Chapter Seventeen

8.5K 182 2
                                    

Its Monday morning at ready to go to school na ako. We-hell, siyempre sinundo ako ni Red sa bahay. Dumiretso na ako sa classroom ko at nakinig sa mga lesson ng teacher ko.

Sabay kaming naglunch ni Red. Syempre nilibre niya ako. Sana malibre rin kayo ni Red balang araw. :P Habang kumakain kami doon, may narinig akong nag-uusap malapit sakin.

"Girl naman, sana sinabi mo na lang kay Rica yung totoo. Tignan mo nagalit tuloy siya sa'yo."

"E ayaw ko lang naman siyang masaktan kaya tinago ko sa kanya. *sniffs* iniisip ko lang kung anong mararamdaman niya."

"Sa ginawa mo, mas lalo lang nasaktan si Rica. She deserves to know the truth, you know? Oh, inumin mo na lang yan choco latte. Tara na."

Nakita ko pa sila na papalabas ng cafeteria. Great. Nagpapatama ba talaga ang tadhana?

"Bunny? Yoo-hoo~ tulala ka dyan. Kain ka na nga."

"Gummy..."

"Oh?" sabay subo nung manok niya.

"Paano kung... nalaman mo na yung boyfriend ng kaibigan mo ay nagccheat? Sasabihin mo ba sa kaibigan mo o hahayaan mo na siya yung makaalam?"

Humigop siya doon sa coke niya, "Tingin ko, sabihin mo na habang mas maaga pa. Pag nalaman ng kaibigan mo na alam mo, for sure magagalit yun sayo. Mas gusto mo bang makitang masaya yung kaibigan mo sa kasinungalingan? Mas gusto mo bang magmukha siyang tanga na hindi alam lahat ng baho ng boyfriend niya?" awts. Patama man talaga yun.

*KRRIIIIIIIIINNNGGG*

"Oh, time na, tara na?" tumayo na kami at lumabas na ng caf.

Nung nasa tapat na kami ng room ko, "Salamat, Red."

He smiled, "Wala yun. Thanks for sharing what's bothering you. Sige, pasok ka na."

Pagkapasok ko sa room, andoon na si Sir at inaayos yung projector niya. Nakaupo na si Lili at Giezel pero wala yung katabi ko, si Danna.

Busy pa naman si sir kaya kinulbit ko si Lili.

"Asan si Danna?" tanong ko.

"*shrugs* hindi ko alam--" naputol yung sasabihhn ni Lili ng magsalita si sir.

"Mamaya na," she whispered. Nakinig lang kami kay sir.

*KRIIIIIINNNGGG*

After a hour and a half, natapos din!

"Oh saan si Danna?"

"Hindi namin alam, Vee. Hindi pa kami nakakapag-usap ever since the day we found out about Xander." -Lili

"Ohw. May sasabihin pa sana ako sa kanya e. Absent din ba siya sa subjs nyo this morning?"

"Hindi kami mi-neet nung teacher namin kanina kaya di namin alam kung andito ba siya sa school."

"Wait, I'll call her," hinalungkat ni Gi ang bag niya para makuha ang phone niya.

"Hello, Danna?... san ka? Bakit ka absent?... E anong ginagawa mo dyan? Anong kala mo, Sunday ngayon?... of course we care! O sige, dyan ka lang ha! Naghihingalo na phone ko, makiki-charge ako dyan... Okie, bye."

"Oh ano daw?"

"Nasa bahay daw siya ngayon. May problema ata yun."

"Puntahan natin?"

"Awts. I have a class!"

*bzzt bzzt*

I checked my phone...

Arcillas, I can't meet the class today. Emergency. Please inform your classmates.

"Oh, sino nagtext?"

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now