Chapter Twenty-Five

8.3K 168 6
                                    

9.00 am. Tuesday.

Gising na gising na ako at prepared na prepared. Hindi ako excited noh! Sadyang maaga lang ako nagising. :P

Nakaupo lang ako sa kama ko ng magskandalo ang phone ko.

"Hell-oww," bati ko, si Giezel kasi ang tumatawag.

"VEEEEE!!" nilayo ko agad ang phone sa tenga ko.

"Ano ba yan, Gi! Required sumigaw?"

"Ay, hihihi. Nope. Wait, i-connect kita kina Danna and Lili," naghintay lang ako doon at ilang sandali pa...

"VEEEE!!"

"Ano ba yan? Sabik kayo sakin? Mabibingi ako senyong tatlo ahh.."

"Ay, sorry naman, friend. Mag ask lang kami if you want to spend the day with us again."

"Yes, Vee, we miss you naa.. So, ano ano ano ano na?"

"Uhmm.. Hindi pwede eh," eeh. Nakakahiya naman to.

"Baket?!"

"Kasi... Sabi ni Red, we'll spend the day together," amp. Ang pula na ata ng mukha ko.

"AAAAAAHH! Why?!" -Danna

"You're choosing him over us?!" -Lili

"Duh, Lili. Ka-choose-choose naman si Red kesa sa'yo." -Giezel

"Duh, Gi! Syempre she'll choose Red 'cause Red's her boyfriend!"

"Kahet na, we're friends kaya! Bakit ganun?"

"Oi kung mag-usap kayo dyan parang wala ako ahh.."

"E bakit nga ayaw mong i-spend ang day kasama namin?"

"E kasi... ano e... ano uhm.. m-monthsary namin ngayon," ugh, ang inet na ng mukha ko. >///<

"AAAAAAHHHHHHH!!" nilayo ko agad phone sa tenga ko. Sabay-sabay ba naman tumili!

"Aray ko! Wala na! Basag eardrums ko sa inyo!"

Patuloy lang sila kaka-OMG doon na parang naghhyperventilate na. Bigla namang may kumatok kaya binuksan ko.

"Vee, andyan na si Red sa baba."

"Okay, ate. Baba na po ako," kinuha ko yung sling bag ko at bumaba na.

"OMG Vee! Monthsary pala ngayon! Ayeeeh. We're happy for you!"

The Temporary GirlfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu