[HOLD] Enchanted: The Accurse...

tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... Еще

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 37

11.3K 381 83
tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 37

I R I N E

Humahampas ang malamig na hangin sa balat ko habang tumatakbo. Tanging tunog lang ng yapak ni Maya ang nagiging gabay ko para sundan siya.

Walang umiilaw sa daan ko. Madilim, mahangin, at nagbabadya pang magbuhos ng ulan ang mga ulap.

Sa bawat takbo ko, nadadagdagan ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi talaga maganda ang kutob ko rito.

Mabilis na nabuksan ni Maya ang gate papunta sa Battle Ring at pumasok kaagad doon. Kaya binilisan ko rin ang takbo para habulin siya.

Kailangan kong tanungin si Maya kung ano ba ang nangyayari dahil ako mismo ay walang kaalam-alam kung bakit nagkakaganito siya.

Hinihingal akong huminto sa gitna ng battle ring habang pinagmamasdan kung ano ang susunod na gagawin ni Maya.

Nakatayo siya hindi kalayuan sa'kin.

"Pinagkatiwalaan kita, Irine," panimula niya. "Pero bakit? Bakit nakita ko kayong magkatabi? Ang akala ko wala kang gusto sa mahal ko!"

Kaagad akong napaatras nang marinig ang galit at kakaibang boses ni Maya. Halos namawis ang mga palad ko dahil sa kilabot na dala ng boses niya.

Iba siya. Iba ang kaharap ko ngayon kumpara sa nakilala kong Maya.

"Hindi ko sinasadya, Maya. Hindi naman ako naninira ng pangako. Tutulungan parin kita–"

"SINUNGALING!"

Ibinaon ni Maya ang mga swords sa lupa at nagsimulang naglakad sa direksyon ko. Sumasabay ang lamig ng hangin sa kabang nararamdaman ko ngayon.

"Maya, ano ba kasing nangyayari–" Hinawakan ko ang kamay niyang mahigpit na hinawakan ang leeg ko.

Halos masuka na ako sa sakit na dulot ng pagkakahawak niya. Pinilit kong magpumiglas habang nakatingin sa mga nanlilisik niyang mga mata ngunit masyado siyang malakas.

"Ang dali mo talagang maloko, Irine. "

Tinulak ako ni Maya dahilan kung bakit ako natumba. Kaagad akong huminga ng malalim nang hindi man lang inalintana ang sakit ng pagkakabagsak ko sa matigas na lupang kinakatauyan namin.

Nararamdaman ko parin ang sakit ng naiwang bakas ng pagkakasakal niya at ang bigat ng paghinga ko.

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Maya na ngayo'y nakayukom ang mga nanginginig na kamao.

"Hindi ko alam kung bakit pumayag pa si Red na turuan ka. Wala ka naman palang binatbat," usal niya.

Lumapit siya sa'kin at umupo para makapantay niya ako.

"Hindi mo nga nalaman na napapaikot na kita sa palad ko. Hindi mo alam na nahypnotize na kita, 'diba?" Tumawa siya. "Nakakaawa ka."

Hindi ako sumagot.

Ang tanging nasa isip ko lang ay alam kong hindi siya si Maya. Mahinhin ang kilala kong kaibigan. Mabait at masiyahin. Pero ang nakikita ko ngayon ay puno ng galit, selos, at kasamaan.

"Ganito nalang." Hinawakan niya ang hibla ng buhok ko kaya napaatras ako. "Maglaro tayo, Irine. Laruin natin ang kamatayan mo."

Halos hindi ako makahinga sa narinig ko. 

Ngumisi siya at tumayo. Kinuha niya ang sword kong natusok sa lupa at inihagis sa harapan ko.

"Tumayo ka riyan!" Sigaw niya.

Hindi ako gumalaw. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari. Ayokong paniwalain ang sarili kong ang nakikita ko ngayon ay siya rin ang nakilala kong Maya noon.

"Maya, kung galit ka sa'kin dahil inagaw ko si Red, pwes nagkakamali ka! Gusto talaga kitang tulungan–"

"Sabing tumayo ka diyan!"

Nagtama ang tingin namin ni Maya at sa 'di malamang dahilan, hindi ako makagalaw o makapagsalita. Nahihirapan na rin akong makahinga.

