discuss this over dinner? Gutom na ako."

"May date ako ngayon Mr. Raymundo," antala ko.

"Hindi na darating 'yon. And please stop calling me by my last name."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "At bakit?"

"It irritates my ears."

"So ano naman ang itatawag ko sa'yo aber?"

Matagal pa niya akong tiningnan bago nagsalita.

"Dyuswa," mahina niyang sabi.

I don't know why pero hindi ko napigilang ngumiti. Dyuswa daw oh. Kaagad ko namang ipinilig ang ulo ko. Ano namang bago doon? Eh noon pa man iyon na ang tawag ko sa kanya di ba?

"Ano sabi mo? Hindi ko narinig," nang-aasar kong sabi sa kanya.

"The hell Purita! Kapag bobo ang isang tao, hindi pwedeng magbingi-bingihan," inis niyang sabi at lumapit na sa kotse niyang nakaparada sa kalsada.

"At sinong dilang-mother naman ang nagsabi ng ganyan ha???" tanong ko sa kanya habang hinahabol siya.

Lumapit na siya sa pinto ng driver's seat at napatingin sa akin.

"Dilang-mother?"

"Oo. Dilang-mother! Dilang-mother mo Dyuswa! Dilang-mother ka!"

"Are you cursing me now?"

"Curse? Ano ako, witch?"

"Whatever. Get in," sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng sasakyan.

Wow ha! Mother, father, gentleman naman ng pesteng ito. Inis kong binuksan ang pinto ng front seat pero lock iyon. Humigit ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko.

Jusko naman! Nakaka-ilan na ang lalaking ito sa akin ha. Magdahan-dahan siya at baka hindi ko siya matantiya.

Tinungo ko ang pinto ng backseat at binuksan iyon. Inis akong pumasok sa loob saka sinarhan nang pagkalakas-lakas ang pinto.

"What the hell Purita? Are you trying to destroy my car?"

"Ay ang OA. Destroy agad?"

Napabuntong-hininga na lang siya at pinaandar na ang makina ng sasakyan. Ilang sandali pa ay umalis na kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napatingin ako sa phone ko. Wala man lang talagang text galing kay Marlen. Sayang lang pala ang get up ko ngayon.

"Saan mo gustong kumain?"

"Sa simbahan," walang gatol kong sagot.

"What??"

"Ano ba 'yan Dyuswa! Common sense naman! Saan ba pwedeng kumain? Simpleng bagay lang itatanong pa sa akin? Nakaka-bobo ba talaga ang hangin sa Amerika?"

"Hiyang-hiya ako sa'yo ngayon Purita. Hell. Really!" sabi niya na hindi maitago ang inis.

Lihim akong nagdiwang. Akala niya siguro siya lang ang may kakayahang mang-inis ha. Ako pa ba?

Napatingin na lang ako sa labas. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa city lights. Nakakabighani talaga ang lugar na ito. Pwede na siyang ihanay sa mga sikat na city sa labas ng bansa.

Napangiti ako nang mapadaan kami sa Twin Bridge. Kung maganda ang view nito sa umaga, mas doble na kung gabi. Ang sari-saring kulay ng ilaw na nagpapaliwanag sa kahabaan ng bridge ay siyang nag-uudyok sa mga tao na pumunta doon. No wonder na binansagan ang Twin Bridge na most romantic place in the country.

Napatingin ako kay Dyuswa at may naalala.

"Nakapunta na ba kayo ng girlfriend mo d'yan sa Twin Bridge?"

Tiningnan niya ako sa front mirror niya saka umiling.

"We are both busy. At wala kaming time to do that cheesy things."

"Cheesy mo mukha mo. Napakaganda kaya ng lugar na iyan."

"I don't care Purita."

"Pero suggest ko talaga na you should go there with her. Hindi kumpleto ang pag-stay mo rito sa Campuestuhan kapag hindi ka nakapunta d'yan."

"So you've been there?"

Napailing ako. "Hello. Romantic place in the country iyan. Tapos pupunta ako doon na mag-isa? Okay lang ako? Nakakaloka ka."

