Chapter Thirty-Four

7.2K 156 3
                                    

Nag-jeep lang ako nun pauwi sa bahay. Ayokong mag-cab noh, kakatakot e. Kapag sa jeep, at least marami kaming pasahero. :P

Pagkauwi ko, nakita ko si Mama sa living room, lalampasan ko na sana ng bigla akong tinawag.

"Vee?"

"Po?"

"Halika nga rito."

Pumasok ako sa living room. Ano to? Mom-to-daughter talk?

"Yes?" Naupo ako sa kaharap niyang couch.

"Napag-isipan namin ng Daddy mo na sa pension house na lang gawin ang birthday mo."

Nanlaki naman ang mata ko, "Teka, Ma. Bakit pension house pa? Dito na lang. Or kung di pwede, wag na lang tayong mag-celebrate."

"Nako, bata ka! E nung nag-18 ka, di nga engrande yun. Ngayon lang kami babawi sa'yo. At madami na ring bisitang pupunta kaya I guess dapat sa mas malaking place tayo mag-celebrate."

"Madaming bisita? Mama naman!"

"Mga Aunts and Uncles mo, cousins, mga kaibigan mo, sina Micco, Joselle, Red... Madami masyado. So, pinareserve na namin ng daddy mo ang Telle's Pension House. Ikaw na bahalang mag-imbita ng mga kaibigan mo ah."

"Ma, bak--"

"Violet Ree! Wag ng matigas ang ulo! Naayos na ang lahat. Sige na."

Grabe naman! Ano ako 5 years old na kailangan ng children's party?Pumasok ako sa kusina para uminom ng tubig tapos umakyat na para tawagan lahat ng dapat tawagan. =_=

***

Saturday. 4 pm.

Papunta na kami sa Telle's ngayon. Sa kotse ni Dad, si Dad, si Mama, ako at Purple lang nakasakay. Si Ate kasama ni Kuya Micco tapos si Kuya Indi, kasama ni Ate Joselle. Hay. Yung boyfriend ko kasi eh! >_<

"Ate, asan si Kuya Red?"

"Ewan ko dun. Di sinasagot mga tawag ko." Inirapan ko nga. Nakakainis kasi si Red. One week ng di nagttext or call. Tapos ngayong birthday ko, wala man lang ni 'hi' or 'oi'. Pagnakita ko 'yun mamaya, kakalbuhin ko yung eyebrows niya! XD

Pagdating namin dun, nakita ko agad si Auntie Telle. Siya may-ari nito at kapatid siya ni Daddy.

"Hello! Happy Birthday, Vee!" sabay beso sakin. Nag-usap pa sila nina Mama kaya kinuha ko na yung gamit ko at pumasok na sa loob.

Mamayang 6 pm pa darating yung mga inaasahan kong darating kaya eto ako, magbbeauty rest muna. XD

Humiga ako sa kama. Pikit mata.

***

Bandang 5.15 nung nagising ako. Naligo na ako at nag-red shorts at black shirt lang dahil for sure, mababasa ako mamaya. Timing naman nung patapos na ako, kinatok na ako.

The Temporary GirlfriendDär berättelser lever. Upptäck nu