False Alarm

By AManWhoCantBeMove

437K 4.9K 324

"Porket ba pangit, wala ng karapatang umibig?? HUH! Kapag ako, gumanda.. who you kayong lahat sa akin!!" - Am... More

False Alarm :)
chapter 1 - bully
chapter 2 - confess
chapter 3 - the new me!
chapter 4
chapter 5 - inch apart
Chapter 7 - diwata
Chapter 8 - miss?
Chapter 9 - sticky note
Chapter 10 - secret
Chapter 11 - 1st day..
Chapter 12 - 2nd day
Chapter 13 - last day..
Chapter 14 - first kis-- ay! second na pala.. xD
Chapter 15 - ang sweet :)
Chapter 16 - jealous?
Chapter 17 - Reunion..
Chapter 18 - False Alarm.. again?
Chapter 19 - once in a lifetime..
Chapter 20 - baby..
Chapter 21 - flashback.
Chapter 22 - W.Day.. :)
Chapter 23 - langgam.. :P
Chapter 24 - seminar..
Chapter 25 - silent treatment..
Chapter 26 - gift..
Chapter 27 - beach..
Chapter 28 - spa..
Chapter 29 - night to remember
Chapter 30 - last day...
Chapter 31 - little girl..
Chapter 32 - revelation..
Chapter 33 - positive
Chapter 34 - family day..
Chapter 35 - i didn't know..
Chapter 36 - bawing bawi
Chapter 37 - Kayela..
Chapter 38 - i'm sorry..
Chapter 39 - confuse..
Chapter 40 - wala na..
Chapter 41 - Kirsten..
Chapter 42 - destined..
Chapter 43 - bakit ngayon ka lang?
Chapter 44 - about us..
Chapter 45 - getting back together?
Chapter 46 - back to business..
Chapter 47 - test..
*Teaser*
Chapter 48 - The Last Chapter..

Chapter 6 - meet again..

12.1K 141 5
By AManWhoCantBeMove

weeeeeeeee!! ntapos ko na din ung MY Seductive Boss ni YGDara.. haha.. grabe.. lahat na na-feel ko dun.. pati 'intense' ng mga chapters! haha.. gusto ko dng gumawa ng ganung BS pero d ako marunong! haha.. bata pa isip ko.. xD

the best story, Ms. A.. sana mapansin mo to..  kung mahal mo si Jiyong-ah..well, ako din, SUPERRR!!!! haha daragon eh.. :)))

Doc. Peterson / ate Kass at the right side.. :) 

--------

Chapter 6

*Amie*

Lumapit ako sa kanya, at naupo sa gilid ng kama nya.. how come na ngayon ko lang naisip yun.. na ngayon ko lang siya nakilala??

Sabagay.. kung ipagkukumpara siya noon at ngayon, mas naging mature na yung itsura nya.. sa haba kasi ng buhok nya ngayon, muscles at his body at may maliliit na balbas sa mukha nya, malalaman mo na kaagad..

“you’re name sir?”

“ah? Ako? Ahmm.. ano.. J..P?.. hindi ba nakalagay na un sa record ko?”

“not yet.. wala nga kasi diba akong kilalang guardian mo and you woke up by now?”

“ah.. oo nga pala.. ahmm.. ikaw pala? Name mo?”

“Amelyn.. Amie na lang.. nice to meet you again, Kieffer..”

-----------

*Kieffer*

“Amelyn.. Amie na lang.. it’s nice to meet you again, Kieffer..”

Nagulat ako sa sinabi nya, at automatic na napalaki ang mata ko..

Si Amie? Si amie na to??

Wow!! Ang ganda na nya.. i mean, maganda na siya before, pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon.. hindi lang talaga halata noon, dahil hindi nya alam kung paano ayusin ung sarili nya.. pero ngayon.. WOW!

“ikaw na ba yan, amie?? Wow!! Lalo kang gumanda ah.. kamusta na?”

“haha.. sabi na nga ba, ikaw yan eh! Ok lang ako.. ganun pa din, hndi pa din nagbabago..”

“hindi ba yang lagay na yan?? Well, i can say that, i’m with the goddess right now..”

“bola!!”

I don’t know kung bakit na lang ganito ang nararamdaman ko.. parang bigla akong sumaya, at nakalimutan ko kaagad yung iniinda kong sakit ng likod nang malaman kong si Amie pala ang kaharap ko..

Well, swerte pa pala talaga ko.. ^_^

*Amie*

Lumipas ang ilang araw, naging close na ulit kami ni Kieffer.. tumagal pa siya sa ospital ng mga 1 week dahil may mga tests pa na ginagawa sa kanya..

siguro, compare nung closeness namin nung high school – kung close nga ba – mas naging close pa kami ngayon..

Nagkamustahan lang kami pareho ni Kieffer pagkatapos kong sabihin sa nurse yung tunay nyang pangalan.. at nalaman ko na lang din na gynecologist pala dito sa ospital na to ang kapatid nya, kaya naka-record na daw yung name ni Kieffer ng hindi ko nalalaman..