"Ang dami mong sinabi. Oo o hindi lang naman ang isasagot mo eh. Tsk."

Inismidan ko siya at napatingin ulit sa labas sa Twin Bridge. Paliit na paliit na ito ngayon sa paningin ko.

"Pupunta lang ako doon kasama ng taong mahal ko."

"Ang korni mo pa rin," sabi niya.

"May I remind you Mr. Raymundo na you shouldn't dare insult me dahil ikaw ang nangangailangan ng serbisyo ko."

Napatiim-bagang na lang siya sa sinabi kong iyon. Akala naman niya magpapatalo ako sa kanya ha.

Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas. Shabu-Shabu Lang. Ito 'yong kainan na ang customer mismo ang luluto dahil ang mga dilang-mother na mga kusinero ay tinatamad magluto. Kainis di ba?

Nauna nang lumabas ang walanghiyang si Dyuswa kaya naman sumunod na rin akong lumabas. Muli kong sinarado ang pinto ng kotse nang pagkalakas-lakas kaya naman awtomatikong napalingon sa akin si Dyuswa. Nakangisi ko lang siyang pinagtaasan ng kilay.

Don't you dare mess with Purita, Dyuswa.

Naglakad na ako palapit sa kanya habang inaayos ang nagulo ko na namang buhok dahil sa hangin. Nauna siyang pumasok sa Shabu-Shabu Lang kaya sumunod na lang din ako. Pumwesto kami sa pinakadulon bahagi at umupo na sa harap ng isang lutuan kung saan namin lulutuin ang oorderin namin.

Siya na ang pumili ng lulutuin namin. Nang makaalis ang waiter ay hinarap na niya ako.

"So papayag ka na?"

"Magkano?"

"25,000 a month."

"Ang baba naman," reklamo ko.

Napakamot siya ng noo. "Magkano ba gusto mo?"

"50,000!"

"What?"

Dumating na ang lulutuin naming mga seafoods kaya tumahimik muna kami. Napatingin ako sa mga hipon. Ewan ko ba. Pero parang nakikiusap sila na huwag ko silang lutuin. Ano ba 'yan. Bakit ba kasi dito niya ako dinala eh. Sana sa mga ready to eat na lang na restaurant kami kumain. Hindi ko tuloy malagay-lagay sa lutuan ang mga ito.

"30,000?" pagpapatuloy niya saka nilagay sa ihawan ang nakakaawang mga hipon.

Pero wait. Di ba allergy siya doon? Kumakain na siya ng hipon? Oh well. Baka na-overcome na niya ang allergy niyang iyon.

"45,000," sabi ko.

"35?"

"40!"

"Last, 37."

Napaisip ako. 37,000 pesoses??? Malaki na iyon. As in. Kahit Hindi na ako mag-raket pa nito.

"Hmmm. Papayag ako. Pero may special conditions."

"Ano na naman?" naiinis niyang tanong sa akin.

"Dapat may buwan-buwan akong supply ng bigas."

"What?"

"At saka dapat luto na."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kaya naman malakas akong tumawa.

"Biro lang. Okay na ako sa 37,000 na 'yan. Wala nang bawian 'yan ha?"

"Fine," sabi niya at kumakain na ng inihaw na pusit at alimango.

Napapalakpak ako sa tuwa. Oh my goodness. Kung susumahin ko ang kinikita ko sa isang buwan, kulang-kulang 20,000 lang. Maswerte na kung aabot ng 25,000. Pero ngayon, 37,000 plus iba ko pang oustanding rakets, nako nako. Baka aabot pa ako nito ng 45 to 50,000. Ang saya-saya lang di ba?

"Masaya ka yata?" puna niya.

"Wala lang."

"Masaya ka ba na simula ngayon ay boyfriend mo na ako?" nang-aasar niyang tanong sa akin.

37,000 pesoses equals to araw-araw na pang-aasar sa lalaking ito. Oh well. I can handle that. Ako pa ba?

Binigyan ko siya ng isang ubod-tamis kong ngiti.

"Yeah. I am so flattered to be your girlfriend talaga Dyuswa. Pakiramdam ko, lumulutang ako ngayon sa Cloud Ten," mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Cloud Nine 'yon."

