Chapter Seven

11.1K 200 1
                                    

So ayun, napag-usapan namin ni Red na pag morning at hindi niya ako masusundo, yung driver ang susundo sakin. Pagka hapon naman, dapat hintayin namin ang isa’t isa...

2 araw na din simula nung nalaman ng mga kaibigan ko na ‘kame’ na at sa dalawang araw na yun, di pa rin nila ako pinapansin. :(

Wednesday ngayon at hindi kami im-meet ng last period prof namin. Dapat umuuwi na ako sa ganitong pagkakataon pero hinihintay ko pa si Master Red. May practice pa siya eh kaya dito muna ako sa bench sa may field para gawin yung mga homeworks ko.

Natapos na ko’t lahat hindi pa rin ako pinupuntahan dito ng boyprend ko! So ayun, tinitigan ko na lang yung mga tao sa field... tapos nakita ko si Vincent... may kausap nanaman siyang babae. Sa tuwing nakikita ko siya, lagi siyang may kausap na girlaloo.

“Haaay. Pasulyap sulyap lang... patingin-tingin,” sabi ko sa sarili ko. Parang timang lang eh noh? Naalala ko na lang yung nangyari kahapon...

*konting Flashback

*KRIIIIIIING*

Sa wakas! Natapos na rin ang klase ko. Hindi pa ako naglulunch at ang usapan eh magkikita kame nina Danna sa caf para sabay kaming kakain dahil hanggang ngayon eh iniiwasan pa rin ako ng mga kabarkada ko. Haaaaay :(

Lumabas na ako ng room at nakita ko si Danna sa may hallway. Tatawagin ko na sana siya ng nakita kong may kausap siya. I squinted my eyes... si Vincent. OMO! Magkakilala sila?

Tinitignan ko lang silang dalawa habang nag-uusap at nagtatawanan doon. Nakaramdam ako bigla ng selos. Don’t tell me... girlfriend ni Vincent si Danna? Aray naman! Chos. Kala mo naman may pag-asang makilala ako ni Vincent.

After nung unang pagkikita namin, ngayon ko na lang ulit siya nahagilap dito sa campus. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, “hey! Nakapag-aral ako dito oh!” pero di ba nakakahiya yun? Malay ko bang nalimutan niya na ang una naming pagkikita? Charing. :D

Nung nagsimula ng maglakad sina Danna at Vincent, sumunod din naman ako. Nakita ko pa si Vincent na ngumingiti sa mga taong makakasalubong niya. Ang gwapo niya talagaaa!! Tapos kada ngingitian niya yung mga kababaihan, kinikilig din naman sila.

Kahit saan sila pumunta nakasunod lang ako. Hindi ako stalker, okay? Sinusundan ko lang sila. Ano ba ang sunod sa english? Diba follow? At anong tawag sa nag-ffollow? Eh di follower! So follower ako hindi stalker. Oh diba? Galing ng logic ko. Wahaha

Nung napahinto sila at napalingon si Vincent, todo tago agad ako at nagpapanggap na may tinitignan sa stairs kahit wala namang tao doon. Baka mamaya akalain pa niyang sinusundan ko sila ni Danna! Hindi kaya noh!

Napalingon at sumilip kung saan na sina Vincent ng biglang...

“Violet!” napatayo ako ng diretso at nagpretend na nililinis ko yung black shoes ko kahit na wala naman talagang dumi. Inangat ko ang ulo ko at nakita sina Lili at Giezel na nakatayo sa harap ko na naka-kunot noo.

“Anong ginagawa mo dyan?”

“Huh? Wala... naglilinis ng shoes..”

“Asus. If we know, may sinusundan ka lang!” Sumilip din sila doon sa sinisilipan ko kanina, napalingon din ako at nakita naming naglalakad na si Danna papunta sa amin.

“Oh? Problema niyo?” tanong ni Danna.

“Saan ka galing?” tanong ko.

“Sa Office ng Org namin. Nakasabay ko pa nga si Vince eh..”

“SI VINCENT WEE?!” sabay na tanong nina Giezel and Lili. O-kay. Don’t tell me sikat din yun?

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon