When Dyuswa Meets Purita

By danjavu

2M 67K 12.2K

Dear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinata... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 64
Part 63
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Special Chapter
Author's Note, Please Read...
When Dyuswa Meets Purita Again Book 2- Teaser
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12 (1)- Luke
Kabanata 12 (2)
Kabanata 13- Kidnapper and the Rain Lover
Kabanata 14-
Kabanata 15
Kabanata 16- Hunch
Kabanata 17- Subconsciously
Kabanata 18- Pink Lollipop
Kabanata 19- Drunken Love
Kabanata 20- To The Rescue
Kabanata 21- "Hindi gano'n kadali iyon"
Kabanata 22- Ano bang ginawa mo?
Kabanata 23- Feels Like Home
Kabanata 24
Kabanata 25- The Awakening
Kabanata 26- Outburst
Kabanata 27- Huwag Magpa-ligaw
Kabanata 28- Can You Hear Me?
Kabanata 29- Global Warming
Kabanata 30- Hindi siya ikaw
Kabanata 31- Jirits na Jirits
Kabanata 32- Siya pa rin
Kabanata 33- Super...Stupid...Bull!
Kabanata 34- All for him
Kabanata 35- Halaga
Kabanata 36- Return
Kabanata 37- Closing Time
Kabanata 38- Unfairy Tale
Kabanata 39- New World
Kabanata 40- Ship and Flower
Kabanata 41- Condo Talking
Kabanata 42- Clever
Kabanata 43- Unexpected
Kabanata 44- Claim
Kabanata 45- I'm In
Kabanata 46- Red Horse
Kabanata 47- Girlfriend
Kabanata 48- Not Today
Kabanata 49- Ang Sinturon
Kabanata 50- Fallen
Kabanata 51- The First Layer
Kabanata 52- Flirt
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
The Finale
The Final Finale
Announcement MUST READ

Kabanata 2

10.2K 369 107
By danjavu

Konting-konti na lang at sasabog na ako sa inis sa kakahintay sa Florentino na iyon dito sa labas. Makakalimutan ko talagang lalaki siya at masasabunutan ko siya ng bonggang-bongga. Malapit ng mag-alas diyes. At hindi ako dapat ma-late sa hiring sa Elite's Group of Company. Kailangang freshness at blooming ako habang ini-interview.

Ilang sandali pa ay may huminto ng isang black na BMW sa tapat ko. Napaangat ang kanang kilay ko nang makita kung sino ang lumabas sa driver's seat. Si Florentino! And he's freaking gay. Chos lang. Oo na. Lalo siyang gumwapo. Tesoyen pa rin. Parang si Edward Cullen na may blush on sa mukha. Chos ulit.

Inismidan ko siya nang ngumiti siya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"God, Purita. I really miss you!"

Limang segundo na lang ay hindi na ako makahinga kaya kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi kita na-miss."

"Gano'n ba?" Napanguso niyang sabi.

Bading talaga. Napatingin ako sa sasakyan niya.

"Nasaan ang girlfriend mo?"

"Ah, bukas pa ang dating niya rito sa Pilipinas. May tinatapos pa siyang design eh."

Isa daw kasing fashion designer sa London ang girlfriend ni Florentino.

"May gagawin ka ba? Pasyal na muna tayo."

"No. May appointment ako today."

"Ano?"

"Mag-a-apply akong secretary sa Elite's Group of Company."

"Sayang naman. Baka kasi bukas wala na akong oras eh. Susunduin ko na kasi ang girlfriend ko at dederetso na kami siguro ng Camiguin Island."

"Nako walang problema. Eh di next time na lang," nakangiti kong sagot sa kanya saka may kinuha sa bag ko.

Calling card ko iyon at ibinigay sa kanya. Nakakunot-noo niya itong tinanggap at binasa.

"Part-time sales representative sa isang rubber company?"

"Oo. Oh di ba? Oh siya aalis na ako ah? Kailangan ko nang makapunta ng maaga do'n eh."

"Ano bang binibenta mo?"

Nakatalikod na ako sa kanya nang itanong niya iyon. Kinuha ko na lang ang isang box ng condom at iwinagayway ito sa hangin. Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil sa sobrang pagmamadali ko.

