Chapter Thirty-Five

7.5K 138 0
                                    

Its been days na rin after ng birthday ko. Akala ko nga magkakaroon kami ng awkward moment ni Red pero buti na lang at wala.

"Vee! Look mo oh? Cute ba?"

"Oo maganda. Bilhin mo na."

"Di mo pa nga tinitignan. Cute ba, Mics?" Ngumiti lang si Kuya at tumango. Haaay.

Pareho kami ni Kuya nakaupo dito sa may shoes area sa boutique dito sa mall. Kasama ko ngayon si Ate Maggy at Purple pati na rin si Kuya Micco. Ako kasi ang fashion consultant nung dalawa. Marunong daw akong pumili ng damit pero di ko raw nagagamit for my own good. =_=

Thursday ngayon. Maaga akong lumabas sa school kaya nasamahan ko pa sila. Si Purple naman, half-day lang ang class. Grabe tong mga to. Walang patawad. May class pa naman bukas. Pwede naman sanang weekend magshopping eh. =_=

Obvious naman na pagod na si Kuya Micco kakaikot namin sa BUONG Gateway pero tahimik lang siya. Di nagrereklamo. Hay, sana magkaroon ako ng boyprend na gaya niya.

"Kuya, dito ka lang ah? Alam ko namang pagod ka na."

"Saan ka pupunta?"

"Dun sa mga sale. Alam mo naman ako, mahilig dun. :P"

"Oh sige. Balik ka agad, baka mamaya oo lang ako ng oo dito sa ate mo tapos ayaw niya pala dun."

I tapped his shoulder, "Okay, Kuya. The best ka!"

Tumayo na ako at naglakad na dun sa may sale na area.

Nagtitingin lang ako ng magandang blouses dun ng biglang lumabas yung commercial ni Venisse sa screen ng television nung boutique na to.

Isa yung cosmetic commercial. Nakatitig lang ako dun sa screen. Ang ganda niya talaga tapos ang cute pa ng boses niya.

"Ang ganda ni Venisse noh?" Napatingin naman ako sa side ko. May babae ring nakatayo. Di ko masyadong makita ang mukha niya dahil naka-hoodie and shades siya. Ako ba kausap niya? Nagpalinga-linga ako. Kami lang palang dalawa andito.

Binalik ko yung tingin sa screen, "Oo. Ganda niya."

"Balita ko, nasa bansa raw siya ngayon pero di pa na-co-confirm yun since di pa naman siya nagpapakita."

"Hmm. Balita ko nga rin."

"Pero alam mo... Malapit na siyang magpakita. Tapos babalikan niya na yung ex-boyfriend niya."

Tumingin lang ako dun sa mga blouse, "P-paano mo naman nalaman yun tsaka diba sabi sa interview niya, babalikan niya raw yung ex-boyfriend niya pag available pa ito?"

"Paano ko nalaman? *shrugs* Alam ko lang. At may nag-confirm daw sa kanya na available pa rin si Red ngayon.."

Napatigil akong bigla at halos tumalon ang puso ko sa sinabi niya.

Napatingin ako sa kanya pero sa mga damit parin nakatuon ang tingin niya.

"At dahil dun, nagdecide na siyang bumalik at balikan si Red. *smiles* She doesn't even know na marami siyang masasaktan sa gagawin niya," she started to walk away.

"T-teka... How did you know--"

"I told you. Alam ko lang. *smiles* See you at the party, Violet. Ja ne!" She walked away.

Sino naman ang babaeng yun? How did she know me? Bakit sinabi niya yun? She's kinda creepy..

So totoo pala ang hinala ko. Venisse's ex-boyfriend is Red.

"Vee!" Napatingin ako kay Kuya Mics. I walked towards him.

"O ba't namumutla ka? Masama ba pakiramdam mo?" Agad niya naman akong pinaupo.

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now