Chapter Twenty-Two

7.5K 151 2
                                    

"So ikaw pala yung 'Bbear' na laging inaasar ni Nikolai kay Nikolo? Alam mo bang laging namumula yang si Nikolo pag tinutukso ng kuya niya?" sabi naman ni Mommy Bella.

"Aish! Mom!" Natawa naman kami sa sinabi ni Mommy Bella at sa reaksyon ni Red. Nilingon ko si Red para makita ang mukha nya. Wahaha. Namumula siya! Perstaym! :D

"Hala Gummy, namumula ka nga! Capable ka palang mamula?" masayang sabi ko.

"Bbear, hindi ako namumula. Pinkish lang talaga ang balat ko."

"At talagang natural na talaga sa'yo ang pagiging mahangin e noh?"

Tumawa naman siya and pinched my cheeks, "Aray ko!" pinalo ko yung kamay niya. Sa peripheral vision ko, nakita ko kung paano ngumiti yung mga kasama namin. Nakakahiya! >///<

"Uhm. Hello po, Violet Arcillas po. Nice to meet you po."

"Hello, hija. Ako nga pala ang ama ng dalawang yan. Pagpasensyahan mo na ang pagiging mahangin ni Nikolo ah."

"Nako. Iwasan niyo ngang magpa-sweet, nilalanggam na kami rito!" -Ericka

"Kayo talagang mga bata. Tara na Ericka, Violet, tulungan niyo kaming ayusin ang hapagkainan," Mommy Bella linked her arms around mine and around Ericka's.

***

"Ilang months na pala kayo ni Nikolo?"

"Uhh.. Mag-wa-one month pa lang po."

"'mag'? Ayy, kelan ang exact monthsary?" masayang saad ni Ericka habang nilalagay sa bowl ang menudo.

"Naku. Dapat paghandaan ni Nikolo yan."

"Naku, Mommy Bella, okay lang naman po kasi 1 month pa lang naman eh."

"Kahit na, hija.."

"Ay, excited na ako! Balitaan mo kami sa mangyayari ah?" habang nag-uusap kami biglang pumasok si Red.

"Oh, ano namang ginagawa mo dito?"

"Chinecheck ko lang baka binubully niyo ang Bunny Bear ko," lenye. kelangan bang sabihin yang Bunny Bear na yan?

"Hindi namin binubully, hijo. Napaka-over protective naman neto."

"Hahaha. Wala lang, Ma. Bilisan niyo na dyan at gutom na kaming mga gwapo roon."

Nilabas na ni Eri ang bowl ng menudo na dala niya at pati na rin ang ibang katulong e naglalabas na rin ng pagkain. Ako naman e nagpupunas na ng kamay ng marinig kong nagsalita si Mommy Bella.

"Hija, thank you.."

"Po? Thank you po saan?"

"Its been a while nung huli kong makita si Nikolo na ganyan. Kaya thank you for bringing my son back."

Hindi ko alam yung sinasabi ni Mommy Bella kaya nginitian ko na lang siya.

***

"So, Violet, anong trabaho ng parents mo?" eto na nga bang ayaw ko e, ang interrogation!

"Uhm, si Dad po government employee habang si Mama po eh partner sa business ng kapatid niya."

"Pang-ilan ka sa inyong magkapatid?" –Gene

At nakisali na rin si Gene sa pag-iinterrogate.

"Pangatlo."

"Nag-aaral pa siblings mo?" -Eri

Waaah. Pati si Eri na rin T^T

"Si Ate nagttrabaho na. Yung Kuya ko naman eh nagrereview for board exam tapos yung little sister ko, nasa 7th grade pa lang."

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now