"Binago na nila? Bakit hindi ako na-inform? Tell me!"

"Ang OA mo Purita. Kumain ka nga lang."

Inismidan ko siya at napatingin ulit sa mga hipon na luto na. Nagtataka ako bakit hindi man lang ito kinakain ng lalaking ito.

"Ayokong kumain."

"Bakit?"

"Kasi naaawa ako sa kanila," sabi ko at napatingin sa isusubong seafoods no Dyuswa.

Naiiling na lang siyang nagpatuloy sa pagkain. Gutom na ako peri pinanindigan ko na ang sinabi ko. Sa bahay na lang ako kakain.

"Report to my office tomorrow para sa kontrata nating dalawa."

"May kontrata talaga?"

"Yes. At idi-discuss din natin ang mga rules sa kontrata. Para wala nang maramimg tanong-tanong pa,"seryoso niyang sabi.

"Okay. Mas mabuti nga ang ganyan."

Nang matapos siyang kumain at makapagbayad ay lumabas na kami ng resto. I swear, hindi na ako babalik dito. Ginutom lang ako ng bongga.

"Okay na ako rito. Umuwi ka na kung saan ka man umuuwi," sabi ko sa kanya nang makalapit na kami sa sasakyan niya.

"I'll take you home. Wag ka nang maarte."

"Hindi ako nag-iinarte. Tukmol na 'to."

"What did you say"

"Ang sabi ko pagbuksan mo ng pinto ang girlfried mo," nakangisi kong sabi sa kanya.

"Ayaw mo? Sige ka. Makikipag-break ako sa'yo. Ora mismo," pananakot ko sa kanya.

Nakasimangot siyang pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. O di ba? Improving. Prente akong umupo doon at pumasok na rin siya sa driver's seat.

Sinuot na niya ang kanyang seat belt.

"Can you also fasten my seat belt please?" malambing kong sabi sa kanya.

Para naman siyang robot na sumusunod sa sinasabi ko. Good boyfriend.

"There. May iuutos ka pa kamahalan?" sarkastiko niyang tanong sa akin.

"Sa ngayon wala na. Masyado ka namang excited," nakangiti kong sabi sa kanya at pinaharurot na niya ang sasakyan niya.

Ay Hindi naman siya galit sa lagay na 'yan ano?

Ilang sandali pa ay nasa tapat na ako ng bahay namin. Hindi pa ako nakakagalaw nang bigla na niyang kinalas ang seatbelt ko at lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

"Masaya na ba kayo kamahalan?"

"Medyo. O siya sige. Dito na ako sa kastilyo ko. Pwede ka nang umalis."

Napabuntong-hininga na lang siya at lumapit na sa sasakyan niya. Bago siya pumasok ay may sinabi pa siya.

***

JOSHUA'S POV

"Don't be late tomorrow. We have lots to discuss," sabi ko sa kanya at pumasok na ako ng sasakyan.

Hindi ko inakala na magkakausap pa kaming dalawa after so many years. At mas lalong hindi ko inakala na darating ang pangyayaring ito.

Michelle forced me to do this. Ang maghanap ng isang babae na pwedeng magpanggap na girlfriend. I am thinking about that simula nang pumasok ako sa kkompanya. I don't like her idea pero wala naman akong maisip na magandang solusyon.

Hindi ko alam kung saan makakahanap ng babaeng pwede kong pakiusapan na maging girlfriend. Hanggang sa dumating ang araw para sa hiring for secretary.

Nabigla ako nang makita ang pangalan niya sa sinubmit na resumes. Napatingin ako sa picture niya. She's still the Purita that I know. Kaya labis ang pagkagulat ko nang in-interview na siya namin.

Hell. She can speak English fluently ang straightly. How's that even possible? Well, maybe I was underestimating her.

I admit, I was impressed. May nagbago sa kanya. She even get stronger and bolder. Her personality is really something. Siya sana ang kukunin kong secretary dahil nga iyon ang kailangan kong qualities ng isang secretary. Ang kayang makipag-usap sa kliyente habang wala ako.

But I changed my decision by the last minute. I chose Dela Cruz over her. Naisip kong i-offer sa kanya ang pagpapanggap bilang girlfriend. Alam kong kaya niyagn gawin iyon.

I thought kaagad siyang papayag pero nagkamali ako. Hndi na nga pala siya si Purita dati. This Purita is a woman already. And she's not easy to handle.

At naiinis ako. Minsan. Minsan lang naman.

Kaya ngayon na pumayag na siya sa alok ko, iinisin ko rin siya. Iinisin ko siya dahil she's a swindler. Damn! 37,000 pesos a month? Kalahati na iyon ng sweldo ko kada buwan! Pasalamat siya at mahal ko lang talaga si Michelle kaya ko ito ginagawa.

So I'll make sure na sulit ang ibabayad ko sa kanya kada buwan.

"May I remind you too Miss Samaniego that this is Joshua Raymundo who you are dealing with."

****

PURITA'S POV

Taas-noo akong lumapit sa receptionist kinaumagahan. Iba ang nakatoka ngayon sa reception area. Wala doon ang bestfriend kong receptionist eh. Nasaan na kaya 'yon? Natakot na siguro sa akin. Oh well, wishing well na deep well.

"26th floor po ma'am," anang babae.

"Okay, thank you."

Tumungo ako ng elevator at nakakagulat na ako lang mag-isa ang sasakay. Pasara na sana ang elevator nang biglang may humarang na kamay sa labas kaya bumukas ito ulit.

"Dyuswa? Akala ko nasa itaas ka na," sabi ko.

"May kinuha lang ako sa sasakyan ko."

"Ah. Eh bakit dito ka sumakay? Di ba at may glass type na elevator na para sa inyong mga big bosses?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya

"I saw my girlfriend here. So masama bang sumabay sa kanya sa pagsakay sa elevator?" nakangisi niyang sabi.

Hindi ko napigilang ngumiti. Normal lang iyon. Normal lang na palagi akong ipinagkakanulo ng katawan ko kapag kaharap ko ang lalaking ito.

"Rule Number 1, BAWAL ANG KILIGIN SA SET UP NA ITO," sabi niya nang sumara ang elevator.

"Ang kapal ng mukha mo. Sino bang nagsabi na kinilig ako?"

"Ha? Bakit defensive ka? Sinabi ko lang ang unang rule. I am not aware na kinilig ka nga sa sinabi ko," natatawa niyang sabi.

Inis kong pinindot ang 3rd floor kaya bumukas iyon. Kaagad akong lumabas at hinarap siya.

"Rule Number 2, bawal ang mag-assume!" sigaw ko sa kanya.

Bago pa nagsara ang elevator ay hinatak na niya ako papasok ulit sa loob.

"Rule Number 3, bawal ang mag-walk out," sabi niya.

Ngayon ko lang napansin ang posisyon naming dalawa. Nakasandal ako sa dingding ng elevator at medyo malapit ang mukha niya sa akin. Kaagad ko naman siyang tinulak palayo sa akin at inayos ang sarili ko. Bwisit na lalaki ito.

Nakarating kami sa 26th floor nang walang kibuan. Pero nang makalabas na kami ng elevator ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Rule Number 4, we should look sweet in front of other people when necessary. Since it's our first day, we should do this," bulong niya sa akin habang naglalakad kami.

"Rule Number 5, pwede ba huwag masyadong mahigpit kapag nagho-holding hands? Baka ma-inlove ka sa akin n'yan," ganting bulong ko rin sa kanya.

Pero parang wala siyang narinig sa sinabi ko. Bwisit na lalaki ito. May balak pa yatang durugin ang maganda kong kamay.  Pero sige. Hayaan na nga.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 23.4K 50
Abangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
677K 1.4K 2
Highest ranking #11 in Action Top #1 in Fantasy as of June 6, 2019! Top #15 (01/15/19)
1.6M 9.5K 10
Dahil sa isang insidenteng kanilang kinasangkutan, ang magkakaibigan na sina Lauren, Mary, at Bob ay ipinadala sa Tensee. Isang pribadong isla kung s...