Oh diba, nag-abala pa kong ipahanap kay Jerson yung guardian nito, yun pala kilala na siya sa ospital na to.. talaga naman..

“oh, nga pala..diba sabi mo sa akin last time, model ka? kamusta naman ang career? Sikat na sikat ka na ba?”

Nasabi ko na din sa kanya yung pinagkakaabalahan ko this past few months.. nagulat pa nga siya sa sinabi kong part-time model ako, dahil hindi daw halata sa itsura ko.. dati daw kasi ni camera sa phone, allergic ako.. maging yung make-up ko sa mukha, ayaw ko..

“hindi naman.. model model-an pa din ako.. walang sikat sikat na involve..”

“ahh.. congrats in advance.. i know you’ll be famous..”

“sana?.. hehe..gusto din pala??”

“haha.. why not? Karapat-dapat naman..”

“bola ka na naman.. eh ikaw? Kamusta na? Baka naman nag-asawa ka na ha?”

Biglang lumungkot ang mukha nya.. wait, don’t tell me, nag-asawa na nga siya??

Bakit ganun?? Part of me, parang may masakit??

Takte.. abnormal na yata talaga ko.. >_<

“well.. yeah.. nag-asawa na nga ko..”

“ouch..ay! este, o-OH?? Wow.. who’s the lucky girl? Tsaka ilan na anak nyo?”

T*nga talaga ko! Mag-ouch daw ba?? Waahh!! T*nga mo, amie!! As always!! Well, 6 years na ang nakalipas.. malay nyo naman madami na siyang anak diba?? Waahh.. t*nga ko talaga!!

Narinig ko na lang ang tawa nya.. a sarcastic one, perhaps??

“lucky girl? Siguro.. kasi minahal ko un.. pero, wala eh! Niloko lang ako..”

“so-sorry..to hear that.. ano, change topic?”

“ok lang un, amie.. move on na naman ako.. tatlong taon na din ang nakalipas.. ”

“ohh.. so, nag-aaral ka pa lang nun nung....??”

“yup! Nagpakasal kami nun sa states kahit nag-aaral pa kami.. kasi sabi nya, mahal nya ko at gusto na daw nya ko makasama.. kaya nagpakasal na kami, un pala, ginamit lang nya ko para pagalitin yung ex-boyfriend nya.. haha.. tanga ko nga nun eh.. 1 month lang kami nagsama, tapos wala na..”

Woah!! Grabe naman un.. nakakagulantang.. talagang nangyayari pala un sa totoong buhay?? At kay Kieffer pa??

Sa ideal boyfriend ko pa???

Wait.. what did i say??!! Argh!! Erase! Erase!!

“you mean.. nag-divorce na kaagad kayo?”

He flashed his faint smile again and then “actually, walang divorce na naganap..”

“eh?? Paano un??”

“haha.. eh paanong magkakaroon ng divorce? Eh wala namang kasal.. peke pala lahat.. Well, she intended it..”

Grabe.. nagugulat talaga ko sa nangyari sa kanya.. hindi lang un, sinabi pa nya na nahinto siya ng isang taon sa pag-aaral dahil napapabayaan na nya ito.. mas pinili pa nga daw nya itong babae na to kesa sa pag-aaral nya, dahil ito daw ang gustong mangyari ng girlfriend nya..

Pero, natapos na naman nya ang pag-aaral nya. Dito na din pala nya natapos ang pag-aaral nya, because after that incident, lumipad na siya kaagad dito sa pinas para makapag-focus na lang siya sa pag-aaral nya.. knowing kieffer, hayok sa pag-aaral yan way back high school days..

“sorry ah.. ikaw pa napagsabihan ko ng sama ng loob.. well, medyo gumaan na ung loob ko kasi wala naman akong nasasabihan pa dito, except you..”

“no.. it’s ok.. mas mainam nga un at medyo gumaan na ung loob mo..”

“salamat ha..”

Ningitian ko lang siya nun at saka nya sinabi sa akin na kakain na siya.. nagutom kaka-kwento ang loko.. hahaha..

Inabot ko sa kanya yung pagkain na hinanda kanina nung nurse.. inilapag ko sa lap nya yung tray at itinabi ko sa bedside table ung tubig nya..

Nung hawakan nya yung spoon nya, bigla itong nabagsak dahil nanginig yung kamay nya bigla..

“bakit?” sabi ko

“wala.. hehe..”

Pero nakita ko na yung kaliwang kamay na nya yung pumulot nito at nagsimula na siyang kumain.. naawa nga lang ako, dahil hindi siya makakuha ng maayos, at pa-paling paling yung subo nya..

Ah.. alam ko na to.. siguro hindi nya magamit yung kanang kamay nya dahil naka-semento yung braso nya, kaya nya ginamit yung kaliwang kamay nya.. pero hindi naman makakuha ng maayos, dahil hindi sanay..

