Chapter Nine -- Part Two

9.2K 185 8
                                    

Nagulat ako doon kay kuya. Me golay! Nakakaloka! Biruin niyo, sumisikat na ako?! Wahahaha. Naks naman ang biyuti ko noh, kahet na gwapo eh nakikilala ako! Ang feeler ko lang eh noh? Pabayaan niyo na, storya ko to eh kaya pagbigyan niyo na ako. :D

Pagkatapos kong kumain, umalis na ako doon at naglibot libot. This time, yung mga boutiques naman yung pinuntahan ko. Minsan, nahihiya talaga akong pumasok sa mga ganitong mga boutiques at branded clothing stores kasi minsan yung mga nagbabantay, sunod ng sunod sa akin. Di naman siguro ako mukhang magnanakaw noh?

Pumasok ako doon sa Sapphirericka Botique. Na-we-weirduhan ako doon sa pangalan. Masyadong mahaba at nakakabulol kaya! Tumingin ako sa mga damit doon. Sa lahat ng boutiques dito sa mall na to, eto yung lagi kong napapansin na laging maraming tao. Maganda din kasi ang mga designs nila at alam ko, nag-o-offer sila na magpagawa ng customized designs for shirts and dresses dito. Gusto ko mang bumili, naubos na ang pera ko eh, at isa pa, hindi naman ako mahilig magsuot ng mga dress. Blouse or shirt + pants lang ang hilig kong suotin. Hay. Makalabas na lang nga. Lalabas na sana ako ng...

“VIOLET!!!” napalingon ang lahat ng customers and shop assistants sa taong sumigaw na nasa kabilang dulooooooooo pa pala ng store. Bigla namang tumakbo ang babaeng yun at..... hinug ako.

“Violet! Hi! Nice to see you here!!!” At hulaan niyo kung sino? Eh di si Ericka. Eto ata talaga ang signature batian niya eh, ang mang-hug.

“Eri naman, kelangan mo bang ipagsigawan ang magandang pangalan ko?”

“Ayy sorry! Na-excite ako kasi nakita kita dito sa store ko.”

“Store mo?”

“Yup! Sapphirericka. Sapphire plus Ericka. Hihihi! Galing ko bang mag-isip ng name para sa boutique ko? :P”

“Galing nga. Ang haba at napakaaaa-unique.”

“Ayy by the way! Kinilig ako ng bongga ah! Ang sweet ang ang swerte mo!!”

“Saan?”

“Sa ginawa ni--... Wait, di ka pa ba nagch-check ng FB?”

“Hindi. Tinamad ako kagabi eh. At ang weird nga, kanina pa nga may nagsasabi niyan sa akin. Na-we-weirduhan na talaga ako.”

“Hay nako. I won’t spoil you. Check out for yourself. Pero dahil andito ka na rin naman sa botique ko, pili ka na!”

Eto na ba ang sinasabi ko.

“Hindi na. Uuwi na ako noh. Para ma-check ko na yang ka-chuvahang pinagsasabi niyo.”

“Eeeek! Pretty please? Ayyy! Halika nga dito!!” At bigla niya akong hinila papunta doon sa kabilang side.

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now