Bago ako pumasok sa main door ng napakataas at napakalaking building dito sa Campuestuhan ay bahagya ko munang inayos ang sarili ko. Napabuga ako ng hangin bago lumapit sa security guard.

Nilapag ko ang aking bag for inspection. Naiinip na ako dahil parang ang tagal naman ni Manong mag-inspect. Eh wala namang ibang laman ang bag ko kundi mga box of condoms lang naman.

"Ang dami nito miss ha?"

"Marami talaga 'yan dahil marami akong kliyente," wala sa loob kong sagot sabay sulyap sa relo sa palapulsuhan ko.

Narinig ko ang pagpalatak niya sa sinabi ko. Ano bang masama doon? Eh marami naman talaga akong kliyenteng kumukuha ng order sa akin. Kaagad kong kinuha ang bag ko saka pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa reception area para magtanong sa isang receptionist na parang kamukha ng ingrown ni Taylor Swift. Chos. Maganda naman siya. Pero wala siyang binatbat sa akin. Hmm, magkano kaya ang sweldo ng receptionist kada buwan? Mas mataas kaya kesa sa secretary?

"Good morning ma'am. What can I do for you?" nakangiting bati niya sa akin.

"Magtatanong lang sana ako kung mas mataas ba ang sahod mo kesa sa secretary dito?"

Napamaang siya sa tanong ko. O di ba? Nakakagulantang talaga ang mga katanungan ko. Kaya in demand akong kunin maging chief judge sa mga barangay beauty pageants na ino-organize ni Marlen eh. Suma kaya ako.

"Oh. So you're applying for a secretary position ma'am?"

"Ay shet lang! Ang bright-bright mo talaga girl," natatawa kong sabi.

Flattered naman ang bruha. Madugtungan ko nga ang sasabihin ko.

"Pwede pasampal sa pisngi mo?" nakangisi kong tanong kaya bigla naman siyang kinabahan.

"Po? Bakit naman po?"

"Charotiiii! Ikaw talaga. Binibiro lang kita eh. So anong floor?"

"24th floor po ma'am," sabi niya na kinakabahan pa rin.

"Thank you."

Tumalikod na ako sa kanya at binaybay na ang daan patungong elevator. Pero kapag minamalas ka nga naman oo. Punong-puno ng mga nagkukunwaring tao ang dalawang elevator. Ayoko namang makipagsiksikan. Magkakaroon pa ako ng instant perfume kung saka-sakali. Kaya no choice ako kundi ang mag-stairs na lang.

Okay lang. Sanay naman akong umakyat eh. Kahit nakakapagod pero kakayanin ko. Ganyan naman talaga eh. Kung gusto mong umasenso ang buhay mo, magsakripisyo ka. Magtinda ng condom para sa ekonomiya.

Mga nasa ikasampung floor pa lang siguro ako pero nakaramdam na nang pangangalay ang mga binti ko. Kaya tinanggal ko na ang heels ko na nakaranas na ng ilang major operations (kung alam niyo ang ibig kong sabihin). Baka kung hindi ko pa ito tanggalin ay mag-under coma na ang heels kong ito at tuluyan nang ma-dead on the spot. Nakakahiya kaya iyon.

20th floor. My good nest! Para na akong kabayo na kakagaling lang sa karera. Grabe na itong pagpapahirap ko sa sarili ko ha. Saglit muna akong nagpahinga at naupo sa hagdanan. Pawis na pawis na ako at kung minamalas ka nga naman oo. Hindi pa ako nakadala ng panyo.

Hindi naman siguro pwedeng gawing pamunas sa pawis itong mga condoms na dala ko di ba? Nakakaloka. Ano na lang ang mukha kong ihaharap sa mag iinterview sa akin? Ka-jirits!

"You look so exhausted."

Napatayo ako ng wala sa oras nang makarinig ng boses galing sa likuran ko. Isang lalaking nakatalikod sa akin at nakatingin yata sa labas ng bintana. May hawak itong cellphone na nakadikit sa tenga niya. Napaismid ako. Akala ko pa naman ako ang tinatanong ng kumag.

Inayos ko muna ang sarili ko at nagsimula nang umakyat pataas.

"Where are you going?"

Lihim na lang akong napakibit balikat dahil alam kong hindi naman ako ang tinatanong ng kumag na iyon ah. Nagkataon lang siguro na parang nakakarelate ako sa tanong niya.

"Why are you not wearing your heels?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilingon siya. Pero nakatalikod pa rin siya sa akin. Nakakainis ha. Ibato ko kaya sa kanya ang heels kong bitbit. Narinig ko ang nahagya niyang pagtawa. Urgh! Psychotic! Bangag!

Pinakalma ko muna ang sarili ko saka tumalikod ulit at nagsimula nang maglakad paakyat.

"Okay. I'll go with you."

Narinig kong sabi niya kaya mas lalo kong binilisan ang pag-akyat ng hagdan. Baka magahasa pa ako ng wala sa oras ng bangag na ito eh. Nako nako. Hindi maaari!

Laking pasalamat ko at nakarating na ako ng 24th floor. Habol-habol ko ang aking hininga habang nakahawak sa seradura ng pinto.

"Ang bilis mo namang maglakad."

Muntik na akong mapasigaw nang may magsalita na naman sa likod ko. At base sa boses ay nakakasigurado akong ang lalaking bangag iyon. Iniinis talaga ako ng lalaking ito ha. Pwes, makikita niya ngayon kung papaano mainis ang isang Purita. Pesteng bangag na ito.

"Alam mo..."

Oh 'dilang-mother' naman! Ang gwapo. Hindi ko na tuloy nasabi ang kanina ko pa gustong sabihin. May namumuong pawis sa kanyang noo kaya naman para agad akong nakaramdam nang pagkauhaw. Chos lang! Purita behave! Bangang itong kaharap mo. Huwag kang magpapagapi sa hitsura niya.

"Alam mo...ang gwapo mo."

Eh? Anong sinabi ko? Kajirits naman itong dila ko. Palagi na lang akong bini-betray! Urgh.

"Pero hindi ka papansinin ng isang magandang tulad ko!" agad kong bawi.

Narinig ko pa ang pagtawa niya bago ako tuluyang nagpalamon sa pinto. Nakakainis naman. Sinuot ko na ang aking heels at taas noong nagpatuloy sa paglalakad. Sinalubong ako ng isang staff yata ng building at hiningan ako ng resume. Maliban sa condoms ay resume lang talaga ang laman ng bag ko. Kaagad ko itong binigay sa kanya.

"Maupo muna kayo ma'am," nakangiti niyang sabi.

Napatingin ako sa mga kababaihang nakaupo na sa waiting area. Napataas ako ng kilay nang makita ang mga suot ng iba. Ang hahalay. Ang totoo? Secretary ba talaga ang aapply-an nila rito o dancer sa isang club?

Pumwesto ako sa isang bakanteng upuan at inayos ang sarili ko. Ilang sandali pa ay nagsimula nang magtawag ng pangalan nang iinterviewhin.

Medyo kinakabahan din ako kasi naman hindi ko alam kung anong gagawin ko sa loob. Desidido talaga akong matanggap dito. Kahit ano gagawin ko matanggap lang sa pagiging sekretarya.

Napatingala ako sa kisame.

"Itay, tulungan niyo po ako," mahina kong sabi.

"Kailangan daw labas ang cleavage mo para malaki ang chance mong matanggap," anang babae sa likuran ko.

Kaagad namang nag-activate ang chismosa mode na namana ko kay Ginny.

"Kahit hindi masyadong malaki ang boobs mo basta ba ay labas lang ang cleavage ay okay na?" tanong naman ng isa.

"Maybe."

Napayuko ako at napatingin sa aking hinaharap. Dilang-mother naman oh! Sana nagdala ako ng pudding o di kaya naman ay tinapay.

"At saka alam mo ba, na mismong mga magiging boss natin ang mag-iinterview sa atin? It's like a panel interview na sila mismo ang pipili sa magiging secretary nila."

Gano'n? Nako naman. Halatang mga playboy ang mga big bosses dito ha? Siguraduhin lang nilang mga gwapo sila.

"And you can't believe it. They're the hottest bachelors in the country," kinikilig na sabi ng isa pa.

Ang lalandi naman ng mga hinayupak na ito. Bakit di nila ako tularan dito. Easy, easy lang. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang babaeng staff.

"Miss Ayissha Kyleigh Sandoval."