"Tumayo, Irine. Ayoko nang marinig ang sasabihin mo," usal niya.

Naramdaman ko nalang ang sarili kong kusang tumatayo at kinukuha ang sword kong inihagis ni Maya.

Hindi ko makontrol ang katawan ko, pati ang emosyon ko. Para akong isang puppet na kinokontrol ng ibang tao.

"Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin, Irine. Kung tutuusin kaya kong kontrolin ang katawan mo at utusan nalang na iturok ang sword sa katawan mo pero hindi nakakatuwa 'yon," ani Maya habang naglalakad paikot sa kinatatayuan ko.

"Ang gusto kong makita ay ang naghihirap ka at unti-unting namamatay sa mga kamay ko. Nakakatuwa 'diba?" Tumawa siya.

Pumwesto muli si Maya sa harap ko kaya nakita ko muli ang mga mata niya at sa pagkakataong ito, malaya na akong nakagalaw.

Halos mapatumba ako nang makawala ako sa kapangyarihan niya.

Nymphs. Sana pala pinag-aralan ko ang mga kakayahan nila. Sana pala nalaman ko kung ano ang kaya nilang gawin.

"Dahil lang ba sa selos kung bakit ka nagkakaganito, Maya? Nababalutan na ng galit ang puso mo! Magising ka nga!" Sigaw ko.

Ngumisi si Maya. "Nagiging matapang ka, Irine. Sige nga. Tingnan natin kung ano ang kaya mo."

Kinuha niya ang sarili niyang sword at tyaka itinutok sa'kin. "Sugod."

Napakagat ako ng labi. Ito na ang pagkakataon para itest ang sarili kong kakayahan. Ilang linggo rin akong naghirap at napagod para matuto.

Ayokong mabigo sa pagkakataong ito.

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang pagkakahawak ko ng sword. Kumuha ako ng bwelo mula sa pagkakatayo at tumakbo sa direksyon kung saan siya naghihintay.

Nagtama ang mga hawak naming sword at nakagawa ng ingay sa battle ring. Tanging nagkikiskisan na tunog ng metal lamang ang naririnig ko sa lugar namin.

Ilang beses kong sinubukang puntiryahin ang braso niya pero palagi niya itong nasasangga.

"'Yan lang ba ang kaya mo?" Ngumisi si Maya. At nang tumingin ako sa mata niya, bigla akong napahinto at hindi na naman makagalaw.

Madaya.

Isang malakas na sipa ang natanggap ko mula sa kanya na tinamaan ang tiyan ko.

Nahagis ang katawan ko at natumba muli sa lupa. Umungol ako sa sakit na dulot ng pagkakasipa niya habang umuubo para maibsan ang sakit nito.

Halos hindi ako makahinga at namilipit sa sakit ng naramdaman kong impact ng pagkakasipa niya.

"Oh? Hindi mo ba inaasahan 'yon, Irine?"

Naramdaman ko nalang na nagkiskisan ang mga ngipin ko sa inis.

Asahan ko na dapat ang mga hindi magiging malinis ang paraan ng pakikipaglaban ni Maya. Nakikita ko palang siya, alam kong determinado siyang kitilin ang buhay ko. Gagawin niya ang lahat para mawala ako sa landas niya.

Tinungkod ko ang kamay ko para subukang makatayo pero nakaramdam ako ng presensya ni Maya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ako nagkamali dahil tumatakbo na si Maya sa direksyon ko habang nakatutok ang patalim ng sword niya na parang ibabaon sa katawan ko.

Kaagad akong umikot papalayo at saktong pagkaalis ko ay bumaon ang sword niya sa lupang kaninang pinaghihigaan ko. Mabilis kong kinuha ang nabitawan kong sword at tumayo para harapin siya.

Sa pagkakataong ito, sa noo niya ako nakatingin.

Kailangan kong umiwas sa mga mata niya. 'Yon ang dahilan kung bakit ako nahi-hypnotize.

"Oh? Bakit hindi ka makatingin sa mata ko? Takot ka ba?" Natatawang saad niya habang kinukuha ang sword niyang nabaon sa lupa.

"Ayoko lang makita ang nakakasuka mong mga mata, Maya," sambit ko.

Hinawakan kong muli nang mahigpit ang sword ko at naging alerto sa ikikilos ng kalaban ko.

"Nakakasuka? Ang lakas naman ng loob mong sabihin 'yan."

