The Temporary Girlfriend

tearscream द्वारा

467K 8.8K 345

Formerly known as "I'm His Temporary Girlfriend" Copyright © Tearscream All Rights Reserved 2013 अधिक

I'm His Temporary Girlfriend
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine -- Part One
Chapter Nine -- Part Two
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Epilogue

Chapter Eight

10.6K 195 4
tearscream द्वारा

*KRIIIIIIIIIIING*

“Okay class, you may go now.”

Dali-dali akong lumabas ng classroom at mabilis na naglakad. Akala niyo may humahabol sa akin. Nadaanan ko pa nga sina Danna at isang mabilisang wave lang ang naibigay ko sa kanila.

Biglang nag-vibrate ang phone ko at sinagot ko naman yun. Alam ko na kung sino to.

“ASAN KA NA?!!!!” ahh grabe. Nabasag ata eardrums ko dun ah..

“Papunta na! Atat ever?! Late na kasi kami dinismiss nung teacher namin kaya late na ako. Palabas na ko ng gate oh,” sabi ko na lang kahit na malayo pa ako sa gate. Wahaha. Hindi niya naman alam yun. :P

“BILISAN MO NA!! GUTOM NA KO!!”

“Oo, oo. Relax. Wag mo kainin ang mga chairs dyan okay?”

“Aba’t!!”

“Bye!!” At binabaan ko siya. Pumunta muna ako saglit sa rest room para magpaganda ng kaunti sabay text na rin kay Red.

Master, hndi ako ssbay uuwi ngaun ah? May ppuntahan pa ko. Bye2.

Pagkatapos magsuklay eh umalis na ako doon and ipinagpatuloy ang paglalakad. Habang patawid sa kabilang daan, nakita ko sa di kalayuan si Red kasama yung mga kaibigan niya. May kung ano-ano siyang ginagawa sa phone niya. Patay. Baka makita ako nito.

Palakad na sana ako ng bigla kong narinig, “Red. Girlfriend mo yun diba?” shemax! Kaya nga ako nagmamadali para di ako mahuli ni Red eh!! Koya naman kasi!

Binilisan ko pa ang lakad ko pero naramdaman ko na lang na may kumuha ng braso ko. Siyempre. Sino pa ba?

“Ui Hello, Red!!” bati ko sa kanya na parang shock ako na makita siya.

“At saan ka naman pupunta?”

“S-somewhere... sige na, bye~” hinatak ko ang kamay ko pero di niya pa rin ako binibitawan. “Red!! Nagmamadali akooo~ sige naaaa~” sabi ko sabay stomp-stomp pa ng foot yan.

“Eh saan ka nga kasi pupunta?”

“May date ako.” Hala! Na-shock ako sa sinabi ko kaya binawi ko agad. “Date with friends! Oo, date with friends!”

He scrutinized me, parang di naniniwala. “Aba. Wag mong sabihin na may dina-date kang ibang lalaki dyan?”

“Wala, pramis! Dyan lang ako sa food court ng mall. Kaibigan ko lang nga kasi yung kasama ko.”

“Edi sasama ako...”

Nanlaki naman ang mata ko. Ano ba yan! “Hindi pwede!”

“At bakit?”

“Kasi... kasi....” Bigla naman siyang tinawag nung kasama niya kanina. “Kasi tinatawag ka nila, so BYEEE~” at tumakbo nga ako para di niya lang ako maabutan. Wew!

*Food court

“Nah ano man? Anong petsa na?!” Pataray na sabi niya. Ajuju. Walang araw na hindi to galit.

“’Ikaw talaga, Mimi!! Vee! Na-miss kitaa!”

“Na-miss din kita!” sabay hug ko sa kanya.

Ang kasama ko nga pala ngayon eh mga best friends ko. Sila yung 2 tao na nagtiis sakin mula first year hanggang fourth year high school. Ngayon lang kami naghiwalay kasi taga iba-ibang school kami.

Si Mary Rose, also known as Mimi (hindi ko din talaga gets kung paanong naging ‘Mimi’ ang palayaw niya, sa tuwing tinatanong ko, ang sagot niya, ‘cute kasi ako’. At hindi ko din alam kung anong connection nung sagot niya sa tanong ko. Pero quiet lang ah! Bitter yan ngayon! Kaka-break lang niya at nung boyfriend niya. Wahahaha) siya yung medyo palaban ang attitude samin. Prangka din yan, kaya kung tingin niyo prangka ako, nako, sa kanya ko po namana yun. Haha. Sisihin ba naman daw siya?

Si Sharmaine naman... eto uhm, perpek na to. Masyadong dalagang Pilipina. Madaming kaibigan, madami ding nagkakagusto diyan! May pagka-weird nga lang. Wahaha. Nagka-boyfriend na rin to pero noong sinaunang panahon pa yun, at ayaw niya pang magka-boyfriend ngayon. Na-trauma na sa past experience niya. Ayan kasi, katorse pa lang, mag-boyprend na!

Sa grupo namin, ako lang ang NBSB pero hindi ko pa sinasabi na may boyfriend na ako ngayon. 2 months din kasi kaming di nagkita-kita dahil walang time at di naman sila nag-summer classes.

“Kamusta naman? Buti nakapag-aral ka na,” concerned na sabi ni Sharms.

“O-oo eh. May tumulong kasi sakin...”

“At sino naman yun?” sabi ni Mimi.

“Si Lord.”

Nag-usap usap lang kami doon, curls lang ang kinain namin dahil hapon naman na. Gusto ko sanang sabihin yung tungkol kay Red ang kasooo... hindi ako makatyempo. Ang ingay kasi nitong dalawa. Laging inaaway ni Mimi si Sharmaine at ako naman ang referee nila.

Bigla namang natigil yung dalawa at nakatingin lang sa likod ko. Halaa. Anong nangyayari? Pang-apat kasi yung upuan, bale silang dalawa yung nasa harap ko tapos ako naman nakaupo kaharap sila at vacant yung seat na katabi ko.

“Sharm, ang gwapo...” Mesmerized na sabi ni Mimi. Ookay?

Niyugyog ni Sharm si Mimi. “Shocks! Palapit sa atin!” Lilingon na sana ako kaya lang... may biglang umupo sa tabi ko... si Red. O________O *gulps*

“Hi, GIRLFRIEND!” at talagang diininan niya pa ang word na ‘girlfriend’. Naramdaman ko namang sinipa ako ni Mimi. Aray ko, ang sakit kaya noon! Ajuju.

“GIRLFRIEND?! BAKIT DI MO PINAKILALA SAMIN AH?!”

“Oo nga. Bakit di mo AKO pinakilala sa KANILA.” Sabat naman ni Red. Aaargh.

“Aba! Okaaay~ Mimi, Sharm, si Red nga pala. BOYFRIEND ko. Red, si Mimi and si Sharmaine, best friends ko.”

“Hi! I’m Jarred Nikolo Candry.”

“Mary Rose.” Sabi ni Mimi. Aba, pa-taray epek?

“Sharmaine!” masayang bati ni Sharm.

“So Red, paano naman kayo nagkakilala nitong si Violet? At Violet, 2 months lang tayong di nagkita, may boyfriend ka na agad? Ni hindi man lang namin nalaman ni Sharmaine na may nanliligaw pala sayo.”

Sasagot na sana ako pero pinigilan ako ni Red.

“Well, actually... nagstart kami bilang magtextmate. One of my friends gave her number and hindi ko naman alam na schoolmate ko pala siya. We met 2 months ago dito sa mall na to, kasama niya yung ilang kaibigan niya at ganun din naman ako. I started courting her then and last week niya lang ako sinagot. Hindi din siguro inaasahan ni Vee na magiging kami kaya di niya siguro nasabi sa inyo.” WOW. Clap Clap! Biruin niyo naisip niya yun? Mukhang prinepare niya talaga ang speech niyang yan ah. :D Pero di kaya siya nanligaw sakin.

Alam ko magtataray pa tong si Mimi and si Sharm eh, pero biglang sabi ni Red,

“What do you guys wanna eat? My treat.” At parang nagpantig ang tenga nung dalawa. Agad nagdazzle ang mga mata. Eto ang weakness nila eh, ang salitang ‘LIBRE’.

Nag-usap usap lang kami doon. Nakagaanan din naman agad ng loob nina Sharmaine and Mimi si Red. Sabi ko na senyo eh, friendly talaga yan.

Nung mag-5 pm na. Nagdecide na din kaming umuwi. Nag-offer si Red na ihatid sina Sharm and Mimi. Papa-impress talaga to oh. And pumayag naman yung dalawa. Una naming inihatid si Sharm kasi yung bahay nila yung pinakamalapit.

Bumaba kami ni Mimi para magpakita na rin kay Tita Camille. Matagal-tagal din naman namin silang di nakikita. Pero instead na si Tita makita namin, yung kuya ni Sharm ang nakita namin.

“Oh kuya, ang aga mo ata?”

“Walang last period class,” napatingin sakin si Shin. “Aba! Violet?! Kamusta na?”

“Ayy Shin nagtatampo ako! Bakit Violet lang? Halerr. Andito din ako noh!”

“Ay, hello Mimi!” Hindi namin siya tinatawag na kuya dahil magka-edad lang naman kami. Hindi man halata, si Sharmaine ang pinakabata sa aming tatlo. 18 pa lang siya kami naman ni Mimi at Shin eh mag-19 na.

“Lol! Alam mo namang may gusto yan si Kuya kay Vee eh!”

“Hala. Wala kaya. *turns to Violet* kamusta naman? May love life na? Dalaga na ah!” sabay gulo ng buhok ko. Kahit kelan, trato nito sakin bata eh...

