Chapter Twenty-Six

8.1K 154 5
                                    

Wednesday na ngayon at third day ng school fest. Eto ang araw na pinakahihintay ko!

Maaga akong pumunta sa school. Syempre, sinundo ako ni Red. Ngayong araw kasi nakatoka yung booth nila pati na rin namin.

Since isa ako sa mga members ng game namin, kelangan akong ayusan. Bale sa school kasi namin, tradition na na merong games or booth ang gagawin by department. At ang game ng Education ay... *drum roll* 'Pay to Dare!' Yehey! XD

Alam kong sinabi ko na di ako um-attend ng school fest pero dito, kelangan ko magparticipate kung ayaw kong ma-deadbol. Wahahaha. XD

Okay, i-e-explain ko sa inyo to para di kayo mukhang lost. Ganito yan, ang Pay to Dare eh game na magbabayad ka para gawin ang dare na pinapagawa namin.  Pero yung pera mo eh hindi naman sa bulsa namin mapupunta kundi sa orphanage na tinutulungan ng department namin. So, ganito, example ang Dadedidodoo, ang dare e kailangan mong hulaan sa 5 taong magkakamukha (Da, De, Di, Do and Doo) kung sino si Da, De, Di, Do and Doo. Maraming di nakakakuha ng sagot dito pero may clue para malaman mo kung sino e sino. Well, isa ako dun sa lima kaya di ko pwede sabihin senyo. Malay ko bang maglalaro kayo sa'min at malaman niyo ang sagot! :P

So, may 10 dares kayong gagawin at pagnakumpleto niyo ang dares na ito ay meron kayong mauuwi na apple iphone! :D

May sponsor kasi kami kaya mukhang mayaman. XD

Pumasok na si Jella dala-dala ang costume naming 5 (me, Angie, Jenny, Caryl and Marj). Isa itong black flowing dress that falls mid thigh, may laces around the hem line, sleeves and neckline. May pink sash below the bust na natatali sa likod. Its soo cute. Sinuot na namin yun. After magbihis, sinuot na namin yung wig namin. Ash blonde ang kulay neto at may side bangs, shaggy ang pagka-cut at hanggang shoulders lang. Inaplyan kami ng parehong parehong make up, inilagay ang contacts, bangles, earings and necklace saka isinuot ang black bouvier shoes.

Picturan muna sandali. :P magkakamukha talaga kaming lima. Ang saya. XD

Naghintay na kami sa pwesto namin. Kami kasi ang pang 10th dare, at so far.. 3 hours na ang nakakalipas eh wala pang nadadaan dito samin.

Sumilip kami sa curtains. Ang haba ng pila. Isa kasi ang 'Pay to Dare' sa pinakaaabang na games dito sa school at nakaka-proud lang na isa ako sa mga members neto.

"Girls, ready na. May first visitor kayo," sabi ni Jella. Pumila na kaming lima at pumasok ang isang lalaking may itsura na sa tantya ko nasa 21 na.

"So, this is Da, De, Di, Do and Doo. Girls, please open your necklace," binuksan naman namin yun, sa loob ng pendant, nakasulat ang pangalan namin.

"So, after you identify who is who, i-o-open natin yung pendant to know kung tama kayo. I'll give you a minute to examine them." Nagsimula ng magtititingin si kuya sa amin.

After a minute, "Please turn around." Tumalikod naman kagad si kuya at agad naman kaming nagchange ng pwesto. After 10 seconds...

"Now, can you point out who's Da, De, Di, Do and Doo?" Nagstart na siya magpoint ng point.

"Da *points at me*... De *points at Caryl*... Di *points at Angie*... Do *points at Jenny*... and uhm, Doo *points at Marj*" Mali siya. :P

Nag-bow lang kaming lima dahel bawal magsalita. Tapos in-open na namin yung pendant. Hoho. Walang makakatanggap ng iphone! :D

Alas 12 na at nagbreak na muna kami. Mamaya na raw 1.30 magresume ulet. So tinanggal muna namin ang costume namin, make up and accessories. Dahil nakakapagod magbihis ng magbihis, nagdenim shorts, pink sleeveless top and sneakers lang ako. Oha. XD

Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot muna kami. Tapos napadaan kami doon sa videoke parte. Maglalakad na sana ako palayo pero hinila ako nina Caryl. Shemaxx talaga. Eto ba talaga ayaw ko! >.<

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now