Umatras ako nang mabilis siyang tumakbo at sinimulan akong atakihin. Sinasangga ko ang bawat atakeng binibigay niya habang maingat na hindi magtama ang mga tingin namin.

Kung kaya niya akong kontrolin gamit ang mata niya, pwes kailangan ko na ring gamitin ang kapangyarihan ko.

Tinawag ko ang spirit kaya mabilis na lumabas ang puting usok sa braso ko na ikinagulat ni Maya. Umatras siya at napahinto.

"Anong problema? Ikaw na ba ang natatakot ngayon?" Pang-aasar ko.

Bigla siyang natauhan. "Sinong may sabi?"

Sumugod muli siya at inatake ako. Marahil gusto niya akong sugatan sa parteng malakas ang spirit ko.

Lumihis ako sa gilid at nagulat siya kaya kinuha ko ang pagkakataon para kunin ang braso niyang may hawak na sword. Pinilipit ko ito at itinama sa tiyan niya ang kanan kong tuhod.

Napaatras at namilipit sa sakit si Maya.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Gumapang nang mabilis ang baging mula sa puno na nasa likod ko at pinaluputan ang buo kong katawan.

Napasigaw ako nang hinigpitan ng mga baging ang pagkapulupot sa mga braso at leeg ko hanggang sa mabitawan ko ang sword.

Tila mga kadena ang nanakal sa'kin sa sobrang sakit. Hindi ako makahinga at nahihirapan na rin akong makapagsalita.

Katulad siya ni Cyndel. Napapagalaw ang mga puno!

Narinig kong tumawa si Maya. "Nakakatuwa kang pagmasdan. Pulang-pula na ang mga mata mo oh!"

Hindi ko pwedeng patagalin 'to. Nanghihina na ako.

Hinawakan ko ang mga baging na nakapulupot sa braso ko at hinila ang mga ito. Kaagad na naging yelo ang baging na nahawakan ko kaya hindi na ito makagalaw pa.

Kinuha ko ang pagkakataon para mahawakan ang baging na nasa leeg ko. Binuhos ko ang lakas ko para maputol ito.

Nang makawala ako, kinuha ko kaagad ang sword na nalaglag at pinutol ang natitira pang mga baging na napapagalaw niya.

Mabilis rin akong sumugod sa kinatatayuan ni Maya. Balak niyang tumakbo ngunit nabalutan ko ng yelo ang mga paa niya.

Bakas ang pagkagulat sa mukha niya lalo pa't mabilis kong sinugatan ang kanan niyang kamay dahilan upang mabitawan niya ang sword.

Mas pinakapal ko ang yelong nasa paanan niya kaya naman umakyat ito hanggang sa leeg niya. Ngayon, hindi na siya makagalaw.

"Tama na ang kalokohang ito, Maya." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Tumawa siya. "Tama na? Sumusuko ka kaagad? Ganyan ba ang itinuro ni Red sa'yo? Ang maawa at sumuko? Kaya pala hanggang ngayon, wala ka paring binatbat."

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Umiwas lamang ako ng tingin at hinintay na siya na mismo ang sumuko. Hindi na siya makakagalaw pa dahil matibay ang yelo na nagawa ko.

"Alam mo ba kung ano ang napapansin ko?" Tanong niya. Ngunit hindi ko kinayang tumingin sa kanya. Kailangan ko paring mag-ingat.

"Napapansin ko na ikaw ang kinakaawaan ni Red," dugtong niya.

Kumunot ang noo ko habang hinihintay siyang muling magsalita.

"Nakakatawa nga ang training niyo sa rooftop eh, pambata lang ang ginagawa niyo. Naaawa siya sa dami ng kahinaan mo. Ayaw ka niyang pinapahirapan dahil alam niyang hindi mo kaya ang mga ipapagawa niya!" Tumawa si Maya.

Kinuyom ko ang mga kamay ko hanggang makabuo ng kamao.

H'wag kang maniwala, Irine. Pinaglalaruan ka lang niya.

"Hindi totoo 'yan."

"Anong hindi totoo? Napapansin mo ba na madadali lang ang pinapagawa niya sa'yo? Bolang apoy? Mahihinang spells? Nakakasuka!"

Imbes na magalit, nabalutan ako ng pagtataka. Kanina ko pa napapansin na parang alam niya ang lahat ng kinikilos namin. Alam niya ang nangyari noong training? Pati ang pagtatabi namin ni Red ay nalaman niya.

"Nagtataka ka siguro kung bakit alam ko ang lahat." Ngumisi siya.

Muntikan na akong tumingin sa mata niya, mabuti nalang ay yumuko kaagad ako.

"Alam ko ang lahat dahil nakukwento ka ni Red sa'kin," usal niya.

Napakagat ako ng labi. Gusto ko siyang tingnan sa mata para makita ko kung totoo ang sinasabi niya.

"Nagsinungaling ako sa'yo noon na hindi ko siya nakakausap, Irine. Dahil ang totoo niyan, ako ang dating kasintahan ni Red na pinag-agawan nila Tristan noon."

Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang sarili kong napatingin.

Wrong move.

Hindi na naman ako makagalaw nang makita ko ang mga mata niya.

Tumawa si Maya habang pinagmamasdan akong parang walang buhay dahil hindi man lang gumagalaw.

"Nagulat ka ba? Hindi niya sinasabi ang totoo, hindi ba? Dahil ako parin ang mahal niya. Ngayon, tanggalin mo 'tong yelo!"

Mabilis na nalusaw ang yelo sa katawan niya kaya nakagalaw siya ng maayos. Kinuha niya ang sword na nahulog at lumapit sa kinatatayuan ko.

"Nagkatampuhan lang kami ni Red dahil mas pinili kong mahalin siya kaysa kay Tristan. Ayaw ni Red na masaktan ang kaibigan niya kaya gusto niyang magparaya pero hindi ko siya pinayagan. Dahil siya ang pinili ko," ani Maya.

Halos hindi ako makahinga sa mga naririnig ko. Meron pala talagang girlfriend si Red at pinag-agawan pa si Maya ng dalawang magkaibigan.

"Kaya nang makita kong umaaligid ka, isa lang ang tumatak sa isip ko, Irine. Ang tapusin ka dahil inaagaw mo si Red sa'kin!"

Malakas na sampal ang inabot ko kay Maya. Wala akong nagawa kundi mapaluha sa hapdi na naramdaman ko mula sa mabigat niyang kamay. 

Hindi pa siya nakuntento at hinablot ang buhok ko. Hinila niya ito patalikod hanggang sa maramdaman kong parang maaalis na ang mga buhok ko mula sa anit ko.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa 'kin. Pakiramdam ko, kaunti nalang at maaalis niya na ang buhok ko.

"Gilitan ko na kaya 'yang leeg mo?" Itinapat niya sa'kin ang sword niya.

Naramdaman ko ang malamig at matulis na bagay na nakadikit sa leeg ko.

Gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo pero kahit anong gawin ko hindi ako makagalaw. Tanging ang puso ko nalang ang nararamdaman kong gumagalaw.

Lalo pa akong kinabahan nang idiniin ni Maya ang sword hanggang sa maramdaman ko ang hapdi at likidong tumulo sa leeg ko.

Katapusan ko na ba?

"Paalam, Irine."

Hinintay kong ibaon na nang tuluyan ni Maya ang sword pero hindi ito nangyari. Kundi unti-unti siyang ngumiti at tumawa.

"Nakakatawa ang itsura mo ngayon. Ang saya pala talagang pahirapan ka!" Lumayo sa'kin si Maya at tinitigan ang leeg kong dumudugo.

"H'wag kang mag-alala, hindi ka pa mamamatay sa lagay na 'yan. Kung tutuusin, parang daplis nga lang ang nagawa ko. Alam mo kung bakit hindi ko tinuloy?"

Pinakita ni Maya ang ngiti niyang nakakapangilabot. "Dahil gusto kong pugutan ka ng ulo."

Pakiramdam ko, tumigil ang oras at tuluyan na akong hindi makahinga.

Hindi maaari 'to!

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong kahit kanino ngunit kahit mahinang tunog lang ay hindi ko pa mailabas. 

"Handa ka na ba, Irine?" Itinaas ni Maya ang sword niya at itinutok sa leeg ko.

Nakita ko kung paano siya kumuha ng bwelo at iwinasiwas ang sword sa direksyon ko.

Pero hindi natuloy nang biglang may isang dambuhalang halimaw ang sumugod kay Maya at dinaganan ito upang hindi na makagalaw pa.

