The Bully and the Beast

By sinagtala

178K 7.2K 1.2K

Tumahimik ang buhay ni Car noong tumuntong siya sa college. Akala niya mature na tao na ang mga makakasalamu... More

The Bully and the Beast
Everybody's Fool
The Rise of Gabriela
Boobies
Blackmail Baby
Pototoy Scandal
Then Came the Birds
Sorry daw
Going Under
Pedobear
Wasak
Sorry Uli
Creep
@ssHole
Drunken Donuts
Morning After
Unli
Truce
Clarity
Eyes on You
Challenge
Ice Scream
Rain Rain Go Away
Stalk
Change is Coming
Black Swan
Mwah, Mwah. Tsup, tsup.
Abangerz
Tayo
Lalaland
Chance
Alamat ng Magic Kasoy
Push
Cake
His
Hers
Mama's Boy
The Gift
Langit
Taning
Paglimot
Biglaan
Advice ni Ate
Duda
Cubicle
Huli
Scandal
Eng Sekhet Sekhet Bes
Nagmahal, Nasaktan, Nagredhorse
Isa, Dalawa, Tatlo
Resbak
Baliw
One Last Time
Panghihinayang
Leo
Saklap
Baby
Bitaw
Circumtances
Takbo, Leo. Takbo
Director's Cut
A Cliche Ending to a Totally Cliche Love Story
The Very Late Epilogue
Pasasalamat

Girlfriend Experience

2.5K 122 26
By sinagtala

"Nasaan si Leo?"

Tanong ni Car sa matangkad at patpating lalaking nasa harapan niya ngayon. Hinarang siya nito papaakyat sa hagdan para ibigay ang mga photocopied papers na inutos niya kay Leo kanina.

"Ah..kasi..po." Nahihiyang sagot nito. Mukha pa itong hirap na hirap dahil sa bigat ng dala. Hindi niya iyon kinuha kahit inaabot na sa kanya. 

"Ano?" Humalukipkip siya.

"Inutusan lang akong ihatid to.. ni Leo..may lak--"

"Ibalik mo yan sa kanya." Sabi  niya.

Napalunok lang ang lalaki. Namumukaan niya ito sa totoo lang.

Jonhson Micheals

18, BS Ed. Freshman.

Taga Subic, FilAm. Suportado ng isang foundation na tumutulong sa mga Amerasians na iniwan na ng mga ama.  Alam niya, dahil doon, full scholar ito. Ito rin yung assistant doon sa xerox-an.

 Kaya siguro takot sa gulo at sinusunod nalang si Leo.  

"Ah...miss kunin mo na. Lagot ako pag di ko naibigay sayo sa oras. Baka tanggalin din ako sa team." 

Umirap siya. Basketball team. Bagong pasok din nga pala ito doon.

"Di mo ako nadinig? Gusto ko siya ang magdala. Sabihin mo yon sa kanya."

Tumango ito naglakad papalayo bitbit ang mga papel. Alam niyang mabigat yon pero hindi pwede ito ang  gumawa ng mga pinapatrabaho niya sa lalaking yon.

Iiling-iling siyang umakyat ng hagdan.

Ito ang mahirap dito sa school nila. Mahal ng tuition pero di man lang mapagawaan ng elevator ang building. Sakit tuloy sa binti kapag umaakyat siya. Lalo na pag nagmamadali.

Inilabas niya ang cellphone niya at nag-text kay Leo.

'5th floor. Dr. Antonio Bldg. Room 504. Kapag d ka pumunta within 5 mins. Lagot ka sakin!!!!!!'

Huminga siya nang malalim at pumasok na sa room. Hindi pa halos kumpleto ang mga estudyante doon. Lilima lang yata sila. Yung iba busy sa phone, yung iba tulog.

Tipikal. First subject ng karamihan.

Naupo siya sa tabi ni Mary. Maliban sa kanya at kay Charize, ito lang ang babaeng estudyante sa subject na ito. 

