Chapter Thirty-Six

6.9K 141 8
                                    

"Ang sakit ng side ko. T^T" -Lili

"Akin din. T^T" -Giezel

"Ako masakit ang paa. T^T" -Ako

"Wawa man kayo. :D" -Danna

Tinignan lang namin ng masama si Danna. Nagpractice sparring kasi kame sa P.E kanina tapos natawag ako, si Lili and Giezel. Ang maswerteng si Danna e di man lang naka-experience ng sakit ng katawan. =_=

"Wag ka, Danna. Ma-e-experience mo rin to next meeting. Pag ganun, pagtatawanan ka lang namin."

"Sige, managinip kayo ng gising. :P" andaya neto. Taekwondo kasi ang sports nung high school kaya white belter na. =_=

"Uy, Vee. Ngayon ko lang napansin yang necklace mo. Ang cute naman. Sino nagbigay?" tinignan ni Danna ang pendant nun at saka binuksan.

"KYAAAAAA!" Bigla naman napalingon yung mga tao sa caf sa amin. Pinalo ko naman agad si Danna.

"Ano ka ba! Wag kang sumigaw."

"E kasi look niyo dali oh! Ang cute nilang dalawa!"

"Patingin nga!" bigla namang hinila ni Gi ang necklace.

"Papatayin niyo ba ako?!"

"OWEMJI! Ang cute niyo dito! Kelan to kinunan?"

Dun kasi sa pic na andun sa pendant, nakangiti si Red sa akin tapos ako naman nakatingin sa kanya na namumula. Ewan ko kung saan niya nakuha yun at talagang yun pa pinili niyang ilagay sa pendant eh noh? Kahiya.

"Teka, si Red ba ang nagbigay neto?"

"Yep. Nung birthday ko."

"Ang sweet naman! Eto birthday gift niya sa'yo?"

"Oo pero may isa pa siyang binigay." Naalala ko naman yung guitar. Nagjamming nga kami nina Ate last time e. Ako sa bass, si Kuya Micco sa drums, si Ate Maggy sa keyboard, Kuya Indi sa lead guitar tapos si Purple ang vocals. Gusto nga nilang i-play yung bass pero ayoko. Ang selfish ko raw :D

"Hay, bagay talaga kayo ni Red. Sana may galanteng lalake rin akong makilala."

"Nga pala, diba monthsary ngayon?"

"Oo."

"Di kayo magccelebrate?"

Umiling ako, "Sabi ko sa kanya wag na siyang masyadong gagastos. Nakakahiya kasi diba hindi naman totoo na..."

Napatigil ako. Hindi pala nila alam. Muntik ko ng masabi. O.O

"Di totoo na?" Sabay pa nilang sabi.

"I mean, di kailangang magcelebrate ng monthsary kasi mas maganda pag hindi months ang kina-count nyo kundi years."

Tumango-tango lang sila. Muntik na yun. Nako. =_=

"So, ano plano niyo ngayon?"

"Ewan. Kakain lang kami sa labas. May practice sila ngayon e tsaka ako naman e may meeting. Nga pala, may nalaman akong tsismis. :P"

"Ano?" Naging interesado naman agad sila. Basta tsismis talaga.

"Ex-girlfriend pala ni Red si Venisse noh?" tapos tumawa ako. As in totoong tawa. Natatawa ako dahil alam kong alam nilang tatlo, alam nina Caryl, alam ng buong university pero wala man lang nagsabi sakin.

Napa-still silang tatlo. Masama ba yung sinabi ko?

"Uy, ano ba. Alam ko namang alam niyo yun. Ang kaso, ako di ko alam. Di ako galit or ano. Nakakatawa lang talaga na ganun pala. :)"

"Sorry, Vee.." napatungo silang tatlo.

"Bakit naman kayo nagso-sorry? Lol! Huwag nga kayong ganyan. Feeling ko tuloy inaway ko kayo."

"Inaaway mo man talaga kami! T^T"

"Hala, hindi kaya! Kalimutan na nga lang natin yung pinag-usapan natin. *smiles* Kung magbbreak kami, andyan lang kayo para sa akin ah?"

Bigla parang gusto nilang umiyak tapos niyakap ako. Aray naman! Ang higpit ng yakap nila eh!

"Aray ko naman! Balak niyo ba akong patayin?!"

"Ay obvious ba? :P"

***

5.47 na nung matapos ang meeting namin, pumunta na ako sa field sa may benches. Dun kasi naghihintay si Red e.

Pagdating dun, nakita ko siya dun at hawak-hawak ang iphone niya. Naglalaro. :D

Kinuha ko yung cap sa bag ko at naglakad papalapit sa kanya. Nung umupo ako, nilagay ko sa ulo niya yung cap. Napatigil siya at napatingin dun.

"Aba. Ano to?" Inilagay niya yung iphone sa bag niya at tinanggal ang cap sa ulo niya.

"Cap. Obvious ba?"

"Hala. Sarcastic?"

Ngumiti lang ako, "Happy monthsary! Regalo ko sa'yo!"

"Sabi mo, di gagastos? Ba't ka gumastos?"

"Wala lang. Para may binigay din ako sayo. Tignan mo oh, ang cute ng design. RED ang naka-print parang para sa'yo talaga ang cap na yan."

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko, "Thank you, Bbear."

"Char naman! Teka, *halungkat sa bag* Eto pa oh, *kuha nung dalawang wrist band binigay kay Red yung isa* sayo yan, akin to." Sinuot ko na yung wrist band. Siya naman, tinignan muna ito.

"'Love and Let Go'? Ano naman ang ibig sabihin neto?" saka sinuot yun.

"Dipende kung paano iinterpret yung naka-print dyan," sabay tingala sa langit. Malamok na! T^T

"E sa'yo, paano mo iinterpret yan?"

"Hmm? Siguro to love and let go of all the worries? Love and let go the uncertainties.. *whispers* to love you and let you go.."

"Anong sabi mo?"

"To love and let go of all the uncertainties?"

"Hindi, yung huli."

"Wala. Nag-iisip ako ng synonyms!" Tumayo na ako, ganun din siya.

"Red.." tawag ko nung naglalakad na kami. Gamit niya yung cap na binigay ko sa kanya.

"Hmm?"

"'Yung kontrata natin. Diba matatapos yun pag nakuha mo na yung gusto mo? Ano nga bang gusto mo?"

"H-ha? Ahh.. B-basta lang.. K-kasi ano eh.."

Tinignan ko siya, "Sauce, kung di mo kayang sabihin, sabihin mo na lang na secret. :P Pinagpapawisan ka na tuloy."

"Bakit, Vee? Ayaw mo na ba?"

Ayaw? Gusto ko nga e. Gusto ko sana totoo na lang.

Ngumiti ako, "Syempre gusto ko pa noh. Ikaw bossing ko kaya dapat ikaw magsabi kung kelan matatapos trabaho ko sa'yo."

Kinurot ko naman yung cheek niya. Wala lang, trip lang. :P

"Aray ko! Masakit yun ah!" tapos kinurot niya yung cheeks ko.

"Ang daya mo!" I rubbed my cheeks. Ansaket nun ah!

"Wag kang mag-alala, Bbear, malapit ko ng makuha yung gusto ko. Konting tiis na lang."

Biglang parang may tumusok sa puso ko. Ngumiti ako ng pilit. Sana hindi mo na lang makuha yung gusto mo. Selfish ako. Pero masisi mo ba ako?

"Tara na nga!" Hinila ko na siya para takasan yung pinag-uusapan namin.

Ang sakit palang magmahal.

---

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now