Chapter Three

13.7K 292 6
                                    

After that nakakalokang incident, tinanong nung Jarred kung pwede niya daw akong hiramin. Ano ako libro sa library na pwedeng hira-hiramin?! Pero dahil shock pa rin si itay, tumango-tango na lang siya. Si ate na ang naatasang mag-grocery at bago ako kaladkarin ng gwapong lalaking to na may topak, naka-receive ako ng death glare galing kay ate na nagsasabing, ‘lagot ka sa akin mamaya sa bahay’.

Kinaladkad na nga ako ng taong to. Hindi na ako nag-bother na humindi dahil hindi talaga gumagana si brain ngayon. Naalog ng bongga, nawala lahat ng brain cells ko. Pero kahit ganoon man, gumagana pa rin ang mata ko, nakikita ko yung mga shock na mukha ng mga tao. Eh bakit ba sila shock? Oh may dumi ba ang mukha ko? Hinawakan ko agad ang mukha ko gamit ang free hand ko. Wala naman. Sus, kung makapag-react naman sila akala mo kung sinong sikat tong kumakaladkad sakin!

“We’re here.”

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng makita ko kung nasaan kame. Nasa isang vacant room ng isang building. Binitawan niya na ang kamay ko and locked the two doors, binuksan ang ilaw nung room and turned the aircon on.

“Oi teka nga! Ano bang ginagawa natin dito?! At sino ka ba? Bakit mo ko dinala dito? Paano mo nalaman kung sino ako? Paano mo nakilala ang pamilya ko? Bakit mo sinabing boyfriend kita? Alam mo bang kakatayin ako ng ate ko dahil sa mga pinagsasabi mo? AT BAKIT BA NAKANGITI KA NA PARANG BALIW DYAN!!!!!” argh. Nakakainis na tong taong to. Wala ba siyang normal na ngiti? Puro ba pang-asar at pangbaliw na ngiti ang meron siya?! Sayang naman ang fes!

“Buti na lang soundproof ang mga rooms sa building na to. Chilax. Gaya nga ng sabi ko, ako si Jarred Nikolo Candry, BSMA student sa school na to, part ng school’s official dance club under modern dance,” sabi niya in a cool way.

“Oh tapos? Pakialam ko kung dancer ka? Ano na? Bakit mo ko kinaladkad dito? Bat mo ko kilala?.... don’t tell me stalker kita?! *gasp*”

Natawa lang siya sabay iling, “No. Ganito kasi yun, makinig ka muna at huwag kang sumabat, okay? Si Jeanel, the girl who slapped you yesterday eh isa sa mga dine-date ko...” sasabat na sana ako pero he stopped me, “I know iniisip mo na wala kang kinalaman kung meron man kameng di pagkakaintindihan. But that girl, and most of the girls I’m dating THINKS I do like them. They assumed me to be their BOYFRIEND or if I want something more. At dahil masyadong makulit yung babaeng yun, ang pinaka-makulit sa lahat, sinabi ko sa kanyang may girlfriend na ako. At first she was hurt pero sabi niya wala naman daw siyang nakikitang umaaligid sa aking ‘girlfriend’ so she said that I’m just playing pa-hard to get. And na-timingan na dumaan ka sa hallway so...” kinamot niya ang batok niya. Oh gosh. Parang alam ko na kung saan to magli-lead ahh... “I pointed you and said that you’re my girlfriend.” At kahit na in-expect ko na ang sagot na yun, nagulat pa rin ako.

Kinuha ko yung isang stilettos ko mula sa left foot ko and was about to throw it at him.

“Hey! Don’t! It was just a coincidence! Ayoko naman din yun pero wala na akong choice!”

Hmmm. Siguro nga, napaka-pangit naman ding ganoon noh, nag-aassume ka na may ‘something’ tapos wala pala? Tsk tsk. Sinuot ko na ulit yun and he looked relief.

“So paano mo naman ako nakilala at ang family ko? At kailangan mo bang ipagsigawan yung ‘babe’ sabay lapit sa akin? Anong akala mo sakin, baboy?”

He smiled. A genuine one. Marunong naman pala... and wow, mukha siyang angel.

 

“Oh that. Syempre, bago ako gumawa ng hakbang, dapat may plano na ako, diba? So, kumalap ako ng infos about you and you’re family, medical clearance, departamental and finance.”

What the Frog! That’s evil!!

“At paano mo naman nalaman yun?!”

“I paid for all the infos kaya alam ko kung sino ka, Violet Ree Arcillas. Natawa nga ako pagkatingin ko sa Application Form mo eh, lahat pala kayong magkakapatid eh color ang name. Si Ate Magenta, ang Kuya Indigo and ang little sister mong si Purple. Ang cute namang mag-isip ng pangalan ni Tita Beige at Tito Cyan. Kahit sila, color pa rin ang pangalan.”

“Oh tapos? FC ka masyado. Kung maka-ate at kuya ka sa mga kapatid ko at makapag-tita at tito sa parents ko akala mo, matagal mo na silang kilala. Ay! Ayoko niyan! Maghanap ka na lang ng ibang gagawin mong girlfriend! Umaatras na ako! Back out na!”

“Please, Vee! Kailangan ko lang talaga!”

“Eh tapos ano makukuha ko diyan? Galit from my family dahil sa fake relationship na to? No thanks, Jarred. Ayoko nun. Maghanap ka na lang ng iba na willing gawin yan,” tatalikod na sana ako sa kanya pero napahinto rin naman.

“May deal akong gustong i-offer sa’yo. Say yes, and babayaran ko ang fees mo this semester or maging kahit hanggang makapagtapos ka. You think you’re a burden to your family, right? So help me, and I’ll help you.”

Napatigil naman ako. Para pumayag lang ako eh magiging scholar niya na ako? Bakit parang may mali dito?

“Hanggang kailan naman ako magpapanggap? At hindi ba parang sobra-sobra na yung babayaran mo ang fees ko? Bakit parang... iba?”

“Okay. Isipin mo na lang trabaho to. Ang  job mo ay to pretend to be my girlfriend, do what a real girlfriend does. At ang sweldo mo naman eh yung pagbabayad ko ng fees mo. Hindi ko alam kung hanggang kailan... basta hanggang sa makuha ko ang gusto ko. Think about it, Vee”

Kung papayag ako, mababawasan ng problema si dad, pero hindi ko naman kilala tong lalaking to. Aish bahala na nga!

“Okay. Pumapayag na ako.”

“It’s a deal then. I know where you live. Susunduin kita by 9 am bukas sa inyo para i-discuss ang rules. And Violet, there’s no backing out now. I tell you, from this day on, your life will change.”

Sana lang hindi ko pagsisisihan ang desisyon kong ito.

---

Vote and Comment! Thank you! Red at the right side. :)

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now