At mukhang mala-late ang kaibigan niya dahil busy ito sa mga activities ng org nila. Malapit na nga pala yung Foundation Day, ngayon lang niya naalala. Hindi niya tuloy makausap nang matagal.

"Huy, problema mo?" sita niya kay Mary. Nakayukyok ito sa desk at natatabunan ng malagong buhok ang mukha.

Wala naman siyang pakialam dapat. Kaso disturbing, kamuka na ni Sadako. Lalo na noong unti-unti itong umupo ng diretso at humarap sa kanya. 

Nagtayuan ang balihibo niya. Halloween special ba?

"Carmelita.." anito. Paos pa ang boses. Kala mo galing sa ilalim ng lupa. Baka bigla siyang hilahin at isama sa libingan.

"O-Okay ka lang?" Tanong niya.

"Kayo na ni Tone... Girlfriend ka na niya. Nakita ko yung scandal niyo." Hindi niya malaman kung umiiyak ba ito o nanakot.

 Napangiwi siya. Creepy talaga.  

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Naalala niya. Yung picture. Yung sa kanila ni Regado. Tinakedown na yon, mga ilang minuto pagtapos maupload. Yun mismong admin ng page ang nagpost na hackdaw sila.

Pero scandal? Wala pa nga yon sa kalingkingan ng mga pinagagagwa niya para masabing scandal.

"Wala na akong pag-asa...inagaw mo na siya. Magbaba--"

"Ang adik mo!" Sabi niya kay Mary. Natatawa na siya sa totoo lang. Yun lang pala ang pinagmukmok nito. "Hindi yon totoo."

"Hindi?" Ulit nito sabay hawi ng buhok. Nadikit pa ng ilang hibla noon sa mamantikang mukha. "Hindi talaga?"

"Oo nga," sagot niya. "Absent daw siya ngayon kaya hinatid nalang yung bag ko kagabi. Naiwan ko sa kanya kasama nung ID ko. Buti nga eh. Kundi, di din ako makakapasok ngayon."

"Alam kong di siya papasok. May gig daw sila ngayon. Tutugtog daw sila sa Bulacan. Inimbitahan ni Mayor Dimaguiba doon." Sabi nito.

"Alam mo pala eh." Sagot naman niya.

"Pero ba't kayo naghahalikan ni Tone?" tanong uli ni Mary. "Di ba talaga kayo?"

"Hindi nga sabi eh!" Sigaw niya. Napalakas yata at napaatras ang kausap. 

Huminga siya nang malalim bago magsalita uli. "Di ko alam kung sino kumuha ng picture na yon. Maling angulo lang kaya mukhang ganoon."

"Hala. Di kaya stalker ni Tone?" tanong nito. "Ay imposible yon. Ako lang ang stalker niya!"

Kumunot ang noo niya. Self-proclaimed talaga?

Ngumiti si Mary. Nagwiggle pa ang gahigad na kilay.

Ew. Seryoso. Ayaw ba talagang i-trim? 

"Baka stalker mo Car? Mukhang taga-school kasi nilagay pa niya sa page natin. Saka alam yung bahay mo. Malay mo, close sayo yon." Sabi nito.

Alam na niya ang mga posibilidad na yon. Gumagawa na siya ng sarili niyang imbistigasyon kung sino ang may pakana. Humingi na rin siya ng mga tulong para mapabilis ang lahat.

Hindi lang alam kung ano talaga ang motibo.

Sandali?  Yung sinabi kanina ni Mary. Yung gig nila Regado.

Black Rose. Bulacan. Hmm.

Umupo na siya ng maayos sa silya. Taga Bulacan si Buddy. Anak ng mayor doon. Ta's Black Rose pa pangalan nung banda nila Regado. Andun din ito noong gabing nalasing siya.

Umiling siya. Bakit ko ba naiisip bigla ang adik na yon na may koneksyon sa mga nangyari.

"Anong ginagawa niyan dito?" Nadinig niyang tanong nang isang ka-klase nilang lalaking nandoon.