Oh my God! Ako na. Ikinaganda ko talaga ang kaka-oh my God ko. Magaling na kaya ako sa English. Napatayo ako at lumapit sa babae. Inakay niya ako palabas ng waiting area at itinuro sa akin ang room kung saan gaganapin ang panel interview. Pero bago pa ako tuluyang pumasok ay binuksan ko muna ang bag ko at tinanggal sa mga box ang condoms at nagmamadaling pinasok iyon sa loob ng aking bra para naman medyo lumaki ang hinaharap ko.

Napangiti ako nang makitang lumaki ang future ko. Ibinaba ko na ang aking bag at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko ng room ay may isa pa palang door. Kaloka. Sliding door yata iyon. Pero bakit walang doorknob? Bahala na nga. Hinawakan ko ang sliding door at muntik na akong mangudngod sa sahig nang bigla itong bumukas. Automatic pala! Nagmukha akong muntanga. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ng isa sa mga lalaking nakaupo paharap sa mahabang mesa.

Pasalamat siya at gwapo siya. Kuu! Kinompose ko muna ang sarili ko. Head tilt, chin up, knees bend, feet apart at saka kumanta ng "making melodies in my heart". Chos lang. Tumayo lang ako nang tuwid at inisa-isang tiningnan ang magbabato sa akin ng mga tanong. Napahinto ang tingin ko sa lalaking nakangising nakatingin din sa akin. Ang bangag na ito? Isa sa mga big bosses ng bigating kompanyang ito? You gotta be kidding me! Ay ang ganda ko lang sa linyang iyan! Superlative!

At para akong napatda sa kinakatayuan ko nang makita ang lalaking katabi niya. Ang lalaking napakatagal ko nang hindi nakita. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Bakit sa lahat ng lugar ay dito pa kami muling magkikita?

"Ayissha Kyleigh," malamig na pagkakasabi ni Dyuswa sa pangalan ko.

Pakiramdam ko ay may sumabog na fireworks sa fallopian tube ko ng mga sandaling iyon.

"Yes. That's my name sir," kaswal kong sagot.

Never mind him Purita. It's been seven years. Nakalimutan ko na siya. Naka-move on na ako. So keep focus and bring home the condom!

Nakatingin pa rin siya sa resume ko kaya naman nagpapasalamat ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nagtama ang mga mata namin.

"So, you're applying for a secretary pero wala ka pang kahit anong experience," sabi niya.

"Kaya nga po mag-a-apply para magkaroon ng experience sir," deretsa kong sagot na ikinatawa ng ibang boss.

Ayos to ah. Parang magiging fan ko yata sila sa humor kong kasingtaas ng Chocolate Hills sa Bohol.

"You're applying in this company. At hindi lang basta-basta maliit na kompanya ito Miss Sandoval," sabi niya saka nagtaas ng tingin sa akin.

The way he looks at me right now is very different. Pakiramdam ko ay nakatingin lang siya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita. Hindi ko alam pero may parte sa sistema ko ang nasaktan dahil Hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong reaksiyon na kilala niya ako.

Pero di bale na. Wala na akong pakialam. Kahit na barahin niya pa ako ng mga tanong niya ay sasagutin ko ito. I badly needed this job. I need to get this. Napatingin ako sa bangag na lalaking katabi niya na nakangisi pa rin sa akin.

Kahit papano ay nada-divert ang attention ko sa lalaking ito. Sa kanya muna ako huhugot ng sagot.

"Alam ko naman po iyon sir. Wala akong experience. But it doesn't mean I am not qualified for the said position. I am willing to be trained and I believe that this company will help me to gain the expertise you are looking for sir," nakangiti kong sagot sa kanya.

Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. Nako Dyuswa ha! If I know, impressed much ka sa English ko. Ano ka ngayon ha? Nagsisisi ka na ba na hindi mo ako binalikan? Pero sorry. Move on na ako. Move on na si Purita. Tss.

Tumikhim ang lalaking bangag bago nagsalita.

"So why should we hire you?"

"Because I'm talented sir."

"Hmmm, like what?"

"I can sing, I can act, I can dance sir. I can live, I can love. I can reach the heaven's above. I can right any wrong, I can sing just any song. I can live if living is without you. I believe I can fly. I, THANK YOU!" kampante kong sagot at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere.

Kasabay no'n ay may narinig akong parang may bumagsak sa sahig. Pasimple akong tiningnan iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ano iyon. Isang sachet ng condom na galing sa bra ko!

"I-is that a condom?" natatawang tanong ng bangag na lalaki.

Mabilis pa sa alas kuwatrong kinuha ko ito sa sahig at ipinasok sa bulsa ng pantalon ko.

"No sir. It's a juicy fruit gum," sabi ko at sinabayan ng pekeng tawa.

Hindi na sila umimik at nagpatuloy pa sa akin sa pagtatanong. Sinasagot ko naman sila kapag may sense ang tanong nila sa akin. Pero 'yong mga nonsense question nila ay dinededma ko lang. Sayang lang sa laway kung sasagutin ko pa eh. Tulad na lang ng kung ano ang magiging contribution ko sa kompanyang ito.

Dilang-mother naman! Kailangan pa ba ng contribution bago makapasok sa kompanyang ito? Maliban sa mga condoms na paninda ko ay wala na akong ibang mako-contribute pa. Ka-jirits lang. I wasn't informed about this!

Kaya dahil sa tanong na iyon ay ang tanging sagot ko lang ay, "Next question please. Ang may sense naman sana.

Buti na lang at attentive itont bangag na lalaki at tinanong ako ng may sense.

"For example, nasa bangka ka kasama kami at papalubog na ang bangkang sinasakyan natin, sino ang unang sasagipin mo at bakit?"

Bangag nga talaga ang lalaking ito. Tumikhim muna ako bago sumagot sa kanya.

"Syempre sir ang sarili ko. Bakit? Kasi Hindi naman ako marunong lumangoy. Bakit ko pa sasagipin ang isa sa inyo kung sarili ko nga eh hindi ko maligtas di ba?"

"Hahaha. You are really funny and witty miss Sandoval."

"Selfish act huh?" nakataas ang labing singit ni Dyuswa.

"It's just a situational question Dyuswa. Nothing personal," inis kong sagot sa kanya.

Medyo nagulat pa ang iba dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya. Napapailing na lang siyang ibinalik ang tingin niya sa mga resumes sa mesa.

"Okay, thank you Miss Sandoval. Just wait for the announcement later," nakangiting sabi ng isa pang gwapong binata na parang bata kung gumalaw.

Kaagad na akong tumalikod at lumabas na ako ng silid. Bakit kaya parang affected ako sa sinabi niya? Selfish act pa talaga. Ako pa ngayon ang selfish? Urghh! Dumiretso muna ako sa CR at tinanggal ang mga condoms na nasa loob ng bra ko at itinapon ang mga iyon sa basurahan.

"Nakakainis ang lalaking iyon! Akala mo kung sinong gwapo! Oo na. Siya na nga ang gwapo. Siya na ang gwapo kahit saang anggulo tingnan! Pero wala siyang karapatang sabihan ako ng selfish. Wala!" nanggagalaiti kong sabi sa repleksiyon ko sa salamin.

Biglang bumukas ang isang cubicle at iniluwa no'n ang isang maganda at sexy'ng babae na mga kaedad ko siguro. Ngumiti siya sa akin sa salamin kaya nginitian ko rin siya.

"Lalaki ba ang nagsabi sayo na selfish ka?"

"Ha?"

"Sorry. I heard you ranting a while ago," malambing niyang sabi.

"Ah, o-oo. Nakakainis nga eh."

"Boyfriend mo ba ang nagsabi no'n?"

"Nako. Hindi ah."

Ex ko siya! Ex lang naman.

"Gano'n ba? Most usually ang mga nagsasabi lang ng gano'n eh ang galit na boyfriend sa kanyang girlfriend," nakangiti niyang sabi.

Hindi na ako sumagot at naghugas na ng kamay. Napatingin ako sa id na suot niya.

Michelle Acueza. Director, Accounting Department

Napalaki ang mga mata ko sa nabasa. Boss din pala ito sa kompanyang ito. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Naging rude ba ako kanina? Parang hindi namn di ba?

"Sige po ma'am. Mauna na po ako sa inyo. Hehe," sabi ko at nagmamadaling lumabas ng CR.

Mga bandang alas dose ay lumabas na ang resulta. Pinapasok ang mga posibleng maging sekretarya. At gusto kong tumalon sa saya nang makita ang pangalan ko. Malaki na ang chance ko.

Limang bosses ang nasa loob kalakip na si Dyuswa doon. At anim kaming pagpipilian. Ibig sabihin isa lang ang malalagas. Imposible namang hindi ako mapili.

Tumayo kaming anim sa gitna saka isa-isa nang pumili ang ilang boss. Pang-apat na pumili ay ang bangag na lalaki. Kahit na naiinis ako sa kanya pero sana ako man lang ang piliin niya.

Pero anak ng. Nginisian niya lang ako at iba ang pinili niya. Nakakaloka!

At ang huli ay si Dyuswa. Pinapangako ko talaga na kapag ako ang pinili niya papatawarin ko siya sa pagsabi niya sa akin na selfish.

"I'll pick miss Dela Cruz."

Para akong pinagsakluban ng langit. Kahit pala sa trabaho ay hindi niya ako pipiliin. Nakakainis talaga siya. Galit p rin ba siya dahil sa nangyari?

***
Inabangan ko si Dyuswa paglabas niya ng opisina niya. Hinabol ko siya hanggang sa makarating siya sa glass type na elevator na exclusive for big bosses lang.

"Dyuswa wait!" pigil ko sa papasarang elevator.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "What?"

"Bakit hindi mo ako tinanggap bilang secretary ha? Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?" inis na tanong ko sa kanya.

"For God's sake, Miss Sandoval. That was seven years ago. I chose miss Dela Cruz over you because her credentials are far way better than yours. You are just a college undergrad. See the difference?" naiiritang sagot niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot pa. Para akong sinampal ng dalawang beses.

"So stop imagining nonsense things. Just accept it. Hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo," sabi niya at sinarado na ang elevator.

Laglag ang mga balikat kong naglakad palayo. Hindi na ako nag-elevator. Maghahagdan na lang muna ako at magmo-moment. Gusto kong umiyak sa sitwasyon. Pero wala rin namang mangyayari kapag ginawa ko yon ngayon.

"I thought Joshua will choose you."

Inismidan ko ang bangag na lalaki habang patuloy na bumaba ng hagdan. Nakasunod lang din siya sa akin. Hindi ko na alintana ang pananakit ng paa ko dahil sa heels na suot suot ko.

"Galit ka ba?"

"Bakit ka ba sunod pa nang sunod sa akin?" inis kong tanong sa kanya.

"Coz I feel guilty. Sana ikaw na lang ang pinili ko."

Tiningnan ko siya saka inirapan. Hindi ko na siya sinagot hanggang sa makarating kami sa ground floor.

"If you want I can talk to..."

"Aalis na ako. At hindi ko kailangan ng tulong mo," sabi ko at nagmamadali nang lumabas ng building.

Saktong pagkalabas ko ay nasira na ng tuluyang ang kabilaang heels ko. Napatingala muna ako bago hinubad ang mga ito. Ramdam ko ang init ng alas doseng araw sa mga paa ko. Ang saya-saya lang talaga ng araw ko ngayon.

Napatingin ako sa kabilang kalsada at nakita doon si Dyuswa na nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan na para bang may hinihintay. Napatingin din siya sa gawi ko kaya naman bumawi ako ng tingin at nagsimula nang maglakad.

Nakakainis lang talaga dahil hindi ako pinalad. Pero okay lang. Marami pang ibang trabaho d'yan. Tomorrow is another day. At naniniwala akong may forever. Forever na may tomorrow. Kaya ko 'to. Purita fighting!

©ohheyDAN

Sorry for the very late update guys. Been very busy kasi lately. So, comment na! Hahahha

Continue Reading

You'll Also Like

97.4K 4.1K 35
(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
4.4K 69 6
Isang kuwento ng isang mysteryosang batang babae na makikita mo sa daan kapag gabi sa isang tahimik na lugar... nakadress siya na puti. o dirty white...
Unmei no Akai Ito By Azul

Historical Fiction

29.3K 1.6K 19
Naging simple at tahimik ang buhay ni Luna nang lumipat sila ng tatay at mga kuya niya sa isang malayong bayan. Bawal nga lang siya lumabas ng bahay...