Chapter Nineteen

7.8K 151 2
                                    

Nagpark siya sa may gate namin, "Oh andito na tayo."

"Lika, pasok ka sa loob."

"Wag na. Pahinga ka na doon."

"Maghugas ka muna ng paa doon. Dali naaa," hinila ko siya papuntang gate.

Pinindot ko yung door bell at tumambad sa amin si Ate Lenny.

"O Vee, ang aga mo ata ngayon."

"Masama pakiramdam ko, ate eh. Nga pala, Ate Lenny, si Red, boyfriend ko."

"Hi. Nice to meet you po."

"Nice to meet you din, pasok na kayo," pumasok na kami at sinamahan ko si Red sa bathroom para makapaghugas na kami ng mga paa namin at saka humingi rin ako ng towel kay Ate Lenny pampunas sa paa namin.

Pagkatapos e sinuot niya na yung socks niya at ang sapatos niya. At nung nakapagpagwapo na siya (siya may sabi niyan ah) kinuha niya na yung bag niya.

"Sige na. Okay na ako. Aalis na ako, Bbear. Sige Ate Lenny, mauuna na po ako."

"Alis ka na? Gusto mo merienda?"

"Ah hindi na po, kailangan ko na po kasing bumalik eh."

"O siya, maghahanda muna ako ng meryenda para mamaya pauwi ni Purple. Mag-ingat ka sa pagmamaneho ah," at pumasok na si ate sa kusina.

"Hatid na kita," pero medyo tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako.

"Dyan ka lang. Magpahinga ka na ha. Sige, ba-bye na, Bbear," tapos hinalikan niya ako sa pisngi.

"Oi, sobra sobrang na yang paghalik mo sa pisngi ko."

"Wasush. Kinikilig ka lang. O baka gusto mo sa lips pa."

Aba't! Namula ako tapos tumawa lang siya. Aish >.<

"In your dreams!"

"Bye, Bbear!" at naglakad na siya palabas ng bahay. At narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya.

Pagkaalis ni Red, pumunta akong kusina kasi andoon si Ate Lenny.

"Ate, asan si Mama?"

"Nasa boutique ng Auntie Loree mo. Mamaya pang 5 ata balik noon e."

"Aah. Okay, ate. Matutulog na po muna ako ah."

"Gusto mo gamot?"

"Ay, hindi na po. Pinainom na po ako kanina sa infirmary."

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now