True Experienced Ghost Stories

Galing kay PrettyCreepy_

65.9K 1.6K 172

Siguraduhin mong may kasama ka .... Dahil kung wala..... SASAMAHAN KA NILA! Higit pa

True Experienced Ghost Stories
Elizabeth: The Woman on Her Nightmares
Gusto Mo Pa Bang Mag-Nurse?
Sa Poso
Sumpa nga ba?
Ang Hiwaga sa Buhay ni Danica
End of the Road Apartment
The Return
New Neighbor Arrives
Truth Behind
A Brief History
Big, Black Man
UNKNOWN #1
UNKNOWN #2
UNKNOWN #3
UNKNOWN #4
UNKNOWN #5
UNKNOWN #6
ANNOUNCEMENT
Newest Dormate
Mama
Tagabantay
Massacre
Kapre
Suicide's Foul Play
Ninong
Bawal ang Magnakaw!
AWIT
Repleksyon Patungong Ibang Dimensyon
Babawi Ako!
The Jackpot Winner
Lihim ng Probinsya #2: Ang Taga-sundo
Lihim ng Probinsya #3: Santelmo
Be ready: I'm back!!
Lihim ng Probinsya #4: Litrato
Huwag Magpapakita

Lihim ng Probinsya #1: Kagat

1.4K 23 4
Galing kay PrettyCreepy_

                  

Ipinanganak ako at lumaki sa probinsya kaya't hindi na bago sa akin ang mga kwentong kababalaghan. Hindi ko na ikinagugulat ang mga kwentong kumakalat sa aming paligid. Nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga patotoo mula sa malalapit sa akin.


Lihim ng Probinsya #1: Kagat

Patotoo Mula sa Aking Ama:

                Hindi ko lamang isa, dalawa o tatlong beses narinig ang ganitong uri ng kwento mula pa nang pagkabata ko pa ngunit kaylan ma'y hindi ako naniwala. Hanggang isang araw ay sa aking ama ko na ito narinig. Mula noon ay naniwala na ako na totoo nga na nangyayari ito.

                Isang ordinaryong umaga, pumasok sa trabaho ang aking ama. Matapos niyang buksan ang studio na pinagtatrabahuhan niya at mailapag ang camera ay dali-dali tumakbo patungo sa likod ng studio kung saan matatagpuan ang dalawang malaki ngunit abandonadong bahay at isang palikuran. Ngunit kahit ihing-ihi na siya ay napatigil siya sa kaniyang nakita. Natagpuan niya ang humigit-kumulang dalawampung piraso ng mga patay na pato, gansa, ligaw na manok at maging ang panabong na manok ng kaniyang kumpare. Dali-dali siyang bumalik sa studio upang kunin ang camera at kuhaan ng litrato ang mga patay na hayop na nasilayaan niya nang umagang iyon.

                Ipikita niya sa amin ang mga litratong nakuhaan niya. Ang ilan ay naka-zoom pa upang malinaw na makita ang dalawang maliit na bilog sa batok ng bawat namatay na hayop. Tila ba'y kagat ito ng kung anong nilalang na may dalawang matulis at bilugang mga pangil.

"Sigurado akong hindi tao ang may gawa niyan at mas lalong hindi naman aso ... kung aso man yan siguradong isa lang ang papatayin niyan at papaghiwahiwalayin pa ang katawan. Pero itong mga ito ... Pagkawala ng dugo ang ikinamatay – hindi ko rin alam kung bakit ganyan karami ang kailangang patayin. Marahil nga'y aswang ang may gawa" sambit pa ng aking ama.

--At doon na natatapos ang patotoo niya--

Kasabay ng pangyayaring iyan ay ang pagkalat ng iba't-ibang kwento na halos katulad rin ng nasaksihan ng aking ama. Napakaraming manok at mga pato ang nagkandamatay ng panahong iyon. Hindi masasabing ipedemya ang ikinamatay ng mga hayop dahil pare-pareho silang may kagat sa bandang leeg at pare-pareho ring pagka-ubos ng dugo ang ikinamatay ng mga ito. Lahat ng kaso ay natatagpuan kinaumagahan lamang -- tanda na tuwing gabi lamang sumasalakay ang kung ano mang may pangil na nilalang.

Ang nakakatakot pa ay ang mga sinasabi ng matatanda na pag dumating daw ang panahon na naubos na ang mga manok at pato ay tao na ang kukuhaan ng dugo ng mga nilalang na ito.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

212K 13.2K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
35.6K 1.9K 44
"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong...
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...