Chapter Twenty-Nine

7.3K 145 2
                                    

Nakatingala sa langit. Pinagmamasdan ang mga ulap. Ooh. Pigang piga na ang aking utak kaka-aral..

*phone rings*

Kinuha ko ang aking phone at tinignan ang screen.

Ericka calling...

Ano naman kaya ang itinatawag niya? O.o

"Hello?"

"Vee!"

"O baket?"

"Save me from boredom! Punta ka dito!"

"Hala. Midterms na next week. Kailangan ko mag-aral noh! Ikaw na lang punta dito. :P"

"Gustuhin ko man di pwede eh. Grounded ako. T^T geh na, Vee, dalhin mo lang notes mo, dito tayo mag-aaral samin."

"Sure ka?"

"Oo nga. Dali naaa~"

"Oh sige. Bihis na muna ako. Teka, saan ka nakatira?"

"Ay, don't worry. Pinasundo na kita sa driver."

"Pinasundo? O.o"

"Yeah. Para pumayag ka. :D geh, Vee. See yah! *toot toot toot*"

Wow? Binabaan ako? Oh well, na-e-excite ako! Pumasok ako sa walk-in closet ko para magpalit ng damit. Nagpink sleeveless tank, white longsleeves midriff top, fitted jeans and wedge lang ako. Lumabas ako ng walk-in closet. Nag-apply ng lip balm, wisik ng perfume tsaka nagsuklay ng hair. Inilugay ko na lang para magmukha akong kagalang-galangan. :D

Nilagay ko sa maliit kong bagpack ang mga notes ko at bumaba na.

"At saan ka naman pupunta?" sinilip lang ako ni Mama tapos binalik na 'yung tingin niya sa magazine na binabasa niya.

"Kina Eri. Sabay kaming mag-aaral dahel grounded siya."

Tinignan ako ni Mama, "Paano ka makakarating dun?"

"Susunduin daw ako dito."

"Oh sige. Kunin mo na yung dalawang box ng brownies. Yung isa para kay Mish, yung isa para kay Red. Neighbors sila, diba?"

"Mama naman, alangan namang puntahan ko pa si Red sa kanila."

"Malamang lang. Girlfriend ka niya eh. Tong batang to."

Dahil ayoko ng kontrahin si inay, pumunta akong kitchen para kunin sa fridge yung boxes ng brownies. Pagkapasok ko sa living room, may bumusina naman.

"Andyan na sundo ko, Ma. Bye," kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng front door.

"Ma'am Violet? Ako po si Raul. Family driver ng mga Suarez."

"Ahh. Hello po, Mang Raul."

Binuksan niya ang backseat door para sa akin, "sakay na po."

***

After 15 minutes e nakarating na kami sa subdivision nila Ericka. Medyo malayo-layo din yung bahay nila mula sa gate kaya pinasundo niya ako. Exclusive kasi to dito at di nagpapapasok ng mga public vehicle.

Gaya ng bahay nila Red, malaki rin ang bahay nila Eri. Ewan ko ba sa mga mayayaman. Bumibili sila ng mga malalaking bahay tapos iilan lang pala ang titira. Tapos ang hirap kaya maglinis noh!

Bumaba na ako ng kotse at tiningala ang bahay nina Eri. Mukhang haunted house. :D Ang laki kasi pero ang tahi-tahimik.

Hello? Anybody home?

"Vee!" Ay! May sumagot! :P

Tumingin ako sa front door. At ayun si Eri, super kung maka-kaway, sabik lang sakin. :D

The Temporary GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang