Chapter Twenty-One

7.8K 177 2
                                    

"Vee, gising na.."

"Hmmm.."

"Gising na, alas 8 na.."

"Asdjklmngpja.."

"Ano? Gising na dyan at ma-le-late ka na!" naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

"Gising na! Ang tigas ng ulo ng batang oh!"

"Ma... Bago po ako matulog kagabi, I checked my calendar, sabi niya, Sabado daw po ngayon... At wala po akong pasok every Sat," sabay talukbong sa kumot.

"May lakad kayo ni Red, diba? He asked me to remind you dahil di ka raw nakikinig sa kanya nung sinabi niya yun sa'yo," napaupo na ako at kinusot ang mata ko. Istorbo si Mama e! Andun na ako sa part na i-hu-hug na ako ni Touya eh! >.<

"Kelan niya sinabi?"

"Wednesday, nak. Nung gumagawa daw kayo ng requirements niyo."

Naalala ko nga na may sinasabi siya sa akin nun pero di ko naman narinig kung ano yung sinabi niya.

"Anong oras po siya pupunta rito?" sabay hikab ko. After one week na tadtad ng requirements, ngayon na lang ako ulit nakatulog ng maayos. Tapos mahihinto pa -_-

"10 am daw andito na siya."

O_____O

"10 am?! 8 na ah! Bakit ngayon niyo lang ako ginising?" tumayo ako agad sabay kuha ng towel at sinuklay ang hair ko. I always do it before taking a bath para di hassle magsuklay after maligo.

"Heller? Kanina pa kita ginigising. Pang 4th attempt na nga yung ngayon e," kung maka 'heller' si Mama, parang teenager lang ah hindi 47 ~_~

"Okie, okie. Maliligo na po ako.."

"And Vee.."

Napa-stop ako sa pag open ng bathroom door and turned to look at my mom, "Hmm?"

"Wear something formal."

Inatake ako ng pagka-pilosopo ko kaya ang sinagot ko, "Formal like long sleeves and slacks? :P"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama at pumasok na sa banyu. Ganun kasi ang formal attire na pinapagamit niya sakin noong bata pa ako kaya inasar ko lang. :D

***

Natapos na akong maligo at binoblow dry na lang ang buhok ko. Gash. Gusto ko ng magpaputol ng buhok, ang hirap magpa dry ng mahabang buhok!

Nakahilata sa kama ang isang sleeveless lime green dress na may kasamang black belt. I think hanggang tuhod ko yun. May mga beeds rin around the neckline. It's simple but cute. Buti na lang marunong mamimili si Mama ng dress na susuotin.

Nagdecide akong i-pin na lang ang hair ko. Pagod na si kamay gumalaw e. Bumaba muna ako para maka-snatch ng sandwhich at orange juice tapos umakyat ulet ako para magtoothbrush at sinuot na ang dress na yun tapos nagsuot rin ako ng micro shorts.

*knock knock*

"Vee, andyan na si Red," narinig kong tawag ni Ate Lenny. Sabi niya 10 am? 9:45 pa lang nga!

"Sandali lang po. Patapos na ko," nilagay ko sa purse ko ang panyo, phone, magic lipstick (yes, eto po ginagamit ko) and compact powder ko.

Nagwisik wisik ako ng pabango. Tingin one last time sa salamin. Okay. Mukha na akong tao. Kinuha ko yung peep-toe shoes ko and kinarga yun. Ayoko ngang suotin yun habang pababa ng stairs, mahulog pa ko, kahihiyan overload pa.

***

I went downstairs and saw Red in the front room, may ka-text. Pumasok ako sa living room at nakita niya ako. Nabahiran ng surprise ang mukha niya.

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now