Napalingon siya sa may pinto. Si Leo. Dala nito yung mga papel na bitbit kanina noong Johnson.

"Buti naman." Tumayo siya kinauupuan nang lumapit ito.

"Car. Here." Sabi nito habang hinihingal. Pagod na pagod. Pawis na pawis. Halatang nagmadali. Limang floor ba naman ang itinakbo.

"Late ka." Kinuha niya ang ilang bitbit nito at nilapag sa isang bakanteng silya. Kasing kapal iyon ng tatlong ream ng bond paper. Mahirap talagang umakyat dahil mabigat.

"Ta's nag-utos ka pa talaga ng iba? Di ba sabi ko sayo ikaw ang magdala?"

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. "But--"

"May ipapagawa pa ako sayo." Tumalikod nalang siya at bumalik sa silya. Wala siyang pakialam sa paliwanag nito. 

Kinuha niya ang bag at hinugot ang isang booklet doon at ilang pirasong papel. Inabot niya iyon kay Leo. "Ito. Sagutan mo yan. Kailangan ko yan bukas ng umaga. Kailangan tama lahat ha."

"Hah?" Tanong naman nito na mukhang naguguluhan. Ngumiwi pa nito ng mabasa ang nasa papel.

Trigonometry. 

Leche. 

Sa totoo lang ilang araw na niyang inaaral pero wala talaga siyang maintindihan. Naibagsak na niya ng ilang quizzes, nawawalan na siya nang pag-asa. 

Bahala na. Kahit maka-tres man lang. 

Ayaw na niyang ma-stress. Kaya si Leo nalang bibigyan niya ng stress.

"Got it." Sabi nito. 

Eh. Got it daw? Agad? Confident?

Nagpunas ito nang pawis sa noo. Tagaktak na talaga. Bakat tuloy yung maskels sa basang t-shirt. 

Bakat yung abs.

Ay shit. Bakit ko tinitingnan? 

"Tss. Tumalikod ka." Utos niya dito.

"What?"

"Basta gawin mo nalang." Kumuha siya bimpo sa bag. Yung goodmorning towel pa na kulay puti. Mabilis niya iyong nilagay sa likod ni Leo nang tumalikod ito sa kanya. Kusa pa niyang nilalay ang mahabang dulo noon sa bandang leeg para mapansin talaga. 

"What the--Car?" Kunot noo itong humarap sa kanya. Pinakikiramdaman pa ng kamay ang nilagay niya sa likod nito.

"Subukan mong alisin, malalagot ka," sabi niya dito. "Wag na wag mong tatanggalin yan."

"This is stup--"

"Stupid kamo?" Ngumiti siya. Yung ngiting pa-cute. Sabi mo gagawin mo ang lahat di ba?

Nakita niya ang pamumula nito. Naiinis na siguro. 

Yun naman talaga ang goal niya. Ang magmukhang tanga ito.

"Alis na, dadating na yung prof namin"

Wala itong nagawa kundi lumabas ng room. Kuyom pa ang kamao habang nagswa-sway yung bimpo nito sa likod.

Ngumisi siya. Maliit na bagay pa lang yon. Nag-iisip pa nga siya kung paano niya paglalaruan ito.

Walang truce. Hindi pa tumutupad si Leo sa usapan nila.

"Car. Naniniwala na ako," biglang sabat ni Mary. All this time nanood pala ito sa kanila ni Leo. Nakanguso pa ito.

"Hindi magiging kayo ni Tone kasi girlfriend ka na ni Leo."

Girlfriend?

Tumawa nalang siya nang malakas.




Continue Reading

You'll Also Like

3M 83.4K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
1.6K 218 17
|C O M P L E T E D| How can people be so ironic? They say it's meaningless, that it's just a waste of effort and yet, they find themselves silently w...
1.1K 133 93
Sweet, innocent, intellegent beautiful girl, that's what everyone usually thinks of that girl, zearillian liancross is the only child and because she...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...