"Anong klaseng halimaw ka?!" Narinig kong sigaw niya.

Kaagad akong nakawala sa kapangyarihan ni Maya at tuluyan akong napaupo sa sahig. Hinabol ko ang hininga kong parang tumigil nang ilang segundo.

Napahawak ako sa leeg kong nabasa ng dugo kaya nanginig muli ako nang mahawakan ang pamilyar na likido sa balat ko.

"Irine!" Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa malayo.

Kaagad ko siyang nakita na mabilis na tumatakbo papunta sa'kin. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay pinilit kong makatayo at salubungin siya ng yakap.

"Red, akala ko mamamatay na ako," usal ko habang nakasubsob sa dibdib niya.

Ginantihan niya ako ng mahigpit na yakap at hinagod ang likod ko.

Tila nabunutan ako ng tinik at gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang takot na naramdaman ko kanina. Tanging pamilyar at komportableng presenya lamang ang nararamdaman ko ngayon.

Biglang kumalas ng yakap si Red at tiningnan ang bawat parte ng katawan ko.

Humigpit ang hawak niya sa braso ko nang makita niya ang duguan kong leeg.

Huminga siya ng malalim na para bang pinapakalma niya ang sarili. Bigla niya akong binuhat at idinala sa gilid ng daan kung saan malayo sa puno ngunit may masasandalang malaking bato.

"Pumikit ka, medyo masakit 'to." Inilagay niya ang mainit niyang palad sa leeg kung saan ako napuruhan.

Kusa akong napapikit nang maramdaman ko ang init na nangmumula sa palad ni Red.

"Fiur hal," sambit niya.

Lalong tumindi ang init na naramdaman ko kaya napahawak ako sa laylayan ng damit niya. Tila napapaso ang leeg ko ng mainit na tubig ngunit nararamdaman ko ring nagsasara ang sugat.

Ilang saglit pa ay tinanggal ni Red ang kamay niya. Iminulat ko ang aking mga mata at nagulat nalang ako nang nakalabas na pala ang pula niyang kanang mata at ang red orange na usok sa braso niya.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa malaapoy na kulay ng mata niya. Hindi ito nakakatakot, bagkus nakakamangha pang pagmasdan.

Pareho kaming nagulat nang bigla kaming nakarinig ng isang nakakatakot na ungol mula sa likuran kaya napalingon kami kaagad. Nakita ko ang umiilaw at dambuhalang halimaw na nakikipaglaban na kay Maya.

"Magpahinga ka muna dito," aniya.

Pero bago siya umalis. Ikinulong niya muna ang mga pisngi ko sa palad niya at naramdaman ko nalang ang labi niya sa noo ko.

"Hintayin mo ako." Umalis si Red at iniwan akong nakatulala habang pinagtitiisan ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Palagi nalang akong nagkakaganito.

Nakita ko si Red na tumabi sa halimaw. Parang pamilyar nga siya sa'kin. Pinilit kong inalala kung saan ko ba nakita ang nilalang na 'yun pero wala akong matandaan.

Wala pa naman akong nakikitang halimaw na halos dalawang tao ang laki.

"Drax! Nasaan siya?" Sigaw ni Red na ikinagulat ko. Hinanap ko si Fiery sa paligid pero wala akong nakita. Nakatingin lang naman si Red sa halimaw.

Drax?

Halos mapanganga ako nang mapagtanto ko ang nangyayari. Kaya pala pamilyar ang halimaw dahil lumiliyab ang balahibo niya na parang apoy.

Kamukha niya si Fiery. Dambuhalang version ni Fiery!

"Hindi ka pwedeng makealam dito!" Pagalit na sigaw ni Maya habang nakatingin kay Red.

Ngunit ang pinagtaka ko, hindi man lang nakatingin si Red kung saan nakapwesto si Maya.

"Drax, ikaw na ang bahala."

Sumugod si Fiery kay Maya na ikinagulat naman nito. Umilag si Maya sa bawat atake ni Fiery at sinubukang puruhan gamit ang sword niya. Pero masyadong malaki si Fiery, hindi ito kinakaya ni Maya.

Hinampas ni Fiery si Maya gamit ang paa niya kaya nahagis ang katawan nito palayo.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Maya na siya ang dating girlfriend ni Red. Pero bakit? Bakit wala siyang awa na utusan si Fiery na kalabanin si Maya?