“Aish Shin!” Tinanggal ko naman yung kamay niya. Tapos bigla ba naman akong i-hug! Pero na-miss ko din to. Siya kasi lagi yung nangungulit sakin sa school nung HS pa kami. Pero nung nag-graduate yan, minsan ko na lang makita. 1 year advance kasi siya sa amin.

Napa-stop ako sa pagmumuni-muni ng biglang may tumikhim sa tabi ko. At yung tikhim niya ah, parang sinadya talaga. Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Shin.

“Ayyy, Shin... si Red nga pala. Boyfriend ko.”

“Boyfriend?!” Gulat na sabi ni Shin. Di ba kapani-paniwala na may boypren ako? -_______-“

“YES. BOYFRIEND.” Sabi ni Red.

“Aba. Hindi ka man lang nagsabi na nagpapaligaw ka na pala. Tsk tsk.” Tumawa naman sina Mimi and Sharm. Nahihiya na ako dito ah.

“Ang bagal mo kasi Shin! Sayang ka! Gwapo sana, torpe lang. Wahahaha!” sabi naman ni Mimi. Sige pa, hindi talaga AWKWARD. PROMISE.

“Puro ka kalokohan. Sige, mauuna na kami at ihahatid pa namin tong lokaret na to.” At bumalik na kami sa Vios ni Red para ihatid si Mimi.

***

Papunta na kami sa bahay..

“Gusto ka ata nung Shin eh,” nagulat naman ako ng biglang magsalita tong si Red. Kanina pa kami bumabyahe ngayon lang nagsalita.

“Pati ba naman ikaw? Wala yun. High school pa ko nung inaasar ako nun. At saka, yung mga tipo nun mga magaganda, matalino, mga parang Ericka!”

Napatingin naman siya sakin at nagpark sa harap ng bahay ko. Umibis ako ng kotse niya. Ganun din siya. Nakasandal lang siya sa kotse niya habang tinitignan ako..

“Maganda ka naman ah. Matalino din.”

“Asus. Sinasabi mo lang yan kasi girlfriend mo ko.”

“Wala ka talagang bilib sa sarili mo noh?”

I gave him a faint smile and shrugged, “Nasanay na ako eh, sige na, ba-bye na.”

Umiiling-iling pa ng pumasok siya ng kotse niya. Binaba niya yung bintana at sinabing, “You’re smart and beautiful. Believe me.” And pinatakbo niya na ang kotse.

Naglakad na ako papasok ng bahay. Hindi naman kasi kapani-paniwala na maganda at matalino ako. Kasi kung ganun, bakit lagi akong ikinukumpara ng mga tao sa paligid ko sa ate ko?

Bakit lagi na lang, ‘gayahin mo yang ate mo! Studious masyado! Ikaw parang wala lang sa’yo ang pag-aaral!’, ‘Maganda ka naman. Pero mas maganda yung ate at little sister mo’...

Bakit nasabihan pa ako ng, ‘Sana di ka na lang pinanganak. Madami na kayo masyadong magkakapatid.’

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Simula noon hanggang ngayon, lagi nila akong kinukumpara kay Ate. Nung 5th Grade nga, muntik na akong makasali sa top 10, sinabi ko yun kay Mama. Alam niyo sabi niya? “Muntik na pero hindi ka pa rin nakasali.”

Si ate kasi laging panalo sa mga contest, laging may honor... si ate kasi nakapag-aral sa isang Science School habang ako sa ordinaryong public school. Si ate kasi nakapunta na ng iba’t ibang lugar para magcompete pero ako... hanggang dito lang naman ako. Kapag kailangan ni Ate ng time para mag-study, bibigyan nila. Pero pag kailangan ni Violet? Eto pa ang isasagot, “Nag-aaral ka pala?”

Si Ate, malaki ang trust sa kanya ng mga tao. Kay Violet? Wala. Kahit na sabihin mong pupunta lang sa kaibigan para gumawa ng project, kailangan pa talagang i-check kung may katotohanan yung sinabi mo.

Paano mo ba mararamdaman na MAGANDA at MATALINO ka kung lagi kang nasa anino ng ibang tao? Paano ka ba magkakaroon ng bilib sa sarili kung wala namang bilib yung mga tao sayo?

Bakit nagkakaroon ng low self-esteem ang mga tao? Dahil yung mga inaasahan nilang mga taong may bilib sa kanila at siyang magsasabing ‘KAYA MO YAN’ eh siya pa palang tutulak sa kanila pababa.

Kaya kahit na topakin sina Sharmaine at Mary Rose, at least sila... nakikita nila AKO bilang AKO. Sila yung mga taong handang paniwalaan ako kahit na ang sarili kong pamilya at ang sarili ko mismo eh hindi kayang gawin yun.

---

<3 Tear.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Muli: Book 2 (To Be Published) Elle E. द्वारा

किशोर उपन्यास

313K 5.8K 31
It's been almost seven years since magtagpo at maghiwalay sila Alex at Maggie. Both were all successful and contented. Bagamat hindi pa nila nakakali...
6.2M 171K 57
Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya ang matanggihan. Ang isang club stripper...
393K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...