Tsk.. ano pa nga ba magagawa ko??

“ako na..” sabi ko

“de, ok lang.. kaya ko naman..”

“sige na.. para makakain ka na ng maayos..”

“s-sure ka?”

“hmm hmm!”

Kinuha ko yung kutsara’t tinidor nya, at tsaka ako na ang nagsubo ng pagkain sa kanya.. nung una, medyo nahihiya pa siya sa akin, pero di din naman nagtagal at nawala na din iyon..

“hmm.. amie..”

“yes?” sabay hawak nya sa kamay ko..

“thank you ah..”

“sa-saan?” syet! Yung tibok ng puso ko, umaabnormal!!

“for this.. yung pag-aalaga mo sa akin.. salamat!”

“na-naku.. wala yun.. kasalanan namin to ni Jerson..”

“basta, salamat ha..” sabay ipit nya ng buhok ko sa tenga ko at medyo hinaplos nito ang pisngi ko

What is happening here??!!!! Grabe!! Nakatitig siya sa mukha ko at nakangiti.. ano ba to!! (_ _)>

Itinuon ko na lang bigla sa pagkain nya yung atensyon ko.. kumuha ako ng ewan ko ba kung masusubo nya to sa laki ng kanin na sinandok ko at ulam, dahil sa pagkataranta ng puso ko.. Saktong sakto naman na pagsubo ko sa kanya, may biglang pumasok sa may pintuan at iniluwa noon ay yung ate ni Kieffer..

“oh??! Am i interrupting you both?”

Sabay tayo ko.. na-meet ko na naman din yung ate nya, gawa nga nung tungkol sa records thingy.. at dahil na din sa aksidente ng kapatid nya.. nasabi na din ni Kieffer na schoolmate nya ko nun nung high school.. nagulat nga ko sa reaksyon ng ate nya, kasi parang.. kilala ako?

“good afternoon po, doc. Peterson..”

“good afternoon din.. dadalawin ko lang sana ung bro ko.. ok lang ba?”

“ay! Opo naman po.. bakit naman po hindi?”

Natawa naman yung ate nya sa reaksyon ko.. mag-paalam daw ba naman kasi sa akin, eh siya ang mas may karapatan jan sa kapatid nya..

Kahiya naman to oh!! (_ _)>

“alam mo amie, buti na lang at nauntog na tong kapatid ko sa ex-wife nya kuno! Ang tanga tanga kasi!!”

“ate!! Ano ba?” sabi ni Kieffer

“bakit?? At first, ayaw ko na naman dun sa babaeng un.. nagpa-bulag ka lang.. buti na lang at nanjan na si amie..”

“PO??!! Ba-bakit.. bakit po ako??” sabi ko

Naupo siya sa may gilid ng kama nya at tumingin sa akin.. teka, parang kinabahan ako? Ano ba naman yang tingin ng ate nya.. ang.. weird?

“hmm.. well, let’s say na.. there’s a guy who has a confused heart way back once upon a time.. he has a girlfriend already, but his mind was focused on certain girl who‘s bullied by his girl.. then, mas pinili na lang nung guy na di pansinin tong si certain girl kasi nga may girlfriend na siyang witch.. and there it goes.. he blinded by this so-called love of her girl and they planned to get married.. yun pala, niloloko na siya.. simula pa nga lang ala—“

“ENOUGH ATE!!”

Nagulat kami ng ate nya sa sigaw ni Kieffer at napayuko na lang ako.. kahit kasi hindi pangalanan nung ate nya kung sino ang tinutukoy nito, alam ko namang si Kieffer un at ang ex-wife nya.. naiintindihan ko naman kung bakit na lang ganun maka-react si Kieffer sa ate nya..

Syempre, masakit pa un sa kanya..

At, oo, masakit pa un sa kanya, at dapat sa KANYA lang.. EH ANO TONG NARARAMDAMAN KO?? PAMBIHIRA! Ilang linggo ko lang to nakasama, ganito na?!?! I need Jerson right now.. baka sakaling mabaling ulit ang atensyon ko sa kanya..

Tama.. tama un..

“why??? Totoo naman kasi! Tanga mo pumili ng babae! It’s obvious naman na Amie is way better than this Cathie girl..”

WAIT!!

Si.....

SI CATHIE?????

 ----

sana bago ko matapos tong story ko, my makakausap na ko.. tas tutulungan akong gumawa ng BS.. wahaha.. desidido ba ko??? xD

Continue Reading

You'll Also Like

121K 2.7K 38
Eriane Gonzales, solong anak ng mag asawang Erick at Mia Gonzales. She work as a Bank manager sa isang bangko sa Manila. Nalulong ang ama niya sa sug...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
28K 1.4K 44
Marrying Series #1 : Marrying Amanda Salazar [COMPLETED] Amanda was married to a man she don't know anything about him but his name. Timothy Salazar...