Hindi kaya nagsisinungaling lang si Maya at sinusubukan niya akong paglaruan? Paglaruan ang isip ko?

"Ah!" Dumaing ako nang sumakit ang ulo ko.

'Tulungan mo ako,' bulong ni Maya. Paanong? Paano ko siya naririnig?

Ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang ang sarili kong tumayo at naglakad papunta kay Red kahit nanghihina. May kung anong pwersa ang nag-udyok para sundin ko si Maya.

Irine, h'wag. Pinilit kong hindi ituloy ang gustong mangyari ni Maya pero hindi ko mapigilan ng aking sarili.

"Red, patigilin mo si Fiery," wika ko at hinablot ang braso niya.

Takte. Bakit sinabi mo 'yon, Irine?!

Nagtaka si Red sa inasal ko. "Hindi pwede, habang nabubuhay siya makokontrol ka parin niya."

"Pero girlfriend mo siya! Ayokong dahil sa'kin papatayin mo ang isa sa mga nagmamahal sa'yo."

"Ano bang sinasabi mo? Irine, nasa loob ka parin ba ng kapangyarihan niya?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Tinitigan niya ang mga mata ko na para bang may hinahanap at bumakas ang galit sa mukha ni Red.

"Nasa ilalim ka pa ng kapangyarihan niya, Irine."

Umiling ako. Pero hindi ko makakayang makita na si Red mismo ang pumatay kay Maya. Lalo na't nalaman ko pang may namamagitan sa kanila.

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa balikat.

"Pero siya ang mahal mo," wika ko.

Nabalutan ng katahimikan ang paligid namin.

Minasahe ni Red ang noo niya. "H'wag kang magpapaniwala sa mga sinabi niy. Isa siyang nymph at ang kapangyarihan niya ay ang kontrolin ang isipan ng kalaban niya. Hindi ko siya kilala, gumising ka sa katotohanan."

Ikinulong ko ang buong mukha ko gamit ang aking palad. Naguguluhan na talaga ako! Pero ang sabi ni Maya ay naging sila. Alam din ni Maya ang mga nangyayari sa buhay ko kasama si Red.

Paano niya malalaman ang lahat ng 'yon kung walang nagsasabi sa kanya?

Paano?!

"Irine, huminahon ka at ako ang paniwalaan mo," wika niya.

Naramdaman kong muli ang mga kamay niya na nasa balikat ko. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng palad ko sa mukha at tiningnan si Red.

Kahit na anong gawin ko. Kahit pilitin kong maniwala kay Red, hindi ko parin maiwasang maguluhan. Maraming mga tanong ang gusto kong masagutan. Pati ang sarili ko ay hindi ko na rin maintindihan! Gusto kong paniwalaan si Red pero iba ang sinasabi ng isip ko.

Ano ang sinasabi ni Maya? May kakayahan nga siyang kontrolin ang galaw ko pero wala siyang kakayahan na makita ang mga nangyayari sa ibang lugar! Paano niya malalaman ang lahat ng nangyari?!

"Nagsisinungaling siya sa'yo, Irine. Labanan mo ang kapangyarihan niyang nasa loob ng katawan mo. H'wag kang magpapadala sa emosyon na mayroon ka, kasinungalingan ang lahat ng 'yan."

Huminga ako ng malalim at tinandaan ang mga sinasabi ni Red. Sa kanya dapat ako maniwala. Tama, siya lang ang dapat kong pagkatiwalaan.

Kumuyom ang kamao ko. Simula palang pala, nahulog na ako sa bitag ni Maya. Simula palang, ako ang nagpapaloko sa kanya.

"Tulungan mo akong sabihin kung nasaan siya. Ikaw lang ang nakakakita sa kanya dahil ikaw ang napili niyang biktima," wika ni Red.

Tumango ako. "Sige. Tutulungan kita."

Bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw na nakita ko si Maya na tumatakbo sa direksyon namin habang hawak ang sword niya.

"Walang hiya kayo!" Nagulat ako nang si Red ang gusto niyang atakihin.

"Red, sa likod mo!" Naalerto si Red at humarap kung nasaan si Maya.

Nadaplisan si Red sa kanyang tagiliran kaya nalaman niya kung nasaan si Maya. Ginamit niya ang pagkakataon para mabitawan ni Maya ang sword. Siniko ni Red ang braso ni Maya, pinilipit ito at tyaka niya sinipa.

Narinig ko kung paano dumaing si Maya sa sakit at ang mga hikbi niya habang nakaupo sa lupa.

"Red, paano mo nagawa sa'kin 'to? Pati ba ako, itatanggi mo na sa kanya? Bakit?!" Pagalit na sigaw niya.

Halos maawa na ako sa kalagayan ni Maya ngayon.

"Minahal kita ng wagas. Ang sabi mo, mahal mo rin ako at kapag natapos ang trabaho mo sa babaeng 'yan, babalikan mo 'ko! Tapos maririnig ko nalang na itinatanggi mo na ang relasyon nating dalawa sa kanya? Anong klaseng lalake ka!" Halos mapiyok si Maya sa sobrang galit na nararamdaman niya.

Naguguluhan na talaga ako. Sino ba ang nagsasabi ng totoo?

"Irine," sambit niya sa pangalan ko pero hindi ako tumingin. "Alam ko na nabalutan lang ako ng galit pero nagmamahal lang ako! Mahal ko si Red kaya nagawa ko 'to. Sa nakikita ko ngayon, ikaw ang nakakaawa dahil nagpapaniwala ka sa mga kasinungalingan niya! Ikaw ang dapat magising, Irine."

"Tumigil ka na, Maya," usal ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kung sino ang paniniwalaan ko!

"Anong nangyayari, Irine?" Tanong ni Red pero umiling lamang ako bilang sagot. Mukhang hindi niya rin naririnig ang pinag-uusapan namin.

"Ayos lang kung hindi ka maniwala. 'Yun naman ang sinabi niya sa'yo diba? Na dapat h'wag akong paniwalaan? Dahil ikaw na mismo ang nakukulong sa bitag ni Red! Hindi mo siya kilala. Alam mo ba kung ano ang totoong sinapit ng kapatid niya? Ha?!"

Muntikan na akong mapatingin. Hindi. Hindi totoo ang mga sinasabi niya. Ayokong maniwala.

Pero sa naririnig ko sa boses ni Maya, puno ito ng sinseridad kaya lalong gumulo ang isip ko kung sino ba ang dapat kong paniwalaan!

"Ayaw nilang sabihin ang totoo dahil iniiwasan nilang h'wag makulong si Red, Irine. Dahil ang totoo, pinatay ni Red ang kapatid niya. Siya mismo ang pumatay kay Meisha!"

Sa pagkakatong 'to, hindi ko na napigilang mapatingin kay Maya. Ngunit nagulat ako nang nakakagalaw parin ako nang malaya kahit na nagtama ang mga tingin namin.

Nakikita ko ang poot at lungkot sa mga mata ni Maya. Bakit? Bakit hindi niya ako kinikontrol? Nakakagalaw parin ako at hindi niya tinangkang kontrolin muli ako.

"Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba? Gusto kong itama ang pagkakamali ko at isiwalat ang kasinungalingang sinasabi ng lalakeng 'yan! Sawa na ako sa pananakit niya! Sawa na akong magmahal ng walang kwentang lalake!"

Tumayo si Maya. Bumuhos muli sa mga mata niya ang mga luhang kanina pang bumabadyang lumabas.

"Irine, sorry. Patawad kung tinangka kitang patayin. Nabulag lang ako ng pagmamahal ko sa kanya at ayokong maranasan mo rin ang sinapit ko kay Red. Ako ang tutulong sa'yo Irine. Tutulungan kita," wika niya.

Hindi ko alam kung nasa ilalim pa ako ng kapangyarihan ni Maya. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko.

Totoo ba ang sinasabi niya? Totoo ba?!

Tumingin ako kay Red na puno na rin ng pagtataka. Inutusan niyang h'wag nang sumugod si Fiery dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Maniwala ka sa 'kin, Irine." Tinitigan ni Maya ang aking mga mata. Base sa ekspresyon ni Maya, nagsasabi niya ng totoo sa'kin.

~*~

Продолжить чтение

Вам также понравится

16.7K 600 56
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
98.5K 3.5K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
Class Zero Reynald

Фэнтези

7.2M 433K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
3M 154K 81
Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She's a daredevil, blunt, and feisty woman...