Chapter Two

14.8K 287 4
                                    

Hindi ako maka-concentrate sa klase nun. Kahit nung nakauwi na ako. Di ko nga alam kung paano ako nakauwi o nakapagpalit ng damit pang tulog. Lumilipad yung isip ko dun sa lalaki kanina. Ano daw ulit yung sinabi niya? Thank you and you’re welcome? Bakit naman siya magtthank you at bakit din naman siya magwwelcome? Aaaaah! Nakakaloka ang taong yun... pero nakatulog din naman ako kahit papaano.

The next day...

Maaga akong pumunta ng school dahil maaga ang klase ko ngayon. Una yung mga subjs ko sa PED tapos mga bandang 9:30 naman eh dumiretso na ako sa gym para magpalit ng PE uniform ko at ng makapag-PE na rin.

Pagpunta ko dun, andun na sina Danna na may kausap nanamang lalaki, Lili na busy sa pag-FB at si Giezel na todo suklay ng hair. Pagkakita nilang tatlo sakin, si Danna nginitian ako pero si Lili at Giezel biglang tumayo and pulled me into a bear hug. Sabik lang sila sa akin eh. Masyado ata akong na-miss. :P

Ang PE para sa mga second year students na gaya naming apat eh tungkol sa sports. May judo, swimming, badminton at taekwando. Kaya ang PE namin eh taekwando. Hindi pa kame nagstart sa pagsipa-sipa pero in-orient muna kame ni ma’am about sa taekwando. First meeting palang daw kasi kaya wag daw masyadong atat. :D After ng PE namin, nakisabay na rin ako kina Danna kumain since wala naman akong kasabay dahil for sure, natapos ng kumain yung mga kaibigan ko at for sure busy-busyhan ang peg nila ngayon.

Medyo nagstay kame sa cafeteria ng matagal-tagal dahil nagchikahan pa kame. Parang getting to know each other lang. At marami na rin akong nalaman about sa kanila at marami na rin akong nai-share.

~~~

By 2 pm eh umalis na kame ng caf. May kanya-kanyang lakad yung tatlo at ako naman eh uuwi na dapat pero tinext ako ni Daddy na nasa school daw siya at hintayin ko daw siya sa may parking lot. Sumabay na ako sa kanila patungong parking lot kung saan nakatambay ang mga kotse nung tatlo.

“Sige, friend! Gusto man naming makilala si Tito eh naghihintay na din yung daddy ko sa office eh. Bye-bye!” sabi ni Lili and gave me a hug sabay kiss sa cheeks ko.

“Next time! Ipakilala mo sa amin si Tito or... kame na lang magpapakilala sa sarili namin sa kanya!” sabi naman ni Giezel at ginaya ang ginawa ni Lili kanina.

“Pa-hug ulet!” hinug ulit ako ni Lili. At dalawa silang naka-hug sa akin ng SOBRANG HIGPIT! Josko. Hindi kaya ako mawawalan ng hangin nito pag laging ganito ang pangyayari sa tuwing magkasama kami?

“Ang OA niyo! Pabayaan niyo na nga si Violet. Para kayong mga ewan. Magkikita pa naman kayo next week. Everyday next week!”

“Inggit ka lang at hindi mo siya hinug! Ang cute kasi ni Violet eh!” sabay sabi ni Lili at ni Giezel and then they pinched my cheeks. Geez! Napailing na lang si Danna.

“Sige Vee, una na kame ah! Ingat ka!” at pumasok na sila sa kanya-kanya nilang kotse.

Umupo lang ako doon sa waiting shed and waited for my dad there. Ang init kaya! Ayokong magpakatuyo diyan at ayokong magpakasagasa. Duh. :D

After 5 minutes, dumating din si dad kasama si ate.

“’Dy, ano ginagawa mo dito?” tanong ko kay dad.

“May seminar kami dito eh. Kaya nga nahatid kita kaninang umaga.”

“Ahh. Eh ikaw naman, ate?”

“Binisita ko yung mga professors ko. Pake mo?”

“Wala lang. Curious lang ako. Ang taray mo talaga,” sabi ko sabay kuha nung C2 na bigay ni dad at ininom yun. Nag-usap-usap lang kame at pina-grocery pa kami ni ate dahil late na daw siyang makakauwi ngayon. Habang nag-uusap-usap kami doon, may skandalosong biglang sumigaw ng,

“BABE!”

Bingi ba yung babaeng tinatawag niya at kailangan ba talagang ipagsigawan ang tawagan nila? O.o

Napalingon kami doon sa lalaking yun at naka-all smiles pa siyang palapit sa amin. I squinted my eyes only to find out na ang lalaking yun ay ang lalaking nakita ko kahapon sa hallway. At nanlaki ang mata ko nung na-realize ko kung saan siya patungo at kung sinong tinitignan niya.

“Babe!”

Sht. Tumayo siya sa side ko and wrapped an arm around my shoulder. He looked at my dad who is astonished, of course. Kahit ako, hindi makagalaw. Sino ba tong lalaking to?!

“Hi po! Ako nga po pala ang BOYFRIEND ni Violet. Jarred Nikolo Candry po. Hello po Mr. Arcillas, hello Ate Magenta!” he smiled.

How did he know my name? My dad’s name? My ate’s name? And... kelan ko pa naging boyfriend to?! I looked at dad na may why-didn’t-you-tell-me-about-this look and si ate naman na may I-told-you-not-to-have-a-boyfriend-coz-you’re-still-young look. I looked around and saw na ang mga taong nasa paligid namin eh na-shock din...

Oh gosh! Ano ba tong nangyayari?!

----

comment and vote po kayo :)) Violet at the right side. ^_________^

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon