Chapter Five

11.6K 235 2
                                    

“Gusto mo hatid na kita?”

“Huwag na noh, kaya ko naman.”

“Okay,” sagot niya. Lumabas kami ng kwarto niya at nung maglalakad na sana ako hanggang sa hagdan, hindi siya gumalaw dun sa pwesto niya.

“Uy, wala ka bang balak na ilakad ako pababa?”

“Kaya mo na yan. And tinanggihan mo naman ang offer ko in the first place.” Wow. Ang bait na boyfriend.

“Yung totoo, Red? Sigurado ka ba talagang habulin ka? Kasi di ko makita kung bakit... What a good boyfriend huh?”

“I know. Sige ingat!” He waved at me. Ugh! Gusto ko siyang sabunutan! Padabog akong naglakad papuntang stairs. Nakakainis na yun! Ugh! Tama ba namang ganyanin niya ang girlfriend niya? And besides, nasa rules kaya yun na act like a real boyfriend! Pero hindi! Aalis ako dito sa bahay na to ng mag-isa!

Nung nakarating na ako sa baba, gusto ko sanang magdabog ng magdabog doon pero napatigil ako. Standing near the living room area is a girl. Beautiful is an understatement. She’s just wearing denim shorts, naka-sneakers lang siya and a sleeveless pink top, pero mukha siyang model. Nakaka-nganga ang kagandahan niya. Sino naman kaya to? Don’t tell me isa sa mga assumerang girlprens? O__O Nako! Kung ganyan ba kaganda ang laging manlalalait sa akin, manliliit talaga ako!

Napalingon siya sa akin and medyo natigilan siya. She walked towards me. Oh my gosh... sasampalin niya na ba ako? She stopped in front of me and nung akala kong sasampalin niya na ako, bigla niya akong hinug! Uhhh? Ganito na ba ang bagong way ng pag-iintroduce sa sarili? Bakit hindi ata ako updated? O.o

“OMG! You’re so cute! Gusto mo bang magmodel para sa mga designs ko?” sabi niya nung binitiwan niya na ako.

“Ah.. he-he. Sorry po ah, pero, sino po ba kayo?”

“Ay! Sorry! I’m E—” natigilan siya ng may biglang nagsalita sa may itaas namin.

“Oy, bitawan mo yan. Baka mahawa ng virus mo!” akala ko ako yung pinariringgan ni Red pero etong babaeng to ang nag-react.

“Virus your face! Jeez Red! Where are your manners?” nakapamewang na sabi niya. Bumaba naman mula sa hagdan si Red. Kilala niya pala to. Sino pala ulit siya?

“Ay! I’m Ericka Mishel Suarez. Red’s friend. And you are?”

“Violet Ree Arcillas,” I offered my hand but instead of taking it... she pulled me into a hug again. Ang hilig ata ng mga taong manghug ngayon?

“Sorry! Na-eexcite lang ako! This is the first time I saw someone like me in this house.” Like her?

“Para namang sinasabi mo hindi uso ang babae dito ah? But anyway, Ericka... *walk towards Violet* this is Violet *wraps an arm around Violet’s shoulder* my GIRLFRIEND...” ang echos lang din nitong si Red. Sandaling natigilan si Ericka, napa-blink ng twice at biglang tumili.

“Seriously?! OMG! I’m so happy for you, Red! Finally! *pulls Red into a hug; turns to Violet* hindi ko alam kung paano ka niligawan ng mokong na to or kung bakit mo siya sinagot PERO kung may gawing masama ang lalaking to sayo, saktan ka man niya or hindi niya ibibigay ang gusto mo, call me, and I’ll be there *pulls Violet into a hug* we should celebrate...”

***

Andito kame sa may garden nila Red nakaupo. Lalabas pa sana kame pero humindi na ako. Yung ‘celebration’ kasi nila eh inom, disco, kain sa labas, magmall, mga ganun. Unfortunately, ang ‘celebration’ para sa akin eh kumain ng ice cream. Buti na lang nga napigilan ko, kasi kung hindi for sure, hindi ako makakauwi ng maaga para tapusin ang requirements and home works ko.

Nag-uusap lang kame doon. Panay tanong din si Ericka and most of the parts, imbento na lang ang sinasabi sa kanya ni Red. Hindi pa naman kasi namin ganun ka kilala ang isa’t isa kaya si Red na lang yung sumasagot.

“By the way, bakit naka-ganyang outfit ka?” tanong ni Red. Ano namang masama sa outfit ni Ericka? Mainit kaya. O.o

“Outdoor photoshoot.”

“Model ka?” natanong ko bigla. Natawa naman siya sa tanong ko.

“No, actually, ako yung photographer.”

“Huh? Bakit ka naman magsstay behind the camera kung you’ve got the looks to be their own model?” ako ng intrigera. :D

“Hindi naman yun ang passion ko eh. And ayoko ding maging model, noh. Eh ikaw gusto mo? Really, pwede ka ng maging model.”

Hindi talaga kapani-paniwala. I mean, ako? Model? Wag na uyy, hindi ako bagay dyan.

Naka-gaanan ko agad ng loob si Ericka. Para rin siyang sina Danna, madaling makapanagayan ng loob. Childhood friends daw sila ni Red at neighbors din daw. Magkaibigan ng matagal ang parents nila at business partners daw din. Kung ganon man ang sitwasyon nila, hindi ba madalas pag ganyan pinagkakasundo ang mga anak? Bakit parang hindi naman sila ganun?

Nakauwi na ako’t lahat, yan pa rin ang nasa isip ko. Hinatid ako ni Red. Ginu-good time niya lang daw ako kanina, hindi niya daw alam na seseryosohin ko. Aba, malay ko bang nagjjoke lang siya diba? -___- Sumabay na din sa amin si Ericka sa paghatid sa akin. Napunta lang daw siya kanina kina Red dahil wala daw siyang kasama sa bahay nila. Inimbitahan pa akong magshopping daw kame next week pero ang sagot ko ay ‘he-he-he-he’... hanggang ukay-ukay lang po ako. Hindi ko kaya ang presyo ng mga branded na damit noh. Mahirap lang kasi ako. *sniff*

Nakahiga na ako sa kama ko at nag-iisip pa rin. Gwapo naman si Red at hindi malabong magustuhan siya ni Ericka and vice versa. I mean, si Red, maputi, chinito, matangos ang ilong, sakto lang ang hugis ng katawan niya sa height niya, may kissable lips (pero sabi ko lang yun! Hindi talaga siya kissable!!), yung kilay niya nakakadagdag sa snob features niya pero kung ngumisi naman, bad boy yung image. Ganyan madalas yung tipo ng mga lalaking mahilig gawing crush ng mga babae. Si Ericka naman, parang si Red lang din, maputi, chinita, matangos ang ilong, sexy pero magsmile man o hindi, lumalabas talaga yung model look niya. Hindi naman mahirap na ma-inlove sila sa isa’t isa kasi for sure maka-gaanan lang sila ng loob. At kapag magka-anak sila, oh diba? Dyosa na. :D

Now that I think about it, according sa contract, matatapos lang tong fake relationship namin once makuha na ni Red ang gusto niya. Eh ano ba ang gusto ni Red? Hindi kaya... may na-fi-feel siyang love para kay Ericka at gusto niyang magselos ito sa pamamagitan ng paggamit sa akin? O_____O Wow. Grabe naman ang imahinasyon ko, oh well, we can never tell. Pero for the mean time, matutulog na muna ako. :P

---

Sabaw! Vote and Comment po. Si Ericka nasa kanan ^______^

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon